webnovel

Wish

Nhel's Point of View

MAAGA akong gumising dahil aattend ako ng mass na pang-6am sa Sto.Domingo church. Birthday ko ngayon, actually 21'st birthday ko, sa mga kalalakihan ito yung age na nagde-debut kami.Hindi ko masyadong ramdam ang okasyon kahit na debut ko pa. Para ano pa? wala naman yung taong nakakapag-pasaya sa akin.It's been exactly eight months nung umalis sya at iwan ako.

Pero langya, hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa pagbabalik nya.

Hindi ko alam kung maaalala pa nya ang birthday ko kasi ako parang gusto kong matulog na lang maghapon. Ayokong mag- celebrate pero tumawag si mama kahapon. Umuwi daw ako ng Sto. Cristo para sa family dinner na lang.

Pagkasimba ko ay pumasok muna ako sa OJT ko. Half day kami pag Saturday then bago ako umuwi ng Sto.Cristo babalik muna ako ng apartment ko para maglaba.

Eksaktong 5pm ng makarating ako ng terminal. Mabuti na lang hindi traffic, siguradong bago mag dinner nasa bahay na ako.

Ayos naman ang byahe pauwi. Sa mismong bayan na ako bumaba para dun sumakay ng tricycle papunta sa baranggay namin.Pagbaba ko ng tricycle sa tapat ng bahay namin, nagtaka ako dahil madilim. Wala ni kahit isang ilaw na nakasindi.

Naputulan na ba kami ng kuryente?

O baka naman umalis silang lahat at nakalimutan nilang uuwi ako.

I heaved a sigh.Nakalimutan siguro nila na darating ako.

Anyway, pumasok na ako ng bakuran namin. May susi naman ako kaya makakapasok pa rin ako.

Pagkabukas ko ng pinto, kinapa ko ang switch ng ilaw.

Nagulat ako ng bumukas ang ilaw at magliwanag.

" Surprise! Happy Birthday Nhel".sabay-sabay nilang bati kasabay ng pagsaboy ng confetti.

Natulala ako dahil hindi ko inaasahan ito, iginala ko ang tingin ko.

Wow! kumpleto sila.Pamilya ko, ang barkada, mga pinsan at ang pamilya ni Laine. Siya na nga lang ang kulang.

Hindi ko naiwasan ang konting kirot sa puso ko. Natiis nya talaga ako ngayong birthday ko.Pero bago pa ako tuluyang kainin ng kalungkutan, narinig kong nagsalita si tito Franz.

" O anak, make a wish and blow the candle." natatawa nyang sabi na parang 7 years old ang may birthday.

Napangiti na rin ako at nag wish sabay blow ng candle.

Lord, sana bumalik na si Laine sa akin.

Nagpalak-pakan pa sila at masaya nila akong binati isa-isa at ang iba ay yumakap pa.

Maya-maya ay narinig ko na ang music sa likod bahay.Grabe,party pala talaga ang hinanda nila.Sumilip ako sa may bintana sa kusina. Marami ng bisita ang kumakain sa likod bahay. May mahabang table na naka-lagay at dun na kumukuha ang mga bisita.

Kumain muna kami at napansin ko na dumalo pala yung apat na babaeng na-ugnay sa akin nun.Matagal na akong walang balita sa kanila pero bakit nandito sila ngayon?

Napansin ni Wil yung pagtataka ko ng makita ko sila.

" Bro.yung mga pinsan mo ang nag-invite sa mga yan, lahat daw ng nagkaroon ng kaugnayan sayo dapat daw nandito.Hinayaan na lang namin tutal andyan na yan at birthday mo naman."

" Ok lang bro pero sana lang mas masaya kung nandito sya, yun yung may malaking kaugnayan sa akin sya pa yung wala dito." malungkot kong pahayag.

" Sige bro bilisan na nating kumain,malapit ng mag-start yung hinandang program." parang pag-iwas ni Wil.

PAGKATAPOS kumain ay naligo na ako at nagpalit ng damit then pumunta na ako sa likod bahay para estimahin yung mga bisita.

Nagsimula na yung program na hinanda nila.May kumanta ng solo,kaklase ko yata yun nung elementary tapos sumayaw ng modern dance ang mga high school classmates ko.Kumanta yung apat ng barkada namin habang nag-gigitara si Pete at ang sumunod ay pagbibigay na ng messages nung mga taong napili.

Nang matapos na ang program ay nagpatugtog na ng sweet music bilang hudyat na sayawan na.

Nagulat ako nung lapitan ako ni Lovie para isayaw.Kahit awkward ang sitwasyon, hinayaan ko na lang at hanggang sa matapos ang tugtog hindi kami gaanong nag-usap.Ganun din ang nangyari kay Rowie at Liza na dating naging girlfriend ko daw. Halos walang usapan sayaw lang talaga.

Iba naman nung si Jessica na, panay ang kausap naman sa akin at halos nakayakap na sa akin nung sumasayaw kami.

Ano nangyari dito?Lasing ba to?

Maya-maya napansin kong tumabi si Pete sa akin na may dalang kapareha.

Laking gulat ko ng pumwesto sa tabi ni Jessica ang kasayaw nya at nakaharap sa akin.

Parang tumigil ang mundo ko at wala akong nagawa kundi tumitig lang sa kanya.Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ng mga sandaling yon.Saya, pangungulila, excitement, love, paghanga at kung ano-ano pa.

