webnovel

♥ CHAPTER 104 ♥

✿ Syden's POV ✿

Suddenly, I found myself on the corner of his room.

Nakita ko ang sarili ko na nakahandusay sa sahig at kitang-kita ko na pinaliligiran na ako ng apoy. Nakita ko rin ang nasirang pintuan ng kwarto niya at doon ko pa lang napagtanto na nasusunog na pala ang buong Black House kaya't napaubo ako ng ilang beses dahil sa usok. Mas lalo pang lumalaki ang apoy ng magkanda-laglagan ang mga kahoy sa paligid ko. Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sumasakit ito at napatingin ako sa kamay ko na may dugo. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula sa noo ko na mas lalo pang nakapagpasakit ng ulo ko. Nanlalabo rin ang paningin ko dahil sa pagkahilo habang tinitignan ang paligid. Ano bang nangyari?!

Ang pinakahuling natatandaan ko, magkatabi kaming natulog ni Dean. 

Bigla ko na lang tinignan ang paligid dahil wala na siya ngayon sa tabi ko at hindi ko siya makita kahit saan, pati na rin ang iba pang kasama ko kaya kinabahan na ako. Pinilit kong tumayo para hanapin siya at naglakad ako hanggang sa mapansin kong nasa kabilang sulok din siya habang nakahawak sa ulo niya, "Dean!" sigaw ko kaya napatingin siya sa direksyon ko at nabigla siya dahil nag-umpisa akong gumawa ng paraan para lapitan siya habang patuloy pa rin ang pagkahulog ng mga kahoy mula sa kisame.

"Sweetie, run! Umalis ka na dito, delikado!" sigaw niya pero umiling ako, "NO! Hindi kita iiwan dito!"

"Fine, hintayin mo ako dyan! Ako ang lalapit sa'yo!" sigaw niya at tinignan ang paligid. Naghanap siya ng daan at gumawa ng paraan para makalapit sa akin habang hinihintay ko pa rin siya. Ngunit sa tuwing may nadadaanan siya ay may nahuhulog na kahoy at mas lalo akong nag-aalala na baka may mangyaring hindi maganda sa kanya. Sinipa niya yung kahoy sa dinaraanan niya ngunit ilang beses niya munang ginawa 'yon dahil mas lumalaki pa ang apoy. Nang masira niya yung kahoy ay nagmadali siyang lapitan ako habang nakatingin ako sa kanya. Napansin ko na lang na napatingin siya sa itaas ko at parang mas nagmadali pa siya. Ikinagulat ko na lang ng itulak niya ako ng malakas sabay yakap sa akin kaya napahiga kaming pareho. Nakita ko na lang na may nahulog na malaking kahoy sa direksyon na kinatatayuan ko kanina. Dahan-dahan kaming tumayo habang nag-aalala siyang nakatingin sa akin, "Are you okay?" tanong niya kaya tumango ako at siya naman ang tinanong ko, "Ikaw?" tumango lang din siya at hinawakan niya ang kamay ko, "Let's get out of here" saad niya at nag-umpisa na siyang maglakad habang nakasunod ako sa kanya.

Habang naghahanap kami ng daan palabas ay mas dumarami pa ang mga nagliliyab na kahoy na nahuhulog sa dinaraanan namin kaya't agad naming iniiwasan 'yon. Sa tuwing wala ng ibang madadaanan ay sinisipa niya na lang ito at sinisira para makadaan kami habang nag-aalala akong tinitignan ang paligid lalo na't hindi ko pa nakikita ang iba. Pareho kaming napatingin sa likuran namin at napansing unti-unti ng gumuguho ang Black House at mas dumarami pa ang mga kahoy na nahuhulog kaya nagmadali kaming lumabas.

Pagkalabas na pagkalabas namin sa Black House ay nakita namin ang ibang members na sugatan at dumudugo rin ang ulo ng iba. Nakaupo ang iba habang ang iba naman ay nakahiga sa sahig at nagpapahinga habang hinihingal. Napaupo na lang din kaming dalawa na pagod na pagod at nanghihina. Lahat kami ay nakatingin sa harapan ng Black House na nasusunog hanggang sa tuluyan na itong gumuho. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil sa nangyari o matutuwa ba ako dahil nakaligtas kaming lahat. Higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit at paano nangyari 'to.

