webnovel

Chapter 7: Libro ng mga Kapangyarihan

Nagbasa si Farrah at saka nya lang nalaman ang mga bagay bagay dito sa mundong ito tungkol sa 5 na nilalang na nananahan dito. a

Ang mga Elves, Orcs, Fairies, Dwarfs at Ang Humans.

Nalaman nya rin ang kalakalan dito sa mundong ito at ang uri ng pamamahala ng mga officials dito. At ang kanilang mga customs and traditions.

Sa pagbabasa ni Farrah, nakita nya ang mga namumunong Kingdomes dito sa mundong ito. Ang pinaka makapangyarihan at pinaka matanda sa lahat ng Kingdomes ay ang Uldarica Kingdome. Lahat ng Kingdome kahit ayaw man nilang tanggapin na ang Uldarica Kingdome ang pinaka malakas sakanila, wala silang magagawa kasi sadyang makapangyarihan talaga ang Uldarica Kingdome.

Ang mga kayamanan at mga lupain ng Uldarica Kingdome ay napaka dami dahil sa tagal na nilang namamahala dito marami na silang nasakop na mga lupain at marami na din silang nakuha sa mga sinakop nila na mga kayamanan at iba pang mga mahahalagang bagay.

Ang pangalawang pinaka makapangyarihang Kingdome ay ang Gomeria Kingdome. Bagamat mahina ito ng kunti sa Uldarica Kingdome, hinde parin ito magpapatalo sakanila. Kung digmaan ang gusto ng Uldarica Kingdome, yung ang ibibigay ng Gomeria Kingdome.

Ang mga tao sa Gomeria Kingdome ay poro mga palaban. Pag ikaw ay napadpad sa lugar nila pagpasok mo palang makikita mona agad ang mga taong nag aaway dito. Kahit saan ka tumingin ang mga makikita mo lang ay poro mga nag aaway. Ito ang libangan ng mga tao dito. Kahit na ganito sila palagi, kapag may gustong makipag laban sakanilang isang Kingdome, nag kakaisa na ang mga tao dito at sabay sabay na lumalaban para maipag tanggol ang kanilang Kingdome.

Ang pangatlo at ang pinaka mahina sa mga Kingdome ay ang Vinceria Kingdome. Ang mga tao dito ay hinde mahilig sa digmaan, mga away, at mga karahasan. Ang Vinceria Kingdome ay tahanan ng mga mabubuting tao at mga naghahangad ng kapayapaan. At dahil nga jan, pati ibang mga nilalang tumitira rin dito tulad ng mga Dwarfs at Fairies.

Bagamat ayaw ng mga tao sa Vinceria Kingdome ng digmaan, sadyang marami talagang sakim sa kapangyarihan na gustong sumakop sakanila. Ang tao dito ay ayaw sa karahasan pero hinde ang mga Dwarfs at Fairies. Sila ay nakatira na din sa Vinceria Kingdome kaya hinde nila papabayaan na may sumakop dito.

Gusto nilang protektahan ang mga mabubuting tao na nagpakita sakanila ng kabutihan at tinanggap sila sa Vinceria. Kaya kahit gustohin man ng ibang Kingdome na sakopin ang Vinceria, wala silang magagawa kasi malakas ang salamangka ng mga Fairies idagdag mopa ang mga makapangyarihang invention at mga armas ng mga Dwarf.

Yun ang nalaman ni Farrah sakanyang pagbabasa. Hinde nya lang nalaman ang tungkol sa mga Kingdome at mga nilalang dito sa mundo na ito, nalaman nya rin na base sa pag aaral ng mga tao dito, meron pa daw ibang mga mundo pero yun ay mga mundong mas makapangyarihan sa mundo nila at may mga kakaibang nilalang na nakatira na kayang wasakin ang mundo nila ng napaka dali na para lang silang humihinga.

May mga tao nang nagsabi na nakapunta na daw sila doon at nakakatakot daw ang mga naging karanasan nila. Maraming kakaibang mga lugar doon at mga higanteng nilalang na hinde pa nila nakikita. Sa kasaysayan ng mundong ito, marami nang nakapunta doon sa ibang mundo na sinasabi nila at iba iba ang sinasabi nilang mga itchura nito. Ang iba nakakatakot at ang iba paraiso daw. Kaya ang naisip ng mga tao ay iba ibang mundo ang mga napuntahan nila.

Kaya nila nalaman na may ibang mundo nga bukod sa mundo nila. Malaki ang mundo kung nasaan si Farrah pero mas marami pang mas malalaking mundo kaysa dito.

Pagkatapos ng 4 na oras ng pagbabasa natapos na rin si Farrah. "Yes, tapos narin. Kapagod mag basa pero ang dami palang mga bagay dito sa mundo na ito na wala sa dati kong mundo, at meron pa palang ibang mga mundo. Hehe kailangan ko yun mapuntahan, sa lakas ng kapangyarihan ko mukhang kaya ko naman yata kahit may mga nakakatakot na halimaw doon. Babatohin kolang sila ng malaking Aura Ball ko at tignan kolang kung hinde sila maglaho." Ngayun na tapos na si Farrah magbasa, inayus nya na ang mga libro sa harap nya at ibinalik ito sa mga lagayan nila.

At saka sya naglakad papalabas pero bago sya makalabas, may nakita syang libro na kakaiba ang nakasulat. "Libro ng mga Kapangyarihan" ang nakasulat dito. Na curious si Farrah kaya nilapitan nya ito. At nung kukuhanin nya na sa lagayan yung libro bigla itong naging puting liwanag at pumasok sa noo nya.

