webnovel

Birthday

Laine's Point of View

" Dad, I'm home." masaya kong sabi kay daddy na nakaupo sa garden chair namin.

" Oy baby, kailan pa naging Mercado ang surname mo? Bakit hindi yata ako na-informed ha?" seryosong sabi ni daddy habang may inaabot na sulat.

" Huh!" may pagtataka sa mukha ko nang kunin ko ang sulat mula sa kanya.

Napangiti ako ng makilala ko ang sulat kamay na nasa sobre.

To: Ms.Alyanna Maine Guererro Mercado

Fr: Mr.Nielsen Mercado

Si Nhel talaga puro kalokohan, kaya naman pala ganun ang reaksyon ni dad.

" Laki ng ngiti mo ah, lokong bata yan pinapalitan na agad ang apelyido mo hindi nagpapaalam sa akin." sabi ni dad na pinipigilan naman ang ngiti.

" Sus, daddy para namang hindi ka boto kay Nhel, if I know mas mahal mo pa sya sa akin." sabi ko kunwari na nagtatampo.

" Tampo ka naman agad, syempre pag mahal mo, mahal din namin.Sige na pasok na sa loob para mabasa mo na yan.If I know, kanina ka pa kinikilig dyan." pang-aasar pa ni daddy.

Niyakap ko si dad at hinalikan sa pisngi.

" Thanks dad, the best ka talaga."

" Heh! Bolera ka talaga! Hahaha."

Nagmamadali akong nagbihis at humiga sa kama.Excited kong binuksan ang sulat.Sobrang laki ng ngiti ko habang binabasa ko ito, heto bale yung second letter nya sa akin.

Hirap kasi sya sa schedule nya, may class sya hanggang Saturday night, kung uuwi sya ng Sunday morning dito saglit lang din sya dahil kailangan nya rin makabalik agad.Kaya napagpasyahan kong sabihin sa kanya na magsulatan na lang kami at sa sem break na lang sya umuwi.

Mahirap para sa amin yun pero kahit paano nasasanay na rin ako.Nililibang ko na lang ang sarili ko sa mga barkada namin pag weekends at subsob ako sa pag-aaral during weekdays.

Kinwento nya na may mga kabarkada na sya sa school, two boys and two girls., huwag daw akong mag-alala sa dalawang girls kasi friends lang talaga ang turingan nila.Haha..napaka-defensive naman, alam naman nyang hindi ako ganun kaselosa, hanggat hindi nakikita ng dalawang mata ko hindi ako nagseselos.Sa aming dalawa, siya yung ubod ng seloso, ayaw nga nyang may tumitingin na ibang guys sa akin.But I understand him, mahal lang nya talaga ako, that's why.

Mayroong part ng sulat nya na nagsasabi na mayroon daw syang kapitbahay na parang may gusto sa kanya.Lapit daw ng lapit sa kanya pero hanggat maari daw iniiwasan nya.Kapatid daw kasi ito ng kumare ni ate Merly kaya ayaw din naman nyang bastusin.Eto yung gusto ko kay Nhel, hindi sya naglilihim sa akin.

Hindi ko naman maiaalis na walang magkagusto sa kanya.Gwapo talaga sya at walang hindi mapapalingon kapag naglalakad sya.Pero sorry na lang sila, akin ang nilalang na pinagnanasaan nila.

Haha..hindi ka naman possessive nyan ha Laine?

