webnovel

Bad Ass

HUMAKBANG PAATRAS si Lexine nang makitang papalapit sa kanyang direksyon ang panibago na namang mga kalaban: isang babae at isang lalaki na lethium demon. Hindi na niya alam kung saan napunta si Night sa pakikipagtunggali nito sa halimaw.

Ang babae ay may itim at maiksing buhok na umaabot hanggang ibabaw ng tenga nito. Nakasuot ito ng black leather jumpsuit na humahapit sa makurba nitong katawan. Nakabukas ang zipper niyon sa gitna at kitang-kita ang malago nitong dibdib. Nangingibabaw ang matingkad na asul nitong lipstick sa tila kulay nyebeng kutis.

Ang lalaki na kasama nito ay nakasuot ng mahabang kapoteng itim na gawa sa animal furr. Tila nagbabagang apoy ang kulay ng mohawk nitong buhok habang punong-puno ng piercings ang mukha. Like the woman, the guy has the same black and shiny marble-like eyes comparable to the doll.

May tatlong ravenium demons pa ang nakasunod sa likod ng dalawang demonyo. Napalunok si Lexine. Masyado marami ang mga kalaban. Awtomatikong humawak ang kamay niya sa kwintas sa kanyang leeg. Buti na lang at natuklasan niya ang tungkol kay Ithurielle at may magagamit na rin siyang armas para maipagtanggol ang sarili.

"Magandang araw, mortal," wika ng lalaki. Tumindig ang mga balahibo niya sa ngiti nito. Bumalik sa isipan niya ang nakakatakot na itsura ng lethium demon na sumugod sa mansion. Mabilis na binalot ng lamig ang buo niyang katawan.

Kailangan patibayin ni Lexine ang loob. Hindi siya papayag na magtagumpay ang mga demonyo sa masasamang plano ng mga ito. Kung kinakailangan na lumaban siya nang patayan ay gagawin niya. "Saan niyo dinala si Madame Winona? Alam kong kayo ang kumuha sa kanya. Ilabas niyo siya!" nanggigigil niyang utas.

"Huwag kang mag-alala mortal. Dinala na namin ang kaibigan mo sa isang lugar na magugustuhan niya," nanunudyong sagot ng lalaki.

Lalong nagkuyom ang dalawa niyang palad. "Anung ginawa niyo kay Madame Winona? Bakit ba ayaw niyong tigilan ang mga kaibigan ko? Bakit pati mga inosente dinadamay niyo?"

"Gusto mo talagang malaman?" Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang babae. Mas malamig pa sa gabi ang puro itim nitong mga mata. Kung tutuusin ay nagsusumigaw ang kagandahan ng demonyita. Subalit hindi maipagkakaila ang napaka-itim na aura na bumabalot dito.

Lexine gritted her teeth. Hindi niya lubos maisip kung ano ang totoong kinalalagyan ng kawawang manghuhula. Kumikirot ang puso niya sa labis na pag-aalala. Wala siyang kahit sinung nais na madamay. Ngunit sadyang malupit ang mga kalaban at ang salitang awa ay wala sa bokabularyo ng mga ito.

Kaunti na lang ang natitirang distansya at malapit na ang dalawang lethium demons kay Lexine. Halos doblehin naman niya ang mga hakbang palayo sa mga ito. Mas humigpit ang pagkakakapit niya kay Ithurielle

Inilahad ng babae ang kamay nito sa kanya. "Come with us and we'd bring you to her."

Hindi magpapadala si Lexine sa mga patibong nito. Una si Ansell, tapos ang lolo niya at ngayon naman si Madame Winona. Talagang hindi titigil ang mga kalaban para lang makuha siya.

Sa mga ganitong sitwasyon ay hindi maiwasan ni Lexine na isipin na isuko na lang ang kanyang sarili nang sa ganoon ay wala ng inosenteng madamay. Alam niyang kapamahakan lang ang kahihitnatnan niya sa oras na isuko niya ang sarili. Subalit, mas tama bang may ibang taong nagdudurusa dahil mas inuuna niya ang sariling kapakanan? Sino pa ba ang susunud na madadawit kung patuloy na lang siyang tatakbo? Hanggang kailan siya magtatago?

