webnovel

Chapter 57 My name is Sena

((( SENA )))

Pagka ahon namin sa dagat, agad ako hinila ng masungit na lalaking to, sa may Motor ni Pol, at iniwan ang mga kasamahan nito. Wow, good friend.

Pareho kaming basa, at nakasupot sa twalya ang katawan namin… Hehehe. At ako lang naman ang walang sapin ang mga paa ko. Anong nangyari sa lalaking to, at parang nagmamadali… Tungkol ba ito sa halik kanina?

"Aaron…"

Di siya sumagot… baka punta namin nito sa simbahan at panagutan ko siya dahil sa halik kanina sa ilalim ng dagat. Yung tipong noong panahon, mahawakan ka lang, dapat magpakasal na kayo… lalo na kung naghalikan kayo.

"Ano… yung halik kanina." Bigla niyang ikina-preno. Parng mahuhulog naman ako… Hmph!

"Ano ka ba! Lilipad ako ng dis-oras sayo." Na agad ko nga ikinayakap ko sa kanya pero kumalas ako… Sus, parang nakukuryente ako sa lalaking to.

"Continue…" Seryoso nga…

"Yung kiss kanina, di ko yun sinasadya, mamatay na ako eh, di ako makahinga kaya … yun.. yun na yun. Walang malisya dun. Okie? Thank you pala." Sabay pa cute… ahahaha. Pero lalong naasar.

At binuhay niya ang Makina at pinaharurut ang sasakyan, parang naiwan yung kaluluwa ko… at halos napahigpit yung yakap ko sa kanya… nilipad yung twalya ko…. Galit ba ang taong to? May mood swing? Oo, halata ko nga… parang babae naman ang isang to. Hmph! Wala na akong twalya…

Nilalamig na tuloy ako… lalo na ng dahil sa malamig na simoy ng hangin. Nevermind…

Nakahinga lamang ako ng tumapat sa amin ang napakalaking bahay sa itaas ng bundok… Yari ito sa kahoy at semento… Napakaganda ng blending ng paint… haist… mga mayayaman talaga…. Pa-ingit masyado. Sinalubong kami ng isang babae na nasa Middle Age… nanay ba niya?

"Hello po…"sambit ko dito, sabay wave ng makababa ako. Parang utusan na binigay ni Aaron yung Helmet niya… huh? Di niya nanay? O baka yung tipong kagaya ng ugali niya sa kanyang Ama?

"How's my old man?." Tanong niya habang ako tumitingin tingin sa paligid... Halatang naiinlove na din ako sa lugar na ito… Nag-exist na ata ang dream house ko… Wow. Inabutan ako ng babae ng twalya ulit. Yaman nila sa twalya ah…

"Maganda ang blood pressure niya at nasa magandang mood mag luto. At sa tingin ko nakahain na siya." Sabi nito sa kanya… at nginitian ako bilang bati sa akin…

"Asikasuhin niyo ang babaeng yan." Iwan niya nga ako sa… Katulong ba nila ito? Bakit parang napaka-professional naman?

"Halika, sumunod ka sa akin."

Sumunod ako… at pagpasok namin sa balkonahe, ganda ng bahay… Mas maganda pa ito sa tinitirahan namin ngayon… Kita ang malawak na karagatan, at parang nakita ko may mga taniman sa may paanan ng bundok… Sa kanila ba yun? Wow… Sila na mayaman sa probinsyang ito… Pero di naman ata nila mayayanig ang Boss Luis ko… sa ganda pa naman ng girlfriend nito… kuko lang siya. Yabang.

Yun nalaman ko, Nay Belen na lang daw ang itawag ko sa kanya, yung pinagbilinan ako ng lalaki. Suot ang malaking T-shirt at Short na halata namang di pambabae… hmph… kanino naman kaya to… habang pinapatuyo yung mga damit ko… natawa lang ako kasi… ang laki naman ng tsinelas na ito… kalahati lang yung paa ko… Kanino kaya to…

At parang may naamoy ako… ang sarap, kumakalam na din ang tiyan ko… Saan ba ang pagkain na yan… Sinundan ko ang amoy hangang sa mabanga ako…

" Pati ba naman mata mo, di mo alam gamitin ."

Sino pa nga ba yung mayabang na naman …

"tabi nga dyan. Harang harang, nakita mo naman na daraan ako!" ahahahah… bahay ko?

"Hoy miss, ang suot mo, damit ko yan." Hahaha. Obvious naman diba? Sa laki ng T-shirt parang dress na sa akin.

Ngiting Pilit.

"May pangalan po ako. Since bisita ako dito… ituring mo naman akong maayos na bisita. Gutom na ako friend… at parang masarap yung niluluto ng cook ninyo." Sabay akbay ko sa kanya na trying hard naman ako kasi, matangkad siya.

Oo alam ko, kanina pang asar sakin ang lalaking to, alam niyo Guys wag niyo na lang pansinin kapag may naasar na tao sa inyo… mamatay sila sa kaasaran …

Sabay tapik ko sa kanya ng malakas…

"Ahahahahha. My name is Sena. I am Sena. No less, no more…. SENA."

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

International_Pencreators' thoughts
次の章へ