GRAND RESTAURANT...
Mabibigat ang mga hakbang ni Ellah habang papasok sa VIP room na nakareserba.
Nagpupuyos ang kanyang kalooban dahil hindi siya maintindihan ng abuelo.
Nilapitan niya ang isang lalaking nakatayo habang nakatingin sa labas ng salaming dingding.
Tinitigan niya ang suot nito.
Ang lalaki ay naka jeans, leather jacket at rubber shoes ang pormahan ay parang sa gwardya niya malayo sa mga lalaking nagsusuot ng tuxedo.
Ang unang impression niya ay mali.
Napatanong tuloy siya kung ito ba talaga ang anak ng congressman?
May kausap ito sa cellphone.
"This is bullshit! Kalahating oras ng late!
Who the hell she thinks she is! Kung hindi siya pupunta dapat ipinaalam niya kay don Jaime!
Nagmukha akong tanga rito!
Masyadong nagpapaimportante! Ano! Nandito na?
Nasa loob na? O papunta lang? Humanda sa akin ang babaeng 'yan!"
Paglingon ng lalake ay nasalo nito ang kanyang matalim na titig.
" Fuck! Kanina ka pa diyan?"
"Hindi, pero narinig ko lahat ng pang-iinsulto mo at aalis na ako!"
Tumalikod siya ngunit agaf siyang hinawakan ng lalake sa braso.
Sa isang iglap dumapo ang kanyang palad sa pisngi nito.
Tumalim ang titig nito sa kanya subalit wala siyang pakialam at tuluyang lumabas!
"Where do you think you're going fucking lady!" Hinaklit nito ang braso niya at hinila pabalik sa silid.
"Ah! Shit, nasasaktan ako!"
Humihingi ng tulong ang dalaga ngunit walang dumadaan sa naturang koridor kaya sinipa niya ito sa binti!
"Ah heck! Masasaktan ka talaga kapag hindi ka umayos!"
Kinaladkad siya nito ngunit sinipa niya muli ang binti.
"You're tough, huh!" buong pwersa siyang hinila at binalibag ng lalake.
Tumama ang kanyang likod sa dingding na pader ng hallway.
"Aw ... shit!" napadaing siya sa sakit na para bang nabalian siya ng buto.
"Hindi mo ako kilala, agh!"
Bigla na lang itong bumagsak sa sahig sa kanyang harapan.
"Fuck! Sino 'yon?" asik nito sabay lumingon at makita ang isang lalaking bahagyang natatakpan ng sumbrero ang mukha.
Hindi kayang ipaliwanag ni Ellah ang nararamdaman pagkakita sa kanyang gwardya.
"Ikaw' yong tumadyak sa akin!" akmang uundayan nito ng suntok ngunit mabilis nakaiwas ang binata, hinubad ang sumbrero at ginamit pang sampal ng paulit-ulit sa mukha ng lalake.
"Ah fuck! Fuck!" Ipinanangga ng lalake ang mga kamay subalit mas mabilis ang mga kamay ni Gian kaya tinamaan muli ang anak ng congressman.
Subalit nanlaki ang mga mata ni Ellah nang bumunot ng baril ang anak ng congressman at tinutok sa gwardya.
Ngunit dagling hinablot ni Gian ang baril, hinulog ang magazine at kinalas ang mga parte, sa isang iglap wasak ang baril sa kanilang harapan.
Tila nanigas ang anak ng congressman.
Pinulot ni Gian ang magazine na puno ng bala.
Napigil ni Ellah ang hininga at kumurap-kurap.
Nang matauhan ang lalake ay bigla nitong inatake ng isang malakas na suntok ngunit nasalo ng gwardya at tinadyakan sa dibdib.
"Fuck!" humandusay sa sahig ang lalake at bago pa ito makabangon ay dinaklot ng binata ang batok nito saka pinilipit dahilan upang mawalan ito ng ulirat.
