Nagising si Caitlin na tumunghay sa kanyang paningin ang asul na kalangitan, ito'y namumulaklak ng mga makakapal at malalambot na ulap na mayroong kanya-kanyang hugis at larawan. Napangiti siya. Ang sumunod na napagtuunan niya ng pansin ay ang kinahihigaan niya. Nararamdaman niya ang pinaghalong matigas at malambot na lupa at damo, medyo basa nga rin ang mga iyon. Lumanghap din siya ng sariwang hangin--at kasabay niyon ay ang pagkalanghap niya ng partikular na amoy na nagdulot sa kanya ng matinding pagkasabik. Animo'y lubid na natanggal sa pagkakapulupot ang lahat ng kanyang mga alaala at ito'y tuluyang nakawala. Nang mapagtanto niya ang lugar na kinalalagyan ay awtomatikong napatayo siya at hinanap ang pigura ng taong gustong gusto niyang makita. At hindi nga siya nagkamali, sa may di kalayuan-- nakita niya itong nakatayo sa may tabi ng pinakamalaking puno sa buong lugar, at mukha ring pinakamatanda habang nakatingin sa malayo.
Mabilis siyang tumakbo papunta doon, sunod sunod at ekspertong iniiwasan ang malalaking bato na humaharang sa kanyang daanan, sinalubong din niya ang malahiganteng tanim ng mga iba't ibang uri ng bulaklak na halos kasing laki na niya. Noong una niyang punta sa lugar na iyon tanging mga sunflowers at roses lang ang kilala niya pero ng naging madalas ang pagdalaw niya sa tinuturing niyang paraiso ay sinimulan din niyang pag-aralan ang mga iyon habang hinihintay ang pagdating ng kanyang bisita.Nang medyo malapit na siya sa kinaroronan nito ay agad niya itong tinawag...
"Papa!" excited na tawag niya. Agad naman itong lumingon at sinalubong siya ng malawak nitong ngiti. Kumaway siya dito, sumenyas naman ito na lumapit siya doon. Nang makarating siya sa tabi ng ama ay agad na susugurin na sana niya ito ng yakap ng natigilan siya. Nang ma-realize ang ginawa niya ay nahihiyang ibinaba niya ang mga braso at itinutok ang atensyon sa may baba. Mabilis siyang dumistansiya ng kaunti. Marahan itong tumawa.
"Sorry po, na-carried away ako...ang tagal niyo kasing hindi nagpakita e" paliwanag niya dito
"Tumingin ka sa akin sweetie" utos nito. Nag-aalangang itinaas niya ang ulo at tinignan ang mukha nito. Nang mapansin niyang hindi naman ito galit sa kinilos niya ay awtomatikong bumalik ang ngiti sa mga labi niya.
"Alam mo namang hindi ako kailanman magagalit sayo" mayamaya ay saad nito sa kanya. Napasimangot siya sa ginawa nito.
"Papa, stay out of my mind" nagrereklamong saad niya dito
"I like reading your mind sweetie. It amuse me all the time" paliwanag naman nito
"Pareho talaga kayo ni Mama kahit kailan.Galing niyong mang-asar" she pouted...Nanahimik siya ng makita ang seryosong mukha ng ama. He's thinking again, he had this faraway look in his face.
"Kamusta na ang mama mo?" mayamaya ay tanong nito. She detected sadness in his voice
"She's fine" agap na sagot niya...."Err...ayos lang po talaga kami...seryoso...she misses you" she added lamely
"Hindi mo na kailangang pagaanin pa ang loob ko sweetie"
"It's true" she insisted, but why does it feels like the other part of her is feeling sad too.
"Malapit na ang birthday mo" pag-iiba nito ng usapan
"Yeah. Bibisita po ako sa inyo"
"Hindi mo na kailangang gawin iyon...just spend the day with your Mom and Dad"
"Pero gusto ko po ang ginagawa ko. It's the only thing I can do...and...--Anyway, I'll bring irises for you"
he smiled faintly.
