webnovel

The Sleeping Chaka

ファンタジー
連載中 · 140.6K ビュー
  • 4 章
    コンテンツ
  • 4.6
    19 レビュー結果
  • N/A
    応援
概要

Sa isang lugar na malayo sa makabagong buhay matatagpuan ang palasyo ng Maganlahi. Naninirahan dito ang isang prinsesa na bukod tangi, bukod tanging pangit sa palasyo, walang iba kung hindi si Prinsesa Impa. Dahil sa taglay na kapangitan, uhaw siya sa pagmamahal ng isang lalaki at sa kaligayahan. Gusto na niyang makakita sa personal ng isang malaking ibon na dala-dala ang dalawang itlog nito. Gusto na rin niyang magawa ang mga posisyon na sa isip lang niya nangyayari. Kaya naman labis ang kasiyahan niya nang bigyan siya ng sumpa na makakatulog siya at ang makapagpapagising sa kaniya ay ang halik ng guwapong lalaki. Hindi lang iyon, kung sino ang humalik sa kaniya at siya ay magising, iyon ang lalaking mapapangasawa niya. May hahalik kaya kay Prinsesa Impa? Makikilala na kaya niya ang kaniyang mapapangasawa sa kabila ng itsura niya? Kilalanin si Impa, ang gaga at loka-lokang prinsesa. Siya ay tatawaging, "The Sleeping Chaka"

タグ
4 タグ
Chapter 1Prologue

"Kaya nangyari ito sa prinsesa dahil may natamaan siyang hindi nakikita ng tao," pahayag ng babaeng albularyo habang pinakakalat nito ang usok ng insenso sa loob ng silid ng natutulog na prinsesa.

"Kung ganoon, ano ang dapat naming gawin?" tanong ni Reyna Marikit habang nakayakap siya sa asawa.

Itinabi ng albularyo ang pinauusok nito at tumabi ito sa prinsesa. "Kailangan ninyong mag-alay."

"Kahit ano, ibibigay namin magising lang ang aming anak," walang pag-aalinlangang turan ng hari.

"Kailangan ninyong mag-alay ng buong baboy at i-lechon ninyo 'yon." Pumikit ang albularyo at idinampi nito ang palad sa ulo ng prinsesa. "Naririnig ko ang tinig ng natamaan ng prinsesa. Humihiling siyang sarapan daw ninyo ang pag-lechon. Kailangan daw malutong ang balat."

"Iyon lang ba ang gusto niya?" tanong ni Reyna Marikit.

Malalim na napabuntong-hininga ang albularyo bago ito dumilat. "Kailangan daw, 'yong lechon ay nanunuot sa sarap at masarap kahit walang souce."

"Kung ganoon, ngayon din ay mag-aalay kami ng lechon." Kumalas ang hari mula sa pagkakayakap ni Reyna Marikit.

"Sandali lang, Haring Matipuno. Mayroon pa siyang hinihiling." Muling pumikit ang albularyo. "Lagyan din daw ng mansanas sa bibig ang lechon para syosal."

"Kung iyon ang gusto niya, susundin namin ng aking reyna."

"Hindi lang letchon ang gusto niya," turan pa ng albularyo habang nakapikit pa rin ito.

"Ano pa ang gusto niya?" Lumapit si Reyna Marikit sa albularyo.

Dumilat ang albularyo. "Humihingi rin siya ng dessert dahil nakakaumay ang letchon."

"Dessert? Anong pagkain iyon?" pagtatakang tanong ng hari.

"Pantanggal sa umay ang pagkaing iyon." Tumayo ang albularyo at bahagya itong ngumiti. "Fruit salad ang gusto niya at kailangan, maraming fruit cocktail. Damihan din daw ng gatas."

"Kung ibibigay namin sa kaniya ang mga alay, gigising na ba ang anak namin ng reyna?"

•*•*•*•*•

Ang istoryang ito ay mula sa aking orihinal na katha at kung ano man ang pagkakatulad nito sa ibang akda, hindi ko iyon sinasadya. Ito ay buong puso kong inihahandog sa inyo.

No To Plagiarism!

Pinaghirapan ko ang istoryang ito at talagang kinalkal ko pa ang kailaliman ng aking utak nang sa gayon ay makaisip ako ng ganitong uri ng istorya.

Plagiarism Is A Crime!

Halina't samahan si Impa sa kaniyang kagagahan at kalokohan. Humanda na ring tumawa at kiligin sa kaniyang nakababaliw na istorya.

あなたも好きかも

The Destined Heiress Of Rabana

Mula sa pagkakaaksidente sa motor kasama ang nobyo ay nagising si Shine sa katauhan ng isang Liwayway na nagpanggap na lalaki sa makalumang mundo, malayo sa mundong kanyang nakagisnan, ang panahon kung saan wala pang mga gadgets, ang kapuluan sa karagatang Pasipiko, ang kapuluang tinatawag na Rabana. Sa katauhan ng isang prinsesang napilitang itago ang tunay na katauhan para lang matakasan ang mortal na kalaban na siyang nagnakaw sa kaharian ng kanyang mga magulang, napilitan si Shine na panindigan ang pagiging si Liwayway sa payo ng kanyang bodyguard na si Agila at hinanap sa mundong iyon ang kanyang nobyong si Miko subalit wala sa kanyang hinagap na magiging kanang kamay ito ni Prinsipe Adonis, ang antipatikong anak ng kanyang mortal na kalaban. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay mahuhulog ang kanyang loob sa prinsipe subalit paano kung malaman ng binatang ang hinanap ng ama nitong tagapagmana sa kaharian ng Rabana ay walang iba kung hindi siya sa katauhan ni Liwayway? Ano ang gagawin niya upang bumalik ang alaala ng kanyang nobyong si Miko at tulungan siyang makagawa ng paraan para makabalik sila sa kasalukuyang panahon? Makakaya ba niyang bumalik kung ang lalaking kanyang minamahal ay naroon sa panahong iyon? Handa ba siyang ipagtanggol ni Prinsipe Adonis mula sa ama nito o tuluyan siyang tatalikuran ng binata kapag nalamang mortal silang magkaaway? Subaybayan ang pakikipagsapalaran ni Shine bilang si Liwayway sa makalumang mundo.

Dearly_Beloved_9088 · ファンタジー
レビュー数が足りません
34 Chs