webnovel

Chapter 97 - The Confirmation

MARTES.

Unang araw ng pagiging Presidente ni Ellah.

"Nandito na po tayo Ms."

Pinagbuksan siya ng pinto ng driver pagdating sa opisina.

Nakasunod naman sa kanya ang limang bodyguards na pinadala ng abuelo.

Hindi na siya nakatanggi dahil ang mga tauhan ang masisante.

Mabuti na lang may ibang sasakyan ang mga ito.

Ganito manggipit ang abuelo kapag ayaw niya sa isang bagay.

Tiningala niya ang gusali.

Dati pakiramdam niya ay isa lamang siya sa mga nagtatrabaho rito, ngayon siya na ang may-ari.

Masaya siya at masiglang naglalakad papasok nang mapansin niyang nakahilera ang mga empleyado sa hallway na tila may hinihintay.

Maging ang dalawang gwardya ay nakihilera din.

'Anong meron? Papasok ba si lolo? '

Eksaktong nakarating siya sa entrada nang makita siya ng mga ito at sabay-sabay na bumati.

"Good morning Ms. President!"

Natigilan siya.

Ito ang kauna-unahang nangyaring nakahilera ang mga empleyado para hintayin ang kanyang pagdating.

"G-good morning."

Humakbang siya sa gitna ng mga ito kasunod ang limang gwardya.

Sinikap niyang maging pormal sa paglalakad.

Pakiramdam niya ay parang ulap ang kanyang nilalakaran sa tindi ng galak ng kanyang puso.

Ang sarap lang sa pakiramdam na siya na nangyayari ang ganito ngayon na dati ay para lamang sa Chairman.

Sa wakas!

Nakuha na rin niya ang matagal ng pinangarap na respeto.

Makakapag desisyon na siya ng hindi natatakot.

Salamat sa pagbait ng kanyang abuelo.

Ngunit hindi maaaring ipakita sa mga ito na masaya siya.

Pagdating sa mismong opisina ay tiningala niya ang nakasabit sa pinto.

OFFICE OF THE PRESIDENT

Lipat posisyon lipat opisina.

'Dapat si Gian ang nandito at hindi ako.'

Ipinilig niya ang ulo upang iwaglit ang naiisip.

Wala na ito sa kanyang buhay.

Anuman ang mayroon sila noon ay wala na ngayon.

"Makakaalis na kayo," utos niya sa mga gwardya.

Binuksan muna ng isa sa mga ito ang pinto at agad ng nagsialisan.

Bumungad ang nakangiting sekretarya.

"Good morning Ms. President! "

Napangiti ang dalaga.

"Good morning Jen."

"Ihahatid na kita sa bago mong private office?"

Natawa siya. "Hindi pa rin ako makapaniwala Jen."

"Nagbunga na rin ang pinaghirapan mo Ms. Ellah."

"Nga pala anong pakulo 'yong kanina?"

"Pagbati raw 'yon sabi ni Chairman."

Pakana na naman pala ito ng abuelo.

Pumasok sila sa pribadong opisina.

Simply lang ang style nito at wala halos kagamitan kundi mga pang opisina talaga.

May napansin ang kanyang mga mata at napalingon kay Jen.

"Bakit may ganyan?" turo niya.

"Ms. Galing 'yan kay Chairman."

Kinuha niya sa ibabaw ng mesa ang isang bouquet ng puting rosas at may card pang kasama.

"Jen handa na ba ang meeting? "

"Yes Ms."

"Sa palagay mo karapat-dapat ako sa posisyong ito? Pangalawa na ito sa Chairman Jen."

"Of course! Duda ka ba na para sa iyo? Ms. Hindi magtatagal ikaw na rin ang magiging Chairman ng kumpanya."

Napakurap siya sa narinig.

"May tiwala sa'yo ang lahat kaya magtiwala ka ring para sa'yo ang posisyon.

Alam mo ang patakaran dito walang kama-kamag-anak."

"Sabagay, nakakalungkot lang dahil nakuha ko man ang posisyon magsasara naman na tayo ngayong araw na ito."

Naramdaman niya ang marahang pagdantay ng kamay ni Jen sa kanyang balikat.

"Ayos lang 'yan, babalik din sa normal ang lahat. Magdasal lang tayo at gumawa ng kabutihan sa kapwa. Pakikinggan tayo ng nasa itaas.

Ang mahalaga nasa iyo na ang respeto at paggalang na pinapangarap mo. Kaya mo 'yan Ms. President."

Napangiti siya at hinaplos ang kamay nitong nasa kanyang balikat.

"Salamat Jen, napapalakas mo talaga ang loob ko."

Napangiti na rin ito. "O paano Ms? Magtatrabaho muna ako bilang Executive secretary."

Natawa siya at nilingon ito.

"Sige na nga. Mamaya palang gabi punta ka sa bahay mag rerepack tayo ng relief goods."

"Ha? Para kanino?"

"Sa mga casual. Kakaunti ang sahod nila. Magpapabili ako sa mga katulong sa bahay para ma i-repack."

