webnovel

Chapter 66 The Nerves

((( Monina POV's )))

"Kuya Manyak."

"Don't call me Kuya."

"Edi Manyak."

"Matagal na din wala ako minanyak. Gusto mo patunayan ko ang tawag mo sa akin."

"Itigil mo na kasi ito. Paulit-ulit kong sinasabi wala akong paki-alam sa kapatid mo! Wala akong interest! Kaya wag nawag mong pag-iinteresan ang kapatid kong nanahimik at sinusubukan Manalo sa competition! At sa totoo lang wala akong kabalak-balak na sumali sa kayabangan mo. Please lang, gabi na. uuwi na ako."

"Di lalabas ang babaing to sa pamamahay ko kapag di siya pumayag sa gusto kong mangyari." saka dumaan siya sa akin,at manyak na kinuha ang luamylay na buhok ko saka inamoy.

Ngumisi at muling ibinaba ang labi sa tenga ko.

"Break my brother heart. That's what I want na gawin mo."

Di na ako nakapagsalita pa ng lumabas na siya kasama si Secretary Lee. Naiwan sa akin ang mataray na babae. Sinubukan kong habulin sila ngunit hinila lang ng babae yung kwelyuhan ng damit ko.

"Narinig mo naman ang sinabi ni Master Cedrick."

So? Cedrick pangalan niya.

"Baliw ang amo mo! Kailangan kong umuwi."

Umiling ito sa akin. Tinitigan ako mula ulo hangang paa.

"Sa tingin ko kailangan mong makilala kung sino nga ba ako. Nasesense ko kasi matagal pa ang pagsasama nating dalawa. Rhoa, Master Cedrick personal Assistance." saka niya hinila sa akin yung bag.

"Hoy! May mga naghihintay sa akin!"

"Kinuha ko ang impormation mo kay Secretary Lee, marami kang part time at wag kang mag-aalala babayaran namin ang oras mo. Saka pamilya mo di yun mag-aalala dahil alam nga nila ang dakilang breadwinner ay napakaraming part-time job. Kumin ka na." lahad niya ng kamay sa mesang naroroon nga ang pagkain.

Mahina akong kumain ngunit di ko maitatangi na talagang nagugutom na ako. Ngunit nanatili akong nakatayo sa harapan niya.

"Kailangan kong umuwi."

"Then mag desisyon ka. Tangapin ang hamon ni Master Cedrick o kung magtitigasan ka. Mabubulok ka sa pamamahay na ito."

"Alam mo Rhoa, dapat sa boss niyo, sinusugod na sa Mental Hospital. Malinaw naman na sinabi kong wala kaming kaugnayan ng kapatid niya!"

"Ewan. Basta ang akin lang sumusunod ako sa kanya at tangapin mo ang sinabi niya kung hindi di ka talaga makakalabas ng bahay na ito. Kumain ka na. Labas na ako. Balikan na lang kita mamaya." na sinubukan kong hilain pabalik ang bag ko ngunit di niya hinayaan na mahawakan ko ito. Saka ngiting ngiti na lumabas ng silid.

Nasabunutan ko sarili ko. Napasapo sa noo ko. Sinugod ko ang bintana. At sumalubong sa paningin ko ang mga butuin na kumikislap habang ang alon na kinakain ang dalampasigan. May mga human figure akong nakita sa bawat terrace. Mga bantay. Parang mahihirapan ata akong lumabas nito ah. Kailangan ko ba talaga sumang-ayon sa gustong mangyari ng lalaking yun?! Jusko po. innosente ako. Masasangkot lang sa kabaliwan ng mga mayayaman.

Tsk.

Napatitig ako sa mesa. Andoon ang pagkain. Kumain nga muna para makahatak ng panibagong energy. Saka naalala ko na nawalan nga ako ng malay. Susuko na sana ako pagkatapos masira sa doorbell. Naging weak lang talaga yung iba kong nerves. Ang bad.

次の章へ