webnovel

Fall of Demon

ファンタジー
連載中 · 29K ビュー
  • 6 章
    コンテンツ
  • レビュー結果
  • N/A
    応援
概要

Minute Raphael Mendoza, isang simpleng college girl. Masayahin sya sa lahat ng bagay. Lagi syang nakangiti sa lahat ng kanyang mga nakakasalamuha. Isa syang babae na tinatawanan lang ang mga problema. Lucifer, ang anak ni Satan. Sya ang prinsipe ng mga demonyo. Mapaglaro at wala syang awa na pumapatay ng mga demonyo na sumasaway sa mga utos nya,kundi naman pumapatay lang sya dahil sa gusto nya. Dahil sa galit ng ibang mga demonyo. Gumawa sila ng plano para mawala si Lucifer. Sa tulong ng witch nahuli nila si Lucifer at Hinagis sa isang bilog na portal. Isang daanan na papunta sa planeta ng mga tao. ang Earth.

タグ
3 タグ
Chapter 1Chapitre 1

"Bili na kayo ng Ice candy! Ice candy na singlamig ng relasyon nyo! bili na" Sinamaan ko ng tingin ang tindera ng Ice cream grabe naman sya,hindi ba nya alam na nakakasakit na sya? Huminga ako ng malalim,Ngiti lang Minute, dapat puro happy thoughts lang.Kumuha ako ng dalawang piraso ng stick-o sa bag at kinain yun. Agad namang gumaan ang loob ko kayat nagpatuloy nako sa paglalakad.

Tinignan ko ang oras sa aking phone"Naku late na pala ako" taranta kong sabi habang nagpapadyak.

Tumakbo ako ng mabilis sa sakayan at nakipag unahan sumakay sa jeep. "Tabi lang po dadaan po ang dyosa"paulit ulit kong sabi habang nakikipagsiksikan. Pansin kong naiinis na sa akin yung ibang kasabay ko pero nginitian ko lang sila.

9:00 am akong nakadating sa eskwelahan at 30 minutes na akong late sa subject kong Physics for Engineers ,panigurado lagot nanaman ako nito kay Maam Ursula.

"MINUTE RAPHAEL MENDOZA YOURE LATE AGAIN!! GET OUT!!! " napakamot nalang ako ng ulo habang nakangiting nag sorry kay Ma'am bago lumabas ng room. Grabe talaga si Ma'am Alvinah, Ursula talaga kung magalit. Wala atang araw na hindi nya ako napapagalitan. Kahit 5 minutes lang akong late sa klase nya sinersermonan parin ako. Sya nga nalate ng 1hour di ko naman sya pinagalitan tsk. So unfair.

1 hour pa bago matapos ang klase ni Ma'am so magrereview nalang ako sa History .Meron nanaman kasi kaming short quiz dun. Di ko alam kung short quiz na maitatawag yun eh 1-100 items sya. Nilabas ko ang History book ko at nagsimula ng magkabisa.

---

"Bakit ganun?? 15 lang nakuha ko sa History?? "halos maiyak na sabi ng Kaibigan kong bakla na si Sugar. Inaalo alo ko naman sya at sinabing ok lang bumagsak.

"Naku Minute ikaw 5 points lang nakuha mo pero masaya ka parin?? baliw kaba? "Nagkibit balikat ako

"Ano kaba pag umiyak ba ako at nagdrama magbabago ba score ko? "natahimik naman sya sa sinabi ko kaya ngumiti ako habang ginugulo buhok nya

"Beks may mga pagkakataon na babagsak talaga tayo kaya dapat maging malakas ka at dalin mo ang mga natutunan mo sa pagbagsak mong iyon"

"Ay galing mo talaga bestie hahahah kaya ang tataas ng grade mo eh." puri ni Honey sa akin.

Ang babaeng kakambal ni Sugar na Kaibigan ko rin. Silang dalawa lang ang kaibigan ko ngaung 1st year at hiling ko na sanay madagdagan pa.

--

"Babye Bestie ingat sa paguwi! "

"Bye bakla"

kinawayan ko ang kambal at sumakay na sa jeep. Habang nasa kalagitnaan ng byahe nagulat nalang ako ng biglang lumiko liko ang jeep

"NAWALAN TAYO NG PRENO"sigaw ng driver.Napaawang ang aking labi at nanginginig na sa pwedeng mangyari sa aming mga nakasakay. Nagtitili at nagsisigaw ang mga kasama ko. Samantalang ako niyakap ko lang ang bag ako at pumikit.

Hanggang sa narinig ko ang malakas na pagbunggo at naramdaman ko nalang na tumalsik ako.Minulat ko ang aking mata nakita kong ang jeep na sinakyan ko ay halos nadurog na ng truck na bumangga samin. Nanghihina akong tumayo. Ramdam ko ang hilo at panglalabo ng aking paningin.Napahawak ako sa aking Noo ramdam kong basang basa iyon,pagtingin ko dugo. Dahan dahan akong naglakad ngunit wala pang limang hakbang bumagsak ako sa semento. Napaigik ako sa sakit at napaubo. Napaiyak nalang ako. Mamatay na ba ako? Siguro sinusundo na ako ng panginoon. Napangiti ako makakasama ko na sila mama.

Pipikit na sana ako ng may naaninag akong paa ng tao sa harap ko.

"Ka awa awang nilalang, nakakatuwa ka, mamamatay kana" di ko marinig ang kanyang sinasabi,kayat Inangat ko ang ulo ko at tinitigan ang taong nasa harap ko. Nakangisi sya sa akin agad kong napansin ang kanyang pulang mga mata. Inabot ko ang kanyang kamay at sinabing"Tulungan mo ako"bago paman ako kinain ng kadiliman.

あなたも好きかも

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · ファンタジー
レビュー数が足りません
24 Chs