webnovel

Chapter 5: Time Flies

Seven Months Later

Hindi niya sukat akalain na magtatagal siya sa trabaho niya, kahit maraming ayaw sakanya ay binaliwala lang niya ang mga 'yon. Hindi na niya pinapansin si Madelyn mula nang pinagsasabihan siya ng masama maging ito ay hindi na siya pinapansin.

Time flies so fast. Pitong buwan na ang nakalipas. Everything went well, and all was good to her. Naniwala na siya sa talaga sa motto niya sa buhay. In every hardship you have encounter there will be a good things happened after. Iyon kasi ang nakalagay sa damit niya noong bata pa siya. Maraming nangyayari sa buhay niya mula ng nagtrabaho siya sa kompanya. Naging maayos ang buhay niya. Kung nasaan si Don Javiee ay nandun din sila. Pinagshopping din siya ng matanda ayaw man niyang tanggapin pero nag insist ito. Nag out of town din sila kapag kailangan sa trabaho. Nakasama na din siya dito sa isang conference sa Manila. Sa lahat ang pinakagusto niyang nangyari ay nakapag aral siya ulit. Iyon ang hiningi niya kay Don.

Mula ng pumasok siya sa kompanya ay may Madelyn na laging minamaliit siya. Lagi siyang umiiyak dahil para sakanya ang liit ng pagkataon niya. Hiningi niyang pag aralin siya habang nagtratrabaho siya. Pumayag naman ang Don at siya ay nakapag aral. Labis ang sinaya kaya pinaigihan pa niyang magtrabaho sa kompanya.

Tumunog ang phone niya, palabas na siya ng University nila kung saan siya nag aaral. Uuwi na siya dahil half day lang ang klase niya kapag Tuesday.

"Aloha, Where are you?" bungad ng Don sa kabilang linya. Medyo matamlay ang boses nito at inuubo.

"Pauwi na po, tapos na po ang klase ko bakit po?" aniya na nasa pag alala ang boses. Hindi kasi nito gawain tumawag sakanya para tanungin kung nasaan siya ngayon. Uuwi pa siya ng bahay para magbihis at mag ayos para pumasok sa opisina nito.

"Okay lang po ba kayo?" pag aalala niya. Parang hindi maayos ang kalagayan nito dahil panay ito ng ubo.

"Okay lang ako pahinga ko lang 'to. Nasa bahay lang ako. May pakiusap lang sana ako sayo---" huminto ito dahil inaatake na naman ng ubo. "Take here the pending documents in my house para sa shipping. Kailangan kong matapos 'yon." anito at umubo ulit.

Masama nga siguro ang pakiramdam nito dahil hindi ito pumasok. Hindi kasi ito naubosan ng lakas laging nasa opisina ito at tutok na tutok sa trabaho. Minsan sa opisina na ito matulog. Naawa na siya dito dahil madalas itong malungkot. Kahit hindi sasabihin ni Don Javier ay alam niyang may dinadala itong problema.

Nasabi kasi nito na umalis ang anak niyang si Third nang nag away silang dalawa.

"Yes po! Dalhin ko po diyan sa inyo." aniya at pagkalabas ay pumara agad siya ng taxi para makarating sa opisina.

Naka uniporme pa siya nang pumasok siya sa opisina. Hindi na siya nagpalit pa baka kasi kailangan na nito ang importanteng documents.

Nakabangga pa siya ng tao dahil sa pagmamadali. Kinakabahan kasi siya hindi niya alam kung bakit. "Bulag ka ba?" singhal ng nabangga niya. Hindi niya kasi kita ang mukha nito dahil busy siya sa pagkuha ng natapon niyang mga gamit.

Tumingin siya dito laging gulat siya ng si Madelyn ang nabangga niya. "Ikaw siguro ang bulag! Nagmamadali ang tao! Harang harang ka pa!" singhal naman niya pabalik. Kita niya ang ilong nitong nag aaso sa galit. Hell I care. Sa araw araw niyang pasok sa kompanya lagi siyang pinagdidiskitahan nito. Nagkaroon siya ng lakas loob para lumaban umirap siya at nilagpasan na niya ito at pumasok sa opisina. Nakita naman niya agad ang kailangan ng Don.