"They really planned to bomb us" saad ni Nash na nakatingin pa rin sa nasisirang Black House kaya napatingin kami sa kanya. Lahat kami ay nagtamo ng sugat.

"What do you mean?" tanong ko sa kanya.

"Pinlano nilang bombahin ang Black House dahil alam nilang dito tayo nagtatago"

"Venom ba ang may kagagawan nito?"

Sandali siyang napatingin sa akin bago muling tumingin sa nasusunog na Black House, "Sino pa ba?" sagot niya kaya tinignan ko rin ang Black House na tuluyan ng gumuho.

"Let's just be thankful dahil ligtas tayong lahat at walang napahamak" sambit niya na tumayo habang pinapagpag ang kamay niya kaya napatingin kami sa kanya.

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Dave.

"Let's find a place to stay" sagot ni Dean na tumayo na rin, "Surely, anytime lulusubin nila tayo dahil alam nilang sira na ang Black House. Hindi tayo makakalaban ng maayos kung ganito ang sitwasyon natin" dagdag pa niya at inilahad niya ang kamay niya sa akin kaya humawak ako doon at hinila niya ako papatayo. Nakita kong may gasgas din ito sa bandang gilid ng mata niya, "You sure you're okay?" tanong ko. 

"I'm fine sweetie. Maliit na sugat lang 'to, don't worry" saad niya at ngumiti siya. Tumayo na rin lahat ng members at napansin kong dumudugo rin ang ulo ni Raven kaya napatingin din siya sa akin, "Okay ka lang ba?" tanong ko dito habang nakatingin sa sugat niya sa ulo at kagaya ng ginawa ni Dean, ngumiti lang din siya, "Okay lang ako. Ang dapat mong alalahanin, yung sarili mo" saad nito kaya tumango na lang ako. 

Nag-umpisa na kaming maglakad para maghanap ng mapagtataguan dahil sira na ang Black House. Lahat kami ay may sugat pero hindi naman ganoon kagrabe, pero dahil nabigla kaming lahat sa pangyayari, hindi kami naging handa at hinihingal kami dahil sa pagod kakahanap ng daan kanina palabas ng Black House. 

Pero ang paglalakad namin sa campus tulad noon, ay hindi na kagaya ng ngayon dahil tahimik at patago kaming naglalakad sa kadahilanang baka makita kami ng Venom o kahit na sino lalo na't maraming gustong pumatay sa mga Vipers. Mas lalo na lang magiging delikado kapag nalaman ng lahat na nasunog ang Black House kaya siguradong mas marami pa ang maghahanap sa amin para patayin ang grupo kaya sinisigurado namin ngayon na walang makakakita sa amin. 

Mabilis kaming tumatakbo palipat-lipat ng mga building dahil sinisigurado muna naming walang makakakita sa amin. Si Dean ang nasa pinakaunahan na nagsasabi sa amin kung tatakbo na ba o hindi pa habang ako ay nasa likuran niya. Sina Nash at Zorren naman ay nasa pinakalikuran at nagbabantay sa paligid.

Nagmadali kaming pumasok sa isang building kung saan napakatahimik at maigi naming tinitignan ang paligid para makita kung may tao ba o wala. Habang naglalakad kami sa napakadilim at tahimik na hallway ay narinig namin na may mga paparating kaya nagkatinginan kaming lahat. Tumakbo si Dean kaya sinundan namin siya at dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng isang classroom para tignan kung may tao. Nasilip kong madilim sa loob kaya tumingin siya sa akin at nagmadali akong pumasok kaya sumunod na rin silang lahat habang nakabantay siya sa pintuan. 

Pagkapasok naming lahat ay madali niyang isinara ang pintuan habang tahimik pa rin kaming nakatingin sa kanya. Narinig naming maraming naglalakad sa labas kaya nanatili kaming nakatayo para hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Pagkalagpas nila sa classroom kung nasaan kami ay dahan-dahang sumilip si Dean sa labas at muling isinara ang pinto, "We're safe now. Wala na sila" saad nito na napaupo sa mismong tapat ng pintuan. Tinignan ko ang buong classroom na walang kalaman-laman ni isang upuan kaya nagtaka na lang ako pero dahil sa pagod, pumunta na rin ako sa tabi ni Dean at umupo kaya umupo rin si Raven sa tabi ko. Nagsiupo na rin sila sa kabilang banda para sumandal sa pader habang ang iba naman ay humiga na sa pinakagitna dahil sa pagod lalo na sina Dave at Dustin habang si Zorren ay nakaupo sa kabilang side at nilalaro ang blade na hawak niya. 