"Tara na Ms.!" Hinila ni Gian si Ellah sa braso at tumakbo palabas ng restaurant.
Labis ang takot ng dalaga habang tumatakbo kasama siya.
Alam ni Gian na delikado talaga ang makikipagkita sa ibang lalake ngunit mas mapanganib ngayon dahil anak ng pulitiko kaya palihim siyang sumunod at inabutan ang pagbalya sa dalaga sa pader tila umakyat lahat ng dugo niya sa nakita.
Nasa basement na sila nang biglang may magsalita sa hindi kalayuan.
"Saan kayo pupunta?"
May halos sampung ka tao ang pumalibot sa kanila at nakakasigurado siyang mga security guard ito ng anak ng congress man.
Biglang may bumunot ng baril at pinaputukan sila!
" Shit! " Iglap niyang hinila sa kamay ang dalaga upang kumubli sa isang malaking poste.
Nakakubli na sila ngunit hindi ligtas habang patuloy silang binabaril.
Tila mahihimatay sa takot si Ellah nanginginig ang mga kamay na tinakip sa mga tainga.
" Oh my God! "
"Ms. kahit anong mangyari 'wag kang aalis dito naiintindihan mo?" mahinang bulong niya.
Tanging tango lang ang naisagot nito.
Bumunot siya ng baril.
Hinawakan niya ang isang braso nito , akmang aalis na sila nang biglang may tumadyak sa kanyang likuran.
Nadapa ang binata, subalit hawak pa rin ang baril.
Nalaglag ang sumbrero niya kasabay ng pagkarinig sa pagkasa ng baril.
"Fuck!"
Sabay silang napatingin sa sumbrero.
Nakatingin lang si Ellah ngunit si Gian ay nakatitig talaga.
Tinangkang bumangon ng binata subalit may baril na nakatuon sa kanyang noo.
Nanlaki ang mga mata ni Ellah
subalit hindi siya makasigaw sa tindi ng takot.
Ipinikit ng binata ang mga mata na tila naghihintay ng kamatayan.
Ipinikit ni Ellah ang mga mata.
Pumutok ang baril.
Ngunit ng dumilat ang dalaga ay nakita niyang nag-aagawan na sa baril ang mga ito.
Sinipa ng binata ang binti ng lalaki kaya natumba ito at inundayan ng sunod-sunod na suntok sa mukha hanggang sa mawalan ng ulirat.
Mabilis na napulot ng binata ang baril at nang kukunin na nito ang sumbrero ay saka naman ito pinaputukan ng kalaban kaya mabilis itong nagkubli
sa poste na kinaroroonan ni Ellah.
Walang ibang ginawa si Ellah kung hindi ang manalangin.
Napaluha ang dalaga.
Gumanti ng pamamaril si Gian.
Palingon-lingon ito sa kinaroroonan ng kalaban habang panay ang tingin sa sumbrerong nalaglag.
"Ano bang ginagawa mo?" mahinang singhal niya, ngunit hindi siya nito pinansin.
Alam ng dalaga na muli nitong kukunin ang sumbrero kaya ang tindi ng takot niya.
"Gian please!" Hinawakan niya ito sa braso.
"No!" Iwinaksi nito ang kamay niya.
Huminga ito ng malalim at siya
pinigilan ang pag hinga.
Tumakbo ang binata nang nakayuko papunta sa sumbrero habang nagpapaputok ng sunod-sunod.
Inunahan nito ang kalaban, at nang makuha nito ang sumbrero ay mabilis itong tumakbo pabalik habang hinahabol ng bala.
Marami ang sasakyang nakaharang kaya hindi ito tinatamaan.
Ang huling bala ay tumama sa posteng pinagkukublihan nila kaya hindi ito tumagos.
"Muntik na 'yon ah?"
Hindi siya umimik. Halo-halo na ang kanyang nararamdaman.
Takot at galit!
Maya-maya pa ay nakita na nila ang paparating na mga gwardya ng naturang restaurant at nagpaputok.
