webnovel

Don’t be afraid

AFTER SCHOOL naisipan ko munang magpalipas ng oras sa mall. Palakad-lakad lang ako kahit walang direksyon kung saan talaga patungo. Sinubukan ko rin manuod ng sine mag-isa. Ang lungkot pala. Nakakainis pa `yong dalawang mag-jowang nakaupo sa harapan ko. Gawin ba naman lugar ang sinehan para mag-momol. Panay bungisngis pa ng babae habang panay sabi ng...

"Beh enebe, nekekelete eke nekekehiye beke mey mekekete seten."

Bakit kapag lumalandi nagiging alien ang lenggwahe?

"Ok lang `yan beh. Tigang na tigang na `ko ang tagal na kaya nating `di nagkita! Pa-kiss lang naman," pilit naman ng lalaki habang panay halik sa kapartner niyang nangingisay na sobrang kalandian. Hindi na siguro makahinga. Tinalo pa ang bulateng sinabuyan ng asin.

"Beh nemen, eh... eeeeeeh mey kelete eke dyen—mmmasdgfhjkl"

Wala na akong naintindihan dahil naglaplapan na sila. Mga bastos ang mga higad! Mag PDA ba naman! At sa harapan ko pa talaga! Sa inis ko tinadyakan ko `yung upuan. Napahinto sila sa ginagawa nila. Galit na tumingin ang lalaki sa `kin. "Miss, ano ba?!"

Aba! Kapal talaga ng mukha nito. Mukha namang paa. Pwe!

"`Wag kayong maglampungan sa harapan ko nasusuka ako. `Di ako makanood nang maayos," poker face kong sagot.

Nang-iinis na ngumisi pa ang lalaki. Iyong babaeng kasama naman niya ang sama rin nang tingin sa `kin. Inirapan ko nga. Well, bagay naman silang dalawa. Mukhang paa `yung lalaki at mukhang binudburan naman ng an-an sa mukha `yung babae dahil namumuo-muo pa ang foundation sa mukha niya.

"Ano ba'ng paki mo? Palibhasa wala ka lang boyfriend, eh! Inggit ka lang!" sabi ng lalaki.

Aba! Aba! Aba! Nagpantig ang tenga ko. Sumasagot pa ang paa na `to!

"Excuse me, hindi kainggit-inggit `yang ginagawa niyo dahil kaduwal-duwal ang mga pagmumukha niyo. Mas maganda pa manuod ng nagse-sex na aso kesa sa inyong dalawa. Naghahalikan pa lang kayo niyan, ah. Paano pa kaya kapag nagje-jerjeran na kayo baka ma-hospital na ako."

Gigil na gigil ang itsura nila. Ha! Mga panget! Muntik na akong sugurin ng lalaki kung hindi pa siya pinigilan ng girlfriend niya. At dahil nakagagawa na kami ng ingay kung kaya ang dami ng umaangal na ibang nanonood. Nawala na ako sa mood kaya umalis na lang ako. Pero bago ako makaalis doon hindi ko nakalimutang mag-iwan ng farewell message.

"Walang forever mga ulol!" sigaw ko sabay kumaripas nang takbo.

Naglakad-lakad ulit ako sa mall. Kakabwisit talaga ang araw na `to. Ano ba'ng meron at ang daming naglalandian sa paligid? Malayo pa ang Valentines. Panay mga mag-jowa ang nakasasalubong ko. Kung hindi mga nagho-holding hands, mga panay ang selfie together. May nagkikilitian pa!

Mga bwisit kayo! Magbi-break din kayong lahat! Itaga mo sa puwet ni Jam Magno!

Hindi ko namalayan na inabot na pala ako ng gabi. Paglabas ko ng mall madilim na'ng daan. Wala na ding mga dumadaang jeep at trycicle. No choice tuloy ako kundi maglakad patungo sa stoplight kung saan dumadaan ang mga bus.

Nade-depressed ako sa tuwing naiisip ko si Jonathan. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ako para sa kanya. Parang taliwas kasi sa mga kinikilos niya ang mga sinasabi ng bibig niya. He said that he only see me as a little sister pero kung makatutol siya sa relasyon namin ni Vlad feeling ko nagseselos talaga siya.

Haaay. Bakit ba kasi ang kumplikado ng mga lalaki?

Panay landi niya pa sa Gretel na `yon! Mukhang mais naman sa sobrang dilaw ng buhok. Iyong puwet niya parang kinagat ng isang libong langam sa sobrang pamamaga. Malayong kamag-anak siguro `yon ni Nicki Minaj at Cardi B.

"Mish! Mish! Uy, mish beautipul!"

Kumabog agad ang dibdib ko nang matanaw ko ang dalawang mamang lasing na susuray-suray sa daan na naglalakad patungo sa `kin. Napaatras ako at mabilis na bumalik sa pinanggalingan ko kanina. Hayjuskopo! Kailan pa ako tinubuan ng balat sa puwet? Naku naman!

