webnovel

LUCKY SIXTY ONE

CHAPTER 61

KENNETH'S POV

Ito na ata ang pinaka masaya at nakakabaliw na gabi ng buhay ko. Nakatulog ako ng kayakap ang taong kinaiinisan ko noon pero kinababaliwan ko na ngayon. Kahit magdamag ko siyang halikan hindi ko parin makuhang makuntento, weird pero yun talaga ang nararamdaman ko. The more na hinahalikan ko siya, the more na hindi ako lalong nakukuntento. Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko while we're kissing. Pero napigilan ko yun dahil ayokong makipagtalo sa kanya. Pinipilit kong ipikit ang mata ko pero maya't maya rin akong nagigising, baka takasan na naman niya ako. Pero sa huli, bumigay din ang mga mata ko dala ng pagod at puyat.

"Kenneth. Kenneth." Naramdaman kong may kung anong tumusok sa likod ko.

"Get up!"

"A-Ano ba?!" naiinis na sagot ko.

"Get up or else i'll beat you!" Pinilit kong idilat ang mga mata ko at nakita kong palakad lakad si Wesley sa tabi ng kama ko.

"What's you're problem? Hindi mo ba nakikitang natutulog ako?" Nag aadjust pa ang mata ko sa liwanag ng kwarto.

"You slept with him? What the fuck bro?" Galit na sagot niya. Napalingon ako sa tabi ko at una kong nakita ang blonde hair na naka unan sa braso ko. Agad kong naamoy ang straberry scent niyang buhok at dahan dahang dumaloy ang init sa katawan ko. Fuck it!

Kagat labi akong naplingon kay Wesley at bigla niya akong sinipa ng mahina sa likod.

'Masakit yun Wesley Ongpauco!'

"Let's talk, before i'll kill you!" Gigil na gigil wika niya. Maingat kong hinila ang braso ko na nasa leeg ni Lucky para hindi siya magising. Damn it, ayokong mahiwalay sa amoy niya. Labag sa kaloobang tumayo ako at hinarap siya.

"What do you want?"

"How do you explain that? Did they know he's here?"

"Ytchee knows his here. Nakatulog kami habang nagkukwentuhan kagabe." Alibi ko.

"Kwentuhan? About what sa future niyo? WTF Kenneth?"

"Look, nag stay siya para asikasuhin ka dahil sa kalasingan mo. We had a cup of coffee before he leaves but you wake up suddenly and ask him to stay till you fall asleep, remember?" Hindi agad siya nakasagot sa sinabi ko.

"Then why he's sleeping beside you not with me?" Yun ang hindi ko napaghandaan. Masiyado pang maaga para makapag isip ako ng tama. Kakagising ko lang for christ sake.

"We had a small talk. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala kami."

"I don't believe you."

"Then don't, sino ba kasing nagsabi sayong magpakalasing ka kagabe tapos ngayon sisisihin mo ko?" nag galit galitang sagot ko.

"But you sleep together for christ sake! Alam mo bang kung gaano kasakit yun para sa akin?" Sigaw niya sa harap ko. Mabilis akong napalingon sa natutulog sa kama ko.

'Kapag magising si Lucky sa ingay mo may kaltok ka sakin!'

"Eh yung marriage proposal mo? Sa tingin mo ba nag enjoy akong panuorin kayo?"

"Who care's he's mine!" asik niya. Ito na naman kami sa pagtatalo kung sino ang nagmamay ari sa kanya. Sigh.

"That's ridiculous but he's not yours to take dear cousin."

'Peste ang aga aga siya na naman ang pinag aawayan namin.'

"Don't act as if he's yours too Kenneth. Why? Are you guys starts dating already?" Nakapamewang na tanong niya.

"No we're not dating, but he's still mine we both know that." mariing sagot ko na ikina tameme niya.

"Bakit ba kayo nagsisigawan ng ganito kaaga?" Sabay kaming napalingon ni Wesley sa nakaupo at humihikab na si Lucky. Hindi niya halos maidilat ang mata habang nagpapalipat lipat ng tingin sa aming dalawa.

"Good morning Lucky." Halos sabay na usal namin ni Wesley at nagkatinginan pa kami.

"G-Good Morning." Nagkakamot pa siya ng mata at dahan dahan bumalik sa pagkakahiga at dumapa. Kung wala lang si Wesley dito sa kwarto, baka hindi ko na alam kung anong magagawa sa taong nakadapa sa kama ko.

