webnovel

Unexpected Guest

Aliyah Neslain Mercado's

" Excuse me!  Can I have this dance? " pareho kaming napalingon ni Onemig sa pinanggalingan ng tinig. Tapos nagkatinginan kami. Hindi ko alam kung matatawa kami pareho sa taong nasa harap namin. Nagpapaalam pa eh hawak-hawak naman nya na ang kamay ni Onemig. Tinanggal sa pagkakayapos nito sa akin kanina.

Talaga naman!

Nag-usap kami ni Onemig sa pamamagitan ng tingin lang. Nakakaunawang tumango ako kaya wala na syang nagawa ng bumitaw ako sa kanya.

Tumingin ako kay Greta at tipid na ngumiti sa kanya. Hindi ko hahayaang makita nya na naiinis ako sa pang-iistorbo nya kahit na ang totoo eh gusto ko na syang sabunutan  at palayasin na.

Humakbang ako palayo ng hindi na lumilingon pa sa kanila. Kahit na ng marinig ko ang pagtawag ni Onemig sa akin, deadma lang ako.

Dumiretso ako sa backdoor ng bahay, tuloy-tuloy ako sa kusina dahil bigla akong nakaramdam ng uhaw. Naratnan ko si tita Blessie sa dining area at nagkakape.

" O anak, bakit nandito ka? Nagugutom ka ba? Halika saluhan mo ako dito. " untag nya sa akin.

" No, tita nauuhaw lang po ako. Thank you po. " sagot ko habang nagsasalin ng tubig sa baso mula sa pitsel na nandoon sa mesa. Umupo ako sa harap nya at saka ako uminom ng tubig.

" Si Onemig? " tanong nya.

" Nandoon po nagsasayaw. " walang gana kong tugon.

" O eh bakit parang biyernes santo ka? Babae ang kasayaw noh? " tudyo pa ni tita sa akin.  Nanlaki naman ang mata ko, natawa naman sya sa reaksyon ko.

" Binibiro lang kita. Mahal na mahal ka ng anak ko kaya wala kang dapat ipagselos. Tsaka boto kami sayo ng daddy nya pati na ang kuya Mark mo. Ikaw na yung tama para kay Onemig anak. "

" Si tita talaga. Pero salamat po. Mahal na mahal ko rin po ang anak nyo. " nakangiti kong turan. Ngumiti rin si tita Bless sa akin at hinawakan ang aking kamay.

" Ako ang dapat magpasalamat sayo anak. Dahil simula nung maging kayo ng anak ko, nakita kong naging masaya na sya ulit. Yung saya na umaabot na sa mga mata nya. " nangunot ang noo ko sa narinig.

" What do you mean po tita? "  tanong ko although may konting hint na ako kung ano yun.

" Alam mo Liyah, nanay ako kaya alam ko kung may dinaramdam ang mga anak ko. Siguro yun yung tinatawag na mother instinct. May mga bagay na hindi sinasabi sa akin yang bunso ko, alam ko, napansin ko yan years ago. Tumatawa sya, nakikihalubilo sya pero napapansin ko na hindi sya masaya talaga. Yung mga mata nya parang may nababasa akong lungkot, takot at pagsisisi. Ewan ko, yun ang tingin ko. Palagi syang nagsisimba nun kahit hindi Sunday, church visit everyday.  Tinatanong ko sya kung may problema ba sya, kung may bumabagabag ba sa kanya pero lagi nyang sinasabi na ayos lang daw sya. Hindi ako kumbinsido. Alam ko meron syang pinagdadaanan that time. Hanggang sa isang araw nagulat na lang kami ng tito Migs mo nang sabihin ni Onemig sa amin na gusto na raw nyang sa France mag-aral. Dun lumakas ang hinala ko na may pinagdadaanan nga ang anak ko. Kaya kahit nalulungkot ako na wala sya nun sa tabi ko, pumayag na rin ako. At yun nga nung maging kayo na, bumalik na ang tunay na Onemig ko. Yung masaya, puno ng buhay. Siguro nalampasan na rin nya yung kung ano man yung nangyari sa kanya years ago dahil sayo. Kaya sana anak, huwag mong susukuan ang anak ko.  Masayahin syang tao na kahit nasasaktan na hindi mo mahahalata.  Malalaman mo lang kung talagang kilala mo sya, tulad ko na ina nya. He's so vulnerable inside. Alam kong ikaw ang lakas nya kaya sana maging matatag ka rin kung may darating na pagsubok sa relasyon nyo, magtulungan kayo. " nakakaunawang tumango at ngumiti ako kay tita. Pinisil naman nya ang kamay ko bilang tanda ng pasasalamat.