"Maganda 'yan Ms! Sige mamaya."

Nahagip ng kanyang mga mata ang nameplate na nasa ibabaw ng mesa.

President Ellah Lopez.

Ang sarap lang sa pakiramdam.

Marahan siyang umupo sa bagong swivel chair.

Lahat ng mga gamit na naririto ay bago.

Ni renovate na ito noon pa mang pagkatalsik ng dating presidente ngunit hindi siya pumayag na dito pumwesto noon dahil acting president lang siya.

Ngayon magiging kanya na ito.

Siya na ang pangalawa sa Chairman.

Natuon ang kanyang pansin sa card kaya kinuha niya ito at binuksan.

Tumambad ang naka engrave na kulay gold pang mga letra ng sulat.

Binasa niya 'yon ng tahimik.

Mahal kong apo,

Hija nagpapasalamat ako dahil sa mga nagawa mo at gagawin pa para sa ikauunlad ng kumpanya.

Patawad kung nagduda ako sa kakayahan mo noon bilang babae.

Ngayon napatunayan kong wala sa kasarian ang kakayahan.

Tandaan mo apo.

Hindi ka hinirang sa posisyon mo dahil tagapagmana ka kung hindi ay dahil nakikita sa iyo ang pagmamahal mo sa kumpanya.

At wala ng papantay o hihigit pa sa may ganyang pagtingin.

Noon pa man alam kong ikaw na ang karapat-dapat sa posisyong 'yan, natatakot lang ako dahil babae ka.

Baka hindi mo kayanin ang responsibilidad.

Apo ko, sana ay mapatawad mo ang lolo.

Wala akong ibang hangad kundi ang kabutihan mo mahal kong apo.

Sana magustuhan mo ang iyong bagong opisina bilang Presidente ng kumpanya.

Ikaw ang mamamahala sa buong kumpanya.

Ipinagkakatiwala ko ng buo ang lahat ng ito sa'yo.

Hindi magtatagal ikaw na ang papalit sa akin.

Miss na kita apo ko.

Ipinikit niya ang mga mata at tiniklop ang card.

Sinikap niyang huwag maluha kaya huminga siya ng malalim.

Hindi siya sinanay ng abuelo na maging mahina sa mga maliliit na bagay.

Hindi siya sinanay na maging malambot sa mga simpleng dahilan.

Matigas ang kanyang puso at hindi madaling bumibigay.

Ilang sandali pa tumayo siya bitbit ang dokumento at tinungo ang conference room.

Ito ang kauna-unahang meeting na siya na mismo ang magdedesisyon at walang nakikihati hindi gaya noon.

Kaya pinaghandaan niya itong mabuti.

Isa na rito sa pamamagitan ng pananamit.

Ang isa sa pinagbabasehan ng paggalang ay ang pananamit.

Kung pormal ang iyong pananamit ay igagalang ka.

Isang red sleeveless at black  skirt below the knee na may slit sa gilid mula tuhod hanggang hita na pinatungan ng red coat, may five inches black stiletto ang kanyang suot.

Iba na naman ang kanyang porma at balik sa dati.

Hindi na niya kailangang mag all black para lang igalang.

Ang buhok naman niya ay naka lugay lamang ngunit tuwid at sumasabay sa kanyang bawat galaw dahil sa kalambutan.

Kahit pa empleyado lang naman nila ang makakaharap niya kailangang presentable siya sa paningin ng mga ito.

Pagdating sa silid ay nagsitayuan ang mga tao pagkakita sa kanya.

Karamihan sa mga ito ay lalake tatlo lamang ang babae.

"Good morning Ms. President!" sabay na bati ng mga ito.

Tumango siya at pinigilan ang ngiti.

"Good morning, please sit down." Pormal niyang tugon at  nagtungo sa harapan.

"Ipinatawag ko kayo para sa dalawang agenda.

Una, ang pagsasara pansamantala ng kumpanya, pangalawa ang pagbibigay ng sahod ninyo."

Agad nagbulungan ang iba.

"Hanggang kailan kaya ito?"

Tumikhim siya para makuha ang atensyon ng lahat.

"Hanggang hindi matatapos ang lock down," tugon niya sa nagtanong na Production Manager.

"Magsasara tayo pansamantala at sa oras na pwede ng magbalik agad tayong magkakaroon ng operation.

Tigil ang lahat ng trabaho sa ngayon.

Kahit ang operation sa production tigil muna."

"Nakakalungkot naman," saad ng babaeng Budget manager.

"Ngayon dito tayo sa pangalawang agenda. Ang pera."

Tumahimik ang lahat.

"Napagdesisyunan ng Board na ibibigay ang inyong sahod sa loob ng tatlong buwan."

Nagsinghapan ang mga ito.

"Tatlong buwan?" dismayadong turan ng Marketing Manager.

"Napakarami natin, mahigit isang libo.

Alam niyo ba ang kabuuang pasahod sa isang buwan? Milyon."

Natahimik ang mga ito.

