"Could there be a love so selfish, one can grow mad?" Jovanne Rey was a secret racer who stopped racing because of an unknown stalker who'd always claim her as his. She never met him even once, even her memories five years ago was gone. She was bullied in her school, but she doesn't cry or blink when her bullies try to mess with her. A group of guys suddenly transferred to her school after getting drunk in a race. Who do you think was her stalker? And why does it feel like she knows the guys? [Filipino] This is already a completed story, you can read this at Dreame App. Title: Race Red by axisixas. Thanks.
I can hear my heart trembling so fast, kasabay ng mga naghahalimawang mga tunog ng iba't-ibang sports car.
Nandito ako sa may bandang gilid, bandang medyo harap. Kasi gusto ko manood ng karera ngayon, sobrang sarap ulit pakinggan ang mga tunog ng mga naghaharumentadong mga kotse.
Sobrang namiss ko 'to ilang taon na ba? Ilan taon na bang impyerno ang buhay ko at hindi ko na magawang gawin ang mga gusto ko at magpakasaya?
Mukha man akong loner dito pero wala akong paki.
Basta andito ang mahal ko kahit ano gagawin ko. Oo, mahal ko ang kotse. Mahal ko ang mga race, lalo na street racing. At buhay ko ang racing kaso maraming dahilan kung bakit kailangan kong tumigil.
Pero wala akong paki magpapakasaya ako. Oo, illegal ito, pero mahal ko 'to.
Napangisi ako nang nakitang kumukuha na ng taya ang owner ng race na ito, si Sir Simon. Mabait yan sa mabait walanghiya sa walanghiya.
Nang papalapit siya sa pwesto ko ay sinuot ko ang hood ko at nagtago sa isang mataas na lalaki, kaedaran ko lang ata at 3 sila, yung isa nilang kaibigan ay racer din.
Nang makaalis yung si Sir Simon ay humarap na ulit ako at hinawi ko yung dalawa sa magkakaibigan. At pumwesto sa harapan nila, syempre kung mananatili ako sa likod nila malamang hindi ko makikita, ang tataas kaya nila.
Ipinatunog ulit nila yung sasakyan, cheers hollered around the cold and dark night.
Walang buwan ngayon at sa ilaw ng mga kotse na pinagsama-sama ng mga nanunood ay naging malinaw ang maladesyertong daan.
Matagal na ang track dito sa lugar na ito pero minsan kapag nakakatunog ang mga pulis ay lumilipat kami at di pa kami natutunton ng mga pulis, sana never na.
Hanggang nood na nga lang ako babawiin pa?
May pumwesto ng lalaki sa gitna, si Simms anak ni Simon matangkad rin na lalaki at kaedaran ko.
Nakataas na ang flag at todo hiyawan na ang mga tumaya para sa sinusuportahan nila.
Nangingibabaw ang Pangalan nung si 'East' mas kilala siya, pero newbie lang siya dito sa lugar namin, galing ata ibang lugar. Siya ata yung kasama nitong mga lalaki sa likod ko na nairita sa akin kanina nang hawiin ko sila pero wala naman akong paki.
Yung isa naman na kalaban niya ay si Wren kilala ko siya at nakalaban ko na dati, madumi maglaro but if you're wise enough, malalaman mo kung paano kontrahin ang laro ng hayop.
Bumilang si Simms at pagkababa ng babaeng may hawak na flag na nakataas ay doon na humarurot ang dalawa at usok ang unang sumalubong sa amin.
Nauuna yung si Wren. Takte, mas boto na ako dun sa East eh! Bakit babagal-bagal siya?
"Anak ng tokwa! Unahan mo si Wren hayop yan eh!" bulong ko na may diin.
"Pre, mag-intay ka lang mananalo si East at di ka naman tumaya, 'di ba?"
Napalingon ako dun sa lalaking nasa likod ko tiningnan ko siya at tiningnan ko silang tatlo at lahat sila may itsura. Iba ang dating at halatang mga racer din, mga basagulero at mahahangin.
Tutal wala naman akong kaibigan makikipagchikahan na ako, saka di naman nila ako kilala, mukha silang mga bagong salta.
Binaba ko ang hood ko, kabisado ko ang tao dito at pwede magbaba ng hood dahil focus ang mga tao ngayon sa race.
Hindi na muna ako nagtaray.
Nakita kong nagulat sila ng makitang babae ako.