Alam ko kung ano yung sinasabi ni tita tungkol kay Onemig na nangyari years ago. Sa akin lang pala talaga nya sinabi yung nangyaring yon. Sa akin nya ipinagkatiwala ang dark secret nya na yon.

Para tuloy gusto ko syang yakapin ng mahigpit ora mismo at sabihing nandito lang ako para sa kanya. Napakalaki pala ng idinulot sa kanya ng pangyayaring yon, maagang naagaw sa kanya ang kanyang kabataan. Yung guilt na nakagawa sya ng kasalanan ay ilang taon nyang dinala sa konsensya nya. Kung sa panahon ngayon balewala na yon sa mga new generation na kabataan. Kahit mga bata pa nalululong na sa pre marital sex. Pero dahil sa magandang pagpapalaki nila tita Bless sa mga anak nila, dinala ni Onemig ang mga nagawa nyang yon sa konsensya nya. At pinagsisihan ng husto sa Diyos kaya ilang taon din syang hindi naging masaya. He's a God fearing man. Isang bagay na lalong nakadagdag ng paghanga ko sa kanya.

" Thank God you're here. Akala ko umuwi ka na. " nagulat kami ni tita at sabay na napalingon sa nagsalita.

" Ah nag-kwentuhan lang kami ni Liyah, anak. " sagot ni tita Bless sa anak. Umupo naman ito sa tabi ko at inakbayan ako. Kinabig pa ako palapit sa kanya at hinalikan ako sa sentido.

" Ano nangyari dun sa kasayaw mo? " kaswal na tanong ko.

" Hayun iniwanan ko na kay Jake. Nakadalawang music na ayaw pa akong bitawan kaya hayun pinasa ko na sa kanila. Kung ikaw yun, kahit hanggang bukas tayo dun, ayos lang sa akin. Kaso nilayasan mo ako. Buti naman nandito ka lang pala at kausap yang biyenan mo. " malapad pa syang ngumiti sa akin.

" Onemig nga! " saway ko sa kanya at nahihiyang tumingin ako sa mommy nya.

" Sus sweetie, okay lang kay mommy yan. Baka nga palayasin pa ako dito pag hindi ikaw ang inuwi ko dito sa bahay balang araw. " mas lalo akong namula sa sinabi nya. Nakakahiya talaga kay tita Bless. Grabe naman kasi to si Onemig.

" Haha. Kayo talagang dalawa. O paano, aakyat na ako sa kwarto ko. Anak ikaw na ang bahala dyan, patulong ka na lang kila Mumay sa pagliligpit. Liyah anak, sa guest room ka na matulog pinaalam na kita kay Nhel kanina. " paalam ni tita sa amin. Halata namang pagod na sya dahil kaninang umaga pa sya nag-aasikaso para sa birthday celebration na ito ni Onemig. Kanina nag video call na si tito Migs at kuya Mark para bumati sa bunso nila.

" Sige po tita, magpahinga na po kayo. Kami na po ang bahala dito. " tugon ko.

" Goodnight mommy. Thanks for everything. I'm so happy. " saad naman ni Onemig sa ina.

