webnovel

Chapter 13: What's the payment?

Nakakainis! Paglabas ko ng gate, sinipa ko yung coke in can na nakakalat sa sahig.

Kawawang lata. Napagbuntungan ko pa ng inis.

Friday yung araw na kumain kami sa restaurant ni Clyde. Nung gabing iyon, tumawag si Clyde at tinanong ako kung ano ang nangyari nung kinaladkad ako ni Zoid. Well, hindi ko kayang i-explain sakanya dahil ayoko ng alalahanin ang pangyayaring iyon. Dahil bukod sa niyaya ko si Zoid for a ... (na talaga namang nakakahiya) too painful din dahil nagawa nya kong talikuran para sa isang bababe. Para kay Chelsea.

So, sumegway nalang ako. Nagsorry ako sakanya at nagkwentuhan kami sa phone.

At bago ako matulog nung gabing yun, I promised to myself na magmomove on na ko kay Zoid though kinabukasan ay inistalk ko lahat ng account profile nya sa mga networking sites.

At ngayon, monday na.

Bago ako pumasok kanina, itinatak ko sa isip ko na hindi ko sya titignan o titigan kahit na dumaan pa sya sa harapan ko.

Pero ano ang nagyari?

Ayun, nung kumakain ako mag-isa sa caf, bigla nalang may nagsalita mula sa gilid ko ng "Can I join you?"

Kahit di ko tignan kung sino sya, alam kong sya si Zoid.

At dahil nga sa nagmomove on ako, kusang tumango ang magaling kong ulo kaya tinabihan nya ako at sabay kaming kumain.

Nung una, wala ni isa saamin ang nagsasalita. At uulitin ko po, dahil sa nagmomove on ako, tinanong ko sya ng "Musta?"

I mean, sabay naming nasabi ang salitang yun kaya natawa kami pareho.

Magsasalita na sana ako kaso may babaeng di ko kilala ang umepal. Pinausog ba naman ako at sa GITNA mismo namin ni Zoid umupo.

Tsk. Agaw eksena ang lola nyo.

Dahil naiirita ako sa kalandian nilang dalawa, binilisan kong ubusin ang pagkain ko, tumayo at lumabas ng caf.

"Nakakainis talaga!"

Nagmartsa ako palakad pero napahinto nang mapansing nasa tapat na ng paa ko yung coke in can na sinipa ko kanina.

"KELAN BA KO MAKAKAMOVE ON, HA?!" Galit na tanong ko sa sarili ko at sinipa ng ubod ng lakas yung lata.

*CRASH*

WHAT THE!

Naglanding yung latang sinipa ko sa isang makintab, mamahalin at mukhang bagong sasakyan. At dahil sa ang lakas ng pagkakasipa ko sa bagay na yun, ang lakas ng impact dahilan para mabasag yung glass window nung sasakyan.

I'm dead.

Sobra pang nakakabingi yung biglang tunog ng kotse. Parang nagwawala dahil sa tinamaan ng lata.

My gosh!

Medyo malayo na naman ako sa school kaya imposibleng matanaw ako ng school guards.

Besides... lumingon lingon ako sa paligid.

Besides, wala namang ibang tao kundi ako lang.

Tatakas ba ko?

Choks naman oh! Dumagdag pa yung ingay ng kotse sa nerbyos ko.

Kung tatakas ako, isang malaking kasalanan yun! Ang takasan ang isang kasalanan.

Nooooo! Ayokong magkaroon ng ganoong klaseng kasalanan pero....

Aish bahala na nga! Mukha namang mayaman yung may-ari ng sasakyang yan kaya sure ako na mapapagawa nya yan by his/her own.

Everything is God's Plan nga, diba?

Kung malutusan ko man o hindi ang problemang to, He has a plan on it.

Kaya ang ginawa ko, naglakad ako ng mabilis hanggang sa,

"YOU!"

Crap! Crap! Crap!

Lalo ko pang binilisan ang paglalakad and I regret doing that. Dapat pala tumakbo nalang ako.

"Gotcha."

Napapikit nalang ako nang may humablot sa braso ko at inikot ako paharap sakanya.