Tinignan ko na lang siya na parang malalim ang iniisip at napahawak sa ulo niya, "We were just..." napatingin kami kay Dave ng magsalita ito na nakahiga habang inihahagis pabalik sa kanya ang hawak niyang kutsilyo, "We were just having fun...pinag-usapan pa nga natin yung mga family business natin, right? Then all of a sudden, boom. Biglang sumabog ang Black House and now, hindi natin alam kung saan at paano tayo magtatago" pahayag nito kaya muling natahimik.

"We can still make it out alive, right?" sabi pa niya na napatingin kay Dean.

"Of course, if we will fight together kagaya ng ginagawa natin noon" sagot naman niya.

"We won't let them easily kill us. Sa dami ng pinagdaanan natin, hindi na bago sa atin ang ganitong sitwasyon" pagsasalita naman ni Dustin.

"What are we going to do now?" tanong ni Caleb. 

"We'll fight them. Kung ito ang gusto nilang laban, then we'll give them what they want and show them who we really are" pahayag ni Dean.

"But this is not a safe place anymore" sambit ni Zorren na ipinagtaka namin. 

"Saan naman tayo pwedeng magtago?" tanong ni Dustin.

"There's an underground room in this campus. Doon ako nagtago habang nagpapalakas pa ako, pero ngayon hindi ko alam kung may nakakita na ba sa room na 'yon dahil matagal na rin akong hindi bumabalik doon" pahayag niya. 

"Maybe we can still go there and check it out" sagot ni Dustin at tinignan niya kaming lahat, "Kung maaabutan nating ligtas ang lugar na 'yon, it's better pero kung hindi, kailangan nating maghanap ulit ng mapagtataguan" sambit ni Dean.

"Fine, let's go" saad ni Zorren kaya tumayo kaming lahat. Binuksan niya ang pintuan para makalabas na kaming lahat. Hindi pa man siya nakakalabas ay napaatras na lang siya na ipinagtaka namin hanggang sa mapansin namin ang Venom sa harapan namin. Napaatras lahat kaming lahat at natigilan habang unti-unti namang lumalapit ang Venom sa amin habang nakangiti ng masama, "What do you want?" matapang na tanong ni Dean sa kaharap niyang Venom dahil nasa harapan siya kasama si Zorren. 

"We want you dead Vipers" pagkasabi niya doon ay nilusob niya si Dean kaya nag-umpisa na ring lumusob ang mga Venom. Nilabanan na rin namin sila at sa tuwing may kumakalaban sa akin ay kinakalaban ko na rin gamit ang kutsilyong hawak ko. Ang nasa isip ko na lang ay depensahan ang sarili ko laban sa kanila. Mas kinabahan na lang ako ng natigilan lahat sa pakikipaglaban, lahat kami ay hindi makagalaw. Ang iba sa amin ay naka-lock sa pader habang hawak hawak ng Venom at ako pati na rin naman ang iba pa ay hawak hawak rin ng mga kanya-kanya naming kalaban kaya hindi kami lahat makagalaw. Sadyang marami sila ngayon kumpara noong isang araw. Nanlaki na lang ang mata ko ng biglang maglabas ng injection ang mga ito at ngumiti sila ng masama habang nakatingin sa amin. Nagkatinginan kaming lahat at astang sabay-sabay nila kaming sasaksakin ng injection ay sabay-sabay rin namin silang sinipa dahilan para mapaluhod sila sa sahig at marinig ang pagkabasag ng injection dahil nabitawan nila ito. May mga iilang members din ng Venom na nakaiwas kaya't pinagtulungan sila ng Vipers at sa kanila isinaksak ang injection na hawak nila kaya't nanginginig silang bumagsak sa sahig.

