webnovel

Getting There... Almost

Laine's Point of View

Nung bumukas ang gate ng apartment ay isang nakangangang Rina ang bumungad sa akin.

" Laine?!!!" gulat na gulat ang itsura nya.

" Oh my God! Laine!!!! Hahaha." tuwang-tuwa na tumitili sya habang nakayakap sa akin.

Napasugod na si Candy dahil sa lakas ng tili ni Rina.

" Insan, hahaha..ikaw nga yan.Grabe hindi ako makapaniwala.

Hahaha." tuwang-tuwa rin na yumakap si Candy sa akin.

" Hahaha.ano ba papasukin nyo muna ako, pwede?" natatawang sabi ko.

Agad naman silang bumitaw at hindi magkamayaw na inalalayan ako papasok ng apartment.

Tinawag ko si Mang Berto para ipasok ang mga gamit ko at ng maipasok ng lahat ay nagmamadali ng umalis dahil ipagmamaneho pa nya si kuya Fred.

" Kailan ka dumating? Bakit ba bigla ka na lang nag-disappearing act ng hindi kami na-informed.Ang daya mo insan, nga-nga kaming lahat sayo ha.At si Nhel, iniwan mong sawi't luhaan." mahabang litanya ni Candy.

I just heaved a deep sigh.Ayoko munang magkwento.

" Medyo alam na namin Laine yung nangyari, nasabi na sa amin ni Nhel base dun sa sinabi rin sa kanya ng mama nya.Hindi rin nya kasi alam lahat-lahat ng nangyari, ikaw lang ang makakapagpaliwanag ng lahat pero bigla ka na lang nawala.Pero kung hindi ka pa ready magsabi, ok lang saka na siguro, ang importante nandito kana." mahabang sabi ni Rina.

I sigh again.Ok this is it, I need to tell them the whole story, there's no use in keeping it all by myself, nakakasakit ng puso, ang sakit sa bangs.

" Sige pero mamaya na lang gabi bago tayo matulog, aayusin ko muna ang mga gamit ko." sabi ko at kumilos na ako para ayusin ang mga damit ko sa closet at ang mga gamit ko.

Binigay ko na rin sa kanila yung mga itinabi kong pasalubong from the States four months ago.Kasama na yung para kay Pete at Wil.At syempre, itinago ko muna yung mga binili ko para kay Nhel.

Pinag-usapan na rin namin yung mga toka namin sa gawaing bahay dito sa apartment.Wala kaming problema sa rent, mga bills at pagkain dahil si mommy ang nagbabayad nun.Kung gusto nilang mag-share ok lang pero hindi naman sila inoobliga ni mommy.

Ako na ang nagluto ng hapunan namin, at dahil ako yung may talent sa cooking, sa akin natoka ang pagluluto.Si Candy ang toka sa pamamalengke at grocery.Si Rina ang paglilinis ng bahay.Kanya-kanya kami ng laba at plantsa at salitan sa paghuhugas ng pinggan.

Nang matapos ang hapunan, umakyat na ako para maligo at magpalit na ng damit pantulog,sumunod na rin si Candy at huli si Rina dahil naghugas pa ito ng pinagkainan namin at nagsara na ng gate at pinto.

Pumuwesto na sila sa kama ko para makinig sa lahat ng sasabihin ko.

" Bago ko sabihin lahat sa inyo, gusto ko munang mag-request sa inyo na sana wag nyo muna sabihin kay Nhel na nandito na ako at kasama nyo.Gusto ko kasi na handa na ako kung makikipagkita ako sa kanya.Hindi ko pa kaya kasi nasasaktan pa ako pag nakikita ko sya, bumabalik lang yung nakaraan.Sana maintindihan nyo ako, sasabihin ko naman sa inyo pag ready na ako." pakiusap ko sa kanila.

" Ok Laine,hihintayin na lang namin kung kailan ka ready at wag kang mag-alala hindi namin sasabihin kay Nhel tsaka hindi muna yata sya uuwi sa atin dahil OJT na sya ngayong sem.Ang alam ko magre-rent na sya ng apartment malapit dun sa company na pag-OJThan nya, aalis na sya kila ate Merly." sabi ni Candy.

I just nodded.Ayoko na muna na malaman ang nangyayari kay Nhel ngayon.Mas maganda na wala akong marinig na balita tungkol sa kanya.Ayokong marinig na may iba ng nagpapasaya sa kanya.Mas madali akong makakalimot sa nangyari kung wala akong alam sa nangyayari sa kanya ngayon.

Pero sa paglalahad ngayon sa kanila ng nangyari hindi maiiwasan na masaktan uli ako pero kailangan nilang malaman ang dahilan ng pag-alis ko.

" O ano na Laine, kwento mo na para kahit paano mabawasan yang sakit na nararamdaman mo, share mo lang." sabi ni Candy.

Umayos ako ng upo at inumpisahan ko ng ikwento ang lahat.As in lahat-lahat, wala na akong inilihim.Kahit nasasaktan pa rin ako pinilit kong sabihin lahat.At tama si Candy, kahit paano nabawasan yung bigat na dinadala ko sa dibdib ko.

