webnovel

Chapter 77 Where will Go?

((( Monina POV's )))

Ala una na ng hapon! Yun nga ang nakita ko sa relo ni Rhoa habang napapatimpla ng kung ano sa pulso niya ng powder.

"Ito ang bagay na lip shade para sayo."

Di na ako magtataka kung magmumukha akong clown sa ginagawa niya. Napapa-make up sa akin na di ko alam kung para saan ba ito. Dumating dalawang katulong na dala ang isang nakahelerang damit. Mga dress na alam kong babagay talaga sa mga chanaks!

"Damit ni Master Cedrick ngayon navy Blue. Siguro itong peach color. " lapit ni Rhoa ng damit sa akin. Ibig sabihin isusuot ko yun?

Napoatango ito. "Tugma naman sa skin tone mo."

Dapat ngayon nag-aala photographer ako sa fieldtrip namin. Bakit parang magiging modelo pa ako ng damit ngayon?

Inilapag din niya sa harapan ko ang isang highheels na sa isang titig ko pa lang talagang kasya sa akin. Mataas nga lang ang takong na mas tataas ako nito.

"Pagkatapos nito Rhoa, hahayaan niyo na akong umuwi diba?"

"Ewan. Ginagawa ko lang Miss Monina ang trabaho ko. Kung di mo nga nakumbinsi si Master Cedrick wala akong magagawa. Ang hina mo kasi."

"Rhoa! Ikaw pa naman takutin na ilalantad niya ang modus ko?!"

"Sinasabi ko na nga ba di ka gaano ka-innosente."

"Hindi naman akong masamang sindikato. I mean tao, dahil kapag sinabing sindiakato grupo ng mga tao. Nag-iisa lang ako. Nagbebenta lang naman ako ng impormation saka larawan ng mga crush ng ilang babae. Yun lang naman. Tho, meron ka bang papasundan sa akin. Mura lang ako maningil. Sino crush mo?"

"Isuot mo na ito."

((( Secretary Lee POV's )))

"Matagal pa ba sila Rhoa?" tanong na ni Master Cedrick na naiinip maghintay. At himala naghintay talaga siya. At bago pa amn makasagot ang katulong, may narinig na kaming yapak ng taking. Napa-angat ang paningin ko sa hagdan.

Teka? Si Miss Monina ba itong nakikita ko?

Saka napalingon ako kay Master Cedrick. Bigla itong napatayo sa pagkaka-upo.

"Sana naman pagkatapos nito. Pa-uwiin mo na ako." yun lang ang bumasag sa katahimikan namin. Na siyang ikinatalikod na ni Master Cedrick at nanamlay na sumunod si Miss Monina. Napailing na lamang ako na may ngiti sa aking labi.

At napalingon siya sa akin.

"Saan kami pupunta?" tanong na lamang niya sa akin.

At nawala ang ngiti ko ng marealize ko nga kung kaninong damit ang suot ngayon ni Miss Monina.

Ang damit na binili ni Master Cedrick noon kapag nasa ibang bansa kami. At nagugulat na lamang ako kapag may gusto siyang ipabalot at bilhin. Para sa yumao niyang asawa.

Maganda bang pangitain ito? O may masisirang napakagandang pagkatao.

次の章へ