Epilogue
"KUMAIN KA NA ANAK, ito na siguro ang kapalaran na ibinigay sa atin ng Diyos. Marapat lang nating tanggapin ng buong puso at ipagpasalamat sa kaniya..."
Nasa hapag-kainan sila ngayong tatlo at nakaharap sa pagkaing nakahain sa kanilang mesa. Alas-sais na ng gabi. At masasabi ni Oddyseus sa sarili na ito ang kakaibang gabi para sa kaniya.
Wala siyang maramdamang kakaiba sa kaniyang sarili kahit kabilugan ng buwan. Gaya nang dati na sumasakit ang kuba sa kaniyang likod sa t'wing ganitong oras at kabilugan ng buwan. Magiisang oras na rin at hindi parin nagpapakita sa kaniya ang diwata. Tulad ng sinabi nito sa kaniya kanina bago ito naglaho na parang bula sa kaniyang harapan.
Napatingin siya sa kaniyang Amang si Romulos nang magsimula itong magsalita. Humihikbi na ito ng iyak tulad ng Inang Victoria niya.
"`Nay? `Tay? Bakit kayo umiiyak?"
Tumayo ang Ama niya saka lumapit sa kaniya. Bigla itong lumuhod sa kaniyang harapan at hinawakan ang kamay niyang kulubot na. Nanlalaki ang kaniyang mga mata dahil sa kaganapang iyon.
"A–ama, tumayo ka nga. Bakit ka lumuluhod?" Tumayo na rin siya at pinantayan ito.
Naramdaman rin niyang tumayo ang Ina niya at lumapit rin sa kaniya. Lumuhod rin ito sa kaniyang harapan katabi ang Ama niya. Magkakapantay na sila ngayong tatlo. Magkaluhod sa isa't isa.
"Anak, patawarin mo ako. P–patawarin mo ako. Kung hindi dahil sa akin, hindi mo nararanasan ang ganito. Ang sumpang iyan, hindi sana nangyayari sa'yo. P–was patawarin mo ako, anak. Kung pwede ko lang sana ibalik ang dati, ginawa ko na." Hikbi ng kaniyang Ama habang humahagulhol na sa iyak.
Maging ang kaniyang Ina ay ganoon rin. "Anak, patawarin mo ako. Kung hindi sana ako nagpumilit sa 'yong ama na kuhaan ako ng mangga noon, hindi ito mangyayari sa iyo. Hindi ka sana isinumpa, anak. Patawarin mo ako. Patawarin mo kami ng ama mo anak. Ikaw na ang nagdurusa ngayon dahil sa amin..."
Hindi narin niya mapigilang hindi mapaiyak. Ang sakit-sakit para sa kaniya, makita ang mga magulang niyang nakalubod ngayon sa kaniya habang humihingi ng tawad. Walang kasalanan sa nangyari sa kaniya. Walang kasalanan sa pagkakaroon ng sumpa. Walang dapat na sisihin rito.
Umiling-iling siya saka humihikbing nagsalita kasabay ang paghawak sa mga kamay ng kaniyang mga magulang.
"A–ama, Ina. Wala kayong kasalanan. Walang may kasalanan rito. Kung ito na talaga ang itinalaga sa akin ng Poong Maykapal, buong puso kong tatangapin. Kaya't huwag na huwag niyo pong sisihin ang mga sarili niyo. Saka isa pa ho, matagal ko nang tanggap na ganito na ang magiging kapalaran ko... kaya sana ho, maging malakas kayo para sa akin. Huwag na huwag niyo pong sisihin ang mga sarili niyo dahil sa nangyari, mahal na mahal ko po kayo, Ina at Ama."
Walang impis na iyakan ang namagitan sa kanilang tatlo. Ngunit agad silang nagulantang nang makarinig ng isang putok ng baril sa labas ng kanilang bahay.
Agad napatayo ang Ina niya dahil sa gulat at kaba na rin. "D–diyos ko! Putok ng baril iyon ah!" Napa sign of the cross ito.
Tumayo narin ang Ama niya at hinawakan ang Ina niya sa kamay nito, maging siya ay hinawakan nito. Parang pino-protektahan silang dalawa nito sa kung ano man ang maaring mangyari.