"Baka pwedeng hindi na lang

natin isali ang mga casual lang? Ibigay naang ang huling sahod nila. Sila lang naman ang nagpaparami sa atin eh."

Bumaling ang kanyang tingin sa General manager.

Hindi na magkamayaw ang mga ito sa tindi ng pagsang-ayon.

Hinintay niyang humupa ang ingay bago nagsalita.

Tinitigan niya ang lalaking General manager.

Ito ang pumalit sa kanya.

"Tatanungin kita Mr. Saavedra, kung ikaw ang isa sa mga kaswal papayag ka bang huling sahod mo na ang tatanggapin mo?"

Umawang ang bibig nito at hindi nakakibo.

Nasa kwarenta na ang edad ng lalake pero hindi niya maintindihan kung bakit ganoon mag-isip.

Hinarap niya ang lahat.

Walang kumikibo isa man sa mga ito.

"Kayong lahat! Tatanungin ko kayo, kung kayo ang nasa posisyon nila papayag ba kayo sa ganyang kundisyon?"

Katahimikan.

"Kung ayaw ninyo, sila pa kaya? "

Nagsitinginan ang mga ito.

"Maglalabas ang kumpanya ng dalawang daang milyon para sa tatlong buwang sahod ninyo."

Muling nagsinghapan ang mga ito. Ngunit wala ng nangahas magsalita.

"Pero kulang 'yon alam ko.

Kaya ngayong ako na ang Presidente napagdesisyunan kong dagdagan ang sahod ninyo."

Napanganga ang lahat.

"Magdadagdag pa ng isang daang milyon at manggagaling mismo sa akin. Hindi sa kumpanya. Kaya ang inyong tatanggapin ay tatlong daang milyon. "

"Wow! Maraming salamat po Ms. !"

"Ngayon maayos na ba na tatanggap kayo ng sahod sa loob ng tatlong buwan na walang trabaho? Kapag hindi umabot ng tatlong buwan mas mabuti makakabalik na tayo sa normal.

Another suggestion? Comment? Reaction?"

"Paano kung lumagpas?"

Napatingin siya sa Marketing Manager.

"Kapag lumagpas, ibang usapan na naman 'yon. Any question?"

Nang walang magsalita ay tumayo siya nang tuwid at itinaas ang noo.

"This meeting is adjourned! Thank you for coming. "

Paghakbang niya ay may biglang pumalakpak.

Napalingon siya at nakitang sinsero ang pumapalakpak na General manager.

Hanggang sa may sumunod at lahat na ay nagsipalakpakan.

Masigabong palakpakan!

Nanigas ang dalaga sa kinaroroonan at tila kinilabutan.

Hindi siya sanay pinapalakpakan. Ang nakasanayan niya ay puro pang-iinsulto at pangungutya.

Ngunit iba ngayon!

May nakakakita na ng kanyang mga paghihirap.

Sa kauna-unahang pagkakataon nag-init ang sulok ng mga mata ng dalaga at naluluha sa saya!

Nagtagumpay siya nang wala ang tulong ng kahit sino!

---

Pangalawang araw sa tagumpay para kay Gian.

Kahit hindi natuloy ang shipment makakakuha pa rin siya ng ebidensiya sa pamamagitan ni Roman.

Limang araw na lang at matatapos na rin ang kanyang misyon.

Sa oras na makarating na ito umpisa na ng plano.

Katawagan niya ang pinsan at ipinaalam ang pagtungo ni Roman sa Beijing.

"Black organization hindi ba? Masyadong maimpluwensiya ang mga 'yan, mga big time business man, international pa. Hindi kayang sugpuin 'yan ng gaya natin."

Napabuntong hininga ang binata. 

"Hindi bale, ang mahalaga maitaob ko ang Delavega na 'yon. Nagawa ko ng matimbog ang kaibigan niyang si Mondragon noon hindi ko lang natuklasan na may grupo pala sila."

"Ipinaalam mo na ba 'yan sa mayor o sa kapulisan?"

"Wala silang magagawa."

"Ano? Dahil ba sa lock down? Kung gano'n tigilan mo muna 'yan. Ako na lang muna ang kikilos."

"Hindi, kung walang tutulong ako ang gagawa."

"Gian!"

"Sige na Hendrix, marami pa akong gagawin. Tawagan tayo kapag may update na."

Pagkuwan ay bumaling siya sa computer at tinignan kung nakarating na ba ang kalaban sa ibang bansa.

Kumiskislap ang kulay pulang bilog doon ngunit kumunot ang kanyang noo nang malamang nasa mansyon pa rin ang kalaban.

Hindi pa nakakaalis.

Ngayon niya nagagamit ang nilagay niyang tracking device sa cellphone ni Roman ni Delavega noong minsang hiniram niya ito.

Dahil dito malalaman niya kung nasaan na ito, kung tumuloy ba sa pinag-usapan o hindi.

Sa ngayon nasa mansyon pa rin ito at hindi niya alam kung bakit hindi pa nakakaalis.

---

"ANO?"

Halos sigawan ni senior Roman ang kausap na piloto sa cellphone.