"Where do you think you're going, huh? You can't escape on me."

Eh? Bakit parang may mali sa sinabi nya sa last sentence? I can't escape on him? (HIM kasi masculine yung voice nya) or I can't escape on what I've done on his CAR?

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko.

O____O

"IKAW?"

 

 

"Ako nga." Cool na sabi nya at binitawan yung braso ko. "At kotse ko yung binasag mo."

Haaay. Si Zoid lang pala. And because of that, I sighed in a relief. Mapera naman yang mokong na yan kaya hindi na ko nyan pagbabayarin.

"Wait, wait, wait. Kanina ko pa napapansin yang wrong grammar mo, ah! Yung una, 'you can't escape on me'. Baka naman 'you can't escape on what you've done on my car'. Second, anong pinagsasasabi mong, 'at kotse ko yung binasag mo'? Hello? Look at your car," I pointed his car with my finger "buong buo pa. Hindi basag! Yung window lang po ang basag." I pointed out.

"Correction, hindi wrong grammar yung una kong sinabi. You really can't escape on me. In other words, you can't get rid of me." Ngumisi sya at humakbang palapit sa'kin.

"E-ewan ko sa'yo!"

 

 

"That's all? How about the thing you messed out?"

"Uhh, wala akong pera eh. Sorry. Yeah. Sorry po."

Tumalikod na ko pero hinila nya ulit ako. Hilig manghila. Tsk.

"Hindi pwede."

 

"Anong hindi pwede? Keri mo na yan! Marami ka namang pera atsaka," umiwas ako ng tingin. "parang wala naman tayong pinagsamahan." I whispered.

"Saying something?"

 

 

"Wala po." I crossed my arms over my chest and pouted my lips.

"Kelan ka pa gumamit ng po at opo sa'kin?"

 

"Ngayon. May kasalanan po kasi ako. Sorry na po kasi! Kasalanan mo naman yan eh!"

 

Bahagyang nagsalubong yung mga kilay nya. He opened his mouth but closed it and then opened it once more. "Bakit ako?"

Kung hindi ka kasi nakipaglandian dun sa babae kanina, hindi ako maiinis at hindi magagawang lumipad at maglanding nung lata sa bintana ng kotse mo!

Instead of saying that, iba ang ang lumabas sa bibig ko. "Kasalanan mo yan kasi dyan ka nagpark ng kotse! May parking lot naman, diba?"

"Tch. Kasalanan nya sa iba sinisisi."

 

 

"Hmp." I pouted again then rolled my eyes sideway.

"Bayaran mo ko!"

 

 

"Wala kong pera."

 

"Edi manghingi ka sa daddy mo. O kung nahihiya ka sa mommy mo nalang."

 

Ano ba yan -.- para kaming bata kung mag-usap.

"Ayoko. Kasalan ko to eh."

 

"Tignan mo. Inamin din nya."

Tinignan ko sya saglit tapos sa mga kuko ko naman.

Akala ko maganda na kotse ni Zoid yung nabasagan ko ng bintana. Hindi pala.

"Di mo ba alam na kakabili ko lang nyan last week? At alam mo ba kung gaano kamahal yan?"

May idea ako noh! Itsura palang, mukhang mamahalin na.

"Kaya dapat mo kong bayaran."

 

"Oo na po. Kapag may trabaho na ko. Utang po muna."

 

 

"Utang pinagsasasabi mo dyan? Atsaka, matagal ka pang magkakatrabaho."

 

 

"Sige na nga. Pag-iipunan ko na. Matahimik lang yang puso't kaluluwa mo."

Pinitik nya yung noo ko. Aww. Imbis na magreklamo, napangiti ako. Namiss ko to <3

"Ano ba yang mga lumalabas sa bibig mo? Hindi naman pera yung hinihingi ko as a payment eh."

 

 

"Teka. Wag mo sabihing...."

O_O

Pinaekis ko yung mga braso ko dahilan para pitikin nya ulit yung noo ko. This time mas masakit.

"Ganyan ka ba kapag may kasalanang nagawa? O baka naman may kung ano kang nasinghot kaya ganyan ka mag-isip ngayon?"

