UNTI-UNTI nagmulat ang aking mga mata. Ang pamilyar na puting kisame ng kwarto ko ang una kong nakita. Dahan-dahan akong bumangon pero agad kong naramdaman ang pananakit ng buo kong katawan lalo na sa leeg ko. Napakapa ako roon. May bandage na nakatapal. Ginala ko ang paningin. Ano'ng nangyari?
Nang maalala ko ang bampirang umatake sa `kin kagabi ay bigla akong napasigaw sa takot! Mabilis na bumukas ang pintuan at niluwa ang nag-aalalang mukha ni Vlad. "Erin!"
Oh God, I missed him.
Nang makita niyang okay lang ako ay unti-unti siyang nakahinga nang maluwag. Parang may malaking bagay na bumara sa lalamunan ko at hindi ko magawang makapagsalita. Napatunganga lang ako sa kanya. Anung ginagawa niya rito? Siya ba ang nagligtas sa `kin kagabi?
"I'm glad you're okay," malumanay na sabi niya. Kapansin-pansin din ang pamumutla ng mukha ni Vlad which I find disturbing.
Bumuka ang bibig ko para sana magsalita pero naurong ang dila ko. Bakit ganito? Ang tagal kong inasam na makita ulit ang mukhang ito at ngayong nandito na siya sa harapan ko'y para naman akong nanigas na bato.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Hindi ako makatingin sa kanya. Pakiramdam ko sa oras na tignan ko ulit ang mukha ni Vlad ay iiyak ako at tatakbo palapit sa kanya.
Matapos ang mahabang katahimikan, tumikhim si Vlad at nagsalita ulit. "Don't worry, I'm not staying any longer. I just made sure na magigising ka and that you'll be okay. I'm grateful to know you're already fine."
Nag-angat ako ng tingin kay Vlad pero siya naman ngayon ang hindi nakatingin. "Wala na si Kryshler. Romeo and I killed him. I'm sorry if you had to experienced that kind of horror, Erin. I'm so sorry if I came too late... you're already hurt and I'm.... I dont know what to do if something bad happened to you." Napapikit siya. He looked and sounded so frustrated.
Parang gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin siya pero nakapako nama ang mga paa ko sa kama at hindi ko man lang magawang gumalaw.
"It's okay." Finally ay nagawa kong magsalita. "You saved me, Vlad. Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. You did what you can do. And I'm thankful na dumating kayo ni Romeo, kung hindi, napahamak na ako."
Dahan-dahang tumungo si Vlad at nag-angat ng tingin. Nang magtagpo ang mga mata namin ay parang iniipit ang dibdib ko sa labis na paninikip niyon. Pero pinigilan ko ang mga nagbabadyang luha.
"Okay. Please take care of yourself. I'll be going."
Dahan-dahan niyang sinara ang pinto at iniwan akong nag-iisa sa kwartong iyon. Teka, ngayon ko lang napasin na may pinto na ang kwarto ko. Siguro, si Vlad ang nagkabit.
Saka lang pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Inis na binatukan ko sa sarili. "Stupida ka Erin! Bakit kasi nag-iinarte ka pa?"
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa pintuan. After all what happened. Masama pa rin ang loob ko sa kanya. And the gap between us was still there. \
Pumasok na rin ako agad sa school kinabukasan. I wore a scarf para matakpan ang sugat ko sa leeg. Nagpunta ako na parang normal. Na tila walang nangyari.
"Erin okay ka lang? Bakit parang maputla ka?" agad tanong sa akin ni Apple nang magkita kami sa classroom.
"Okay lang ako. Pagod lang," sagot ko.
Ang totoo niyan ay nanghihina pa ako. Maraming dugo ata ang nawala sa akin. Pero pinilit kong pumasok dahil malulungkot lang ako kapag nanatili akong mag-isa sa bahay. "Nasaan pala si Sam?" maya-maya tanong ko.
"Parang napansin ko siyang umakyat sa third floor," sagot ni Apple. "Teka mag-cr lang ako Erin," aniya at nagtungo sa comfort room.
