webnovel

CHAPTER 10: I LOVE YOU???

Klye's POV

Dear Diary,

So nung pumasok na ako ng bahay, pupunta na sana ako sa kwarto pero pinigilan ako ni kuya. Ano na naman ang gusto ng lalaking to? Tsk!

"Bakit late ka nang umuwi?" Tanong niya sa akin

"Kasi may date ang pinakamagandang kapatid mo kuya"sabi ko sa kanya at nagpacute

"Sige na nga! Basta wag nang uulitin aahh! Pasalamat ka wala ngayon si mama at papa"sabi niya at nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko

(〃 ̄ω ̄〃ゞ

"Bakit naman?"tanong ko sa kanya

"It's

lovey-dovey thing"sabi niya

"Aahhh! Okay? Ikaw? Meron na ba?" Pangungulit ko sa kanya

"Ah? Wala aah!"sabi niya at lumingon

"Sus! Nagtatanong lang eeh"sabi ko sa kanya

"So wala dito si mama at si papa.."sabi niya sa akin

"At?"tanong ko sa kanya

"Party in the House!!"sigaw niya

"Mahilig ka talaga sa mga ganyan no?"sabi ko sa kanya

"Oo naman!"sagot niya

"Wag na! Pagod na ako!"sabi ko sa kanya

┐(´д')┌

"Tsk! Kill joy! Tulog na nga lang ako!"sabi niya at umakyat na sa kwarto niya

"Maghahanda po ba ako ng dinner para sa inyo, little miss?" Tanong ng butler namin na si Butler Mu

"Hindi na po, kumain na ako sa labas"sagot ko sa kanya

"As you wish, little miss"sabi niya at lumakad na papalayo

Si Butler Mu ang nag-aasikaso sa mga problema sa bahay at nung maliit pa ako kalaro ko siya palagi kasama si crush~~ So ngayon sa amin parin siya nagtratrabaho. So pumasok na ako sa kwarto at nag half bath na kasi bukas may pasok pa. Nagchat-chat ako kay Tia at maya maya natulog na ako

{Kinakabukasan}

Pagkagising ko wala na si kuya baka may gf na ang lalaking yun! Hehe..sino kaya? Hayaan mo na nga si kuya...Nasaan na kaya si Brake? Suot ko pa ngayon ang binigay niya saakin na bunny hairclip..Hayzz 6:23 pa naman baka sa likod siya ng school. Puntahan nga natin Diary

(;一ω一||)

Nasa likod ako ng school at nung tinignan ko sa may puno..wala siya..saan kaya siya no? Umupo ako sa ilalim ng puno at kinuha ko ang earphones ko sa pag at nagpatugtug. At biglang may nagkuha ng earphones ko sa kabila,

At alam kung sino yun Diary? Si crush!

"Zikie!"sabi ko sa kanya

"Wag mo akong tawagin niyan"sabi niya

"Bakit naman?"tanong ko sa kanya

"Naririnig ko yan sa mga babae sa campus parati eeh"sabi niya

"So ano ang itatawag ko sayo?"tanong ko sa kanya

(=^_^=)

"Kahit ano..basata wag lang yun"sabi niya

At nakinig sa music na pinatugtug ko sa aking earphones. Ano kaya ang pwede itawag sa kanya?ikie? Ezi? Ziki? Ekiel?kielzi?or.....ZIEL?! Pwede na ata yun!

