Mga sikretong itinago. Mga pagsisising nabuo. Mga luhang umagos. Kabanatang hindi matapos-tapos. Kilalanin ang magkakaibigang sina Kheila, Ashton, Clary, Gwen, Lance, at Aidan. At sundan natin ang kanilang kuwento kung paano sila winasak ng araw na ito: May Fourteenth.
PROLOGUE
SHE'S CRYING. Hindi siya mapakali sa isang lugar. She keeps on muttering, "Please live, please live, please live."
Hanggang sa may yumakap sa kanya: isang lalaking may lungkot sa kanyang mga mata.
She keeps on chanting those two words habang patuloy na bumabagsak ang mga luhang hindi na niya kayang pigilan pa.
"He's not gonna die, right? He's not gonna..."
"Kheila..."
Humigpit ang yakap ng lalaki sa babaeng humahagulhol na sa kanyang dibdib.
"No, 'wag mo kaming iwan! Do you hear me? Don't leave me, please. Please, don't leave us. Please..."
Tatlong tao pa ang nasa tabi lang nila—ang dalawang babae ay mahihinang humihikbi habang nakaupo sila sa may upuan, habang ang isang lalaki'y pinapakalma ang sarili at pinipigilan ang pag-iyak.
"I-I'm just gonna pee," sabi ng lalaki ngunit ang totoo n'yan ay hindi niya na kayang pigilan pa ang mga luhang gusto nang lumabas. Hindi pa niya nararating ang CR ay tumulo na ang mga luhang nagbabadya lang kanina. Napahawak siya sa puting dingding, pansuporta sa katawang unti-unti nang nanghihina hanggang sa napatigil siya sa paglalakad. Napatakip siya sa mamasa-masang mga mata habang humihikbi nang mahina para sa kaibigang nag-aagaw-buhay sa loob ng ER.
"Tangina mo, bro." Another tear fell from his eye. "Tangina mo talaga."
It's on the thirteenth of May. And when the clock strikes at 12 and the doctor comes out from the ER...
He shakes his head and says these words that break their hearts into tiny little pieces.
"12:03 a.m., May fourteenth. I am sorry, but we lost him. We lost Mr. Clarke. I'm sorry."
}{ }{ }{