Umakyat ako ng third floor para i-check kung nasa taas si Sam nang mahinto ako sa nakita. Sa tuktok ng hagdan nakatayo si Ms. Buenaventura. Iyong maganda at seksing professor namin sa Interior Design. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang pamilyar na lalaking nakatayo sa harapan niya at hinahalikan siya sa leeg. Agad akong nagtago sa wall tapos sumilip nang paunti-unti.
Tama bang maglandian sa hallway? Landian pa more! "Aah... R-romeo," ungol niya habang ninanamnam ang halik sa kanyang leeg.
Ehhh?
Umangat ang mukha ng lalaki at laking gulat ko nang makita si Romeo na may bahid pa ng dugo sa kanyang bibig. Dinilaan niya ang sariling labi para tanggalin ang nagkalat na dugo. "Thanks for the meal, darling," mapang-akit na sabi nito.
Malanding kumindat naman si Ms. Buenavista sa kaharap na bampira. Nilaro-laro pa nito ang butones ni Romeo at nilapit nang husto ang mukha sa huli. "Anything for you, pretty boy. Mamaya ha. Punta ka ulit sa condo ko."
Ngumisi si Romeo. "Sure, dala `kong food?"
Nangingisay na hinalikan ni Ms. Buenavista sa lips si Romeo bago ito umalis.
Halos masamid ako sa nasaksihan. "Eww!" Sinadya kong lakasan ang boses ko.
Napatingin sa gawi ko si Romeo at nakangising lumakad palapit sa akin. "Hey there little Erin. Good thing to see that you're still alive. May lahi ka rin pusa?"
Inirapan ko siya. "Wala! Aso meron."
He chuckled. Ayan na naman siya sa mabababaw niyang kaligayahan.
"So... si Ms. An-An talaga ang blood donator mo? Ha! Wala ka palang taste," pang aasar ko.
Tinaas niya ang isang kilay niya. "Ms. An-An?"
"Oo! An-An... ang kati-kati kasi niya eh."
Tumawa siya na parang bata. Hay nako! Kung lahat siguro ng tao sa mundo kasing babaw ng kaligayahan ni Romeo ay pwede na akong magtayo ng comedy bar.
"Anyway, I was about to find you. Hindi na kita naantay magising `coz I have something to do. May sasabihin ako," anito pagkatapos tumawa.
Nakuha niya ang atensyon ko. "Huh? Ano `yon? Naku, kung o-offeran mo lang akong maging blood donator mo then no way! Ayoko!"
Tumawa siya at umiling. "Silly, hindi `yon. But I actually wanted to offer you pero I know na tatanggi ka."
Ngumuso ako at umirap. "Buti alam mo. So ano nga'ng sasabihin mo?"
Nagseryoso ang mukha ni Romeo. "It's about my cousin."
Nanlamig ako sa sinabi niya. "Ano naman ang tungkol sa kanya?"
Mas lalo niyang nilapit ang sarili kaya napaatras ako. He leaned closer until his mouth were touching my ears. The words he whispered made my knees weakened.
"Vlad is sick."
Tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. "Sick?"
Then bigla kong naalala ang itsura ni Vlad noong huli ko siyang makita. Kapansin-pansin ang pamumutla niya.
"What do you mean he's sick?" Tila nawawala ang boses ko sa sobrang panlalamig ng buo kong katawan.
"When Vlad drained all the blood from Kryshler, he was poisoned. And now he's dying. Erin I'm so sorry." Yumuko si Romeo at malungkot ang mga mata niya.
Parang bumagsak ang langit sa akin at nahulog ako sa malalim na bangin.
No...no...no... This can't be happening.
Dahil sa akin kaya nangyari kay Vlad `yon! Dahil niligtas niya ako! At ngayon siya ang nahihirapan. Pero wala akong ibang ginawa kundi ang ipagpatabuyan siya.
I now regret everything that I did. Everything that I said to him. Kung sana'y pinakinggan ko man lang ang explanations niya. Kung sana'y nag-ingat ako nang husto para hindi nabiktima ng bampira. Kung sana'y pinigilan ko siya na umalis. Hindi sana nangyayari ang lahat ng ito.
"Please Romeo dalhin mo ako sa kanya. I want to see him." Kumapit nang husto ang dalawang kamay ko sa polo niya. "Please..."
Tinignan niya ako nang buong awa bago dahan-dahang tumungo.
"Okay... I'll take you to our Kingdom."