Grabe! sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.Parang nakikipag-karera sa bilis.

Siya man ay nakatingin lang din sa akin.Ang ganda nya lalo ngayon, bagay sa kanya yung bagong hairstyle nya.Eight months kaming hindi nagkita at parang nagdalaga na sya ng husto.At napansin ko pareho kaming naka yellow.

Haha.destiny talaga.

Nagulat kami pareho ng kuhanin ni Pete si Jessica at medyo patulak syang ibigay nito sa akin.Halos masubsob pa nga sya sa harap ko.Nanginginig ang mga kamay ko ng ilagay ko sa bewang nya at ramdam ko rin ang tensyon sa mga kamay nya na nasa balikat ko.Walang umiimik sa amin, nakatingin lang ako sa kanya at nakayuko naman sya.

It all came so easy all the lovin' you gave me, the feelings we shared

And I still can remember how you touch me so tender it told me you cared.

Grabe, pati kanta umaayon pa yata.Planado ba lahat to?

We had a once in a lifetime

But I just couldn't see until it was gone

A second once in a lifetime

Maybe too much to ask

But I swear from now on.

Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula.Mukhang hindi ngayon ang tamang oras para pag-usapan namin yung nangyari.

If ever you're in my arms again

This time I'll love you much better

If ever you're in my arms again

This time I'll hold you forever

This time will never end.

Sa ngayon mas mabuting ganito na lang muna, titigan sya, hawakan sya at amuyin ang pabango nya na bago sa pang-amoy ko.Ang bango! gusto ko ang amoy.Nakaka-inlove lalo.

Pagkatapos ng gabing ito, hindi ko na hahayaang mawala pa sya ulit sa akin, hahawakan ko sya ng mahigpit para hindi na sya makawala pa.

Gusto ko na syang yakapin.I missed her so much!

Hindi ko na hahayaan pang muli na may umeksena sa pagitan naming dalawa.

Bigyan sana nya ako ng pangalawang pagkakataon para mas mahalin ko pa sya ng sobra at pangalagaan ang relasyon namin sa abot ng aking makakaya.

This time I'll love you much better

If ever you're in my arms again

This time I'll hold forever

This time will never end.

Natapos yung tugtog.Hindi ko namalayan na may namuong luha sa aking mata at mabilis na pumatak yon.

Napamaang sya ng mag-angat siya ng tingin.Nabago ang ekspresyon ng mukha nya ng makita nya yung luha ko.Ibubuka na sana nya ang labi nya para magsalita pero bago pa nya nagawa yon ay may lumapit na sa amin.

" Excuse me, can I have this dance?" si Lovie habang inilalahad nya ang kamay nya sa akin.

Tumango lang si Laine at tumalikod para lumakad palayo sa amin.Gusto kong tumutol at pigilan sya pero nakakawit na ang mga braso ni Lovie sa akin.Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makapasok na sya sa bahay namin.Mamaya ko na lang sya kakausapin pagkatapos ng party para maayos kaming makapag-usap.

Tumagal pa ng ilang oras ang party, sandali akong pumasok sa loob ng bahay namin para silipin sya pero laking panghihinayang ko ng sabihin ni mama na sumama na syang umuwi ng magpaalam ang parents nya na uuwi na.

Iniisip ko pa rin si Laine hanggang nung matapos ang party at nagpaalam na lahat ng mga bisita.Nung matapos na naming mailigpit lahat ay nagmamadali na akong naligo at nagpalit ng damit.Napag-desisyunan kong puntahan si Laine kahit na halos alas dose na ng gabi.This can't wait.Magbabaka-sakali ako.

Nagmamadali na akong umalis sakay ng bike ko papunta kila Laine.Hindi ko na muna tinignan yung laman ng paper bag na inabot sa akin ni mama na galing daw kay Laine.Mamaya na yon, ang importante ay magkausap na kami ni Laine ngayon.

Pagdating ko sa kanila ay nabuhayan ako ng loob ng makita kong bukas pa ang ilaw sa living room nila.

Nag doorbell ako, walang sagot.

Isa pa uli...

At isa pa...

After a while ay may nagbukas ng front door.

" O anak bakit napasugod ka?Buti na lang nagpatimpla ng gatas ang tito mo kaya lumabas ako.Nakalimutang patayin ni tita Baby ang ilaw, nakatulog na yata.Ano sadya mo at mukhang hindi na pwedeng ipagpabukas ha?" si tita Paz na nakangiti naman.

" Pasensya na po tita, gising pa po ba si Laine?Hindi ko na po talaga gustong ipagpabukas pa baka mawala na naman po eh." sabi ko na parang nakikiusap na.

" Ok lang yun anak, gusto rin naman namin ni tito mo na magkaayos kayo.Pero hindi ko alam kung gising pa sya.Halika pasok ka na." pagyaya ni tita sa akin.

Pagdating namin ni tita sa loob ay agad syang kumatok sa room ni Laine.

Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko syang sumagot at magbukas ng pinto.

Nagulat pa sya ng makita nya ako ng magtama ang aming mga mata.

Hayan gumawa na ng effort si Nhel para magkausap na sila ni Laine.

Song used : If Ever You're In My Arms Again by Peabo Bryson.

Thanks for reading.

AIGENMARIEcreators' thoughts
次の章へ