webnovel

♥ CHAPTER 10 ♥

Carson's POV

"At saan ka galing?" pagkapasok ko  palang sa pintuan, siya na agad ang nasa harapan ko.

Medyo masakit ang ulo ko at gusto ko ng magpahinga pero kailangan ko muna siyang kausapin.

D*mn.

Lalapitan ko sana siya pero nilayuan niya ako. Halata sa mukha niyang galit siya sa akin.

"Nagbibisyo ka nanaman!" galit niyang sabi.

Hindi na lang ako kumibo lalo na't hindi ako nakapag-paalam sa kanya kanina dahil wala naman siya.

"Hindi mo man lang ako sinabihan na pupunta ka sa club" mataray niyang sabi.

"I couldn't find you that's why umalis na ako" I said to her.

I was about to hold her hand pero nilayuan niya ako ulit.

"Tignan mo nga ang sarili mo Carson. Dahil sa pagbibisyo mo mawawalan ka ng control sa mga members mo. Paano kung makita ka nilang ganito?! Hindi ka ba nahihiya?!" galit niyang sabi.

It's starting again. Pagsasabihan niya nanaman ako about sa Blood Rebels.

Kahit gusto kong sabihin ang sama ng loob ko sa kanya, hindi ko masabi dahil ayaw kong magalit siya baka iwan niya ako.

"Iisipin muna lang ba palagi ang Blood Rebels? Lagi na lang ang pagiging leader ko ang iniisip mo pero hindi ang kagustuhan ko" kahit masakit ang ulo, pinilit ko pa rin na kumalma dahil baka masaktan ko siya and I don't want to hurt her.

I'm afraid that one day baka masaktan ko siya or masigawan. Lagi niyang iniisip ang Blood Rebels but not me. She always think about me as a leader but not the real me.

Ito lang ang paulit-ulit na pumapasok sa utak ko kaya nagbibisyo ako, dahil gusto kong makalimutan siya, pero hindi ko kaya.

Because I really really love her.

Kasalanan ko naman kung bakit galit nanaman siya sa akin dahil hindi ako nakapag-paalam.

"Next time, sasabihin ko muna sa'yo bago ako pumunta doon" I said with a low voice.

"Noo!" sambit niya.

I looked at her directly and she did the same to me, "What do you mean?" I asked.

"Don't ever go there again!" she said.

No! That club is the only place kung saan ako natatahimik at nakakapag-isip.

"You can't do that to me? You love me right?" I said sarcastically. Tumingin siya sa akin at mataray ang mga mata niya.

"If you really love me, promise me na hindi ka na magbibisyo at pupunta sa club na 'yon?" she said seriously.

WTF!! She's so serious about that matter!

I thought she was just kidding.

Tahimik ako for a few seconds para mag-isip.

Pero sa huli, what can I do? I love her.

"I promise" sabi ko ng dahan-dahan. Yumuko na lang ako at hindi na siya tinignan.

Kahit labag sa loob ko na iwasan ang lugar kung saan nakakalimutan ko ang problema ko about her. I still promise not to go there anymore. I think it's just right, many times na kaming nag-aaway about sa pagiging mabisyo ko.

Then I was about to kiss her but she rejected it.

She looked at me with her burning eyes,

"Usapan sa campus ang Blood Rebels. Nananahimik daw kayo. You should fix that matter" sabi niya.

I stopped torturing them since sabi sa akin ni Roxanne itigil ko na ang pagpapahirap sa mga estudyante.

"I just did like you said" yumuko na lang ulit ako at hindi siya tinignan.

"But I did not say na huwag kayong magparamdam sa kanila!"

Eto nanaman. Galit nanaman siya. Hindi ko alam kung saan ako lulugar, lagi nalang akong mali sa paningin niya, lahat naman ng gusto niya sinusunod ko.

How long do I need to endure this sh*t?!

Lagi ko naman siyang pinapakinggan, pinagbibigyan ko lahat ng kahilingan niya and I also let her control my own group.

Because she stopped me from entering that club, wala na akong magagawa kung hindi ibalik ang dating nakasanayan.

"I'll just check Redblades sa dorm nila. You too, be a good leader" wika niya. Gano'n pa rin ang mga mata niya kaya alam kong galit pa rin siya.

Tumango na lang ako bago siya umalis.

I went to my members na nasa kabilang room, when they saw me, nanahimik lahat sila at nagsiupo.

"Boss, kamusta ka na?" salubong sa akin ni Dave, my only friend here in Prison School, member ko din siya kaya lalo kaming naging close.

Ngumiti ako at tumingin sa kanya, "I promised her not to go the club anymore"

Tumawa siya at tumingin sa akin ng seryoso,

"Hindi ka nanaman ba nagpaalam sa kanya kaya nagalit siya sa'yo?"

"Yes" I said directly.

Tumawa lang siya dahil alam niya na ang club na 'yon ang lagi naming pinag-aawayan ni Roxanne.

"You really want to forget her kaya ka pumupunta sa club d'ba?" tanong ni Dave.