"I ordered breakfast for you Lucky." Malambing na tugon ni Wesley at mabilis na bumangon si Lucky sa kama.

"Really?" Sabay upo. "Sige sabay tayong kumaen maghihilamos lang ako." At tumayo siya at dumerecho sa banyo.

"We're not done talking Kenneth." At mabilis niya akong tinalikuran at dumerecho sa kitchen.

Kumatok ako sa CR at pinagbuksan naman agad ako ni Lucky.

"Here use my toothbrush." Nahihiyang alok ko sa hawak kong kulay blue'ng toothbrush.

"Tss, gawin mo yan kapag mag asawa na tayo." Nakangiting biro niya. Hindi ko ipinahalatang kinilig ako kay aibinaling ko sa iba ang tingin ko.

"May nakita pala akong unused toothbrush dito yun ang ginamit ko." Dugtong niya.

"Great." At mabilis akong tumalikod sa para itago ang ngiti ko. Dahan dahan akong napaupo sa kama at humiga.

'Tss, gawin mo yan kapag mag asawa na tayo.'

Malakas akong tumawa sa isip ko. Hindi pa nga nagiging kami gusto niya na akong maging asawa? Tch!

'Patay na patay ka talaga sa akin Gonzaga!'

After a few minutes lumabas na siya ng banyo. Nakatali pataas ang buhok niya habang nagpupunas ng mukha. Nagtaas siya ng isang kilay ng mapansing nakatingin ako.

Pinalo niya ako sa paa. "Maghilamos kana tas kaen na tayo." Saka siya lumabas ng kwarto. Nangingibabaw parin sa loob ng kwarto ang amoy ng sabong ginamit niya sa mukha.

Tahimik lang akong kumakaen kasabay nila habang abala silang nag uusap. Bumalik na ulet sa dating sigla si Wesley at mukhang hindi na mainit ang ulo niya sakin. Napapangiti lang ako ng palihim kapag naaalala ko ang mga ginawa namin kagabe. It was the best night of my life.

Naramdaman kong nagba-vibrate ang phone ko sa bulsa ng pants ko.

"Excuse me." Paalam ko sa dalawa at sabay silang napalingon.

"Hello?"

"Bakit hindi mo pinauwe si Lucky?" sigaw ni Ytchee sa kabilang linya kaya dali dali akong tumayo at dumerecho sa terrace. Sinara ko agad ang pinto.

"Nakatulog kami habang nagkukwentuhan kagabe."

"Nakatulog? Huwag ako Kenneth kilala ko lahi mo?!" Singhal niya at medyo natatawa ako.

"Hoy wala kaming ginawa ang dumi ng utak mo."

"Wala daw? Kapag may nalaman ako kakaltukan kita!"

'Hayst ang hard talaga ng magkakaibigang 'to!'

"Wala nga baliw. Kasama namin si Wesley sa kwarto anong magagawa namin?" Napapangiti ako bigla sa naalala ko.

"Sauce alibi mo non-biodegradable!"

"Wala nga. Ang totoo niyan inaway pa ako ni Wesley ng malaman niyang dito natulog si Lucky kagabe eh." Malungkot na kwento ko.

"B-Bakit daw? Diba nga dapat masaya siya dahil sigurado namang sila ang magkatabi?!"

"Hindi. Nagalit siya dahil nakita niyang kami ni Lucky ang magkatabi sa kama kanina pag gising niya." Mahinang sagot ko.

"EH ANAK KA PALA NI MANG KARDONG BAOG EH!" Gusto kong tumawa ng malakas sa sinabi niya. Ewan ko ba kung bakit ang saya saya ko kahit na ang aga aga binadtrip ako ng mga 'to.

"Magkatabi lang kami pero walang nangyari, okay?"

"Siguraduhin mo kapag yan ika ikang bumalik dito puputulin ko ang lahi ng pamilya niyo!" Pagbabanta niya.

"Ogag ka!" Pero bigla akong natawa ako sa sinabi niya. Hindi niya lang alam kung anong klaseng pagkokontrol ang ginawa ko para hindi ko mabastos si Lucky habang katabi ko siya sa kama kahit tuksong tukso ako gawan siya ng masama.

'Salamat sa walang sawang halik niya at nakapag survived ako.'