"Pasensiya na po senior, pero talagang hindi na raw pwede mag biyahe. Bawal mag landing isa pa hindi rin  kayang kargahan ang helikopter ng gasolina dahil hindi kakayanin. Masyadong malayo ang ibang bansa."

Kumuyom ang kamay niya sa narinig.

" Anong pwedeng gawin? "

" Sa ngayon wala ho talaga senior. "

Sumagi sa kanyang isipan ang huling sinabi ni Acuesta.

"Remember they are Chinese and you're not."

'Hindi naman siguro ako tatraydurin ng mga 'yon.'

Tinawagan niya ang mga kasamahang Intsik na mabilis namang sinagot.

"Mr. Feng, I cannot come due to this lock down. I can't use my own resources."

"I understand Mr. Delavega. We'll just wait for-"

"Mr. Feng can you show me the images of the new product?"

Naninigurado lang siya na hindi nga siya niloloko ng mga kasamahan.

"It can't be, it's dangerous!"

"Then show me the video on this phone."

"It cannot be! I can't risk. "

Humigpit ang kanyang pagkakahawak sa cellphone.

" I hope you understand Roman."

Napabuga siya ng hangin at tila nauubusan na ng pasensiya.

"I'll just visit the website then," pinal niyang wika.

"I am sorry but it is lock we are just securing our datas. It is very dangerous as of now because of this lock down."

Tila umakyat ang dugo sa kanyang ulo dahil sa patuloy na pagtanggi nito.

"SHOW IT TO ME!" sigaw na niya na ikinatahimik ng kausap.

Huminga ito ng malalim at nawala sa linya.

"Hello! Mr. Feng! Hello!"

Nang wala ng sumagot ay doon na humulagpos ang kanyang pagtitimpi.

"AAAAHHH HIJO DE PUTA!" sa tindi ng kanyang galit ay ibinato niya ng buong lakas ang hawak na cellphone.

Tumama ito sa dingding at wasak na bumagsak sa tiles.

Hinihingal ang senior sa galit.

Umuukilkil sa kanyang utak ang sinabi ni Acuesta.

" Remember they are Chinese and you're not."

Malakas ang kutob niyang nilinlang lamang siya ng organisasyon.

Ginamit lamang siya upang makuha ang produktong kanyang ginawa at hindi na ibinalik pa.

Madali na lang sa mga ito ang gayahin ang kanyang produkto dahil may sample na ang mga ito at siya?

Itatapon na parang basura!

Tila naninikip ang kanyang dibdib kaya nasapo niya ito.

"Dad! Anong nangyayari?" Humahangos ang anak patungo sa sala mula sa kwarto nito.

Pinilit niyang umayos ng tayo upang hindi na ito mag-aalala.

"Ang mga hayop na intsik naisahan nila tayo!"

Umawang ang bibig ni Xander.

Nagsimula siyang magpaliwanag sa nangyari.

"Kung gano'n anong pwedeng gawin?"

Nagsimulang pulutin ni Xander ang mga nagkalat na parte ng cellphone.

"Hindi ko alam. Sandali kailangan ko nga palang makausap si Acuesta."

"Bakit pa?" yamot nitong tugon habang tuloy sa pamumulot.

"Ayaw kong sabihin niyang wala akong isang salita. Kailangang malaman niyang wala na akong magagawa."

"Okay dad," tumayo si Xander ngunit may nahagip ang mga mata nito.

Isang bilog at maitim na bagay.

Pinulot ito ng anak.

"Ano 'yan?" sita niya nang matigilan ang anak.

Tumayo ito at tumalim ang tingin sa kanya.

"May nagtatraydor sa 'yo dad," mariin nitong tugon.

"Ano? Akin na 'yang cellphone ko."

"Tingnan mo 'to." Inilahad nito ang bagay na nasa palad.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabistahang mabuti ang nakikita.

Tracking device!

"Puta! Sino ang may gawa niyan!"

Hinablot niya ito at tinapaktapakan hanggang sa mabasag.

"May traydor dito dad."

Bigla siyang natigilan sa naisip.

"Sino!"

Umahon ang kanyang galit. Sa oras na matuklasan niya ang traydor ay siya mismo ang papatay!

Hinarap siya ng anak.

"Si Acuesta."

Umiling ang senior.

"Think on this dad. Hindi ba noong nakausap ni Warren ang katawagan niya sa cellphone na si Roger ay nabanggit nito ang tungkol kay Isabel? Ibig sabihin magkasabwat silang tatlo. At kung ang amo nila ay si Jaime Lopez hindi ba konektado sila ni Villareal?"

Napapaisip siya sa sinasabi ng anak.

" At sinabi rin ni Isabel na alam na niya kung nasaan si Villareal? Posibleng inutusan ni Villareal si Warren para manmanan tayo.

Nasa paligid lang ang hayop, at pinaglalaruan ka."

