webnovel

08: Jemea

Gabi na akong umuwi. Kasama ko mga barkada ko kanina sa Bar. Gulat silang nang nakita nila ako. Akala kasi nila may nangyari na sa akin o baka nakidnap daw. Nakita ko nga sila sa tambayan namin na gumagawa ng plano para hanapin at iligtas ako. Mga sira!

Pagewang-gewang akong naglalakad papasok sa mansion. Nag doorbell ako ng tatlong beses at sa wakas ay pinagbuksan na ako.

"Lance?! Saan ka ba nagpunta?" Tanong ni Manang sa akin pagkabukas niya sa pinto.

"I'm drunk Manang. I h-have to rest." Sabi ko at nilagpasan siya.

Hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Kahit uminom ako ng marami, nandito parin ang sakit sa puso ko. Ang mukha ni Jemea ay laging nakapaskil sa isipan ko.

Dahan-dahan ako naglakad sa hallway papunta sa room ko.

"Fuck! Bakit umiikot ang paningin ko?"

"MANANG! BAKIT UMIIKOT ANG MANSION. TIGNAN NIYO SA LABAS BAKA PINAPAIKOT NILA BAHAY KO!" Sigaw ko at bigla nalang akong natumba at nakahilata sa sahig.

Nakapikit lang ang aking mga mata, iniinda ang sakit sa puso ko. Sumasabay pa tong ulo ko. Maya-maya ay may isang malamig na bagay na dumampi sa noo ko.

"Ced?" Tawag ng boses babae pangalan ko.

"Asawa ko? Anong nangyari sayo? Bakit ka nakahilata rito. Halika na sa kwarto mo. Bangon na!" Sabi niya.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.

'Sino to? Angel bato? Patay na ba ako'

"Don't take me, please. I want Jemea. Give her back t-to me." Sabi ko sabay titig sa malabong mukha.

"Huh?" Sabi nito.

"Sino si Jemea, Ced?" Tanong nito at agad akong bumangon.

"Sino ka?!" Inis kong tanong habang isinandal sa pader ang aking likod. Ang aking mga hintuturo ay naka cross sign.

Parang bigla nawala ang alcohol sa aking katawan at maigi siyang pinagmasdan. Nakasuot pa ito ng wedding gown.

"Ako to si Feira. Asawa mo" nakangiting sabi niya.

Bigla kong naalala na nandito pala si Feira. Pero iba na itsura niya. Nagmukha na siyang tao and she's beautiful.

"What did you do?" Curious kong tanong.

"Humingi ako ng tulong kay Tanda. May 100 daang araw ako dito at maging ganito. Ginawa ko to para sayo. Para hindi mo na ako ikakahiya at mapapakilala mo na ako sa mga magulang mo. Narinig ko mga maids niyo, umaga daw sila uuwi. Excited na ako." Masaya niyang sabi.

Tumayo ako at iniwan siya don. Naglalakad ako papunta sa silid ko na medyo nahihilo. Narinig ko siyang tumatawag sa pangalan ko habang hinahabol ako sa paglalakad.

"Ced? Hindi ka ba natutuwa?" Tanong niya at tumigil ako sa paglalakad dahilan para mabangga siya sa likod ko.

"Aray!"

Hinarap ko siya at nakita ko siyang hinihilot ang noo niya at tumingala para makita ang mukha ko.

"What would be the reason for me to be happy? None!" Suplado kong sabi. Nakita ko na unti-unting nawawala ang ngiti niya sa kaniyang labi.

"A-akala ko matutuwa ka." Nakayuko niyang sabi.

"Nagmukha ka ngang tao pero hindi parin maaalis ang katotohanan na patay ka na." Sabi ko at pumasok na sa aking silid.

*****

Hindi ko alam kung ano at bakit siya ganon. Akala ko pa naman matutuwa siya. Parang tutulo na ang mga luha ko pero pinigilan ko ito. Napakagat ako sa ibabang labi sabay sa pag-inda ng sakit na nararamdaman ko. Oo, patay na ako pero kahit patay ang isang taoay may emosyon parin.

Lumutang ako papasok sa silid niya. Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya na hindi pa tinatanggal ang kaniyang sapatos. Kitang-kita sa kaniya na may malalim siyang iniisip.