"Oh siya, tulog pa ang mga bakla sasabihin ko nalang na maaga siyang nag jogging ngayon at diyan tumuloy sa inyo. Intiendes?"

"Thank you my friend." Biro ko sa kanya.

"Friend mo mukha mo! Ayusin mong hindi niyo ginang reyp ang kaibigan ko at gigripuhan ko kayo sa leeg ni Ongpauco!"mariing banta niya.

"Ang kulet mo. Mamaya kana tumawag kumakaen kami." At ako na ang nagbaba ng phone. Bumalik ako sa loob at kumakaen parin sila. Nawalan na ako ng gana ng makita kong nagtatawanan pa sila.

"Si Ytchee yun 'no?" Bungad ni Lucky pag upo ko.

"Oo, sabi niya sabihin ko raw na nag jogging ka at dito kana tumuloy para mag breakfast dahil yun ang sasabihin niya sa dalawa pag gising nila."

"Sure thanks." Pormal na sagot niya. Nainis ako bigla sa pinapakita niya. Parang nakalimutan na niya yung mga masasayang alaalang ginawa namin kagabe. Pagkatapos naming kumaen nauna ng naligo si Wesley at naiwan kaming dalawa sa mesa.

"Kamusta tulog mo?" bungad niya pag alis ng pinsan ko.

"Last night was the best night of my existence."

"Ano Edward Cullen lang ang peg?"

"Baliw." Ngiwing sagot ko.

"Ikaw? Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Maayos? Mahihiya ang linta sayo." At umikot paitaas ang mata niya.

"Choosy ka pa ang gwapo kayang linta nito." Nakangiting biro ko.

"Manyak na linta kamo." Sabay kaming tumawa at itinuloy ang pagkaen.

'Hilig naman nitong mambinyag. Rabbit na nga tapos manyak na linta pa. Tss!'

Hindi rin nagtagal at hindi rin natiis ni Ytchee na hindi sunduin si Lucky sa suite namin. Parang siyang inspector kung suriin ang buong katawan ni Lucky. Ilang na ilang ako sa ginagawa niya. Pinandidilatan niya ako sa tuwing lumalapit ako kay Lucky. Mabuti nalang talaga naunang naligo si Wesley kundi lalo kaming mag aaway sa malalaman niya. Ayon kay Ytchee maaga ang call time namin sa hall ngayon dahil 2PM ang uwe namin pabalik ng Maynila.

"Kamay!" Mariing utos niya. Umikot lang ang mata ni Lucky dahil wala siyang magawa.

Linapitan niya at sinuri nga mabuti ang mukha at leeg.

'Ano bang hinahanap niya?'

"Hindi siya bampira para kagatin ako sa kamay o sa leeg Ytchee." Sarkastikong wika ni Lucky. Hinawakan niya ang lower lips nito at pinisil.

"A-Aray." Mahinang daing niya sinamaan niya ito ng tingin.

"Sinasabi ko na nga ba eh!" At pinaghahamapas ako bigla sa braso.

"W-What?" Daing ko habang iniilagan ang bawat hampas niya.

"Kiss lang ba talaga?" At sabay kaming napalingon ni Lucky sa isa't isa. Walang gustong sumagot samin sa tanong niya.

"Lucky bumalik na tayo sa suite!" Singhal niya. At hinila ito sa braso pero hinila ko si Lucky papunta sa tabi ko.

"Wala nga kaming ginawang iba. Grabe ka naman hindi ko naman mabubuntis yan kahit dito pa yan matulog gabi gabi!" Naiinis pero natatawang paliwanang ko.

"Lakad!" sigaw niya. Sumimangot na si Lucky at humarap sa akin.

"K-Kenneth." Mahinang usal niya ng pangalan ko. Parang tumalon ang puso ko sa tuwa ng tawagin niya ng mahina ang pangalan ko.

'Yan ganyan nga dapat ako lang ang tinatawag mo Gonzaga!'

"Ytchee please stop." Awat ko sa nakakalokong inspection niya.

"Lumayo ka Kenneth baka hindi kita matancha samin ka! Lucky, ano na?"

'Grabe naman ang pagiging overprotective nito kay Lucky.'

"Ito na! Humanda ka sakin mamaya paglalakarin kita sa apoy adik ka!"

Sumunod siya sa sinabi ni Ytchee at ng makutento ito nakahinga nga na siya ng maluwag. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya rin ang ginawang check up nila Marlon at Andi kay Lucky noong isang araw na nasa field kami.