" Hindi! "

" Dalawa lang ang salarin dad. Kung hindi si Villareal si Acuesta. Pero iisa lang sila dad kaya si Villareal ang may pakana. "

" Tumahimik ka na Xander, kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Hindi iisa si Acuesta at Villareal, napatunayan na 'yan bakit ba hindi mo makalimutan? "

"Kung gano'n papuntahin mo rito. Hindi ba mula ng malaman natin ang tungkol kay Warren ay hindi na dumalaw pa ang kaibigan mo?"

Natahimik siya.

"Dahil si Acuesta at Villareal ay iisa!"

"Sinabing tumigil ka!"

"Hanggang kailan ka ba magpapauto sa kalaban dad?"

"TUMAHIMIK KA!"

"May gagawin ako dad para malaman natin ang totoo.

Siguradong malalaman natin kung pinapaikot lang talaga tayo ni Acuesta o hindi."

"At anong gagawin mo?"

"Aalamin natin sa pamamagitan nina Isabel at Ellah. Kung sino ang pupuntahan niya ay 'yon ang kanyang tunay na pagkatao. Kukumpirmahin natin kung ano ang totoo."

Sa pagkakataong ito ay hahayaan niyang ang anak ang magdesisyon.

---

"Fuck!"

Napamura si Gian sa nangyari.

Bigla na lang nawala ang pulang bilog na tinitingnan niya sa screen.

Kumabog ang kanyang dibdib.

Isa lang ibig sabihin noon.

Nakita na!

Natuklasan na ng kalaban!

Napaigtad siya nang tumunog ang cellphone.

Unknown number.

Sinagot niya pa rin.

"Who's this?"

"Kumusta ka na Acuesta?"

Nagtiim ang kanyang panga nang makilala ang tinig ng kabilang linya.

"Anong kailangan mo? Nasaan ang ama mo?"

"Huwag kang bastos Acuesta. Ako ang kausap mo hahanapin mo ang ama ko?"

"Hindi siya makontak at ayaw kitang kausap."

"Nasa Beijing siya hindi ba nag-usap kayong pupunta siya roon?"

Kumuyom ang kanyang kamay.

Alam niyang hindi natuloy ang pinag-usapan at ngayon pinaiikot siya ng kausap.

Sigurado siyang may maitim na plano ang demonyong ito.

"What do you want?"

"Gusto mong makaganti sa pinsan mong si Villareal hindi ba?"

"Matagal na."

"Magaling! Nakita na siya ng ex fiancée mong si Isabel. Kung gusto mong malaman ang detalye puntahan mo siya."

Hindi na sila nag-uusap pa ni Isabel kaya hindi niya alam kung nasaan ito.

"Nasaan siya?"

"Nasa Ipil siya. Puntahan mo si Isabel dahil kung hindi, papatayin na lang namin tutal kampi siya sa pinsan mo. Wala siyang silbi sa'yo. Traydor pa. "

"Ako ang dapat gumawa! Kapag nakita ko si Villareal uubusin ko ang bala ko sa katawan ng hinayupak na 'yon!"

Humalakhak ang nasa kabilang linya.

Ngumisi rin siya.

'Hindi mo ako maiisahan Xander!'

"Kung gano' n bakit hindi na lang ang fiancée ni Villareal ang itumba mo?"

Natigilan si Gian.

Naglaho ang kanyang ngisi.

"Kung talagang napopoot ka sa kanya, itumba mo ang pinakamamahal niyang si Ellah Lopez!

Lalabas si Villareal sa oras na manganganib ang babaeng 'yon sinisigurado ko sa 'yo."

Naumid siya at hindi nakapaghanda ng isasagot.

"Ano Acuesta? Bakit hindi ka makasagot?"

Napapikit siya ng mga mata.

Alam niyang hinuhuli na lamang siya ng kausap.

Ngayon sigurado na siyang natuklasan na ng mga ito ang  tracking device at duda na ang mga ito na siya ang may pakana.

Nagbabakasakali itong mapapaamin siya bilang si Villareal.

"Bakit mo ba 'to ginagawa Xander? Ano bang problema mo!"

"Problema? Si Villareal! Hindi ba problema mo rin naman siya? Gusto mong mawala sa landas mo patayin mo ang syota niya!"

"Huwag mong gawin' yan! Apo ng pinakamaimpluwensiyang tao ang titirahin mo. Hindi tayo nakapaghanda diyan.

Baka bumaligtad ang sitwasyon at pumalpak tayo. Kapag nalaman ito ng ama mo tiyak na hindi ka niya patatawarin.

Huwag kang gagawa ng anumang hindi pinagpaplanuhan!"

"Nakaplano ako Acuesta. Lahat ng kilos ko nakaplano. At ngayong gabi, isa sa dalawang babae ang mamamatay!"

Kasabay ng pagkamatay ng linya.

"Putang ina!"

Sa galit niya ay naibato ng binata ang cellphone na tumama sa sofa.

Alam niyang kapag nagbabanta ang gagong 'yon ay tinotohanan.

Mabilis niyang tinawagan si don Jaime.

"Gian kumusta?"

"Don Jaime, pwede ko ho bang makausap si mang Isko?"