Tumingin ako sa kanya,

"Oo. Pero wala pa ring pinagbago, mahal ko pa rin siya"

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako, pero nanatili pa rin akong nakatingin sa table ko.

"Wala bang nakasungkit ng puso mo doon sa club?" tanong niya.

Napatawa na lang ako sa sinabi niya.

"Wala. She's so hard to forget" sambit ko.

Tinignan ko si Dave at unti-unting nawala ang pagiging masaya niya. Tumingin siya sa akin na parang nag-aalala.

Parang may gusto siyang sabihin or itanong.

"Is there something wrong, Dave?" I asked towards him.

Nanahimik muna siya ng ilang minuto bago tumingin sa akin,

"May itatanong sana ako sa'yo. But don't ever think na gusto kong sirain ang relasyon niyo ni Roxanne. I don't want to offend you kaya sasabihin ko sa'yo in a nice way I can" seryoso niyang sinasabi 'yon kaya I think should listen to him.

"Sure. Go on" saad ko.

"I know you really love Roxanne. Pero masyado ka naman atang nagpapakababa para sa kanya. Kahit anong hilingin niya binibigay mo, you're even letting her to control you and Blood Rebels. You are even willing to sacrifice Blood Rebels just for her" mahina niyang sabi.

Nanatili lang akong kalmado sa kinauupuan ko at alam kong concern lang si Dave kaya niya sinasabi 'to.

"I know. Nagpakababa ako para sa kanya... because I love her" mahina kong sagot.

"I'm just saying this dahil ang mga member mo, nagbabalak umalis sa grupo natin? Ang mga estudyante nga, sometimes pinagtatawanan na lang tayo" habang sinasabi ni Dave 'yon hinihinaan niya ang boses niya to reassure na walang makakarinig.

Nabigla ako dahil I did not expect na ganito na pala ang tingin sa amin ng PS.

Mababa, basura, inaapak-apakan, nilalait at higit sa lahat pinagtatawanan. Bumabalik ang nakaraan.

"Sa pagsunod mo kay Roxanne nawawalan ka na ng kapangyarihan. Gusto mo bang maranasan ulit ang naranasan niyo noon?" he said.

Naiintindihan ko siya kaya hindi ko siya masisisi kung bakit niya ako sinasabihan ng mga ganitong bagay. Dahil siya ang nakakita ng paghihirap ko noon.

Nakalimutan kong may mga members pa pala ako at may Blood Rebels, dahil magmula noong sinagot ako ni Roxanne, I made her my world.

"Susubukan kong ibalik ang dating Blood Rebels, don't worry. Hindi tayo babagsak. I can't lose Roxanne.. But I can't also lose my own group" sambit ko.

I'm so glad na sinabi niya 'yon sa akin. I know now what to do.

"Dave. Thank you for letting me know" sambit ko.

"Concern lang ako sa kaibigan ko. Pero huwag kang mag-alala, sa bawat sugat, may gamot" sabi niya sa akin bago siya tumayo.

"What do you mean?" kumunot ang noo ko.

Ngumiti lang siya at iniwanan na ako.

☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸

Syden's POV

Nagising ako sa maingay na huni ng mga ibon at dahil sa liwanag na nanggagaling sa araw. Binuksan ko ang mga mata ko at bumangon. Tumingin ako sa paligid dahil nasa isang lugar ako na hindi pamilyar sa akin. Inalis ko ang kumot ko para tumayo na sana. Pero nakita ko ang mga sugat ko kaya dito nabaling ang atensyon ko. Maayos ang suot kong damit at hindi na rin ako duguan. Someone cured me dahil nakatakip ang mga sugat ko.

"Are you feeling well?" habang tinitignan ko ang mga sugat ko nabigla ako sa kanya.

Nakasandal siya sa may pintuan at nakayuko. Hindi ako kumibo at nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o kung anuman.

"N-nasaan ako?" tanong ko sa kanya. Medyo nanginginig pa ang boses ko dahil hindi ko maiwasan na katakutan siya.

"Sa dorm ng Phantom Sinners" sagot niya.

Nabigla ako kaya tumingin ako sa paligid para makahanap ng pwedeng labasan para tumakas. At mukhang nahalata niya ako kaya lumapit siya sa akin.

"Pwede bang kumalma ka?" tanong niya.

Paano naman akong kakalma sa ganitong lugar? At paano ako kakalma kung nasa harapan ko siya? Baka kung ano nanamang pagpapahirap ang gawin nila sa akin.

"Huwag kang mag-alala. You won't be tortured since member kita at inaalagaan ko ang member ko" seryoso niyang sabi.

Ngumisi ako at tinignan siya,

"Pagkatapos mong pahirapan aalagaan mo?" sarcastic kong tanong.

"Pwede ba manahimik ka?" saad niya.

Hindi ko na lang siya tinignan at nanahimik na ako dahil baka putulan niya ako ng dila.

"Member na kita at dapat kang sumunod sa lahat ng sasabihin ko. Hindi ka pwedeng kumontra o sabihin sa akin kung ano ang dapat kong gawin, naiintindihan mo ba?" seryoso niyang tanong.