Napansin ng dalawa ang pagdadalawang isip niya. Nagpalitan ng tingin ang mga ito.

"Kung ayaw mong sumama sa `min, walang problema. Madali ka namang damputin." Naningkit ang mga mata ng babae. Lumingon ito sa gawi ng tatlong ravenium demons at inutusan ang mga ito na damputin si Lexine. Agad siyang kumaripas nang takbo.

Paglingon niya sa likuran ay mabilis nang humahabol ang tatlong halimaw. Ang isa sa mga ito ay tumatakbo sa lupa na parang isang matulin na tigre. Ang isa naman ay kumakapit at tumatalon sa mga sanga ng puno na parang galit na gorilya. At ang huli ay may pakpak na katulad ng paniki habang lumilipad ito sa himpapawid. Napaliligiran na siya.

She needs help. Hinawakan ni Lexine ang kwintas niya. "Ithurielle, help me please I need to fight these monsters!" Lumiwanag ang kanyang kwintas at muli niyang narinig ang magandang tinig ng babaeng anghel.

"Masusunod aking prinsesa."

Ang nagliliwanag na alahas ay biglang naging isang punyal na gawa sa ginto. "Oh my God!" she exclaimed with eyes wide opened. For the very first time in her life ay nakahawak siya ng isang patalim.

Muntik nang madapa si Lexine nang marinig ang nakakatakot na sigaw ng ravenium demon. Paglingon niya sa likod ay malapit na ito at handa na siyang sunggaban.

"Eskelemis! Eskelemis!"

Malakas siyang napatili kasabay ng bulong ni Ithurielle sa kanyang isip. "Itaas ang mo ang `yong kamay prinsesa!"Awtomatiko na umangat ang kamay niya at nang sandaling tumalon ang ravenium ay diretsong tumama ang dibdib nito sa patalim. Nanlalaki ang mga mata nito habang patuloy na tumutulo ang itim na laway mula sa bibig.

Lexine was too shocked to move. She can't believe that she'd killed a monster! Mabilis na nagliyab ang katawan ng halimaw sa kanyang harapan bago ito naging abo at nilipad ng hangin.

"What the hell! I'm so badass!" she shrieked in excitement. "Did you see that, Ithurielle?"

Narinig niya ang maliit na tawa ng babaeng anghel. Lexine never thought she could ever do that. Ngunit mabilis ding naputol ang kanyang pagdidiwang nang matanaw na papalapit sa kanya ang pangalawang ravenium na lumalambitin sa mga sanga ng puno. Hinigpitan ni Lexine ang hawak sa gintong punyal at hinanda ang sarili. Her adrenaline heated so much she was so enthusiastic for some actions. Tumalon ang ravenium mula sa huling puno at hinanda ang nakabukang bibig nito na may matutulis na pangil.

"Tumalon ka sa kanan prinsesa." Agad siyang sumunod at naiwasan ang atake ng halimaw. Sumadsad ang mukha nito sa lupa. Bumangon ang ravenium at lalong nagalit. Nag-echo ang malakas nitong alulong sa buong kagubatan. Tumindig ang balahibo niya mula ulo hanggang paa.

"Shit, ano na'ng gagawin ko Ithurielle?"

"Huwag kang mabahala aking prinsesa. Poprotektahan kita."

Huminga siya nang malalim at pinatatag ang nanlalambot na mga tuhod. Unti-unti siyang pinaikutan ng ravenium na tila isang lion na nakatitig sa pagkain nito. Tinutok niya ang gintong punyal sa halimaw habang hindi niya inaalis ang mga mata rito.

Go go go Lexi!!!!!

JOIN OUR FAMILY!

FB GROUP: Cupcake Family PH

AnjGeecreators' thoughts
次の章へ