"Oo hindi nga, kaso madumi maglaro ang hayop na yun at pagdating sa course ng may mga puno ay medyo masikip at isahang kotse lang ang kasya kaya dapat yung East ang mauna dahil malaki ang porsyento ni Wren na di siya mananalo, kasi pagdating sa eskinita na yun, oh? Kailangan mag-drift, dapat perpekto, kasi basag ulo mo."
Kwento ko habang pinapanood na patay sindi ang ilaw ni Wren, nang-aasar ata.
"Woah! Bakit ang dami mong alam, miss? Racer ka rin?" Tanong nung isang morenong hot.
Napairap ako, obvious ba?
"Simple lang, matalino ako." Sarkastiko kong sabi at nagkibit balikat.
"Pero seryoso, ayokong manalo ang Wren na yun, hayup yun eh. Magaling ba talaga yung si East na yun? Kasi kailangan niyang isakto sarili niya sa eskenita, dapat perpekto yung drift niya."
Tumawa yung dalawa at ngumisi lang yung isa.
"Si East? Sa City namin ay siya ang pinakamagaling sa racing strategy kahit first time niya sa track na 'yon."
"City? Mga mafia kayo?"
"Frat lang, grabe ka naman, mafia agad?" Sabi nung singkit na cute na maputi.
"Eh, kasi mga mafia yung may hawak ng city ko dati. Kaya baka lang naman ano." Napatawa sila.
Dapat mag-ingat dahil mukhang delikado 'tong mga lalaking ito lalo na kung taga ibang city rin sila at nasa isang brotherhood sila.
Ibinalik ko ang hood ko tinaas ko ulit. Delikado Jorey! Sabi na, baka mapahamak ka na naman at matunton ka niya.
Nanood ulit ako sa race at medyo napatahimik ang iba nang makarating na doon sa maliit na eskinita. Nangunguna naman si Wren, si East nasa likod, nakalitaw ang kamay sa may window nang sasakyan niya.
"Jusko naman! Alam niya bang pwedeng maputol yung kamay niya? Gaano ba katarantado yang kaibigan niyo?"
Wala na, wala na naman akong paki kung mapahamak na ako. Lagi naman akong nasa piligro.
"Easy ka lang, type mo ata si East eh." Sabi nung moreno ulit na hot.
Siya at yung singkit lang lagi ang nagsasalita, napatingin ako doon sa kalmado lang na nakasalamin at katamtaman lang ang kulay mas matangkad siya sa dalawa.
Pero hindi mo makikita ang difference nila sa height kung malabo ang mata mo. Centimeter lang ata tinangkad niya.
"Ayoko sa kapwa ko racer. Walang talo-talo."
Lalo naman naghiyawan ang mga tao nang nakitang umangat yung kotse ni East at isinampa niya ito sa gilid.
Damn that was impressive.
He's good, but not any better than me.
Nagpaharurot siya at dahil nga makipot ang daanan, sa dingding niya isinampa yung kotse. At naunahan niya ang nakangangang si Wren dahil ang kotse ni East ay nasa pader at ang kabilang parte ay nasa lupa.
Nang maunahan niya si Wren ay ibinaba na niya sa tamang track ang kanyang kotse. Malapad na ulit ang daanan at pabalik na sa starting point which means malapit na sa finish line.
Pero may bago pang daanan yung kung saan kailangan mo'ng magdrift.
Sana lang magaling siya magdrift, hindi lang basta marunong.
Kasi kung maari, pwede siyang maaksidente pati na rin ang walang hiyang si Wren.
Lalo naman napanganga yung mga tao at naghiyawan na naman sila pati na rin yung tatlong kausap ko kanina. Nang umusok ang kotse ay naperpekto ang drift niya.
Impressive. Pero simula palang, marami ka pang dapat hangaan. Wala pa yang track na yan sa iba pang track na dadaanan ng isang bihasang racer.
Tinungga ko yung redhorse na hawak ko. Oo kanina pa ako umiinom, hindi pa nagsisimula ang race, kaya malamang sa malamang pagkagising ko bukas, magsisi ako sa mga bagay na nasabi ko. Lalo na yung mga bagay na tungkol sa akin.
Nakita ko namang ibinigay na yung napalanuhan sa mga tumaya sa nanalo at yung pera ng nanalo. Hindi siya ngumingiti. Sobrang tigas ng expression niya.