Isa-isa namin silang tinignan at lahat ng members ng Venom ay nakahandusay na sa sahig. Tinignan ko lahat ng Vipers at nanlaki na lang ang mata ko ng makita kong napaluhod si Jarred kaya agad ko siyang nilapitan. Mas ikinagulat ko na lang ng makita kong may nakasaksak na injection sa binti niya kaya agad ko 'yong inialis at napapansin kong namumutla na siya at nanginginig. Lumapit din lahat ng Vipers sa amin at nabigla din ng makita ang kalagayan niya. Napatingin na lang ako kay Zorren dahil siya lang ang may kayang makagamot kay Jarred. Jarred is not that trained para maging magaling sa pakikipaglaban kaya hindi ko siya masisisi kung bakit naitusok sa kanya yung injection. Lumuhod si Zorren para tapatan si Jarred at may kinuha siyang bote sa bulsa niya, nakita ko rin na nanginginig ang kamay niya na kumuha din ng injection sa bulsa niya. Agad niyang binuksan yung bote at nilagyan ng laman yung injection, hinawakan niya ito ng maayos at tinignan ako bago niya tinignan si Jarred, "Promise me you'll fight this poison or else you'll die faster" saad nito. Ngunit nabigla na lang kami ng bago pa man maisaksak ni Zorren sa kanya ang gamot ay hinawakan niya ang kamay ni Zorren at pinigilan ito kaya napatingin kami sa kanya at napansing pinilit niyang ngumiti kahit na ginaw na ginaw na siya, "M-mas kailangan niyo 'yan. I don't...need it" saad niya na ikinagulat ko pa.

"What are you saying?!" sigaw ko sa kanya. Tinignan niya ako at ngumiti siya, "Kahit naman....gamutin niyo ako, alam kong....hindi ko kakayanin 'yan. You know that my body is weak right? Kaya nga palagi akong dinadala sa hospital. I c-can't fight this poison any longer. Masasayang lang kapag ibinigay niyo sa akin...yan. I will just die faster kapag itinusok niyo sa akin 'yan, it's better to keep it. Since from the first place, I just wanted to see my two friends here na maayos ang kondisyon. Now that they are protected by Vipers, wala na akong ibang hihilingin pa. O-one thing, wala na rin naman akong babalikan kung sakaling makalabas tayo dito...so it's better to die"

"NO! You're a strong person. You can do it! May babalikan ka pa, your family, classmates and friends, lalung-lalo na kami kaya huwag ka ngang magsalita ng ganyan!" pahayag ko dito at naluha ako pero pinunasan ko rin agad 'yon. Muling tumulo ang mga luha ko ng mas lalo pa itong nanginig kaya mas tinignan ko pa siya kaya't hinawakan ko ang magkabilang-pisngi nito, "Hey, it's okay. Kaya mo 'yan, you're a strong person right? You can do it. J-just calm down and relax. Pinag-usapan na natin 'to, we'll leave this place together, right?!" saad ko dito at naluluha na rin ako pero pinipigilan ko dahil pinipilit niyang tignan ako, "I...never promised na l-lalabas ako ng buhay dito. I-i just want you...to be saved and that will be enough for me. My family, classmates and friends you said? Kayo lang ni Raven ang naging pamilya at kaibigan ko, at alam niyo kung paano ako itrato ng pamilya ko as if I don't exist. I was born but didn't exist. I-i...will never be enough for them" nakita kong napaluha na lang ito na parang nasasaktan siya, "Kahit naman anong gawin natin, even if we do our best, for them we will never be the best. Seeing the both of you safe being with the Vipers, sapat na sa akin 'yon" sambit nito at mas lalo pa akong napaiyak ng pilit niyang hawakan ang kamay ko na nakahawak pa rin sa pisngi niya, "You can make them proud again, yung makaligtas ka dito! I know they love you at paano mo makikita ang pagmamahal nila sa'yo kung mas pipiliin mong umalis na lang!"

"Ang tagal kong hinintay na mahalin nila ako, pero ngayon pagod na akong maghintay. That's right, everybody will just love us kapag patay na tayo. Wala na akong babalikan at kahit paano, nagustuhan ko na rin dito dahil sa akin lumalapit ang mga tao sa club kapag gusto nilang makalimot sa problema. I provided them drugs and I became their happy pill, pero ang mahirap...kapag masaya na sila, iiwanan at kakalimutan ka na" saad nito na lalo pang nakapagpaiyak sa akin.

"Jarred, don't do this! Please?!" pakiusap ko dito.

