webnovel

Twenty-five

Chapter 25

Nagising ako dahil may mainit na bagay ang nakapatong sa aking ulo.

"Mom!" Umupo ako bigla at mabilis na hinawakan ang aking ulo dahil kumikirot ito. Nahulog ang isang bimpo na nasa aking noo.

"Ugh. What happened?" Pumikit ako at inalala ang nangyari.

"Inatake ka nang asthma mo." Umiling si Mom at hinawakan ang ulo ko. "Alam mo namang malala ang asthma mo diba?"

Tumango ako pero nakapikit parin. Ang sakit talaga nang ulo ko.

"Pahinga ka muna darling."

Umiling ako at pilit na tumayo. "I need to go to school Mom." Naiiyak na naman ako nang maalala ko si Jeydon.

"No. Stay here. May lagnat ka. Buti may nakakita sayo at sumunod din Kuya mo sainyo dahil lumakas na ang ulan." Aniya at umupo sa higaan ko. Hinaplos nito ang aking buhok.

"What happened?" Nakita ko ang mata ni Mom na nag aalala siya. Ngumit ako at umiwas nang tingin.

"Wala po Mom. Papasok ako." Pilit kong tumayo pero napahawak ako sa noo ko. Ang init nang pakiramdam ko. Damn. Nagkalagnat yata ako dahil sa nababasa ako ng ulan kahapon. Pero need kong pumasok. Kailangan kong makausap si Jeydon.

Hindi na ako pinigilan nila Mom at Dad. Wala si Oppa dito dahil may ginagawa ito sa kaniyang work.

HABANG PAPASOK ako sa school maraming nakatingin saakin. Napanguso ako. Ano meron saakin? They are all weird. Isa lang masasabi ko sanay na ako sa tingin nila pero iba ang pakiramdam ko ngayon.

"Tiana!" Napahinto ako nang tumakbo saakin palapit si Quinn at Rolly. They are all woried about me.

Niyakap ako ni Quinn. "We are all worried about you--" napahinto ito at hinawakan ang leeg ko. "Ang init mo!" Nanlaki ang mata nito at tinignan si Rolly.

Umiling ako sakanila at ngumiti. "Okay lang ako. Ano nangyari? Bakit kayo nagmamadali?" Ang dami ng tanong ko pero ni isa hindi nila nasagot. Nagkatinginan lang sila sa isa't isa.

"What?" I smiled. Lumingon ako sa paligid. "Nakita niyo ba si Jeydon?"

"Uhm. Kaya ka namin hinahanap. May nangyari ba?" Nag-alala ang mukha ni Rolly. He held my hands. "Basta nandito lang kami para sayo."

Napakunot ang noo ko at tumawa. "Ano ba kasi nangyari?"

Nakita kong umilaw ang star sa cellphone ko na hawak sa kabilang kamay. Napangiti ako. Lumingon ako sa paligid at hinanap siya sa aking mata.

Dumaan ito sa tabi ko at para lang akong hangin. I felt a spang pain in my heart. I tought tatakbo ito at kukulitin ako at magsosorry sa sinabi niya kahapon. Pero no.

My smiled disappeared. He's not my Jeydon anymore. Nakasunod parin ang tingin ko sakaniya hangang sa mawala ito dahil madaming nakasunod na babae sakaniya sa likod. He's cold. Para siyang bad boy sa kaniyang aura. Ang Jeydon na kilala ko ay isip bata.

"Well. He's back." Umiiling si Rolly sa aking tabi kaya napatingin ako dito.

"What do you mean 'back'?" Kumunot ang noo ko.

"Ganiyan siya noon Tiana. He's distant. Hindi siya nakikipagusap kahit kanino. And also para siyang allergic sa babae. Dahil--" hindi na natapos ang sasabihin ni Rolly ay nagulat kami nang may lumapit saamin na babae. Hinihingal pa ito dahil sa kakatakbo.

"Tiana, si Jeydon!" She's gasping for air.

Napakunot ang noo ko. "Ano nangyari?" Tumakbo ako kung saan may nagkakagulo.

I excused my self sa mga estudyante para makapasok doon. Napatakip ako sa aking bibig.

Nakaupo ang isang babae sa sahig at inalalayan nang mga kaibigan niya. Habang nakatayo si Jeydon at nakatingin lang doon sakaniya. Magkasugat ang kilay nito at halatang galit na galit.

"Oh my god. May nangyari kaya? Bakit bumalik siya sa pagiging ganiyan?"

"Bumalik na yung pagiging cold niya dito."