"Alam ko na!"sigaw ko

"Ano na?" Tanong niya at dinilat niya ang mga mata niya

"Ziel?"tanong ko sa kanya

"Okay!" Sagot niya sa akin

"Masyadong kang busy ngayon aahh"sabi ko sa kanya

"Oo nga eeh. Kasi maraming transfers ngayon"sagot niya sa akin at kinamot ang ulo niya

"Kaya nga ayaw kong maging president ng school eh"sabi ko

"Tamad ka lang kasi!"sabi niya

"Hindi aah!"sabi ko at hinampas ko siya ng libro na dala ko kanina

(((ꎤ ✧曲✧)̂-●

"Aray! Biro lang! Ito naman oohh"sabi niya sa akin at niligay niya ang kamay niya sa ulo ko

"Nga pala, kailan ang competition mo ulit?"tanong niya

"Um..competition?"tanong ko sa kanya kasi di ko talaga

"Yung sa singing ba yun?"tanong niya

"Di ko talaga alam!"sagit ko sa kanya

"Yung sinulat mo nung summer"sabi niya

At na realize ko........OMG! DIARY! NAKILIMUTAN KO YUN!! Panic na panic na talaga ako sa inside pero cool parin tayo sa outside

"Ah..Oo nga pala"sabi ko sa kanya

"Si ready ka na dun?"tanong niya

"Ako pa ba?"pagyayabang ko sa kanya

Pero hindi talga ako ganun na ready kasi di ko pa napapractice ang kanta na sa friday i-represent! At maya maya may nagtext kay crush

"Kyle, alis na ako kasi kailangan na ako sa principal office"pagpapa alam niya

"Okie!"sabi ko sa kanya

At tinitignan ko siyang lumalakad palayo....tsk! Hindi niya tinanong tungkol sa rumor! Hmph!

(;¬_¬)

Hayss...punta muna sa adviser ko magpapaalam ng excuse letter para sa practice... So ngayon Diary, papunta na tayo sa adviser ko pero biniglang hinila ang braso ko

"Where have you been?!"tanong niya na galit

Unexpectedly, si Brake pala ang humila sa akin at galit yata. Ano naman kaya problema ng halimaw na to?! Tsk!

"Sa likod ng school"sagot ko sa kanya

"Kanina pa kita hinahanap"sabi niya

"Bitawan mo nga ako!"sabi ko sa kanya at binitawan niya ang braso ko

"And FYI, hinahanap din kita kaya pumunta ako sa likod ng school eeh kasi akala ko naman nandun ka!"sabi ko sa kanya na nakacrossed arms ako

"Totoo ba ang naririnig ko? Hinahanap ako ni Ms. K?" Sabi niya at nag grin

Pero parang tama siya.... Bakit ko nga ba siya hinahanap?! OMG! Nasisiraan na ba ako?!

"Bakit? Ikaw nga hinahanap mo ako eeh"sabi ko sa kanya

"Oo nga! Kasi dahil dito"sabi niya at pinakita niya sa akin ang isang papel

Binigay niya sa akin at kinuha ko para basahin. And guess what, ito ang excusement slip!

"Ano to?"tanong ko sa kanya

"Hindi ka marunong magbasa?"pagpipilosopo niya

"I mean what is this for?" Tanong ko sa kanya

"Sumasali ka every year sa singing competition diba?"sabi niya

"Yup.. at?"tanong ko sa kanya

"At kailangan mo magpractice, let's go!"sabi niya at hinawakan niya ang aking kamay

"Saan?" Tanong ko

"Sa music room"sagot niya

"Aahh... okay."sabi ko sa kanya

Hindi ko naman inakala na may pagka-thoughtful si Brake. Ayos aah... nagring na ang bell kaya walang may nakita sa amin na naghoholding hands. At parang namumula ang mga pisngi ko...Ano naman ang nangyayari sa akin...? At bigla siyang nag salita

"I love you..."sabi niya nangmahina pero narinig ko na ngayon!

"AAAHH???" gulat kong tanong parang ang init ng pisngi ko

!!!(Ò/// ‸ ///Ó)!!!

" I said I love your hairstyle today"sagot niya

Aaahh yun pala yun.. akala ko naman yung I love you...pero bakit ang feeling ko parang dissapointed? Hayaan mo na nga!

"Thanks..."pagpapasalamat ko

At nai-isip ko hindi ko naman binago ang hairstyle ko eehh.. Aahh... Baka dahil sa bunny hairclip ko..... hehe

Me na me,

Kyliana

次の章へ