Hindi na siya nagtagal sa opisina, lumabas na din siya. Dalhin niya ang dokumento sa bahay nito. Pagkalabas na niya ng kompanya ay bumuhos ang malakas na ulan. Ang malas pa naman niya hindi siya nakadala ng payong. Pero kahit bumuhos ang ulan ay naghihintay pa rin siya ng taxi. Bakas ang suot niyang panloob dahil basa na siya ng ulan. Kahit masarap ang maligo sa ulan hindi niya iyon naranasan. Ayaw niya sa ulan mula bata pa lang siya dahil para sakanya ang ulan ay sumisimbolo ng kalungkutan. Tulad ng buhay niya.

May dumating naman na Taxi, agad siyang pumasok at sinabi ang bahay ni Don Javier.

***

Nag door bell pa siya ng maraming beses nang binuksan siya. Isang babae na nasa 60's  ang bumungad sakanya. Malapad itong nakangiti sakanya na para bang  kilalang kilala na siya nito kahit ngayon lang naman silang nakita.

"Good morning ho, ako po si Aloha." bati niya dito.

"Hi hija, ikaw pala si Aloha ay kagandang bata! Halika, pasok ka. Kanina ka pa hinintay ni Manuel." anito habang nakangiti ng matamis sakanya. Flattered na naman siya sa sinabi ng Manang. Pinalakihan ang bukas ang gate. Pumasok naman siya.

"Salamat ho, nasaan po siya?" tanong naman niya dito habang nakasunod. Nalula siya sa kagandahan ng paligid ng bahay. Puno ng mga iba't ibang bulaklak ang dinaraanan niya. The house filled with green grass. Nakakamangha at ang ganda pala ng bahay ni Don Javier. Mapagkamalan mong isang Engineer ang tumira dito dahil sa ganda ng disenyo. Hindi matawag na maluma ang bahay dahil sa Spanish design ang style nito but it's looks cool. Para sakanya ilan nalang ngayon ang bahay na tulad noong unang panahon. Parang bumabalik lang siya sa kahapon. Sa panahon ng mga Espanyol.

"Nasa kwarto niya hija, mukhang masama ang pakiramdam." anito na pagkaba sakanya. May sakit ang matanda? Kailan pa? Hindi naman nito sinabi sakanya.

Iminuwestra nito ang sala.

Mas lalo lang siya namangha ng nakapasok na siya sa sala. Ang laki, parang isang dosena ng tao ang tumira dito. Inilibot niya ang kanyang paningin, nakakahanga ang disenyo ng bahay. She can say it's modern spanish design. Mapalabas man at sa loob. May mga nakasabit na naglalakihang frames. Sa dinadami ng nakasabit duon. Nahagip ng mata niya ang isang Family pictures huminto siya para tingnan 'yon. Si Don at ang asawa nito nakaupo sa sofa at may dalawang bata na nakatayo sa likod nila. Dalawa? Ang alam niya isa lang at 'yon ang batang lalaki na si Third. Sino ang babae?  Kunot niya itong tiningnan.

"Ang saya nila no? Ang babait ng mga 'yan." sabi ni Manang

"Manang, sino po 'yang babae?" Tanong niya habang nakatitig pa rin sa picture.

"Si Lovie 'yan. Ang anak na babae ni Manuel." anito

"Nasaan na po si Lovie?" tumingin na siya kay Manang. Hindi nabanggit ni Don Javier na may anak pala siyang babae.

"Ah--- e' naglayas kasi 'yan. Hanggang ngayon hindi na bumabalik." malungkot na saad ni Manang. Nalungkot naman siya para kay Don Javier. Kaya siguro minsan nakita niya itong nakatitig lang sa kawalan na para bang ang lalim ng iniisip.

"Maiwan na kita hija. Nasa taas lang ang kwarto niya at lumiko ka sa kanan. Iyon na ang kwarto niya. O sita sige uuwi na ako, pakialagaan mo muna si Manuel ha." paalam nito at lumabas na. Tumango lang siya dito.

Umakyat na siya sa hagdan. Hindi niya akalain na may anak pala ito na babae. Ang na kwento lang kasi nito ay ang anak nito na si Third. Nakakalungkot isipin ang sitwasyon nito. May mga anak naman pala pero nag iisa siya sa malaking bahay. Nakapagtataka lang bakit naglayas si Lovie. Iyon ba ang mababait? Ang iiwan ang ama mag isa.

Hay, nabuga nalang siya ng hangin. Parehas lang sila ni Don Javier. Siya walang magulang ito naman pinapabayaan ng anak.

Hi vote and comment are appreciated. Thank you po😘

次の章へ