"Happy?"

"Hindi! Mahuhuli ko rin kayong dalawa sinasabi ko sa inyo!" duro niya sa amin ni Lucky.

"Sorry bitch but i'm not an easy girl." May kasama pang kumpas ng isang daliri kasabay ng paggalaw ng leeg niya.

'Ooohh, Sexy bitch!'

"I appreciate your concern Ytchee towards Lucky. Like what he says, i'm not an easy guy as well." Ngiting sagot ko sa kanya.

"Psh!" Umikot ang mga mata ni Lucky sa panggagaya ko sa kanya.

"W-What?" Angil ko sa reaction niya.

"Kaya pala." At umangat ang gilid ng lips niya. Isang bagay na pinanggigigilan kong ginagawa niya.

'Huwag dito Gonzaga, wag dito!'

"Pasalamat ka nandito si Ytchee." Mahinang sagot ko. Pag angat ko ng tingin nilabas niya ang dila niya at binelatan ako.

"Bakit anong gagawin mo?" Pinandilatan naman ako ng mata ni Ytchee habang nagsisindi siya ng sigarilyo.

"Wala." Nakayukong sagot ko. "You'll gonna pay for that." Tinusok ko ng daliri ang pisngi ni Lucky.

"Bente?" Pang aasar niya.

"20 hours tandaan mo!"

"Lels!" Mahinang tawa niya. Pikon na pikon ako sa pang aasar niya. Malakas kasi ang loob niya mangasar ngayon dahil nandito si Ytchee sa harap namin at alam niyang wala akong magagawa.

"Mauuna na kami pakisabi pala kay Ongpauco sa hall na tayo magkita kita mamaya." Sabay silang tumayo at wala na akong nagawa kundi ihatid sila sa pinto.

"Text text nalang." Kaway niya paglabas ng pinto. Hinila ko si Lucky sa braso papalapit sakin at isang mabilis na halik sa lips ang ginawa ko.

"Siraulo!" Hinampas niya ako sa braso.

"See yah." At dahan dahan kong isinara ang pinto. Kabado akong napasandal sa pinto habang ini-imagine ang lasa ng lips niya tsaka sinabayan ng mahinang tawa.

"Oh bro? Anong nangyayari sayo?" nagtatakang tanong ni Wesley s aka wirduhan ko.

"W-Wala wala." at para akong engot na tumawa. "Nauna na pala sila kita na lang daw tayo sa hall later."

"Okay." Kunot noong sagot niya at dumerecho sa bedroom area.

Tulad ng napag usapan sa convention hall na kami nagkita kita. Halos isang oras din ng matapos ang closing program kasabay ng awarding. Ang section nila Lucky ang tinanghal na over all champion. Ang saya saya ng buong section nila at halos nanakit ang eardrums ko sa ingay nila sa loob. Nagkaroon lang ng lunch sa hall at ibigay ang natitirang oras sa amin para makabili kami ng kahit ano bago kami umuwe.

Nagpunta lang kami sa iba't ibang souvenir stores para bumili ng pasalubong. As usual hindi na naman mapaghiwalay si Wesley at Lucky. Hanggang tingin na lang ako sa kanila iniisip ko na lang na lamang ako ng kilo kilometro ngayon sa kanya.

"Bro." Mahinang sambit ni Wesley sa tabi ko habang namimili ako na i-uuwe sa bahay.

"What's up?"

"Palit muna tayo ng seats sa bus mamaya."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Is that a request or an order?"

"Both!" Seryosong sagot.

"No." At itinuon ko ang atension sa binibili ko.

"I already asked him. He told me to ask you first." Bigla akong natigilan sa narinig ko. At hinanap ng mga mata ko si Lucky.

Hindi ako makapaniwalang magagawa niya yun sakin. I thought we had something special.

"Why?"

"You spent the night together in one bed, then why can't i spend my remaining 4 hours sitting beside him." Walang kagatol gatol na sagot niya.

"Fine." Ayokong makipag talo sa kanya. I've had enough of that this morning. At my point din naman siya. Kumpiyansa naman akong hindi naman niya magagawa ang ginagawa ko kay Lucky. Well, subukan lang nila.

"Thanks." Mabilis niya akong tinalikuran at bumalik ito sa tabi ni Lucky.