"Lumabas ka diyan, Oddyseus! Harapin mo akong hayop ka!" Nagulantang na lamang silang tatlo nang marinig ang boses ng isang lalaki sa labas ng kanilang tahanan.
"A–anak, kilala mo ba ang taong iyon?" Kinakabahang tanong ng kaniyang Ina sa kaniya.
Tumango siya, "Oho, siya si Connor Esvares. Ang taong may malaking galit yata sa akin," sagot niya rito.
Kumawala siya mula sa pagkakahawak ng kaniyang Ama. "Dito lang po kayo, huwag na huwag ho kayong lalabas ng bahay. Haharapin ko lamang ho siya."
"P–pero, anak. May dala siyang baril. Dito ka lang, ako na ang haharap sa kaniya. Baka kung ano ang gawin niya sa'yo," pigil agad sa kaniya ng kaniyang Ama na puno ng pag-aalala ang mga mata.
Umiling-iling siya. "Dito lang ho kayo. Ako na pong bahala sa kaniya."
Wala na ang mga itong nagawa nang magsimula na siyang lumakad papalabas ng kanilang bahay. Binuksan niya ang pinto at agad na isinara. Hinanap niya si Oddyseus at agad niya itong nakita sa hindi kalayuan. Papunta na ito sa kinaroroonan niya nang makita siya nito sa kaniyang kinatatayuan.
Lumakad siya papalapit rito. Hindi na siya takot rito. Kung papatayin man siya nito, tanggap na niya. Huwag lang nitong idamay ang mga magulang niya.
"Anong kailangan mo sa akin, Connor?" tanong niya agad rito nang makalapit na siya.
Sa halip na sagutin siya nito, suntok agad ng kamao nito ang sumalubong sa kaniya. Napahandusay siya sa lupa. Galit na galit itong dinaganan siya habang nanlilisik ang mga mata.
"Hayop ka! Inagaw mo sa akin si Olcea! Ang dapat sa 'yo, ay mamatay nang hayop ka!"
Pinagsusuntok siya nito sa kaniyang pisngi. Ramdam niya ang pagmamanhid ng kaniyang kulubot na pisngi dahil sa suntok nito. Napaubo siya ng sariling dugo. Lasang-lasa niya ang pulang likido sa kaniyang bibig.
"Ikaw ang hadlang sa aming dalawa! Ano bang meron sa 'yo at ikaw ang nagustuhan niya kesa sa akin, ha? Eh, ang pangit-pangit mong hayop ka! Ang sama ng itsura mo, alam mo ba iyon? At ang kapal naman ng mukha mong lumapit kay Olcea! Iyon ang hindi matanggap ng pride ko, ang piliin ka niyang kubang pangit, kesa sa akin na mas hamak na gwapo ako sa'yo! Mamatay ka na!"
Pinagtatadyakan siya nito sa kaniyang kubang likod. Napasigaw siya sa sakit na natanggap. "Ugh!"
"Unti-unti kitang papatayin! Para mawala ka na sa landas namin ni Olcea!" Patuloy pa rin ito sa pagbugbog sa kaniya.
Piling niya mawawalan na siya ng malay dahil sa hilong nararamdaman. Nanlalabo narin ang paningin niya at halos hindi na niya ito marinig ng maayos.
Akama ulit siyang tatadyakan nito nang may biglang sumigaw. Boses ng babaeng mahal niya. Nabuhayan siya ng loob, at parang nadagdagan ang lakas niya kahit na kaunti. Kaya niya pa, kaya niya pa ito.
"Connor! Tama na! Maawa ka!"
Napangiti siya nang masilayan ang mukha ni Olcea na nag-aalala para sa kaniya. Agad siya nitong dinaluhan at sinipat ng tingin. "Oddy, sorry. S–sorry, kung hindi dahil sa akin hindi ito mangyayari. S–sorry."
Tangka na sana siyang yayakapin ni Olcea nang bigla itong hilahin ni Connor sa braso palayo sa kaniya. "I am sorry, babe. Pero mawawala na siya sa landas natin. Haha."