"Hoy mish! Sandali sabi, bingi ka ba? Gusto lang namin magpakilala... mish!"

"Hindi Mish ang pangalan ko!" sigaw ko.

Nagtawanan silang dalawa at nagsimulang maglakad nang mabilis. Napatili ako sa takot at agad tumakbo. At kung didikitan ka ba naman ng kamalasan wala na akong ibang taong nakasasalubong. Nasaan na `yong mga lintik na magjo-jowa kanina? Bakit ngayon wala ni isa?

Nanay ko po! Ayokong malapa ng mga lasing na`to! Ew-ew to the highest level!

Naalala ko tuloy `yong mga nababalitang r*pe cases recently. Lalo akong natakot. Ayokong mapabilang doon. Mas binilisan ko ang pagtakbo. Napatili ako nang malakas nang maabutan nila ako. Para silang mga asong nauulol. Naglalaway at namumula ang mga mata. Pinagitnaan nila akong dalawa. Juice ko lord! Baka may rabis pa ang dalawang gago!

"Pinagod mo pa kami. Dahil diyan, papagurin ka rin namin."

"`Wag kayong lalapit mga pangit! Huwag nga ako ang pag-interesan niyo! Ikiskis niyo na lang `yang batuta niyo sa pader, mga kadiri kayo!"

Nagtawan sila ulit. "Paano ba `yan mish, gusto ko sayo ko `to ikikiskis, eh. BWAHAHAHA!"

Pakyu sa Earth `tong si kuya nakakadiri! Ang sarap ibaon ng one thousand meters deep sa ilalim ng lupa!

"Sabi ng hindi Mish ang pangalan ko! Saka excuse me ano tingin mo sa `kin pader? Gago!"

"Gago talaga ako pamamagain ko yang p@#$ mo!"

AHHHHHH! NOOOOO!

Sabay silang tumalon dalawa at malakas akong tumili. Napapikit ako at niyakap nang mahigpit ang sarili habang panay ang dasal ko sa lahat ng santo. Malakas na sigaw ang sunod kong narinig. Pagdilat ko ng mga mata, laking gulat ko nang matanaw na lumipad palayo ang isang lalaki. Sobrang bilis ng mga sumunod na nangyari. Isang bulto ang agad na tumakbo paikot sa natitirang lasing. Natumba ito sa sahig

"Tangina mo sino ka!" sigaw ng lasing.

Wala akong makita sa sobrang bilis ng mga pangyayari; puro anino lang. Muling lumitaw ang bulto na parang ihip ng hangin. Nakaangat na ang mga paa ng lasing mula sa lupa habang sinasakal ito ng matangkad at pamilyar na lalaki. "I'm gonna f*cking tear you into pieces!"

Naalerto ako nang makita ang nanlilisik ng mga mata niya lalo na nang binuka niya ang bibig at lumabas doon ang dalawang matatalim na pangil. "Vlad huwag! Mapapatay mo siya!"

Nahinto si Vlad sa pagkagat sa leeg ng lasing. Bahagya siyang huminahon matapos makita ang nagmamakaawa at puno ng takot kong mukha. Binitawan niya ang lalaki at nalaglag iyon sa kalsada. Umupo si Vlad at pinagmasdan akong mabuti mula ulo hanggang paa. Nang tila masiguro niyang hindi ako nasaktan ay hinablot ni Vlad ang kwelyo ng lasing saka ito pinakatitigang mabuti. Kitang-kita ko kung paano kuminang sa dilim ang green niyang mga mata.

"You'll forget what happened. You will bring your friend to the hospital and volunteer yourself to join a charity for the orphan children. You will never drink or use any drugs again," utos ni Vlad.

Parang robot na sunud-sunud na tumungo ang lasing. Naglakad ito palayo at kinakaladkad ang kaibigan nitong walang malay.

Lumapit sa akin si Vlad. Ang kaninang mabagsik niyang itsura ay tuluyan nang naglaho at bumalik na sa dati ang maamo at gwapo niyang mukha. Hindi ko namalayan nanginginig na pala ang buong katawan ko sa takot. Agad akong hinagkan ni Vlad at pinangko sa mga bisig niya. "You don't have to be afraid anymore, Erin. I'm already here."

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Labis akong nagpapasalamat na dumating si Vlad. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako at kailangan ng tulong pero hindi na `yon mahalaga. Dahil ang importante ay ligtas na ako sa mga bisig niya.

Sinandal ko ang ulo sa dibdib ni Vlad at niyakap ang kanyang leeg. Nilanghap ko ang pamilyar niyang amoy. It's comforting. It smells home. I feel myself slowly relaxing under his arms. "I'm so scared Vlad. Please, uwi na tayo. Ayoko na dito," bulong ko sa pagitan ng paghikbi.

Hindi na siya nagsalita at agad na kaming umuwi. Bitbit niya lang ako hanggang sa makarating kami ng bahay.

JOIN OUR FAMILY!

FB GROUP: Cupcake Family PH

AnjGeecreators' thoughts
次の章へ