"Pa, anong nangyari bakit ngayon ka lang ulit dumalaw?" tanong niya. Dati rati every two weeks once or twice itong dumadalaw sa panaginip niya pero umabot ang dalawang buwan bago ito muling nagpakita. Alam niyang weird ang pangyayaring iyon kapag tuwing natutulog siya. She's not suppose to be able to see his dad as clear as day and talk to him like they usually do, pero alam niyang mas gugustuhin na niyang wag alamin kung anong nangyayari kaysa mawala ang regalong iyon sa kanya dahil sa curiosity niya. And she kept silent about it--baka i-admit na siya sa mental hospital kapag nalaman nitong nakikipag-usap siya sa namayapang ama sa pamamagitan ng panaginip niya. Her Dad died when she was 10 years old--and then he started to appear in her dream when she was 15. In the eve of her birthday. It's been going on for almost three years, at minsan nakakakonsensiya na hindi niya kayang sabihin sa ina ang pangayayaring iyon sa buhay niya but as her Dad would always say it got to be a secret between the two of them. Only them.
"Complications"
"And as usual, hindi ko pwedeng malaman" saad niya. Napangiti ito
"As usual"
"Hmmm...Trouble in paradise. I wonder bakit ka kaya pinayagang makipagkita pa rin sa akin kahit na matagal ka ng patay. Are you pulling some strings over there?" diretsa niyang saad. Bigla itong humalakhak habang hindi maalis alis ang tingin sa mukha niya.
"Walang nakakatawa" biro niya sa ama
"Tama ka sweetie, wala ngang nakakatawa...it's just your being you as always. You're..."
"Awfully honest" she supplied
"Yes,...awfully honest...and for being like that I come bearing gift" her Dad held out his closed hand, and then slolwy opened it revealing a necklace. Hindi niya masyadong maintindihan ang design niyon. She strained her neck to see clearly.
"Come, I'll put it on"
"Pero I'm not supposed to come near you, and touch you...and..."
"It's alright Caitlin. Paminsan-minsan masarap ang pakiramdam na hindi sumusunod sa rules"
"Tinuturuan mo ba talaga akong maging suwail Dad?" biro niya sa ama
"Nope, just trying to make you loosen up a bit. And today is an exception to that..."
"Pwede na kitang mayakap?" hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Para siyang nalulunod sa halo-halong emosyon. Umiinit na ang gilid ng mga mata niya
"Nope, today I can hug you" binagtas ng ama ang distansiya sa pagitan nilang dalawa, at binalot siya nito sa isang mainit at mahigpit na yakap. And she hugged him back so tight twice or more than he did. Everything is so familiar, her memories and senses heightened. "And now, I can kiss you too" patuloy nito. Naramdaman niya ang mainit na labi nito na dumampi sa noo niya--lingering, making her feel complete bliss. The next thing she knew she's crying so hard, she's shaking in his arms.
"I love you, a million times over" she said to him, her voice hoarse
"And I love you too...forever and until the ends of eternity"" he answered, his voice so quiet but it held so much power it dug deep in her mind and heart.
"Close your eyes" he gently commanded, and she did. She felt his smooth warm fingertips trailing in her neck, and she heard a soft click. Then she felt his hot breath fannning her cheek.
"I promise to always protect you and keep you safe. To stand by your side as always and to uphold my oath as I did before you and our many lives together. I'm a part of you as you will always be a part of me. You own me as you hold my soul in yours. Let the elements and spirit be our witness" as her father's words rushes inside her, she felt an involuntary shiver and warmth, invading her body, mind and branded her soul. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari-- hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Her eyes remained shut. Bigla siyang natakot sa kung ano ang makikita niya kapag iminulat niya ang kanyang mga mata. Para siyang naliliyo sa mga nangyayari, nang akala niya ay wala ng katapusan ang nararamdaman niya--she suddenly felt cold. Lumayo na ang ama mula sa kanya.
"Open your eyes, Caitlin" She shook her head. Narinig niya ang malalim na buntong hininga nito, pero ayaw niyang dumilat. Hindi niya kaya.
" Sa susunod nating pagkikita, magiging iba na ang lahat. I won't be your father anymore, please keep that in mind. For now, I will set you free, until then..." everything happened so fast, she wasn't able to think straight, all she knows is that the moment his lips touched hers, everything is right in her world, nothing could ever go wrong. And just like that she felt like crying and rejoicing at the same time. Just what the hell is going on?!