" Anything for you anak. I love you. "

" I love you too mom. " wika nya at hinalikan ang mommy nya sa pisngi at niyakap. Umakyat na si tita Bless pagkaraan at nagkatinginan naman kami ni Onemig.

" Now what? " tanong nya pagkaraan.

" What? " balewalang tanong ko rin.

" Nagseselos ka kanina kaya ka umalis noh? " tudyo nya.

" Naku Juan Miguel, may dapat ba akong ipagselos? "

" Wala nga pero aminin mo nainis ka kanina. " tudyo pa nyang muli. Ngising-ngisi pa.

" Sus oo na nga! "

" O kitam. Ako nga rin nainis tapos iniwan mo pa ako kaya sinamantala nya yung pagkakataon. Ayaw na akong bitawan. " reklamo nya.

" Kung hindi naman ako umalis tapos nakikita ko kayong nagsasayaw, parang nai-imagine ko na naman yung kinwento mo sa akin. Tapos kung makabaklas pa sya dun sa pagkakayapos ko sayo kanina, parang pag-aari ka nya. " naiinis kong turan.

" Ay grabe sya. Ano naman yung ini-imagine mo? "

" You and her, doing.... nasty things. " medyo nahihiya at mahina ko pang turan sa huling salitang binanggit.

" Pwede ba sweetie huwag mo ng paalala yon. Kinikilabutan ako. Mas gusto kong isipin yung ganon kung ikaw yung kasama ko. " awtomatikong namula na naman ako sa sinabi nya. Shocks! rated spg na yata ang tinatakbo ng usapan namin.

" Juan Miguel nga! Pektusan kita dyan sa ngala-ngala eh. Kung ano-ano sinasabi mo dyan. Hindi yan makatarungan! "

" Haha. Sweetie joke lang naman. Hindi ko magagawa sayo yun. Halika nga dito. " untag nya sa akin. Lumapit naman ako. Nang makalapit ako ay bigla nya akong niyakap at as usual hinalikan ako sa ulo.

" Sweetie, promise ko sayo, hindi tayo gagawa ng mga bagay na kasalanan sa mata ng Diyos. Kaya kong maghintay at magtiis maiharap lang kita sa altar ng malinis. Hindi ko na uulitin yung mga nagawa kong pagkakamali noon, hindi tayo lalampas sa boundary, kuntento na ako na nayayakap at nahahalikan kita. Sa ngayon sapat na yon. Yun na lang muna. "

" Thank you beb. Hindi ko rin naman hahayaang magkaroon ka ulit ng guilt dyan sa dibdib mo. Alam ko yung pinagdaanan mo for the past years, nasabi ni tita Bless sa akin. Although wala syang idea sa nangyari noon pero alam nyang may pinagdadaanan ka that time. Mother instinct pero hindi nya lang pinahalata sayo na may napansin syang kakaiba sayo. "

" Really? "

" Oo. Kaya kanina pa kita gustong mayakap ng mahigpit dahil feeling ko hindi talaga basta lang yung nangyari sayo. Dinala mo talaga yung bigat sa konsensya mo. "

" Tama ka sweetie. Bata pa kasi ako noon, kami, pero imbes na pag-aaral ang inatupag namin, namulat agad kami sa ganung kamunduhan. Feeling ko maagang ninakaw ang kamusmusan namin. Hindi yun dapat. Kasalanan yun. At ilang taon bago talaga ako naka-recover ng husto. " he looked at me and cupped my face.

" I love you sweetie and thank you dahil dumating ka na sa buhay ko. Kung noon pa lang nagkaayos na tayo, hindi ko siguro na-experience yon. Iba ka eh. Iba ka sa lahat. "

" Everything happens for a reason. Nasagot mo naman siguro ngayon kung bakit nangyari yon. Anyway, let's go back to your party, baka isipin nila nilayasan na natin sila. "

" Okay lang sayo na nandoon si Greta? "

" May magagawa ba ako dun beb? "

" Sabi ko nga wala. "

次の章へ