" Bakit?"

"Nasa panganib si Isabel. Papatayin siya ng mga Delavega! Kailangang malaman niya ' yon!"

"Mabuti kung gano' n, mamatay na ang babaeng 'yon."

Napanganga si Gian sa narinig. "Don Jaime, kapag hinayaan natin si Isabel na mamatay isusunod nila si Ellah."

"ANO? PUNYETA!"

"Kaya pakiusap ho, iligtas ninyo ang anak ni mang Isko."

"O sige, sige kakausapin ko siya. Hindi baleng mamatay ang anak niya huwag na huwag ang apo ko! Tatawag ako ulit para ibigay ang numero ng anak niya."

"Sige ho, maraming salamat."

Tinawagan niya ang pinsan na agad nitong sinagot.

"Hendrix hindi natuloy si Roman sa Beijing."

"Ano? Bakit? Anong nangyari?"

Huminga ng malalim ang binata. 

"Natuklasan na nila ang ginawa ko."

"Anong ginawa? Sandali lang anong nangyayari diyan? Nanganganib ka ba ha?" bakas ang pag-aalala sa tinig ng pinsan.

Kung noon kaya pa niyang biruin ngayon hindi niya magawa.

"Wala, hindi naman, sige na tumawag lang ako para sabihing hindi natuloy si Roman."

"Gian mag-iingat ka!"

Pagkatapos makipag-usap ay mabilis niyang tinungo ang storage room.

Pagkabukas niya ng silid ay tumambad ang napakaraming armas kasama na ang bomba at iba pa. 

Sumalubong ang amoy ng metal at chemical dahil sa mga ito ngunit bale-wala iyon kay Gian at tuluyang pumasok.

Iba't-ibang klase 'yon na pinabili niya sa tauhan.

Dinampot niya ang kwarenta 'y singko na baril at ikinasa.

"Huwag na huwag kang gumawa ng katarantaduhan Xander Delavega!" 

---

Hindi na mapakali si Isabel, panay ang lakad-lakad niya sa apartment na tinitirhan. 

Umalis na siya ng hotel mula ng magkaroon ng lock down.

Kinakabahan siyang hindi mawari kung bakit.

Pakiramdam niya may masamang mangyayari na hindi niya mahulaan kung ano.

Nang tumunog ang kanyang cellphone ay halos magulantang siya bago dinampot sa mesa.

Ngunit ng malaman kung sino ang tumatawag ay tila lumukso ang kanyang puso sa tuwa.

"Hello Gian?" sabik na sabik niyang tugon.

"Isabel, may kasama ka ba? O wala ikaw lang ba mag-isa? Nasaan ka?"

"Sandali lang ang bilis eh, wala akong kasama at nasa apartment ako bakit?"

"Shit! Delikado ka diyan umalis ka na diyan bilisan mo!"

"Ano! Teka lang bakit? Nasaan ka ba?" Kumalabog ng husto ang kanyang dibdib.

"Magtago ka kahit saan dahil may nagmamanman sa'yo, umalis ka na bilisan mo!" 

"Ano?"

"Kapag hindi ka pa umalis diyan, mamamatay ka!"

"Shit! Gian natataranta ako ano bang nangyayari?"

"Saka na ako magpapaliwanag nakaalis ka na ba?"

"Hindi pa-"

"Tangina Isabel!"

Sa lakas ng boses ng kausap ay tila natauhan siya at tumakbo patungo sa likuran at tumalon sa bakod, naka tsinelas lamang siya at nakapambahay na damit.

Alas sais ng hapon at nag-aagaw ang dilim at liwanag ngunit hindi na inalintana ni Isabel ang mahalaga makaligtas siya. 

Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa makarating sa kapitbahay na kakilala at kinatok ng buong lakas ang pinto.

"Sandali sino ba 'yan!"

"Aling Gloria! Ako ito si Isabel!" tugon niyang hindi tumitigil sa pagkatok.

Nang buksan nito ay mabilis siyang pumasok at isinarado ang pinto.

Hinihingal pa siya sa tindi ng pagod at takot.

"Ano bang nangyayari?"

"Mamaya na ho ako magpapaliwanag pwede bang makiinom ng tubig?"

"Oo sige saglit lang."

"Salamat ho."

Nag-iisa lang din ito sa bahay dahil biyuda na at malalaki na ang mga anak at nagsipag-asawa na rin.

Pagkaalis nito ay tinawagan niya si Gian.

"Nakaligtas na ako Gian."

"Mabuti, nasaan ka?"

"Nasa kapitbahay lang din."

"Mag-iingat ka."

"Ano bang sinasabi mo kanina?"

"Target ka ni Xander Delavega dahil konektado ka sa akin bilang ako na Gian Villareal."

"Teka hindi ko maintindihan."

"Dahil sa pagkampi mo sa kanila nagamit nila 'yon laban sa akin. Nag-iisip na silang ako si Villareal dahil sa ginawa mo."

Nakagat niya ang labi dahil sa kunsensiya. "Sorry."

