webnovel

Face Off

Laine's Point of View

Someone who hates you,normally hates you for one of three reasons.They either see you as a threat.They hate themselves.Or they want to be you.

At sa palagay ko, Marga is all of the above.Sobra ang pagka~hate nya sa akin na dumating pa sa punto na sinaktan nya ako nuon.Inagaw na nga nya si Nhel sa akin, sa akin pa sya galit. At heto sya ngayon, wala pa akong ginagawa ay tila naghahamon na sya ng away.

" What is it this time Marga? Ang aga mo namang nakabalita na nandito ako pati sila tita Bining hindi mo na nirespeto." mahinahon pa rin na saad ko.Buti na lang masarap tulog ni Aliyah kundi nagising na sa sobrang pagtutungayaw ng babaeng ito mula kanina.

" Bakit ba pumunta ka pa dito sa bahay ng mga biyenan ko? Alam kong may binabalak kang di maganda. Gusto mo lang sigurong magpapansin kay Nhel ano? " nanunuyang turan nya.

" Alam mo hindi mo na dapat pinakikialaman kung sino man ang gusto kong puntahan. Baka nakakalimutan mo,mga kaibigan sila ng mga magulang ko.At sino ka para paliitin ang mundo ko? At isa pa,dito ako dati nakatira nung bago ka pa umeksena sa buhay namin.Kaya wala kang karapatan diktahan ako kung saan ko gustong pumunta." nanggigigil na ako pero pilit pa rin akong nagpapaka~hinahon.

Si Nhel ay nasa isang tabi lang hindi nakikialam sa amin,alam na nya kung bakit nakikipagtuos ako kay Marga.Maging sila tito Phil ay hinayaan lang kami. Pero alam kong naka alerto sila sakali mang umatake ang may sapak.

" May karapatan ako dahil ako ang asawa ni Nhel at pinoprotektahan ko lang sya sa mga kagaya mo." buong pagmamalaki pa nyang turan.

" Kagaya kong ano,ha Marga? Anong pangit at masasamang salita na naman ang ipupukol mo sa akin this time? Baka kapag ako ang nagsalita dito magulat ka,kaya wag mo akong pilitin." banta ko sa kanya.

" Ano naman ang walang kwentang sasabihin mo para magulat ako aber? Ang mabuti pa umalis ka na lang dito,ginugulo mo lang kami.Tara na nga papa baka gising na yung anak mo! " untag nya kay Nhel at saka akmang tatalikod na.

" Ako pa ngayon ang nanggugulo eh ikaw nga ang pumunta dito ng ganito kaaga para lang paratangan ako ng kung ano~ano.You're so ridiculous Marga." lumingon syang muli at lumapit sa akin.

" Alam mo Laine, ang mabuti pa, umalis ka na lang.Tahimik na ang buhay namin kaya wag mo na kaming guluhin.Kahit anong gawin mo hindi mo na maagaw sa akin si Nhel, kasal kami at may anak." tumalikod na sya at naglakad papunta sa pintuan.

Pero bago sya makalabas ay nagsalita akong muli na syang ikinalingon nya.

" Bumalik ako para bawiin ko kung ano ang talagang sa akin."

" Ano kamo? Wala ka ng babalikan.Wala ng sayo Laine! Hindi mo na sya mababawi dahil kasal na sya sa akin." buong pagmamalaking hinarap nya ako.

" Ows,masaya ba naman sya sayo? Sa loob ba ng limang taon na nasa iyo sya,nagawa mo bang burahin ang pangalan ko sa puso nya? Nagawa mo ba syang pangitiin kahit na lang sa pinakamaliit na bagay? Kasi kung hindi mo nagawa yun,wala talagang naging sayo Marga. Kasama mo lang sya pero sa akin pa rin sya ng buong~buo.Ako pa rin ang nagmamay~ari ng puso nya."

" Ang kapal ng mukha mo! Di ba may asawa ka na? so bakit pumunta ka pa dito para manggulo? Alam ba nya na pumunta ka dito para akiting bumalik sayo ang taong may asawa na? Sagad pala sa buto ang kakapalan mo! " nanunuyang sambit nya.

" Marga stop it! Kahit kelan hindi maganda yang tabas ng dila mo." hindi na nakatiis na saway ni Nhel sa kanya.

" Oh, pinagtatanggol mo pa itong babaeng to.Hindi mo ba sya narinig? Gusto ka nyang bawiin sa akin na akala mo pwedeng basta~basta ka na lang nyang kukunin.Hindi ako papayag na alisan nya ng ama ang anak ko. Ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang asawa mo! " galit na turan nya kay Nhel.

" Wala kang alam sa sitwasyon namin ni Anton.At oo alam nya na pumunta ako dito hindi para akitin si Nhel tulad ng ipinaparatang mo. Hindi ko na kailangang gawin yon dahil sigurado ako na kusa syang babalik sa akin."

Nagulat sya sa narinig nya sa akin.Nagpalipat~lipat ang tingin nya sa akin at kay Nhel.