At habang papalapit siya doon ko nakita kong gaano kaganda ang mga mata niya. Shet! Ang ganda ganda ng mga mata niya.
Palapit siya ng palapit. Nakita ko naman sa peripheral view ko si Wren padabog na umalis kasama ang flavor of the week niya.
At isa-isahan na ring umalis ang mga tao. Pati rin ang master of the race. Paalis na.
Ako? Dito lang hanggang mag-5 ng umaga alas dos na ata o alas tres? Oo, dito muna ako.
Tinungga ko ulit yung alak.
"Hoy, tinatanong ka namin, bakit umiinom ka? Mag-isa ka lang at babae ka pa." Sabi nung isa, nung moreno.
"Nah, walang magiinteres sa akin. Kayo lang naman nakakaalam na isa akong maria, hihihi."
At lasing na nga po ako. Napatawa ako.
At aalis na sana ako nang may humila sa akin sa hood, natanggal tuloy. Para tuloy akong tangang kumakapit sa hangin para hindi anurin nung pagkakahila sa akin.
Di pa ako lasing, okay? Pero umiikot na mundo ko. Shete, 'di ako lasing!
"HOYOYOYOY! Ano ba? Langhiya ka naman. Umalis na nga kayo. Dito lang ako!" Sabi ko pasaring-saring pa. Oo na, para na akong tanga.
"Teka lang, gusto mo makilala si East 'di ba?"
I crossed my arms.
Tiningnan ko ang mga lalaki sa harapan ko at lahat sila nasa biniyayaang parte ng gender nila.
"And who the heck told you that he is a relevant person, relevant of knowing, huh?"
"Lasing na siya, hayaan niyo na yan." sabi nung kanina pa tahimik na nakashades.
"Hoy, ikaw na nakashades pa! Jusko, ang dilim-dilim na nakasuot ka pa niyan. Para kang tanga. Tanggalin mo nga yan!"
Napatingin sa akin yung dalawa na nakanganga. At bumungisngis sila. Lumapit ako doon sa lalaking nakashades pa kahit gabi na at sinubukan kong kuhain at tanggalin ang shades. Tinapik niya naman ang kamay ko. Natatawa nalang ako.
"Tanggalin mo daw salamin mo, South."
"Nga naman, wala ng tao, wala ng makakilala sayo."
Nagtawanan ulit sila. Napalingon ako at meron pang ibang tao. May mga kotse pa rin sa paligid.
"Sige, pagtawanan niyo ang hindi lasing!"
Tawa na nga tawa yung dalawa at napangisi yung nakasalamin.
"Hindi daw siya lasing, Nakanang! Mga lasing nga naman, HAHAHA."
"So? Ano namang paki mo kung nakashades ako?"
Aba ang tapang!
"Tss. Sige na umalis na kayo. Itutuloy ko lang 'to."
At nilagok na naman ang inumin ko. Shete, tinamaan na ata ako.
"Teka, wag ka muna aalis!"
"Hindi naman ako aalis, dito lang ako. Nandito ang mahal ko!"
"Sabi na nga eh, type mo si East."
"Hindi yang si Silangan. Si track, my baby~"
At saka ko niyakap ang lupa at pinaghahalikan ito. Tawa naman ng tawa ang mga hayop. Naririnig ko lang pero umiikot na ang mundo ko.
Tumayo na ako at napaharap ako dun sa East na nakataas ang kilay pero halatang amused.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat at nilapit pa ang sarili ko sa kanya para silipin ang mata niya. Ang ganda talaga ng mata niya.
"Hoy ding, ang ganda ng mata mo. Gusto ko ng ganyan! Sa'n nakakabili?"
"Anak ka ng, East. HAHAHA!"
"Punyeta, West sakit sa tyan! HAHAHA!"
"Epik, North. Hoy, South, tumawa ka rin!"
Nagtawanan na ang tatlo, napangisi na rin yung maganda ang mata.
"Ang ganda ng mata mo. Wow, mahal ko na yung mata mo!"
Tawa parin sila ng tawa siguro dahil sa pagiging tanga ko.
At nilamon na ako ng kadiliman.
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari basta, nilamon ako nang kadiliman.
At huli kong narinig ay ang tawa ng mga taong magkakaroon pala ng malaking parte sa buhay ko at sa puso ko.
+++++