Binaling ko nalang ang attention ko sa pamimili. Nakakita ako ng singsing na gawa sa bao ng niyog. Simple lang ang disenyo pero kaiga igaya ang itsura. Pumili ako ng dalawa at binayaran ko na sa counter.

Dahil may natitira pa kaming dalawang oras para manatili sa Baguio bago umuwe napagkasunduan namin ni Wesley na dun na mag stay sa suite nila Lucky.

"Bukas back to school na naman tayo." Malungkot na buntong hininga ni Andi.

"Mamimiss ko ang pagkaen at hangin dito sa Baguio." Sabat naman ni Ytchee.

"Ikaw Wesley anong mami miss mo dito bukod sa pag mo-moment niyo ni Lucky?" Usisa ni Andi sa pinsan ko.

"Everything. Memorable sa akin ang lugar na 'to." Habang nakatingin ng makahulugan sa katabi niya. Si Lucky.

Si Lucky na walang ibang ginawa kundi kumaen at manigarilyo sa terrace. Simula pa kaninang matapos ang closing program hanggang matapos kaming mamili ng souvenirs hindi man lang ako nilapitan o kinausap.

'Nakakainis ka Gonzaga! Paano mo ko natitiis ng ganito?'

Si Ytchee lang ang panay na kausap ko. Nangungulit tungkol sa totoong nangyari kagabe. Muntik muntikan na akong umamin mabuti na lang nakakapagpigil ako. Wala namang namamagitan saming dalawa. We just shared a steamy kiss. But what the fuck is going on me? Hindi ako maka get over. Hindi maalis sa isip ko ang pinagsaluhan namin. Paulit ulit na naglalaro sa isip ko ang nangyari sa Club, sa terrace ng suite namin at sa kama.

Masiyado siyang nagpapakipot ngayon sa kabila ng mga nangyari sa aming dalawa kagabe.

Ano bang ayaw niya sa akin? Umamin na naman ako sa nararamdaman ko sa kaniya pero ayaw naman niyang maniwala. Alam ko namang may nasabi ako sa kanyang hindi maganda kahapon pero binawi ko na naman yun kagabi pa. Alam ko namang gusto niya rin ako pero gusto kong marinig yun sa mismong bibig niya. Gusto kong magmakaawa siya na magustuhan ko siya. Pero parang ako ang nagmamakaawa ngayon gustuhin niya.

"I-Ikaw Lucky anong mami-miss mo dito sa Baguio?" Nakangiting tanong ni Wesley.

"Yung party dito sa Baguio. Sa lamig ng klima dito matagal umepekto ang alak eh." Natatawang sagot niya.

'Psh, palibasa lasenggera.'

"Sa ating tatlo nila Kenneth oo, ewan ko lang sa mga kasama nating iba." Parinig niya kela Andi, Marlon at Wesley na pare parehong napayuko sa hiya.

"Ang gagaslaw kasing uminum kaya tinablan agad." Singit ni Lucky.

"Pagbalik natin ng Maynila lumabas naman tayo minsan, bet niyo?" Suhestiyon ni Marlon na sinangayunan agad ni Andi.

"Saan naman tayo pupunta?" sagot ko.

"Dapat out of town para mas masaya." Excited na sagot ni Wesley.

"Enchanted tayo matagal tagal na akong di nakakabalik dun eh." Nakangusong sagot ni Lucky kay Wesley.

'Buwesit na 'to masiyadong nagpapa cute. Tch!'

"Waaahh! Excited na ako umuwe!" Sigaw ni Ytchee at nagtawanan kaming lima.

"Tandaan niyo magiging abala rin tayo this coming week dahil maghahabol tayo ng klase. This coming Friday ang masquerade Party. Next week Foundation Day naman." Singit ni Marlon at lahat kami napatingin sa kanya.

'Shit, muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa mga yun.'

"Diba kakanta kayong dalawa ni Lucky dun Ongapauco?" si Ytchee.

"Oo, muntik ng mawala sa isip ko ang tungkol dun."

"Sama niyo ulet ako kapag mag rehearse kayo ni Lucky." Wika ni Andi habang inuuga ang binti ni Lucky at hinampas siya nito.

"Ang lagay kayo lang? Di kami kasama?" Reklamo ni Marlon.

"Sasama rin ako!" At bigla itong sumingit si Ytchee sa gitna nila Lucky at Andi.