Dahil kanina pa nya ako pinipitik sa noo, tumingkayad ako at pinisil ng madiin yung ilong nya. Paganti lang haha. "Eh, ano nga yun?" Tanong ko sabay baba ng kamay ko.

"Alin?" Tanong nya habang hinihimas yung ilong nya na namumula.

"Yung payment."

He smiled wickedly, amused.

"H-hoy! Ayoko ng ngiti mong yan, ah!"

Tuesday, after class, sinundo ako ni Zoid mismo sa tapat ng classroom namin. Ang daming nagulat at nagtatanong kung kami na ba ulit. Hindi ko nalang sila pinansin.

Ngayon "daw" kasi sasabihin ni Zoid kung ano yung payment para sa bintana ng kotse nya na aksidente kong nabasag.

Hindi ko pa kinikwento sa VPR ang tungkol dun, alam na nila. Updated daw kasi sila sa'min. Tss.

Sila Yat alam na rin. Oops! Hindi ako ang nagkwento sakanila. Kundi, si Zoid mismo. Todo ngiti pa nga daw yung mokong na yun habang kinkwento sakanila eh.

At si Aldrich? Hindi ko pa nasasabi. Masyado syang busy sa ginagawa nyang plates at blueprint.

"San tayo?" Tanong ko pagkapasok sa BAGO na naman nyang kotse.

"Secret." Nakita kong umangat pataas yung gilid ng labi nya.

***

"Anong ginagawa natin dito? Sasabihin mo lang naman kung anong payment, diba? Kelangan dito pa talaga sa condo mo?" Sunod sunod na tanong ko habang sinusundan sya papunta sa kitchen.

Hindi naman sya nagsalita. Binuksan nya yung fridge at kumuha ng ilang recipes.

Holding the recipes, he looked at me and then sa upuan na nasa breakfast bar. Obviously, he was gesturing me to sit down.

Sinunod ko naman sya at pinanood ang mga kilos nya.

"Teka nga, Zoid . . ." pareho kaming natigilan. Natigilan dahil sa tinawag ko syang Zoid. Since our break up, this was the very first time na tinawag ko sya sa pangalan nya. "Uh. . . ano yung payment? Para mapaghandaan ko na." Naiilang na sabi ko habang nakatingin sa pan instead na sakanya.

"Sasabihin ko sa'yo after nating kumain." Malamig na sabi nya.

Tumahimik nalang ako hanggang sa matapos na syang magluto at hanggang sa kumain na kami ay wala ni isa saamin ang nagsasalita.

***

"Ano na?" Tanong ko. Malapit na kasing maggabi pero hindi pa rin nya sinasabi. Nasa living room na kami, nakaupo sa couch habang nanonood ng TV.

"Bakit ka ba nagmamadali? Ayaw mo ba kong kasama?"

 

Napa"huh?" nalang ako. Kakaiba kasi tanong ng mokong na to. Pumunta lang naman kami dito kasi sabi nya dito daw nya sasabihin.

"Wala. May ka-date ka siguro." Hindi ko alam kung tama yung pagkakaintindi ko sa tono ng pananalita nya. Tonong nagtatampo. Inalis nya yung braso nyang nakapatong sa headrest ng couch at tumingin ulit sa TV. "Sige na umalis ka na. Nakakahiya sa ka-date mo."

"Aba't . . . anong date pinagsasasabi mo dyan? Sabi mo kanina dito mo sasabihin kung ano yung payment. Sabihin mo na kasi!"

"Kapag ba may sinabi ako . . . gagawin mo talaga?" Tanong nya habang nakatingin sa TV.

At teka nga! Pinipigilan ba nyang ngumiti?

"Oo naman. May iba pa ba kong option?"

Ngumiti sya ng malapad at pinatay ang TV gamit ang remote. Tumigilid sya so that we were facing each other and pinatong yung siko nya sa headrest ng couch.

"I want you to . . ."

Hate me all you want but I'm such a cliff-hanger and I know that. Love y'all ??❤?

Share your thoughts on Twitter: @iamgenibabe #IROAPWebNovel

envievecreators' thoughts
次の章へ