webnovel

SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 4

Ran's POV

HABANG LULAN ako ng bisikleta ko papuntang school ay biglang may isang kotseng tumapat sa akin at binusinahan ako nang ubod nang lakas. Napataas naman ako ng isang kilay.

"Ang layo-layo ko na nga. Alam ko naman kung masasagasahan ako," sabi ko sa sarili ko.

Kainis `tong may-ari ng kotse, por que naka-bike lang ako bubusinahan niya lang ako?

Pinagpatuloy ko lang ang pagpadyak nang biglang bumukas iyong bintana ng kotse sa passenger seat. Hanggang ngayon kasi nasa tapat ko pa rin ang asul na kotse at mukhang sinasabayan ako.

"Uy! Papasok ka na?"

Lumingon ako sa nagsalita mula sa loob ng sasakyan. "Oh, Atoz... Ikaw pala!" sabi ko sa lalaking nasa loob ng mamahaling sasakyan na kulay.

"Atoz?" Nagtatakang tanong nito sa akin nang ihinto ng driver ang sasakyan.

Huminto rin ako sa pagbibisikleta at sinagot siya. Tumawa ako at napahawak sa sarili kong batok. "Ang haba kasi ng name mo na Abcde Xyz kaya naman ginawa ko na lang na Atoz, from A to Z, mahaba kong paliwanag.

Tumango-tango na lang si Atoz sa aking sinabi. "Sige, Ran. Mag-ingat ka sa daan. Kita na lang tayo sa school mamaya. Malapit na mag-time, " wika nito bago sinara ang bintana ng kotse.

Tumango lang naman ako.

Napatingin ako sa aking wristwatch. Ten minutes na lang pala ay isasara na naman ni Kuyang Guard ang gate ng school dahil magsisimula na ang klase.

"Lagot, dapat bilisan ko para hindi ako masarahan," sabi ko at nagsimulang pumadyak nang mabillis.

Nang makarating ako sa harap ng school gate ay sobrang lakas ng pagpreno ko na halos tumaas pa ang gulong ng aking bike sa likod.

"Mag-ingat ka naman."

Napatingin naman ako sa kung sino ang nagsalita. Naningkit ang mga mata kong tinitigan ang nagsalita. Si Perzeus Lee.

"Anong ginagawa mo rito?" Halos pabulong na tanong ko.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa kapag nasa paaralan ka? `Di ba, mag-aaral?" sabi nito at nagsimula na maglakad papasok ng paaralan. Agad ko namang pinarada ang bike ko at dali-daling sinundan ito.

"S-sandali! Hindi ko m-maintindihan." Habol ko. "Anong ibig mong sabihin? Ikaw, mag-aaral dito? Kailan ka pa nagka-interes sa pag-aaral?" tanong ko.

Tumigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Aray! Bakit ka nananakit?" sigaw ko nang pitikin nito ang noo ko.

Ang sakit kaya.

"Alam mo, napakamapanghusga mong bampira," sabi nito sa akin at nagsimula na namang maglakad.

Hinabol ko naman ulit siya.

"Seryoso kasi tayong mag-usap, Perzeus. Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

"Babantayan ka," sabi nito at tiningnan ako.

Napanganga ako sa sinabi niya. "Bakit? Kaya ko naman sarili ko, ah!" Dipensa ko.

"Huwag ka nang maraming satsat. Male-late na tayo," wika nito at hinila na ako papunta sa silid-aralan.

NANG MAKARATING na kami sa classroom ay agad akong inakbayan ni Perzeus nang biglang lumapit si Atoz sa kinatatayuan namin.

"Uy, Ran!" tawag niya sa akin at kinawayan ako. "Sino iyang kasama mo?" tanong niya nang makalapit siya sa amin.

"Kaibigan ko nga pala, si Perzeus."

"Abcde nga pala, pare." Pagpapakilala ni Atoz at nilahad ang kamay niya.

Tiningnan naman ako ni Perzeus.

Sinenyasan ko naman ito na makipag-kamay kay Atoz kaya tinanggap nito iyon kahit halatang labag sa kalooban.

"Sige, Atoz. Maghahanap pa kami ng upuan ni Perzeus," sabi ko na lang kay Abcde at hinila na si Perzeus palayo sa kanya kasi mukhang wala ni isa sa kanila ang gustong bumitiw sa pakikipagkamay sa isa't isa.

Nang makahanap ako ng upuan para kay Perzeus ay pinaupo ko na ito roon. "Hoy, ikaw... Bakit sobra ang pagtitig mo kanina kay Atoz? May balak ka, `no?" tanong ko kay Perzeus.

Hindi ito sumagot.