"C-Ced?" Tawag ko pero hindi niya ako pinansin.

"T-Tatanggalin ko lang ang sapatos mo ha?" Sabi ko pero di parin siya umimik at lumapit ako sa kaniya. Huhubarin ko na sana ang sapatos niya ng bigla siyang nagsalita.

"Don't touch me!" Sigaw niyang sabi. Bigla akong naestatwa sa pagsinghal niya sa akin.

"T-tatanggalin ko lang naman ang s-sapatos mo eh. Gawain ko iyon k-kasi a-asawa mo ako."

"You're not the one i dream of to remove my shoes, to take care of me, to love me. Just stay away from me, just this moment. I want to rest." Malamig niyang sabi at tumagilid siya kasabay sa pagtakip ng unan sa kaniyang mukha.

'Anong ibig niyang sabi?'

"Sige, a-asawa ko. M-Matulog ka lang. Babantayan kita. Doon lang ako sa veranda." Sabi ko sabay talikod sa kaniya. Sa pagtalikod ko, papunta sa veranda ay ang pagtulo ng aking mga luha.

'Bakit ganon si Ced sa akin? May nagawa ba akong mali? Kung meron man, willing akong ayusin iyon. I'm willing to change myself for him, to be a better wife for him. Pero ang inaasta niya ngayon, nakakalungkot isipin.'

Nakalutang sa ere, dito sa veranda habang pinagmamasdan ang buwan at ang kagubatan mula sa malayo. Umangat ako ng umangat hanggang sa nakapunta ako sa bubong at umupo don. Yakap na yakap ko ang aking sarili at bumuntong-hininga ng malalim.

Naalala ko ang pangalan na binanggit ni Ced. Si Jemea.

'Sino si Jemea?'

Ipinatong ko ang aking mukha sa aking dalawang tuhod at umiyak doon.

"Ano bang nangyayari? Ayaw niya ba na ganito ang itsura ko. Ano ba problema niya.? Sana kung may problema man siya sabihin niya sakin dahil asawa niya ako" sabi ko ng umiiyak.

"Feira?" Biglang sabi ng kung sino. Inangat ko ang aking ulo upang tignan kung sino iyon.

"Nandito ako? Si Lucio to." Sabi nito at tumingin ako sa ere kung nasaan si Lucio. Bumaba siya at pumatong siya sa balikat ko.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya.

"Buti naman at nandito ka." Sabi ko sabay pahid ng mga luha ko.

"Bakit ka nga umiiyak?!" Tanong niya ulit.

"Napuwing lang ako eh." Palusot ko.

"May ginawa ba ang lalaking iyon sayo? Gusto niya ba na tukain ko siya?!"

"Lucio naman. Wala naman eh. Ayos lang ako. Ang bait kaya ng asawa ko. Hangin lang to na may dalang alikabok kaya ayon napuwing ako at napa-iyak."

Tinignan ako ni Lucio na parang di naniniwala sa sinasabi ko.

"Eh bakit ka nandito sa labas. Dapat katabi mo asawa mo ngayon sa loob."

"Hindi ako inaantok eh. Babantayan ko nalang siya. Papasok narin ako maya-maya sa loob." Nakangiting sabi ko.

"Ikaw bakit ka nandito?"tanong ko.

"Na miss kita eh." Sabi niya at ngumiti lang ako.

"Na miss rin kita Lucio, ikaw lang ang meron ako pati si Ced." Sabi ko.

"Sige na pumasok ka na. Mukhang buhay ka na ngayon. Ang ganda mo pa. Mafa-fall talaga iyan si Ced sayo. Sino bang hindi? Ang ganda-ganda mo na ngayon"

"Ngayon mo lang ako pinuri ng ganiyan ah. Ngayon lang ba ako maganda.?"

"Ses, ngayon lang. Huwag ka ng mangarap na pupurihin kita ulit. Hahaha. Sige alis na ako." Sabi ni Lucio sabay tawa at lumipad na.

Ako naman ay bumaba na at pumasok sa silid ni Ced na mahimbing na natutulog habang may binabanggit na pangalan.

"Jemea?"

"Jemea?"

'Sino si Jemea, Ced.?'

Sa pagbanggit niya sa pangalang iyon ay nalulungkot ako.

Sino ba siya?

次の章へ