"Aray ko!" daing ni Lucky at dahan dahan siyang hinila ni Wesley at sinenyasang umupo sa lap nito. Napalingon siya sa side ko at automatic na tumalim ang tingin ko.

'Subukan mong kumalong sa kanya pipilayan ko kayo pareho.'

"Dito na masikip na diyan eh." Lumapit siya sa akin at sumalampak ng upo sa tabi ko.

'Yan ganyan makuha ka sa tingin!'

Nakinig lang kaming dalawa sa kulitan nilang apat habang pinagpaplanuhanang magiging lakad namin pagbalik ng Maynila. Paglingon ko tutumba tumba na ang ulo ni Lucky sa sobrang antok.

"Sumandal ka na lang dito." Alok ko sa balikat ko. Umiling lang siya at matipid na ngumiti.

Maya maya nagulat akong sumandal na siya sa akin at ilang sandali lang himbing na siya.

"Luh, si Inday puyat!" Turo ni Marlon kay Lucky.

"Ssshhhh." Senyas ko sa kanila na huwag ng pansinin. Kasalanan ko siguro kung bakit halos wala siyang tulog kagabe. Hindi ko kasi siya tinantanan kagabe hangga't hindi ako nakukuntento. Huling naalala ko lang bago ako makatulog ay nakasandal siya sa dibdib ko sa pagod.

"Paano walang tulog, nag jogging ng maaga tapos dumerecho kung saan saan." Maikling kwento ni Ytchee.

"Let him sleep mahaba pa naman ang oras natin." Sagot ni Wesley habang nakatingin kay Lucky. Nagtama ang mata namin at nauna siyang umiwas ng tingin.

'I know what he's thinking right now. Na sana siya ang nasa tabi nila Lucky ko ngayon hindi ako.'

"Nagtext pala si Tita Jack sa akin. Ini-invite niya tayo sa bahay nila, ipagluluto raw niya tayo ng masarap dahil nanalo si Lucky sa contest." Kwento ni Andi kaya nakinig na lang ako.

"Anong sinagot mo?" pang uusisa ni Ytchee dahil nakarinig na naman ng pagkaen.

"Siyempre nung una nag pabebe ako. Pero dahil masarap magluto si Tita Jack pumayag agad ako. Ha ha ha!"

"Ayos yan kainan!" At nag apir pa si Ytchee at Marlon.

"Mapaparami ang kaen mo da best ang mga deserts ni Tita Jack seshie!" Pagyayabang ni Andi.

"Kapag masarapan ako sa mga pagkaen nila, magpapa ampon na ako sa pamilya ni Lucky." At malakas silang tumawa. Natawa rin ako ng mahina sa mga kabaliwang naiisip niya.

"Ako din magpapa ampon!" Nagtaas pa ng kamay si Marlon.

"Ayy, pwede ka sesshie wala silang kasambahay ngayon refer kita." Seryosong sagot ni Andi.

"Bakla ka!"

"Ganito na lang minsan mag sleep over tayo sa kanila kapag weekends matutuwa niyan si Inday matagal na kasi naming inaaya ni Marlon yun eh!"

"Oo dun kayo sa garahe matulog kami ni Lucky sa kwarto niya!" Malakas na tawa ni Ytchee at sinabayan pa ni Wesley kaya asar talo yung dalawa sa kanila.

Bahagyang gumalaw ang ulo ni Lucky sa balikat ko kaya hinimas himas ko ang ulo niya. Pasimple ko rin inamoy ang buhok amoy strawberry niyang buhok na kinaadikan ko na. Hindi ko namalayang nakatulog nadin pala ako kakapakinig sa kwentuhan nila. Naalimpungatan nalang ako ng gisingin ako ni Wesley.

"Bro, get up aalis na tayo." Pagdilat ko hindi ko napansing nakapatong pala ang ulo ko sa ulo ni Lucky habang nakasandal siya balikat ko. Naghikab muna ako at pasimpleng bumulong sa katabi ko.

"Wake up sleepy head." Natatawang bulong ko sa ulo niya. Nag angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. I hate seing him like this infront of me. Natatakot akong mawalan ng control sa sarili ko at may magawa ako sa kanya na ikagulat nilang lahat.

'Gusto ko siyang halikan ngayon kaso mapapatay ako ng pinsan ko sigurado.'