BIGLANG nag-init ang ulo ni Olcea at pinagsusuntok si Connor ng buong lakas niya. Hindi narin niya napigilan ang sariling umiyak. Hindi niya kayang makita nang ganoon si Oddyseus. Para siyang sinasaksak ng paunti-unti sa kaniyang puso. Seeing Oddyseus with its own blood, its killing her slowly.
"Hayop ka! Mas masahol ka pa sa hayop! Demonyo ka! Wala kang kasing sama!" Pinagmumura niya ito at pinagsusuntok sa dibdib, pero mukhang wala lang iyong epekto kay Connor dahil ngising-ngisi parin ito habang nakatingin sa kaniya.
"I am more than like that, babe. Gusto mo bang masaksihan?" tawa nitong tugon sa kaniya.
Para na itong sinaniban ng demonyo dahil sa halakhak nito at tinging ipinupukol para sa kaniya. Bigla siyang nilukob ng takot, takot para kay Oddyseus.
"Papatayin kita! Mamatay ka na!" sigaw niya sa pagmumukha nito at dahil sa inis at galit niyang nararamdaman para rito nasampal niya ito nang wala sa oras. Iyon ang dahilan upang tumabingi ang pisngi nito.
Umigting ang panga ni Connor habang bumaling sa kaniya. Sa hindi inaasahan, sinampal rin siya nito ng ubod lakas. Napaigik siya dahil sa sakit, at dahil sa nawalan ng balanse natumba siya sa lupa.
"Anak!" Rinig niyang sigaw ng kaniyang Ama Agno. Papalapit na ito sa kaniya ngayon. Nakasunod rin pala ito sa kaniya.
Akma ulit sana siyang susuntukin ni Connor nang maunahan na ito ng Ama niya. "Hayop ka! Sinong may sabi sa'yong saktan mo ang anak ko, ha?! Ni hindi ko nga hinahayaan iyang dapuan ng lamok, tapos ikaw na tarantado ka!" galit na galit na sigaw ng kaniyang Ama.
"Walang hiya kang matanda ka! Papatayin narin kita!" Binunot ni Connor ang baril nitong na sa likuran at pinaputukan ang kaniyang Ama.
"Ama!" Nanlalaki ang kaniyang mga mata nang masaksihan ang pangyayari.
Bang! Bang! Bang! Bang! Bang!
Limang magkakasunod na putok ng baril ang pumukaw sa lahat. Sa muling pagbubukas at pagkalumo ng mga puso.
"Anak ko! Diyos ko!" sigaw ng isang ginang habang papatakbo sa kinaroroonan ni Oddyseus na nakahandusay na ngayon sa lupa habang naliligo sa sariling dugo. Ito ang sumalo ng bala na dapat ay para sa ama niya.
Agaw ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos. Sa matinding galit na naramdaman ni Mang Romulos, agad niyang sinugod si Connor at pinagsusuntok ito na parang wala nang katapusan. Sumuka ng dugo ang binata, pero hindi na iyon alintana pa ng matanda. Sa mga oras na ito, ang iniisip lamang niya ay ang anak na nag-aagaw buhay dahil sa limang tama ng bala ng baril ang natamo nito.
"Papatayin kitang hayop ka! Anong ginawa sa'yo ng anak ko, at ginawa mo itong tarantado ka!"
Samantalang si Olcea, nanginginig ang buong katawan sa nasaksihan. Hinang-hina siya habang gumagapang papunta sa kinaroronan ni Oddyseus.
"O–oddy... Diyos ko." Hagulhol niya nang tuluyan na siyang makalapit rito. Niyakap niya ang katawan ni Oddyseus nang napaka-higpit. Hindi na niya inisip pa na kasama niya rin ang Ina ni Oddyseus na ngayo'y nasa tabi niya rin habang tumatangis tulad niya.
"Oddy, please. Lumaban ka, huwag mo kaming iwan. Huwag mo akong i–iwan. Mahal na mahal kita, please.."
"M–mahal na mahal rin kita, Olcea...n–noon pa kita mahal, noong una tayong nagkita sa gubat. M–masaya ako kasi kahit sa kaunting oras, n–nakasama kita...hangad ko ang iyong kaligatasan...t–tandaan mo palagi na mahal na mahal kita...s–salamat at dumating ka sa mundong 'to, nakilala kita't nasilayan. Minahal at nakasama..."