"Haahhh! Ano yun? Bakit pumasok yun sa noo ko? Ganito ba ang mga libro dito sa mundong ito? Basta bastang pumapasok sa noo ng mga tao. Tika ano ito?" Nagulat si Farrah kasi biglang naging puting ilaw ang libro at pumasok sa noo nya pero may napansin sya sa loob ng isipan nya. Nagkaroon ng parang mga salita, kaya ang ginawa ni Farrah pinikit nya ang mga mata nya at saka nya nalang nakita ang mga salita.

"Hohoho, Farrah aaminin ko natutuwa ako sa mga ginagawa mo gamit ang regalo ko pero alam ko naiinis karin kasi hinde ko manlang sinabi sayo kung ano ang mga kakayahan mo at kung pano ito gamitin. So Farrah, ginawa ko ang libro na ito para malaman mo ang mga kakayahan mo at kung pano ito gamitin. Hehehe Farrah ngayun wala kanang masusumbat sakin. Have fun, papanoorin lang kita mula dito sa taas."

Lumitaw ang isang libro sa isipan ni Farrah. "Tika, God? Ikaw ba yan?" Sabi ni Farrah pero walang sumasagot sakanya. Nung nakita nya na wala talagang sumasagot sakanya ang ginawa nalang ni Farrah tinignan nya yung libro ng mabuti. Lumaki na ito hinde tulad kanina habang nasa lagayan pa ito ng mga libro.

Gustong basahin ni Farrah ang mga nasa libro kaso hinde nya alam kung pano ito buksan. Sinubukan ni Farrah na mag imagine ng kamay sa loob ng isip nya para buksan ang libro pero nung dumikit ang kamay na inimagine ni Farrah, biglang nawala ang libro sa loob ng isipan nya at lumabas bigla sa harapan nya.

Binuksan ni Farrah ang mata nya at saharap nya, nakita nyang lumulotang yung libro na nasa loob ng isipan nya kanina sa harap nya. Kinuha ni Farrah ang libro at.... Bam!

Biglang natumba si Farrah kasama ang libro. "Arayyy!!! Ang bigat naman ng libro na ito. Gawa ba sa bakal ang mga pages nito!?" Riklamo ni Farrah.

Tumayo si Farrah at gamit ang Telekinesis nya, pinalipad ni Farrah ang libro at iniligay nya ito sa kamay nya. Ngayun gamit ang Telekinesis nya, hinde na sya nabibigatan. Binuksan ni Farrah ang libro at nakita ang mga pahina na may kanya kanyang pangalan.

Page 1 (Telekinesis). Ang kakayahang mag pagalaw ng kahit ano gamit ang isipan.

Page 2 (Healing Magic). Ang kakayang magpagaling ng kahit anong sakit malala man o hinde.

Page 3 (Elements). Ang kakayang kontrolin lahat ng Elemento.

Page 4 (Aura Ball). Ang kakayahang magpalabas ng napaka lakas na enerhiya na kayang mag pasabog ng isang boong Bayan at kahit isang boong Kingdome. Base ito sa gusto ng gumagamit.

Page 5 (X Ray Vision). Ang kakayang makita ang mga bagay na natatakpan ng kahit ano.

Page 6 (Shape Shifting). Ang kakayang magpalit ng anyo. Maging hayop o gayahin ang isang tao o gayahin ang isang bagay.

Page 7 (Shield Of The Gods). Ang kakayang magpalabas ng napaka lakas na pananggalang na walang nakakasira, tanging ang mga dyos lamang ang kayang sumira nito.

Page 8 (Universal Language). Ang kakayahang maintindihan lahat ng salita kahit salita pa ng mga hayop ito.

Page 9 (Mind Reading). Ang kakayahang basahin ang iniisip ng isang tao o hayop.

Page 10. (Powerful Senses) Ang kakayahang palakasin ang kanyang mga Senses. Ang mata, ang pandinig, ang pang amoy at ang iba pang mga Senses.

Page 11 (Holy Magic). Ang kakayahang gumamit ng mga Magica na pweding gamitin na pangpuksa sa mga kaluluwa at mga masasamang nilalang na hinde tinatablan ng pisikal na armas.

Page 12 (Life Giving). Ang kakayahang magbigay ng buhay sa mga walang buhay tulad ng mga statwa, mga kagamitan, mga armas, at iba pang mga bagay na walang buhay except sa tao.

Page 13 (Super Strength). Ang kakayahang magbuhat ng kahit ano gaano man ito kabigat.

Page 14 (Shadow Master). Ang kakayahang kontrolin ang mga anino.

Page 15 (Prophecy). Ang kakayahang makita ang mga mangyayari sa hinaharap.

Page 16 (Blank). Farrah, wag kang mag madali na malaman ang lahat ng kapangyarihan mo, dahan dahan lang muna tayo. Dont worry, lalabas rin ang mga kapangyarihan mo sa librong ito. Isang kapangyarihan kada linggo, kaya matuto kang maghintay hehehe, have fun.

Tuwang tuwa na si Farrah sa mga nababasa nyang mga kapangyarihan nya nang biglang mabasa nya ang nakasulat sa Page 16 ng libro. Kanina nakangiti sya pero ngayun nakasimangot na sya. "God, daya mo. Ang kill joy. Saka isang kapangyarihan kada linggo? Tagal naman hayysss. Pweding isang kapangyarihan kada araw nalang? God? Uyy God?" Kahit anong tawag ni Farrah kay God, wala parin sakanyang sumasagot.

Buti nalang walang katao tao dito kundi natawag na si Farrah na baliw. Tinanggap nalang ni Farrah ang masaklap na kapalaran nya na isang kapangyarihan kada linggo.

Alam ni Farrah kaya nya namang alamin kung ano ang mga kapangyarihan nya kaso kung gagawin nya yun mauubos lang doon ang oras nya at tinatamad rin sya kaya mas ok na rin para sakanya ang isang kapangyarihan kada linggo.

次の章へ