"Anong oras na?" Nagpupungas pungas pa siya ng mata.

"Its time to go. Hinahanda na nila Andi ang gamit niyo." Singit ni Wesley at inalalayan siyang tumayo.

"Ayoko pang umuwe inaantok pa ako." Nakasimangot na sagot niya kay Wesley. Natawa lang si Wesley kaya hinila niya ito papalapit sa dibdib niya saka tumawa.

"You can go back to sleep kapag nasa bus na tayo. Diba nga tabi tayo mamaya?"

'Peste, bakit pa ako pumayag na makipag palit ng upuan sa kanya.'

"Alam ko." Naghikab siya at iniwan kaming mag pinsan. Inalok niya ang isang kamay para alalayan rin akong tumayo.

"Thank you." Mahinang sambit niya.

"For what?" napamaang na sagot ko.

"For letting him sleep on your shoulder."

"My shoulders are fine and we already slept together remember?"

"Sige ipaalala mo pa loko para lalo akong mainis sa buong pagkatao mo." At hinampas ako sa braso.

"I know you can't. You love me too much dear cousin."

"You're not funny Kenneth."

"Tss. Masiyado ka kasing seloso."

"Look who's talking." Ngiwing sagot niya at iniwan ako at sinundan si Lucky.

Naisip ko munang mag CR bago sila sundan sa labas ng suite dahil naghahakot na kami ng luggage. Bubuksan ko na sana ang pinto at laking gulat ko ng lumabas si Lucky galing sa loob. Mabilis akong lumingon sa kwarto at ng makita kong walang tao ko tinulak ko siya pabalik sa loob.

"What?" kinakabahang tanong niya.

"Shut up!" At siniil ko siya ng halik sa lips.

Nalasahan ko agad ang mint flavor na toothpaste na ginamit niya pero nangingibabaw parin yung matamis na lasa ng lips niya. It always feels like my first time. Isinandal ko siya sa pinto dahil hindi ako makuntento sa kanya. Aaminin kong nababaliw na talaga ako sa ginagawa ko. Naaadik na akong halikan siya and i just can't get enough of him.

Ganito ba ang feeling ng nag da drugs? Nakaka praning at hahanap hanapin mo? Lalo lang akong nawawala sa sarili ko dahil tumutugon siya sa bawat halik ko. Wala sana akong planong tumigil ngunit nauna siyang bumitiw.

Hinampas niya ako sa braso. "Nasisiraan ka na ba ng bait?"

"Bakit ba?" Natatawang sagot ko habang nagkakamot ng braso.

Pinandilatan niya ako. "Paano kung may makakita satin?"

"Nasa labas na silang lahat." Ewan ko pero parang na excite ako sa isiping yun.

"Tumabi ka nga diyan." Hinawi niya ako sa daan.

"L-Last na." Naka ngusong sagot ko. Alam kong hindi niya ako matatanggihan kapag nagpa cute ako.

Umikot lang ang mata niya sa inis. Tumingkayad siya harap ko at hinalikan ako ng madiin sa lips. Halos manghina ang parehong tuhod ko sa ginawa niya. Bahagya akong napaluhod sa sahig mabuti na lang bukas ang pinto at napakapit ako. Halos mapunit ang labi ko sa pagkakangiti sa nai-imagine ko.

"Hoy, para kang tanga anyare sayo?" Natatawang sambit niya habang inakalayan akong tumayo.

"Hindi na ako magagalit na magkatabi kayo ni Wesley pauwe, mas masarap naman yung pabaon mo ngayon." Para akong lasing habang nakatulala. Hindi ko maitago ang ngiti at sayang nararamdaman ko.

"Letse." Nagpipigil siya ng tawa. "Tabi baka makita nila tayo, ungas ka talaga!"

"Last na promise!" Huling hirit ko sa kanya habang hawak ko siya sa braso.

"Kenneth!?!" Mahinang sigaw niya pero halatang kinikilig din siya. Hindi na ako nag aksaya ng oras at yumuko na lang ako para halikan siya ng todo.

'Solve!'

Gaya ng napag usapan nagpalit kami ng seat ni Wesley. Nang mapansin ng mga kasama namin ang bagong set up namin napag tripan din nilang magpalit palit ng upuan. Si Andi at Marlon ang umupo sa single seater bed at kami naman ni Ytchee ang magkatabi sa double seater bed.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko simula pa kaninang bumaba kami ng hotel. Atleast ngayon sigurado na akong gusto ako ni Lucky. Feeling ko hindi lang gusto. Gustong gusto niya ako.