Unti-unti nitong hinawakan ang kaniyang pisngi. Napahikbi siya nang maghina ito ng lubusan.
Ilang segundo pa ang lumipas at nawalan na ng hininga ang lalaking minamahal niya. "Oddy! Oddy!"
Isang nakakasilaw na liwanag ang pumukaw sa lahat. Maliban sa dalawang taong tunay na nagmamahalan. Maraming alitaptap ang nagkalat sa paligid. Isang liwanag na nag-anyong tao ang bumungad sa lahat.
Napakagandang diwata na siyang nagpamangha sa lahat. Isang diwatang walang mukha. "Sa taglay ng kabusilakan ng puso ng iyong minamahal, Olcea. Ginagampalaan ko siya ng isang gantimpala, ang gantimpalang matagal na sana niyang tinatamasa. Dahil sa minahal mo siya ng buong puso, hindi dahil sa taglay niyang kaanyuan, kundi sa taglay ng kaniyang puso. Ginagantimpalaan ko kayong magkasama magpakailanman..."
Pumikit ito at itinaas ang mga kamay diretso sa buwang nakasilip. "Buwan, buwan. Ibigay ang hiling ng diwatang nakapikit. Sa sinag ng iyong ilaw, walain ang sumpang matagal nang nakaukit, sa taong karapatdapat na gantimpalaan ng tulad kong marikit..."
Isang napakasilaw na liwanag mula sa buwan ang tumama sa katawan ni Oddyseus. Napakaraming alitaptap ang pumalibot sa katawan nito na siyang dahilan upang lumutang ito sa ere.
Walang malay itong nakatayo habang nakalutang. Unti-unting napapalitan ang suot nitong kasuotan. Dahan-dahan itong bumababa sa lupa kasabay nang pagkawala ng liwanag at mga alitaptap sa paligid.
Isang napaka-gwapong nilalang ang bumungad sa kanilang lahat. Makinis na kutis, mahahabang pilik-mata, katamtamang kapal ng kilay, mapupulang mga labi, matangos na ilong, makisig na pangangatawan, at matingkad na kulay itim na mga matang nakatingin sa kanilang lahat.
"Nawa'y hindi ka magbabago, Oddyseus. Hangad ko ang iyong kaligayahan, at ng babaeng sa iyo'y tunay na nagmamahal.."
"At ikaw nilalang na nagngangalang, Connor. Ipinapasa ko sa'yo ang sumpang kailanman hindi na mabubura. Dahil sa ganid ng iyong paguugali, at kasakiman ng iyong puso. Pinapatawan kita ng sumpang habang buhay na walang lunas..." wika ng diwata habang unti-unti itong naglalaho sa kadiliman.
"Ahh! Umalis kayo!" sigaw ni Connor habang pinapalibutan siya ng mga alitaptap.
Ngiting-ngiti si Oddyseus habang unti-unting lumalapit kay Olcea. Agad niya itong sinunggaban ng napakahigpit na yakap. "Walang duda, mahal mo nga ako..." bulong niya rito.
"Ang gwapo mo na, nailang tuloy ako..." sa halip ay tugon nito. "Mahal kita, Oddy. At kahit na pangit ka man, o gwapo na ngayon. Ikaw pa rin ang Oddyseus na minahal ko ng buong puso."
Kumawala siya mula sa pagkakayakap rito. Hinawakan niya ito sa pisngi at hinalikan niya ang noo nito. Tinitigan niya ito sa mga mata. "Mahal na mahal rin kita ng buong puso, Olcea. Hinding-hindi na kita papakawalan pa, lalo na ngayong alam kong mahal mo rin ako to the moon and back..."
"You're so careless," ngiting sabi nito.
"And you whisper," sagot niya rin rito.
Hinawakan niya ang kamay nito saka ipinagdikit niya ang noo niya sa noo nito. Ngumiti sila sa isa't isa.
"Always in love with a soul, not with a face," sabay nilang wika saka nagtawanan sa isa't isa.
"Mga hayop kayo! Anong ginawa niyo sa akin!" Nanghihingalong sigaw ni Connor habang nakamasid na ngayon sa mga kulubot niyang kamay sa ilalim ng maliwanag na buwan at habang buhay nang nakayuko.
Wakas