"Huwag kang gumawa ng kalokohan habang nandito ka. Tandaan mo, bampira tayo at tao sila. Hindi natin alam kung anong kaya nilang gawin kapag nalaman nilang bampira tayo," mahinang wika ko rito at pumunta sa upuan ko.

Hindi pa ako nakalalayo ay narinig kong may sinabi si Perzeus, "Lumayo ka sa kanya." Maawtoridad ang tinig nito.

Napatigil naman ako sa paglalakad at lumingon kay Perzeus. "Si Atoz ba ang tinutukoy mo?" tanong ko.

Hindi na naman siya sumagot.

Bakit ko naman sana lalayuan si Atoz? Ang bait niya kaya sa akin.

"BAKIT HINDI nagpalit ng PE uniform `yong kaibigan mo?" tanong ni Atoz sa akin.

Tiningnan ko muna si Perzeus bago sumagot, "Hindi kasi siya mahilig sa sports kaya hindi na siya nagpalit. Manonood na lang daw siya," sagot ko.

Nakaupo sa ilalim ng malaking puno si Perzeus habang nanonood ng mga naglalaro sa ground. Oras kasi ng PE namin kaya dapat lahat ay makipag-participate pero si Perzeus ay mas piniling manahimik at panuorin na lang kami.

Kaming mga bampira kasi ang isa sa mga kahinaan namin ay ang araw. Tuwing nasisinagan kami ng araw ay unti-unting nanghihina ang aming katawan. Kaya tuwing PE namin ay naglalaro lang ako kapag hindi pa gaanong mainit kagaya na lamang ngayon.

"Ran, saluhin mo!" sigaw ng isa kong kaklase.

Nasalo ko naman ang bola at natamaan. "Yes! Score natin!" masayang sigaw ko.

"Catch!"

"Huwag masyadong malakas! Hindi ko matatamaan!" sigaw ko.

Naglaro pa kami nang naglaro nang hindi ko namamalayan na nandiyan na si Haring Araw at sobrang init na.

"Guys, pass muna ako. Pagod na ako," wika ko sa mga kalaro ko.

Humahapdi na kasi ang aking balat ko at nahihilo na ako.

"Sige. Balik ka kapag nakapagpahinga ka na, ah!" sabi ng isa kong kaklase.

Nginitian ko lang ito bago pumunta sa CR.

Pagkapasok ko sa banyo ay agad akong naghilamos. Tiningnan ko sa salamin ang itsura ko. Namumutla na naman ako.

"Kailangan ko na umuwi," sabi ko sa aking sarili.

Pagkalabas ko ng banyo ay bigla akong napapikit dahil sa sobrang liwanag ng sikat ng araw. Lalo akong nanghina. May nakita naman akong isang pigura ng tao na malapit sa akin kaya tinawag ko siya.

"T-tulong." Para akong pagong na naglalakad sa sobrang bagal. Hindi ko maaninag ang taong nasa harap ko. Kung malapit na ba ako sa kanya o malayo pa. "T-tulungan ninyo a-ako..."

Hindi ko na kaya. Babagsak na ang katawan ko.

Nang hindi na kaya ng mga binti ko na maglakad ay unti-unti akong bumagsak sa lupa. Bago pa ako mawalan ng malay ay may mga boses akong narinig.

"Ran! Anong nangyari sa'yo?" sigaw ng isang lalaki. "Halika, dadalhin kita sa hospital."

"Huwag mo siyang dadalhin doon."

NAGISING AKO nang may maramdaman akong may tumutusok sa aking pisngi.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Perzeus sa akin.

"Anong nangyari? Bakit nasa bahay na ako?" tanong ko. Panay ang lingap ko sa buong paligid.

"Nawalan ka lang naman ng malay dahil sa paglalaro mo sa ilalim ng araw. Kaya ayan, nanghina ka. Pasalamat ka't nandoon ako nang mangyari iyon, kung hindi baka pinagpipiyestahan na iyang katawan mo ngayon sa hospital," sambit ni Perzeus.

Napabangon naman ako sa narinig ko. "Ano? Hospital?" sigaw ko.

"Oo. Pasalamat ka na lang at naabutan kita kanina kung hindi dinala ka na ng Atoz na `yon doon."

"Si Atoz?"

"Oo. Sige, mauna na ako't mukhang okay ka naman na. Magpagaling ka."

Tumalikod na si Perzeus at akmang lalabas na ng kuwarto nang tawagin ko ito. Dahilan upang lingunin ako nito.

"Salamat, bukal sa loob na sabi ko saka ito nginitian.

Tumango lang si Perzeus bago tuluyang umalis ng aking silid.

次の章へ