webnovel

I Miss You

Laine's Point of View

Love is just a word until someone gives it a meaning.Dati hindi ko alam yan, para sa akin isang simpleng salita lang na pwede mong ibigay sa mga taong malapit sayo. But when Nhel conquered my innocent heart, he gave me the real meaning of the word.

Kapag naaalala ko yung unang encounter namin, iba na yung naramdaman ko, in denial lang ako nun dahil bata pa nga ako pero yun na yun eh.Sabi nga walang pinipiling edad pag nagmahal.Ang saya lang kasi ganon din naman pala sya, pareho lang kami.

For almost a year namin ni Nhel, I can say that I am a very lucky girlfriend.He is one of a kind.

He's too good to be true.

Wala talaga syang sinasayang na pagkakataon para iparamdam sa akin kung gaano nya ako kamahal, nirerespeto at pinoprotektahan.Mas madalas nga na ako yung priority nya kesa sa ibang bagay.

Tulad na lang ng hindi nya pagsang ayon sa ate nya na sa Manila na mag college.Pag- aaralin sya nito sa Manila dahil mas mainam raw kung dun sya ga-graduate kasi mas malaki daw ang opportunity na makahanap ng magandang trabaho.

At dun na rin sya titira sa bagong bahay na binili ng ate nya para may kasama na rin ang anak nito pag out of the county sila ng asawa nya dahil sa negosyo ng mga ito.

Yun mismo ang ayaw ni Nhel dahil magiging madalang na kaming magkita pag nagkataon.Ayaw na ayaw nya yung hindi nya ako nakikita dahil hindi raw sya makahinga.Natatawa nga ako pag sinasabi nya yon dahil ginawa nya akong parang  inhaler.haha.

Buo na raw ang pasya nya na dun na lang sa school ko mag-enroll dahil may college naman dun.Para daw mabantayan nya ako ng husto.

Haaay kinikilig ako pag ganun sya, kaya lang minsan may pagka possessive din at seloso pero okey lang sa akin yun, mahal lang talaga nya ako.

Simula nung mag start ang bakasyon, napapansin ko na parang madalang ko na syang nakikita pag araw sa bahay.Bago pa sumapit ang bakasyon ay siya nga itong maraming balak gawin,tapos ngayon para syang kabute. Nung tanungin ko sya ay marami lang daw syang inaasikaso para sa pagpasok nya ng college.Nagtataka man, hinayaan ko na lang kasi bumabawi naman sya dahil hindi nya naman kinakalimutan na puntahan ako sa gabi.Okey na yun basta nakakasama ko pa rin sya.

Pero nitong nakaraang dalawang gabi, missing in action na naman sya.

Gusto ko pa naman syang tanungin tungkol sa nalalapit naming first anniversary.

Kaya I  decided to cook for him at dadalhin ko sa kanila mamaya.

Nagpaalam ako kay dad at lumakad na papunta sa kanila dala ang isang tupperware na Spaghetti at ilang piraso ng ginawa kong cookies.

Dahil open naman ako sa kanila pumasok na ako ng diretso sa gate at kumatok sa pinto.Yung ate nya ang nagbukas, si Ate Merly.

" O beautiful, ikaw pala yan,halika pasok ka.Ano yan?" si ate Merly.

" Dumating ka pala te.Spaghetti at cookies to meryenda nyo." sagot ko.

" Oo miss ko na sila mama tsaka kakausapin ko si Nhel." sagot nya.

" Ah, nasan nga po ba si Nhel? two days ko na nga sya di nakikita." tanong ko kay ate Merly.

" Two days?! gulat na tanong nya.

Eh ilang oras ka lang di makita nun para ng pusa na di mapaanak yun, two days pa." dagdag pa nya.

" That's why I'm here ate to know what's going on with him." sabi ko.

" Well, he's not here, you ask na lang mama kasi ako rin hinahanap sya.Come inside at ng matikman na yang niluto mo." si ate.

" Okey!"

Nung nasa kusina na kami at kumakain na sila ay biglang dumating si Nhel.Pawisan ito at parang medyo umitim yata ng konti.

Nung makita nya ako ay ngumiti ng pagkatamis-tamis.Shocks! Nasan ang hustisya? Medyo umitim na at pawisan pa ay gwapo pa rin tong nilalang na to.

" Nandyan ka pala prinsesa ko, ano yang dinala mo?" tanong nya.

" Mga favorite mo po.Nahiya naman ako sayo para kana namang kabute na hindi sumusulpot." inis kong sagot.

" Sorry na,busy lang." sabi nya habang umuupo sa tabi ko.

Tumayo ako para ipaghain sya.

" Saan ka naman busy this time ha? tanong ko habang nakataas ang isang  kilay ko.

" Whoa! Ibaba mo nga yang kilay mo at kinakabahan ako sayo." sabi nya.

Napangiti ako ng pigil sa reaksyon nya.haha.Ang cute kase.

" Ewan ko sayo! Kumain ka na nga lang dyan at mamaya na tayo mag- usap." sabi ko.

" Hay naku! Kayong dalawa ayusin nyo yan.Sige tapos na rin lang kami maiwan na namin kayo ng makapag-usap kayo." sabi ni tita Bining na natatawa.

" Sige dyan na kayo mga young lovers.Nhel usap tayo mamaya ha?" si ate Merly yun.

" Okey! sagot namin.

Nung dalawa na lang kami, nagtitigan lang muna kami na parang sinusulit yung dalawang araw na di kami nagkita.Siya ang unang nagsalita.

" Laine, sorry kung hindi kita napupuntahan madalas ha? May inaasikaso lang ako." bungad nya.

I sigh." It's okey with me but you should have atleast tell me what's going on with you.Remember one of our rules?" sabi ko.

" Yeah, I will tell you after kong maayos lahat, there's nothing serious about it,don't worry." sabi nya.

" Okey,nag-aalala lang ako baka kung ano na nangyayari sayo.Hindi mo naman maaalis sa akin yon di ba? Sanay ako na lagi kang kasama."

Tinignan nya ako ng punong-puno ng pagmamahal at saka niyakap.

" Kung alam mo lang Laine kung gaano kita na- miss at hindi ako makahinga pag hindi kita nakikita kaya lang importante lang talaga.I'll tell you soon."

" Sobrang miss na rin kita noh.Kaya lang Nhel, ligo kana amoy araw ka kaya! Hahaha".

Kumalas sya sa pagkakayakap nya sa akin at nahihiyang inamoy ang sarili nya.

" Oo nga noh! Sige pagkakain maliligo na po ako prinsesa kahiya naman sayo.Hahaha."

" Hindi joke lang.Kahit ano pa amoy mo ayos lang sa akin.Gwapo ka pa rin naman kahit amoy araw ka.hahaha."

At masaya na naming tinapos ang meryenda na puro asaran pa ang nangyari.

Haay! With Nhel around what more can I ask for.

He is indeed my daily dose of kilig!

Salamat sa patuloy na nagbabasa at nagvo-vote nito.Sana napapakilig kayo ng ating mga bida. Thank you for reading!

Love you guys and God bless..?

AIGENMARIEcreators' thoughts
次の章へ