Marami pa syang kinwento sa letter nya, kung ganito ba naman lagi hindi na ako ganun kalungkot pero sobrang miss ko pa rin sya.Ang tagal naman ng sem break....miss na miss na kita bebeh ko.

~~~~~

" Happy birthday Laine! " si Candy at Rina yon, maaga silang nandito sa bahay para batiin ako.

" Thank you friends! Si Wil at Pete ba nandyan sa kanila?" tanong ko.

" Ah oo mamaya andito na si Wil hanggang 3pm lang ang klase nun."

sabi ni Candy,alam na alam ang sched ni Wil dahil sila na nung summer pa.

" Si Pete andyan na kagabi pa umuwi, wala daw silang pasok sa work ngayon anniversary ng company nila." si Rina yun na ever loyal gf ni Pete, sila na rin before pa maging kami ni Nhel.

" Buti naman kahit kayo lang masaya na rin tong birthday ko kahit paano, plus my family and Nhel's family, wagi na." sabi ko na pinilit na ngumiti.

" Hindi ba sinabi ni Nhel sa sulat nya na uuwi sya ngayong birthday mo?"  tanong ni Rina.

" Wednesday ngayon Rins hanggang 6pm ang class nya, masyado ng gabi kung uuwi sya diba?Okey na yun, may card naman na dumating kahapon galing sa kanya.Happy nako dun." sincere kong sabi.

" Nakaka-miss din kasama si Nhel sa mga lakaran natin no insan? Bumawi na lang tayo sa kanya pag-uwi nya." sabi ni Candy.

" Oo naman.Tara na sumabay na kayo sa amin para hindi na kayo mag commute.Mamaya ha medyo agahan nyo, darating mga classmates ko, papakilala ko kayo." bilin ko sa dalawa.

" Okey friend!" sabay nilang sabi.

Kinagabihan, maraming bisita ang dumating, mga classmates ko, barkada, family ni Nhel at yung ibang mga kalugar namin.Dumalo din yung mga ibang kaibigan ko sa katabing school namin.So far, masaya naman ang birthday celebration ko pero mas masaya sana kung nandito si Nhel.Pero okey lang almost 2 months na lang sem break na, magkikita na rin kami.

" Alyanna Happy birthday! Here's my gift for you." boses yun ng dati kong manliligaw na si Echo.

" Thank you Echo, come, join my classmates there on the pool side."

aya ko sa kanya papunta sa mga kaklase ko na mga kaibigan din nya.Magkatabi lang ang school namin, iisa ang may-ari ng mga school namin.Exclusive for boys yung kanila.Kapag may okasyon nagkakasama-sama ang dalawang school sa isang malaking gym na pag-aari ng parehong school.Kaya halos magkakakilala na rin kami.At dun ako nakilala nitong si Echo ng magkaroon ng joint celebration ang magkapatid na school namin.Naging kaibigan ko na rin ang ibang mga kaklase nya.

Ngumiti sya at sumunod sa akin.Natatawa ako ng lihim sa kanya kasi parang nahihiya pa rin sya sa akin.Binasted ko kasi sya nung manligaw sya sa akin last year, sabi ko friends na lang kami dahil may Nhel nako.Nung una ayaw nyang maniwala pero nung makita nyang sinusundo ako ni Nhel sa school, hayun parang makahiya na tumitiklop pag nilalapitan ko sya.Gusto ko syang maging kaibigan kasi mabait sya pero nahihiya nga siya.

" Guys sali nyo naman dyan si Echo.Wait lang tatawag ako ng magse-serve ng food dyan." sabi ko sa mga classmates ko.

" Alyanna wala yata yung gwapo mong boyfie?" tanong ni Melanie yung kaklase kong Fil-Am.

" Wala eh sa Manila kasi sya nag-college." sagot ko.

" Yahoo! May pag-asa pala ngayon si Echo, walang bantay!" sigaw ni TJ yung pinaka makulit na classmate ni Echo.

Nagkagulo sa pang-aasar sa amin ang mga kaibigan namin.

" Heh! Tumigil nga kayo, nag-aaral lang yun sa Manila kaya wala pero kami pa rin hanggang ngayon." sabi ko at iniwanan na sila para estimahin naman ang iba.

10 pm na nung matapos ang party ko.Huling umalis ang barkada kasabay ng pamilya ni Nhel.Nakaligpit ng lahat at malinis na nung maisipan kong pumasok na sa room ko.Si mommy at si tita Baby na lang ang iniwan ko sa kusina dahil tulog na si daddy at ang mga brothers ko.

Pagkatapos kong mag shower humiga na agad ako at nag -pray then natulog na ako dahil sa sobrang pagod.

Hindi ko alam kung nananaginip ba ako pero parang may naulinigan akong nagsalita.

" Happy Birthday!"  at hinalikan ako sa pisngi.

Sino kaya ang dumating?

Thank you for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
次の章へ