Chapter 27
Nakapasok ako sa school na nakacivillian. Kahit sabado na ay may pasok ma din ang iilan dito sa School. Kaya napatingin yung iba saakin.
"Aalis kana Tiana?" Nakilala ko kaagad ang babae. Siya yung tinulak ni Jeydon kahapon. Nakita ko sa paa nito na nakacast. Inalalayaan siya ng kaniyan kaibigan.
Ngumuso ako. "Oo eh."
Bumuntong hininga ito. "Alam mo mamimiss ka namin. You changed him. That monster!" Parang may narealize niya yata ang sinabi niya dahil napatingin ito saakin na nahihiya. "Sorry."
Umiling ako at tumawa. "It's okay--" tumingin ako nang malayo. "Namimiss ko na yung halimaw na yun."
Tumawa siya at yung mga kaibigan niya sa sinabi ko. "Hindi na naman tanungin anong nangyari. Pero isa lang masasabi namin Tiana support kami senyo."
Napangiti ako sa sinabi niya. Parang gumaan ang pakiramdam ko.
I texted all my band mates na makipagkita sa band room. I will gift them their farewell gift. Hindi ako aalis dito na basta basta lang. They are my friends after all.
I already chatted Vaughn and others sabi nila kahapon bukas na sila. Bukas na din sana flight ko kaso sasabay nalang ako sa family ko pauwi.
Pagpasok ko napahawak ako bigla saaking dibdib dahil sumigaw silang lahat.
"Tianaaaaa!" Lumapit sila lahat saakin at yinakap ako nang mahigpit. Umiyak si Hazel sa tabi ko. Ngayon ko lang siya nakita ah.
"Hazel!" Natuwa ako. Namiss ko tong makulit na to. Para siyang si Yerin. 2nd Yerin to be exact.
"Mamimiss ko kayong lahat." Nag iba ang mukha nila at para na silang maiiyak. Si Rolly naman ay nakanguso na ito.
"Kung hindi dahil sayo hindi mabubuo itong banda to Tiana." Lumapit ito at yinakap ako nang mahigpit.
Umiling ako. "Hindi, tayo ang bumuo nito." Ngumiti ako sa harap nila at pumunta sa harap.
"Okay!" Tinignan ko sila at kinuha ang laman nang bag ko. "Alam kong hindi ito sapat na regalo para sainyo. Pero I--" napakagat ako sa aking labo at tumingin sa itaas naiiyak ako. "I want to say. Thank you. Thank you sa lahat. Within 9 months kayo lang lagi kasama ko." Ngumiti ako.
Inisa isa ko silang binigyan ng isang lettet at gawa kong bracelet charm. Kinahiligan ko kasing gumawa nang bracelet charm kami ni Yerin kaya ito nalang ang binigay ko sakanila.
"Oh my ang cute!" Pumalakpak si Yna nung mabuksan iyon at naiyak ito habang binasa ang message sa loob.
"Tiana talaga. Mamimiss kita lalo." Sinapak niya ako ng paniro sa balikat kaya napatawa ako.
Ngumiti ako habang busy sila sa pag open at pagbasa nang mesahe na binigay ko.
"Oh? Para kay Jeydon yan?" Napalingon ako kay Geoffrey nung sinabi niya iyon pero siniko ito kaya napadaing ito sa sakin.
Ngumiti ako at tinignan ang hawak ko. "Oo." Ibibigay ko sana kaso wala siya.
PAGKATAPOS nang lahat lumabas ako nang school dahil time na nila sa pasukan. Tinignan ko ang school. Hindi ko mapigilang mapangiti. Itong school na-- madaming alaala ang nabuo. Hindi ko inakalang maging ganun ang buhay ko. Akala ko normal lang at walang kaibigan tulad nang buhay ko sa Korea. Siguro if umayaw ako kay Yerin tungkol dito hindi ko ito mararanasan lahat. Nandito lahat ang masasabi kong 'first time'.