Nakatingin lang siya sa akin at walang kahit na anong ekspresyon ang mukha niya.

Ibig sabihin ba, kung manonorture sila kailangan kong sumali kung iuutos niya?!

"K-kailangan ko bang sumunod sa inyo all the time dahil member ako?" kinakabahan kong tanong.

Hindi ko kayang manakit ng kapwa kaya sana may paraan pa para makaalis na ako sa Phantom Sinners.

"You don't to be one of us dahil ikaw ang nag-iisang babae sa Phantom Sinners and I don't want to teach you...makakaalis ka na dito kapag maayos na ang lagay mo at okay ka na, baka kasi isipin ng mga kaibigan mo, hindi kita pinapagamot at pinapahirapan kita" sambit niya.

Talaga namang pinahirapan niya ako.

So ibig niyang sabihin pwede na akong umalis dito?

Nabigla din naman ako dahil ngayon ko nga lang na-realize na ako lang ang nag-iisang babae sa grupo niya.

Kung hindi ko naman pala kailangan na sumama sa kanila, anong sense ng pagiging member ko dito?

"Ano bang dapat kong gawin kung hindi niyo naman pala ako kailangang isama sa mga lakad niyo? Useless lang naman pala ako kaya pwede muna akong tanggalin d'ba?" mahinhin kong tanong.

Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang braso ko,

"Hindi ba may usapan tayong sasali ka sa grupo dahil sa pangako mo?" he said with a low and deep voice which is medyo nakakatakot.

Napaupo ako ulit dahil mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa braso ko,

"Nag-join naman ako d'ba? Ano pa bang kailangan kong gawin para maniwala ka?" sambit ko.

"Kaya nga hindi kita tatanggalin. I trust you now since you join me. Pero kapag nalaman kong traydor ka, humanda ka sa akin. Ipaparanas ko sa'yo ang pinakamahirap at sukdulang paghihirap"

Kinabahan ako sa kanya dahil talagang ayaw niyang malaman ng Blood Rebels ang sikreto niya.

Takot na takot siyang malaman ang sikreto nila ni Roxanne.

"Nangako na ako at nag-join sa grupo mo, sapat na 'yon para maniwala ka" pagpupumilit ko dahil nakahawak pa rin siya sa braso ko at mukhang napansin niya 'yon kaya binitawan na niya ako.

Bakit ba ang hirap niyang paniwalain na hindi ko ipagsasabi ang sikreto niya? Lahat lahat ginawa ko na.

"Since hindi ka pa masyadong okay, magpahinga ka muna dito. Bukas pwede ka ng umalis" sabi niya.

Akala ko ikukulong niya ako dito, pero hindi naman pala. Masaya na akong marinig 'yon at talagang magpapagaling na ako para puntahan si Raven bukas.

"S-salamat" yumuko ako pero alam kong nakatingin pa rin siya sa akin.

"My 1st order is not to tell my secret to amyone. I'll give you now my 2nd order"

tumingin ako sa kanya at mukhang seryoso ang order na ibibigay niya.

"Kalat sa buong campus ang mga member ng Blood Rebels. You might encounter one of them. I'm not saying na iwasan mo ang lahat ng makikilala mo pero mag-iingat ka dahil baka member ng Blood Rebels ang kausap mo. At hindi ka pwedeng magkaroon ng kaibigan o anumang koneksyon ni isa sa kanila dahil Phantom Sinners ka. That's my order"

Tumango ako. Tahimik nanaman ng ilang minuto pero nakayuko pa rin ako at nakaharap lang siya sa akin.

"Alam kong hindi ko dapat sabihin 'to sa'yo..." tumingin ako sa kanya at hindi na ganoon katapang ang tingin niya sa akin.

"Sorry if I had to torture you...I was afraid that I'm gonna lose her anytime, kapag nalaman ng Blood Rebels ang sikreto namin ni Roxanne. Hindi kami magiging masaya dahil siguradong manggugulo si Carson" mahina niyang sabi.

Tumango na lang ako ulit,

"I know. Naiintindihan ko, that's why you don't have to worry. I won't say anything" sabi ko.

Kumuha siya ng tubig sa water despenser at nilapag 'yon sa table sa tabi ko na may kasamang gamot.

"As an apology, I will protect you from Redblades. Kapag nalaman ni Roxanne na member kita siguradong pag-iinitan ka niya. But don't worry, I'll explain everything to her" sambit niya.

Hindi ko masabi kung mabait ba siya or masama. Hindi ko talaga alam.

"T-thanks" ngumiti na lang ako at tumalikod na siya para umalis,

"Inumin mo yung gamot para agad kang gumaling" tinignan ko yung gamot sa table at umalis na siya.

Sana okay lang si Raven at ang mga kaibigan ko. Hindi na nila kailangang mag-alala dahil okay na'ko dito. Makakaalis na'ko basta't kailangan ko lang magpahinga.

Ininom ko na yung gamot na binigay ni Clyde at humiga ulit dahil medyo nahihilo pa ako.

To be continued...

次の章へ