Nang matapos ako sa pagsasalaysay ay mga shock na mukha ang nakita ko sa kanilang dalawa.

" Grabe pala insan yung ginawa ni Peachy, sinamantala nya pala yung kahinaan nung isa, kung ako siguro yun magwawala ako ng husto.Aba! Yung halikan pa nga lang, nakakakulo na ng dugo eh yun pa kayang halos hubad na yung tagpo tapos may touching pa na nangyayari, at take note, nakakandong pa sya kay Nhel.Aba naku! Kung ako yon,world war 3 na sa akin yun.Bilib din ako sayo naging mahinahon ka pa ng lagay na yun.Naaalala kaya ni Nhel yung nagawa nyang yun? Palagay ko insan hindi eh, wala syang nabanggit na ganun sa amin." mahabang litanya ni Candy.

" Alam nyo, kahit naalala o hindi ni Nhel ang mga nangyari eh walang mababago sa katotohanan na nasaktan ako ng husto at hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako pag naaalala ko.Kaya ayoko muna silang makita dahil hindi pa ako nakaka-moved on, darating din ako dyan pero siguro hindi pa sa ngayon.Kaya please wag nyo muna sabihin sa kanya na nandito na ako, tulungan nyo akong makalimot muna, obserbahan nyo ako, testingin nyo paminsan-minsan kung nakakaya ko na ba na makarinig ng kahit anong balita sa kanya.At unti-unti siguro makaka-recover din ako sa nangyari."

Pareho naman silang nangako na tutulungan akong maka-recover.Alam kong mahal nila ako bilang kaibigan at sa panahon na kailangan ko ng karamay alam kong andyan sila para damayan ako.Real friends are those who stand by you through thick and thin.Thats Rina and Candy, they are truly my priceless gem.

Time flies really fast lalo na kapag occupied ka ng maraming bagay sa araw-araw.In my case, ginawa kong hobby ang magsunog ng kilay, school-bahay lang ang beauty ko.Sumali ako sa mga org ng school at nagkaroon din ako ng katungkulan sa student council.

Nakauwi na sila daddy at mommy from U.S. at dun muna sa Dasma pansamantala tumuloy si dad dahil sa kanyang theraphy.Dahil according to his doctors may pag-asa pa syang makalakad kaya itutuloy ang therapy nya dito na nasimulan na sa States.Kaya kapag weekends dun ako umuuwi at ganun din ang mga little brothers ko kasama si mommy.Wala rin naman akong kasama sa apartment during weekends dahil umuuwi si Candy at Rina sa Sto.Cristo.

Christmas vacation na naman..Nagbalikbayan uli sina tito Vince at nagyaya na naman sila sa Baguio mag spend ng holidays.Umuwi kami after New year na.

Nung pabalik na kami ng Manila ay nagpahatid na si dad ng Sto.Cristo dahil nami-miss na daw nya ang kanyang pareng Phil.

If I know, gusto lang nyang ipakita kay tito Phil na hindi na sila close ng kanyang wheelchair at tungkod na lang ang kanyang bagong best friend.O di ba improving na si dad?

Ang nakakatakot lang dahil nakakalakad na sya madali na nya akong mahahalibas ng tungkod nya pag sinumpong na naman ako ng kapilyahan ko.Pero masaya ako na nakakalakad na si dad, ang hirap kaya ng nakaupo ka lang, nakaka-stress.

Nung maihatid na sila pinigilan ako ni dad na sumama pabalik ng Manila, tutal dalawang araw na lang naman at pasukan na uli, mag-stay na muna daw ako para makasama nila.Pumayag naman ako.Bahala na.

Pagpasok ko ng room ko, napangiti ako dahil na-miss ko ng husto ang kwarto ko.Almost eight months ko syang hindi nakita at in fairness, malinis at mabango pa rin, thanks to tita Baby.

Humiga ako sa kama ko.Haay, there's no place like home talaga.Ginala ko ang tingin ko sa mga stuff toys ko at napansin ko si Lainel, yung unang gift nya sa akin.Bumangon ako at kinuha ko sya.Niyakap ko sya ng mahigpit na parang yung nagbigay sa kanya ang yakap ko.

Nagulat ako sa sarili ko, nami-miss ko na ba sya?

Oo Laine, sabi nung maliit na boses na bumubulong sa akin.Huwag ka na mag-inarte, wag na mag-deny.Echosera!

O siya, sige nga subukan natin.

Bumalik ako sa kama at kinuha ang picture nya sa bedside table ko.Pinagmasdan ko ang gwapong mukha ng mokong sa picture.

Ay grabe, bakit naiyak pa ako habang hinahaplos ko yung frame.

Hala! malala na to, mississippi ko na talaga sya.

Oh eh ano naman kung miss mo na sya! Na-miss ka ba naman kaya nya?

I heaved a heavy sigh.Oo nga ano, baka nga masaya na yun kay Peachy dahil mapagbigay  yung isang yun.

Hay ewan! Pero isa lang ang natuklasan ko ngayong araw, naiisip ko na sya ng hindi na ako gaanong nasasaktan.

Shocks! I'm getting there.Almost.

次の章へ