"Diba nag bago na siya?"

"Oo dahil kay Tiana!"

"Si Tiana oh."

Napalingon ako sa aking likuran dahil sa mga pinagsasabi nila. Tumingin silang lahat saakin at lumapit si Casey, isa sa schoolmate namin.

"Lapitan mo Tiana please." Pagmamakaawa nito. "Oo nga Tiana, sayo lang siya maniniwala." Segunda nang iba.

Napabuga ako nang hangin at tumango. Hindi ako sanay na makikita siyang ganiyan. Kaya tinatatagan ko ang sarili ko at pumunta sa harap niya. Bawat apak ko ay bumibigat ang pakiramdam ko samahan pa na may lagnat ako ngayon.

"Jeydon! Itigil mo na 'to." Tinignan ko siya nang masama. Tumingin ako doon sa babae na nakaupo parin sa sahig napangiwi ako nang makita kong namumula ang paa nito. She's injured. How dare he?

Ngumisi ito kaya napatayo ang balahibo ko sa aking batok. He's creepy. Hindi ko alam anong tumatakbo sa utak niya.

"And now you're here. Akala ko ba iniwan mo na ko sa ere?" Seryosong sabi nito. "Lahat kayong mga babae laging nangiiwan."

Nanlaki ang mata ko at umiling. "Hindi naman kita iiwan Jeydon--" he raised his hand to stop me from talking.

"Papipiliin kita. Stay or leave?"

Napailing ako. "I want to stay. Pero aalis na ako dahil tapos na ang term ko dito." Bakit ganun ang iniisip niya? I don't understand him at all. "Matagal na kitang sinasabihan na malapit na akong aalis pero ano? Iniiwasan mo--" kinagat ko ang aking labi para hindi tumulo ang luha ko.

"Pero ano? Ako pa rin may kasalanan? I want to stay-- to stay here with you. Pero may buhay din ako sa Korea." Napailing ako. I'm dissapointed.

"I'm trying to help you." Ngumiti ako. "You're not my Jeydon I know. The Jeydon I know supports me in everything."

Tumalikod ako at pumikit. Napaiyak ako sa pangyayari ngayon. Ang sakit. I loved him. I really do. But the way he treated these girls is not my Jeydon. "I'm still not giving up on you Jeydon."

Napaangat ang tingin ko at dumami ang mga tao na nakikinuod saamin. Napailing ako. What a scene. Siguro madami lang problema si Jeydon kaya siya nagkakaganun. Hayaan ko nalang muna siya. If ayaw niya akong makialam then don't.

Habang naglalakad ako ay pakiramdam ko ay nakatingin pa silang lahat saakin. Napayuko ako at tinignan ang aking sapatos bawat apak palayo sakanila.

Sinundan ako ni Rolly papasok sa classroom. Since Quinn ay iba ang section.

"It's alright girl. Magiging okay din kayo." Pagpatahan saakin ni Rolly at himawakan ang aking likod at hinihimas.

Ngumiti ako sakaniya. "Sana. Malapit na din akong aalis." Napahinto siya bigla kaya napahinto din ako. Nagulat ako nang bigla niya akong yinakap.

"Girl, mamimiss kita." Napatawa ako sa kaniyang inakto at yinakap din siya pabalik.

"I'm gonna miss you too." Napapikit ako.

PUMASOK na kami sa loob at kakapasok lang din namg teacher namin. Habang nag aattendace ay ikatlong beses tinawag ni Ma'am si Jeydon.

"Saan na ba iyong batang yun. Bakit nag aabsent na naman." Umiiling si Ma'am at bumalik uli sa pagtatawag.

Napatingin ako sa tabing upuan ko. 'Where are you Jeydon?'

Nag-alala ako. Madami siyang problema even to his family. I want to help him pero siya ang lumalayo saakin-- saamin.

Buong araw akong tulala dahil kakaisip sa pangyayari sakaniya. My Dad called if doon ba ako uuwi sa Hotel. Pero sinagot ko nalang na doon muna ako uuwi sa bahay nina Tita. Mag iimpake na ako sa gamit and also namimiss ko na din sila.

I want to talk to Tita Lucy too.

Habang naglalakad ako pauwi. Within 9 months I'm being independent in everything kahit sa transportasyon o kahit ano.

Habang naghihintay nang Bus sa Bus stop ay nanlaki ang mata ko nang umilaw ang star. Lumingon lingon ako pero walang tao sa paligid. Napailing ako. Baka sira na ito. Or maybe namimiss ko lang siya.

----

次の章へ