"Mag-iingat ka, at huwag na huwag kang lalabas kung nasaan ka man. Siguradong hindi ka titigilan ng anak ni Roman kapag nalaman niyang nakaalis ka roon."

"Sige, sige salamat."

"Sandali Gian pwede ko bang makausap si tatay?"

"Si don Jaime ang kausapin mo."

"Pwede ba tayong magkita please?"

"Naka lock down hindi pwede."

"Sige na please!" 

Nawala na ito sa kabilang linya.

Ganoon pa man nakahinga siya ng maluwag dahil nakaligtas siya.

---

Nakauwi na sila Ellah sa tinitirhan hatid ng mga gwardya.

Bumaba siya ng sasakyan at hinarap ang mga ito.

"Sige na umuwi na kayo, at maraming salamat sa paghatid."

"Sige ho Ms."

Tumango siya at tumalikod saka dumeretso sa tinitirhan.

Pagdating doon ay pinindot niya ang pass code at binuksan ang pinto.

Nang mula sa loob ay may humablot sa kanya at mabilis na isinara ang pinto!

"Aaaaaaahhhh!" napasigaw siya ng buong lakas at tila mahimatay sa takot.

"Ssshh, ako 'to."

Doon pa lang siya nakahinga ng maluwag.

Binitiwan siya nito kaya naharap niya.

Binuksan nito ang ilaw.

Tumambad ang binata at sa hindi maipaliwanag na pakiramdam ay parang gusto niya itong yakapin ng mahigpit.

"Ikaw lang ba mag-isa? Wala bang sumusunod sa'yo?"

"Hinatid ako ng gwardya bakit ba?" Kinakabahan na rin siya sa inaakto nitong pasilip-silip sa pinto.

"Mabuti, wala ka bang napansin na kakaiba sa labas?"

Nairita na siya at mas kinakabahan. 

"Wala bakit ba?"

"Wala naman, wala."

Nang tila kumalma na ito ay siya naman ang natauhan.

"Sandali!" nameywang siya nang hinarap na ito. "Paano ka nakapasok dito? Trespassing ka!" duro niya.

"Sorry, pero hiningi ko kay Aling Ising ang code mo."

"Huh! Ibang klase!" Palatak niya. "At anong ginagawa mo rito?"

"Ha? Wala dinadalaw ka."

Naniningkit ang kanyang mga  mata. "Sinungaling! Sabihin mo ang totoo!"

"Ang totoo kasi-"

May nag buzzer kaya nagkatinginan sila. 

"Sigurado kang walang nakasunod sa'yo?" 

Nanlaki ang kanyang mga mata nang hinablot nito mula sa likuran ang isang baril!

Nanlamig siya sa nakita at ginapangan ng takot.

"G-Gian, ano bang nangyayari?"

Sa halip na sumagot ay tinungo nito ang pinto at sumilip sa peephole.

Siya naman ay nagtago sa likuran nito.

"Oh damn it!" 

Napakapit siya sa damit ng binata.

"Bakit?"

"Si Jen ang nasa labas!"

Nanlaki ang mga mata niya at ngayon lang naalalang pinapunta nga pala niya ito!

"Magtago ka!" hinablot niya ito sa braso at dinala sa silid.

"Sandali lang!"

"Huwag kang maingay!"

"Pero-"

"Huwag na huwag kang lalabas hanggat hindi ko sinasabi naiintindihan mo!" 

Magsasalita pa sana ito ngunit isinara na niya.

Binalikan niya ang pinto at binuksan ang kaibigan.

"Ms. good evening!" 

"Good evening din!" pinasigla niya ang boses at niluwangan ang bukas. Pumasok naman ito bitbit ang isang malaking bag.

"Ba't may bag ka?"

"Ah, mga gamit para sa pag repack," tugon nito at umupo sa sofa. "Bakit parang hinihingal ka? May nangyari ba?"

"Ha? Wala naman, wala! Kararating ko lang din kaya pagod pa ako."

"Ah, sige, saan ko ito ilalagay?"

"Diyan lang sa mesa," turo niya sa mesang naroon sa sala.

Inilagay ni Jen ang bag doon. "Bihis ka muna, hihintayin kita."

"Ha?" tila natulos siya sa kinatatayuan nang maalalang naroon nga pala ang dating nobyo sa kanyang kwarto.

"Ah, hindi na, ayos lang ako dito sa-"

"Ms. President, natutuwa ako na masyado kang dedicated sa trabaho mo pero huwag mo namang sagarin to the point na hindi ka na magbibihis."

Sumimangot siya at inirapan ito. Tumawa ang babae.

Walang nagawa si Ellah kundi ang pumasok sa silid.

Gan'on na lang ang kanyang pagkagimbal sa nasaksihan!

"Hooooyy! Anong ginagawa mo!" 

Hinablot niya ang mga bra at panty na hawak nito at ang iba ay nasa ibabaw ng kama.

Mga under wear niya 'yon na pinagpilian para sa susuotin kanina.

"Sorry!" umatras ito. "Hihiga sana ako kaya lang nakaharang ang mga 'yan."