Umuwi na ako sa Hotel at nadatnan silang kumakain sa hapag. "Darling, let's eat!" Aya ni Dad saakin. Umiling ako. "No thanks Dad. I'm full." Nung hindi na sila tumingin saakin ay napabuga ako nang hangin at pumunta sa kwarto ko-- may dalawang room dito. It's really big. Parang condo na.
Napahiga ako at hindi mapigilang mapaluha. Kamusta na kaya siya? Kamusta na pakiramdam niya? Sa pamilya niya?
Hindi ko mapigilan at iopen yung social media account ko. Hindi ko na kasi ito ginagamit. Madaming nag text saakin sa Line app. Mga kasamahan ko as exchange student. Napangiti ako habang tinitignan ang picture nila na nasa kani-kanilang lugar na. How I've miss them.
Habang nag Instagram ako ay napanguso ako. He's active here? He keeps on posting pictures pero hindi muka niya o ano. Mga bagay ang laman ng IG account niya.
Umingay ang puso ko dahil nag online ito at nag post nang isang ribbon. Ano ba ito?
I open a message for him. Pero hindi ko alam anong sasabihin ko. Should I tell him I'm okay? Or should I ask him if his doing fine? Ugh! Nakakafrustrate.
Napapikit ako dahil hindi ko alam anong sasabihin ko sakaniya.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nag tipa nang mensahe na matagal ko ng gustong sabihin.
'I miss you.' And I pressed the send botton.
"Ugh!" Umiikot ako sa aking higaan dahil sumanib saakin ang hiya. What the hell?
Tinignan ko uli ang cellphone ko pero hindi nag reply. Pero nag post ito nang white picture. Ano ba itong pinanggagawa niya.
I stalked him at nakita ko ang account ni Wendy. While looking at her recent posts may isa akong napansin. It's them. Jeydon and Wendy in a restaurant we used to eat when dating. Ang laki ng ngiti niya dito. Like he's happy.
"Are you happy withouth me?" Napakagat ako sa aking labi at press ang home at tinakpan ko nang braso ang aking mukha at crying silently.
Days passed and it's Monday.
"Ready kana darling?" My Mom asked me hang papasok sa airport. Ibinibaba ko ang aking eyeglass at isinakbit sa aking jacket.
Tumango lang ako at ngumiti. Ready na ba ako? Hinatid ako nina Ate Bianca, and all my bandmates-- but no sign of him.
"Bye guys." Paalam ko sakanila.
Nakita kong nanginginig ang bibig ni Rollt kaya nilapitan ko siya at yinakap. "Bye Rolly."
"Babalik ka ha?" Tanong nito saakin at hinawakan ang aking braso. Narinig ko ang tawa nang iilan sa akto niya. Ang seryoso niya kasi at para siyang lalaki tuloy.
Tumango ako. "Babalik ako. I'll promise. Tsaka ichachat ko lang kayo no." I laughed pero tumahimik din dahil ang lulungkot ng mga mukha nila.
"Cheer up guys." Ngiti ko.
Ang sweet din nila. They all excused themselves sa class para lang ihatid ako.
"Tiana." Hinawakan ni Rolly balikat ko. "Pakisabi naman sa bestfriend mo na tigilan na ang pagchachat saakin." His using me his puppy eyes kaya hindi ko mapigilang bumunghalit ng tawa. They all heard too kaya inaasar siya.
That Yerin! Patay na patay talaga dito kay Roland.
Habang nag aasaran sila I'm waiting for someone. Tinignan ko din ang cellphone ko pero no signs of him. Napabuntong hininga ako.
"Darling, let's go." Bumalik si Oppa at hinila na ang maleta ko.
Nakita ko kung pano pumuso ang mata nung mga babae at si Rolly. Napailing ako. Ang kukulit nila.
"Bye guys! See you soon! Bye Ate Bianca!" I waved at them kaya kumaway din sila pabalik. Napangiti ako. Yeah, see you soon.
"Wala ba siya?" Biglang tanong ni Oppa sa aking tabi. Ngumiti ako at umiling.
"Wala."
----