Nabaling dito ang atensyon ng kalaban.
"Ms. tatakbo tayo papunta sa kotse. Ihanda mo ang sarili mo."
Hinawakan ni Gian ang isang kamay niya at pinagsalikop ang kanilang mga daliri at mahigpit na nakahawak sa isat-isa.
Mas tumindi ang takot niya subalit tinatagan niya ang loob.
"Bibilang ako, isa...dalawa... takbo!"
Magkasabay silang tumatakbo habang hinahabol ng bala!
Panay naman ang sigaw niya sa tindi ng takot.
Biglang may humarang kaya binaril ito ng binata, tinamaan ito sa dibdib at bumulagta.
Nanginig ang dalaga!
Hindi na sila tinigilan ng mga ito, kaya napaupo sila habang nakakubli sa isang sasakyan.
Binalingan siya ni Gian.
"Ms. tumakbo ka sa kotse, tumakbo ka ng mabilis at 'wag kang lilingon, naiintindihan mo? Huwag kang lilingon!" ibinigay nito ang susi sa kanya.
"O-oo!" tinanggap niya 'yon.
"Umalis ka na agad kapag nasa kotse ka na."
Sinagilahan siya ng matinding pag-aalala.
"Paano ka?"
"Huwag mo akong alalahanin kaya ko ang sarili ko ang mahalaga makaligtas ka."
Hindi siya natinag sa sinabi nito.
"Pakiusap Ms. Ellah iligtas mo ang sarili mo."
Naninikip ang kanyang dibdib subalit pilit niyang pinatatag ang sarili.
Naramdaman niyang unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.
"Bibilang ako ng..."
"Natatakot ako!"
Tinitigan siya ng binata derekta sa mata. "Nandito ako sa likuran mo, magtiwala kang hindi kita pababayaan. "
Huminga ng malalim ang dalaga. Bahagya siyang tumayo kaya binitiwan nito ang kamay niya.
"Bibilang ako. Isa...dalawa...TAKBO!"
'Bahala na Diyos ko!'
Kumaripas ng takbo si Ellah!
Nagsimula na naman ang barilan at nagpalitan ng putok.
Napahiyaw siya at napatakip ng tainga habang tumatakbo nang nakayuko.
Nagpakubli-kubli siya sa maraming kotse.
Tumatakbo siya habang pinoprotektahan ng binata, hanggat may nagtatangkang bumaril sa kanya ay mabilis nitong pinapuputukan ang kalaban.
Hanggang sa nakarating siya sa kotse, naiiyak na binuksan niya ang pinto at mabilis na pinaandar.
Nasa isipan niya ang pag-alis para makaligtas at hayaan na lang ang gwardya.
Umikot siya at ilang sandali pa ay palabas na.
Napalingon siya nang makarinig ng putok at nakitang nagkukubli si Gian sa mga kotse.
Tila may kung anong pumitik sa kanyang dibdib at biglang iniliko pabalik sa kinaroroonan ni Gian.
Panay pa rin ang pamamaril nito.
Binuksan niya ang unahang pinto.
"Gian pasok!"
Nanlaki ang mga mata nito bago mabilis na pumasok at pinagbabaril ang kalaban.
"Dapa!" utos nito.
Dumapa siya habang nagmamaneho. Isinara nito ang pinto.
Pinalipad ng dalaga ang kotse habang tuloy sa pakikipagbakbakan ang binata.
Nakalabas sila sa basement.
Nagkagulo ang mga tao!
Hindi na sila hinabol ng mga ito.
Nang medyo nakalayo na sila ay nagsalita ito.
"Ako na ang magmamaneho."
Agad silang nagpalit ng puwesto, hindi na siya nag-abalang bumaba.
Saglit lang ito na ang nagpapalipad ng sasakyan!
Nang kumalma ang sitwasyon, inihinto ni Gian ang sasakyan at biglang hinila ang dalaga palapit.