Pero marahang umiling si Nhel na nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para isampal kay Marga ang katotohanan.Siguro iniisip din nya na kapag nalaman na ni Marga ang totoo ay bigla nitong ilayo si Mark, ang anak nila sa kanya.At wala pa syang naisip na paraan para dito.Kaya naintindihan ko na hindi muna ngayon ang umpisa ng laban namin.

" Subukan mo lang Laine na agawin si Nhel sa akin dahil kapag ginawa mo yon, sa korte tayo magkikita!"

" Kahit ano ang gawin mo,lalabanan kita Marga.Hindi na ako ang dating Laine na nakilala mo.Magpasabi ka lang,hindi kita uurungan."

" Matapang kana ngayon ha? Kung noon nga naagaw ko si Nhel sayo kahit pa engaged na kayo, ngayon na kasal na kami at dala ko ang apelyido nya, mas lalo ko syang po-protektahan mula sa mga kagaya mo.Kaya pwede ba kung ano man yang binabalak mo, hindi...ka..magtatagumpay!" may diin sa huling katagang sinambit nya.

Eh di shing! Kung hindi lang dahil kay Nhel baka nasabi ko na ang totoo.Baka naglulupasay kana ngayon dyan Marga.Sige lang take your time, enjoy it while it lasts.

" Okay ! Hindi kung hindi pero pwede ba wag ka na ulit lalapit sa akin para lang pamukhaan ako ng kung ano-ano. Alam ko naman na kaya ganyan ka sa akin mula pa noon dahil gusto mong maging ako. Kaya lang yun ang mapait na katotohanan, galit ka sa sarili mo dahil kahit kailan hindi ka magiging ako." turan ko sabay ngiti ng malapad sa kanya. Ang maasar talo.

Napamaang sya sa sinabi ko.Sapul na sapul sya.

Hindi ko inaasahan ang sumunod nyang ginawa.Hinila nya ang buhok ko at sinampal ako sa magkabilang pisngi.Galit na galit sya at pahigpit ng pahigpit ang hawak nya sa buhok ko.Ipinagtutulakan nya ang buo kong katawan sa may dingding.Yung isang kamay nya ay kinakalmot naman ang mukha ko.Hindi naman ako makalaban dahil ang higpit ng hawak nya sa buhok ko at nag-aalala rin ako na baka pag lumaban ako,yung bata sa tiyan ko ang maapektuhan.

Si Nhel na nabigla sa pangyayari ay hindi agad nakakilos sa biglaang pag-atake ni Marga.Si tito Phil at tita Bining ang lumapit para awatin si Marga.

" Bitawan nyo ako! Kakalbuhin ko ang talipandas na makapal ang mukhang babaeng ito." tungayaw nya habang pilit na nagpupumiglas kay tito Phil.

" Nhel iuwi mo na ang babaeng ito baka kung ano pa ang mangyari kay Laine!" galit na sigaw ni tito Phil ng mailayo na nya si Marga sa akin.Dinaluhan naman agad ako ni tita Bining at iniupo sa sofa.

" Marga halika na! Wala kang karapatang manakit ng kahit na sino.Ugali mo na talaga yang pagiging mapanakit!" galit na sambit ni Nhel. Tinapunan pa nya ako ng nahahabag na tingin bago sila lumabas ng pinto at umalis.

Panay ang alo sa akin ni tita Bining. Bumalik si tito Phil sa sala na may dalang isang basong tubig at pinainom sa akin.

" Paano kaya nalaman ng babaeng iyon na nandito ka? Buti na lang natutulog ang apo ko kundi naeskandalo na sya sa ginawa ng babaeng yon sayo.Kahit kailan talaga walang ginawang nakakatuwa ang babaeng iyon. Sa kilos at pananalita parang walang pinag-aralan." galit na galit na turan ni tito Phil. Hindi ako kumikibo,masakit ang buo kong katawan sa ginawa ni Marga.Mahapdi ang pisngi ko sa sampal at kalmot nya.Pangalawang beses na nyang ginawa sa akin ito sa parehong kalagayan ko.Buntis din ako noon.

" Anak pasensya kana hindi ka namin agad na nadaluhan, nabigla rin kami katulad ni Nhel. Hindi namin alam kung bakit ganun si Marga. Maging si Nhel at ang anak nyang si Mark ay sinasaktan din nya kapag nagagalit sya." saad ni tita Bining. Nagulat ako sa sinabi nya,kaya pala ganun ang sinabi ni Nhel kanina,maging sila pala ay nakakatikim ng pananakit ni Marga. May awang humaplos sa puso ko,mas lalo akong naging pursigido ngayon na bawiin na si Nhel kay Marga.

" Papa,mama,magpapahinga lang po ako saglit, sobrang sakit po ng katawan ko." paalam ko sabay tayo mula sa sofa.

" Sige anak mabuti pa....o Diyos ko!" tigagal na sambit ni tita Bining na nakatingin sa likuran ko.

Namutla ako ng lingunin ko ang likuran ko.Puno ng dugo.

" Papa madali ka,ihanda mo ang sasakyan dalhin natin si Laine sa ospital." hintakot na untag ni tita Bining kay tito Phil.

Yun lang ang narinig ko bago ako panawan ng ulirat.

Oh my God save my baby!

次の章へ