'Sarap sa pakiramdam lasang fresh air.'

"Tigil tigilan mo nga yang pag ngiti ngiti mo para kang sinasapian ng masamang ispiritu." basag ni Ytchee sa bagong trip ko.

"Bakit masama bang ngumiti?"

"Oo lalo't hindi mo sinasabi kung anong dahilan ng pinagkakaganyan mo!"

"I have nothing to tell you Ytchee." Kunwaring seryosong sagot ko.

"Okay, sayang i have something to show you pa naman." At itinuon ang atensiyon sa TV sa loob ng bus namin.

"Something to show like what? Ano na naman yun?" Kinabahan ako dahil baka yung video ko yun na nasa cellphone ni Lucky.

"Wala diba wala kang sasabihin? So wala rin akong ipapakita sayo." Masungit na sagot niya.

"Sige na my friend. Please?" Sinubukan kong magmukhang cute sa harap niya pero hindi epektib sa katulad niya ang charm ko.

'Pinagti-tripan na naman ako ng tomboy na to!'

"Mauna ka muna."

"Ipakita mo muna yang alas mo bago ako magsalita." At mukha nakuha ko ang atensiyon niya.

"Deal." At dinukot niya ang cellphone sa jacket niya. Hawak ang cellphone hinarap niya sa akin ang screen ng gusto niyang ipakita.

Biglang nanlaki ang mata ko sa nakita. Kasabay ng unti unting paglapad ng ngiti ko. Napadapa ako at pilit kong inabot ang cellphone niya.

"Oops, sorry my friend." Itinaas niya ang kamay sa ere.

'Magbabayad ako kahit magkano makuha ko lang 'to.

"Name your price." Pormal na sagot ko.

"Priceless yan para sayo Kenneth. Sakin walang kwenta to. Delete button is just one click away." Pang aasar niya at malapit ng maubos ang pasensiya ko.

"Walang akong sasabihin at wala kang malalaman." Sagot ko at tumalikod ako ng higa.

"Okay, delete ko na wala pa eh." Bigla akong lumingon sa sinabi niya. Hinarap niya ang cellphone at may pinindot. Nag prompt sa screen ang delete message at walang alinlangan niyang pinindot ang "YES" sa screen sa harap ko.

Gusto kong sumigaw ng malakas sa sobrang inis na nararamdaman ko sa kanya ngayon. Napakuyom ang dalawa kamao ko sa galit.

"Fuck!" napipikang usal ko at matalim na tumingin sa kanya.

'Pasalamat ka kaibigan ka ni Lucky! Kundi masasakal talaga kita.'

"Don't worry may copy pa ako nun. Actually dalawang yun na magkaiba." Mabilis akong nag angat ng tingin. At nakita ko nga na magkaiba nga kesa sa una niyang pinakita.

"Tuso ka talaga Araullo!" tiim bagang na sagot ko.

"Speak!" Mahinang sagot niya at ibinulsa ang cellphone.

"What do you want to know?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Everything."

Napabuntung hininga na lang ako sa gusto niya. Malalagot ako kay Lucky sigurado pero mayroon akong gustong makuha na nasa kanya. Hindi naman ibang tao si Ytchee at aware naman siya sa nararamdaman ko kay Lucky.

"We kissed. A lot. I don't know how many times. I'm very addicted to it." Nakayukong sagot ko. At nakikita kong nagpipigil siya ng tawa.

"And?" Taas noong tanong niya.

"You'll give me both?"

"Deal."

"I told him last night that i really like him. But he didn't gave me an straight answer. I think he's still upset of me because of our previous issue." Mabilis na kwento ko.

"What issue?"

"About the video." At mukhang nakuha niya agad ang gusto kong sabihin.

"And then?"

"That's it."

"Do you really like him?"

"Oo at handa akong saktan ka ng paulit ulit kapag hindi mo pa ibinigay sakin yan ngayon!" Pananakot ko sa kanya.

Nang makuha ko na yung gusto kaya tumalikod na ako sa kanya. Nagtakip ako ng jacket at saka ko binuksan ang cellphone ko. Hindi ko napigilang mapangiti ng malaki sa nakikita ko sa harap ko.

To be continued...

次の章へ