"Shut up!"

"Pasensiya na," anitong napapakamot sa batok.

Nang biglang may kumatok. 

Dinaluhong niya ang binata at tinakpan ng kamay ang bibig nito. Muntik pa silang matumba sa sahig.

"Ms. Ayos ka lang ba diyan? Sumigaw ka ah?"

"Oo ayos lang!"

Nang mawala ang babae ay pinadilatan niya ang kaharap.

"Huwag na huwag kang maingay naiintindihan mo!" gigl niyang bulong.

Tumango ito at nakasunod ang tingin sa kanya, habang naghahanap siya ng bihisan.

"Ba't nandito si Jen?" bulong nito na ikinaigtad niya.

"Shhh, huwag sabi maingay!" 

Tinungo niya ang banyo at doon nagbihis.

Pagkalabas niya ay nakasunod ang tingin ng binata.

"Mahiga ka lang diyan at matulog, gigisingin kita kapag nakaalis na sila."

"Sila?"

"Darating ang mga katulong mamaya."

"Anong meron?"

"Basta!" 

"Anong pinaghahandaan niyo? Ang syota mo ba?"

"Hindi! Baliw!" Isinara niya ang pinto at lumabas.

Inabutan niyang naglalabas ng mga gamit si Jen.

"Nga pala Ms. kapag inabutan ako ng curfew pwede bang makitulog muna rito?"

"Ha! Hindi pwede!"

"Pero thirty minutes na lang curfew na. Wala pa tayong nagagawa."

Tumunog ang buzzer. 

"Nandiyan na sila!"

"Ako na lang magbubukas Ms."

Ni hindi siya tumango at muling bumalik sa silid.

 Inabutan niyang nakaupo si Gian sa kama.

"May problema tayo!" bungad niya at isinara ang pinto.

Napatayo ito. "Bakit?"

"Dito matutulog si Jen dahil sa curfew!"

Natuod si Gian. "Shit! Kailangang kong makaalis dito!"

 "Walang ibang daanan kundi bintana at pinto! Kapag sa bintana ka dadaan suicide 'yon! Mamamatay ka!" 

Natahimik sila sa narinig na ingay mula sa labas. Tanda na ang mga katulong.

Dumungaw ito sa bintana.

"Pwede na rito!" 

"Ano! Baliw ka ba!" 

"I need to get out of here Ellah, ayaw kong mahuli ako ng kahit sino!" 

"Tama! Nakakahiya 'yon!" 

"Hindi mo naiintindihan!" sumampa ito sa may hamba ng bintana.

"Gian!" 

Naudlot ang akmang pagtalon nito.

"Bakit?"

Lumapit siya rito. "M-mag-inggat ka."

"Oo, para sa'yo," anito sabay dampi ng labi sa kanyang labi.

Bago pa man siya makahuma ay nakatalon na ito at nawala na sa kanyang paningin!

"Ang walang hiya!"

---

"Boss kumpirmado, nandito si Acuesta sa condo ng apo ni don Jaime." 

Katawagan niya ang tauhan.

Umawang ang bibig ni senior Roman sa narinig. 

Nagkatinginan sila ng anak. 

"Nandiyan pa ba?" 

"Nandito pa boss! Baka hindi ito makakauwi dahil sa curfew!" 

"Sige lang umalis na kayo diyan." 

Pagkatapos makipag-usap ay hinarap siya ng anak. 

"Tingnan niyo dad, tingnan niyo kung sino ang pinuntahan ni Acuesta? Hindi ba ang syota ni Villareal? Bakit hindi ang dating fiancée niya?" 

"Natural na hindi si Isabel dahil naka travel ban paano siya makakapunta?" 

"Kung gano'n bakit pinuntahan ni Acuesta ang apo ni don Jaime?" 

"Aba malay ko!" 

"Dad! Iisa si Villareal at Acuesta 'yon ang dahilan! Hindi niya mapapayagang mapapahamak ang babae niya!" 

"Apo ni Jaime ang target mo natural na protektahan ni Acuesta dahil padalos-dalos ka!" 

Nagtiim ang bagang ni Xander. 

"Kung gano' n paano mo ipapaliwanag ang pagkatakas ni Isabel?" 

Napalingon siya rito. "Anong takas?" 

"Ang sabi ng tauhan ko, wala na ang babaeng 'yon sa apartment. Paano niya nalaman ang tungkol sa plano natin gayong si Acuesta lang naman ang nakakaalam?" 

Sa pagkakataong ito ay napaisip siya. 

"Dad, believe me, si Acuesta at Villareal ay iisa! Kumpirmado kung sino ang pinrotektahan niya!"

Hello po,

Kumusta kayo?

May update na po. Sana magustuhan ninyo.

Sorry po kung laging matagal.

I dedicate this chapter to "Sarms" thank you.

Siya lang ang matyagang nag ko comment sa paragraph na ikinatutuwa ko ng husto.

Thank you po.

Keep safe everyone!

Phinexxxcreators' thoughts
次の章へ