"Thank you for being my friend and family. Promise me, you will leave this place...alive" sambit nito kaya tumango ako at nakita kong nakatitig siya sa akin, "Sobrang iksi lang ng panahon na pinagsamahan natin dito, pero hindi nasayang 'yon. Just remember that I didn't accept the cure because I knew I couldn't take it. Thank you and I'm sorry for everything...." I waited him to say something pero nakatingin lang siya sa akin hanggang sa maramdaman kong unti-unti na nitong nabitawan ang kamay ko kaya napatingin ako doon. Muli ko siyang tinignan and it's too late. He's already dead habang nakabukas ang mga mata nitong nakatingin sa akin. 

This man never felt love from his family at hindi ko siya masisisi kung bakit nagsawa na siya sa buhay niya. Giving your best but no one in your family ever appreciated it. Giving your best but for them you will never be the best, for them you are always wrong. Ikaw yung laging mali at kahit kailan hindi ka naging tama sa paningin nila. Ito lang ang mga naaalala kong sinabi sa akin ni Jarred dati at naaalala ko lahat 'yon habang nakatingin ako sa kanya at kitang-kita ko ang mga luha niya. All we wanted from the start is to be loved and appreciated, pero kahit anong gawin natin parang ang hirap na makuha 'yon. What's wrong about it, hindi siya naging matatag para labanan yung sakit na nararamdaman niya, he gave up so easily. 

"I HATE YOU! I HATE YOU JARRED! I REALLY REALLY HATE YOU!!!" inilabas ko na lahat ng sakit na nararamdam ko habang patuloy pa rin ako sa paghampas sa dibdib niya, "STOP JOKING! WAKE UPPP!!! YOU NEED TO WAKE UPPP!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak ako. Bigla na lang akong niyakap ni Raven para pigilan ako kaya napahawak ako sa braso niya habang umiiyak pa rin ako, "I HATE HIM!" dagdag ko pa habang nakatingin kay Jarred na wala ng buhay. Nakita ko na lang na napaupo silang lahat at napahawak sa ulo nila. Lumapit naman si Nash at lumuhod para tapatan ito at isinara niya ang mga matang nakabukas ni Jarred at tinakpan ito ng puting tela habang hindi ko pa rin mapigilang umiyak. 

"Sorry, we weren't able to save him from them" saad ni Dave na nakahawak sa ulo niya at nakayuko kaya napatingin ako sa kanya, "He didn't accept the cure...just because he wanted to save us na mas gugustuhin niyang tayo na lang ang gumamit noon" sambit ko habang nakasandal kay Raven at hindi ko pa rin mapigilan na umiyak ng umiyak. Napansin ko na lang na lumuhod si Dean at tinapatan ako. Nakita kong nag-aalala siyang nakatingin sa akin kaya pinilit kong ngumiti, "I'm sorry, hindi namin siya natulungan" malungkot na sabi niya at wala akong nagawa kundi ang lumuha na lang. Inilapit niya ang kamay niya sa akin at pinunasan ang luha ko, "I know it's hard to accept....but we need to leave now" pahayag niya at alam kong ayaw niyang sabihin sa akin 'yon dahil mas lalo pa akong masasaktan at napilitan lang siyang sabihin 'yon. 

Dahan-dahang tumayo si Raven at inalalayan niya rin akong tumayo. Tumayo na kaming lahat at kahit hindi namin gaanong nakasama ng matagal si Jarred, alam kong nalulungkot din sila. Mabagal silang naglakad papalabas ng pintuan at muli akong napatingin kay Jarred na natakpan ng puting tela. Napatingin silang lahat sa akin at agad kong nilapitan si Jarred. Tinanggal ko ang tela na nakapatong sa kanya. Let me hug him for one last time. Muli akong napaluha at niyakap ko siya ng mahigpit, "Hindi ko man nasabi sa'yo, but you're also my friend. Thank you for protecting me in Heaven's Ward High and for telling me what lies behind that wall. I didn't listen to you pero ngayon makikinig ako sa'yo, I'll promise to leave this place alive" mas niyakap ko pa siya ng mahigpit at pinilit na ngumiti, "Goodbye, Jarred" pagkatapos kong sabihin 'yon ay  dahan-dahan akong tumayo ay muli siyang tinignan. Kinuha ko yung tela at dahan-dahan ipinatong 'yon sa kanya. Muli akong lumuha pero pinunasan ko rin agad 'yon at pinilit ko ng talikuran siya. Kailangan na naming umalis dito at hindi ko gugustuhing may mawala pa, kaya kahit mahirap para sa akin na iwanan siya, kailangan kong gawin para wala ng madamay pa. 

To be continued...

次の章へ