"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo? Hindi ka ba nasugatan?" Pina-ikot-ikot niya ang dalaga.
"Hindi naman, ayos lang ako."
"Salamat at ligtas ka."
"Akala ko mamamatay na tayo," mangiyak-iyak na wika nito.
"Hindi mangyayari 'yon hanggat ako ang kasama mo."
"Pero bakit bumalik ka pa? Dapat iniligtas mo na ang sarili mo at iniwan ako, delikado ang ginawa mo kanina."
"Hindi ko 'yon gagawin! Mamamatay ako sa konsensiya kung may nangyaring masama sa'yo."
Tila may pumitik sa dibdib ng bianta at kinabig ang dalaga payakap, marahan niyang hinaplos-haplos ang likuran nito upang pakalmahin.
Gumanti ng yakap ang dalaga.
Namagitan ang katahimikan hanggang sa kumalma na ito.
"Natatakot ka pa ba?"
"Hindi na masyado, ikaw hindi ka ba nasugatan?"
"Hindi"
"Naiinis ako sa'yo kanina."
Kumalas ang binata sa pagkakayakap at nagtatakang tumingin dito.
"Bakit?"
"Nasa panganib na nga tayo nagawa mo pang pulutin ang sumbrero mo."
Napangiti siya. "Bigay mo 'yon ayokong iiwan lang doon."
"Pero kahit na! Pwede pa kitang bilhan uli ng mas marami kung talagang nagustuhan mo 'yon."
"Wala ng papantay sa bagay na 'yon Ms. Ellah."
"Baliw ka ba? Paano kung nabaril ka dahil lang sa sumbrero na 'yon hindi mo ba naiisip kung gaano ka delikado ang ginawa mo kanina?"
"Hindi naman ako tinamaan eh."
"At nagrarason ka pa paano kung namatay ka dahil lang do'n?"
Napangiti ang binata. "Masyado kang nag-alala gusto ko tuloy isipin na kaya ka nagkakaganyan ay dahil natatakot kang mawala ako."
"Oo tama ka! Natatakot talaga ako! Paano kung mamatay ka hindi mo ba naiisip 'yon!" napahikbi na ito.
Naglaho ang kanyang mga ngiti nang mapansin ang pangingilid ng luha sa mga mata ng dalaga.
Bigla niya itong kinabig at niyakap ng mahigpit.
Hindi niya maatim na makitang lumuluha ang babaeng ito nang dahil sa kanya.
"Mas ikamamatay ko kung napahamak ka," usal niya at pumikit.
Nagpapasalamat siya at walang anumang masamang nangyari rito.
"Huwag ka ng matakot, sorry na. Hindi ko lang naisip ang mararamdaman mo."
Inihimlay ng dalaga ang ulo nito sa kanyang balikat.
Napakislot siya at nanigas ngunit hinayaan lang ito.
Matagal bago ito kumawala.
"Huwag mo ng ulitin ang gano'n naintindihan mo?"
"Yes ma'am!"
Alam naman niyang natatakot lang itong mawalan ng gwardya, iyon lang at wala ng iba pa.
Bumuntong-hininga si Gian.
"Sino ba 'yong mga 'yon?" tanong niya habang nagmamaneho pauwi.
"Anak siya ng isang congressman sa kabilang distrito. Maimpluwensiya ang pamilya nila."
"Sino ba siya?"
"Xander Dela vega."
"Xander, Dela vega" ulit niya.
"Buti na lang hindi na nila tayo hinabol."
"Hindi nila 'yon magagawa dahil isang pulitiko ang ama niya ma eeskandalo sila."
"Buti na lang anak siya ng pulitiko kaya nakaligtas tayo."
"Huwag kang mag-alala dahil hanggat ako ang bodyguard mo walang sino man ang makakapanakit sa'yo."
Bigla na lang napaiyak si Ellah na tila ba ngayon lang pumasok sa kanyang sistema kung gaano ka delikado ang nangyari kanina.