< Sya >
Bakas parin sa mga mukha ni Master Zhio ang kalungkutan simula ng macoma ang kanyang ama. Limang taon din siya naghintay na maari pang bumalik ang kanyang ama.
Ngunit tulad ng kanyang ama kailangan niya maging matatag...at kayaning lumusot sa mahihirap na desisyon.
Kung Si Master James nakayanan magdesisyon sa pagitan ng buhay ni Miss Mitchell at ng anak nila na si Master Zhio na maiiwan bilang nag-iisang tagapamana ng Zel Cantheliz.
Natatandaan ko pa ang mahinang usapan ng mag-asawa na kung ano man ang mangyari kailangan piliin ni Master James ang buhay na nasa sisinapunan ni Miss Mitchelle na nagmula mismo sa labi ni Miss Mitchelle.
Dalawang minuto ang ibinigay ng doctor upang magdesisyon siya... Mahal na mahal ni Master James si Miss Mitchelle.
"Kung ito ang nais mo... wala akong magagawa. Mahal na Mahal kita."
At kinausap ako ni Miss Mitchelle...
" Sya, ikaw na ang bahalang gumabay sa anak ko... Ipadama mo sa kanya kung gaano ko siya kamahal." na Ikinapangako ko.
"Doc...gawin niyo ang gusto ng asawa ko..
ngunit kung may magagawa pa kayong isalba ang mag-ina ko gawin niyo."
Ngunit ... walang nagawa ang mga Doktor.
Kasabay ng pag-iyak ng sanggol... kasabay din ng unti-unting pagkawala ng hininga ni Mitchelle.
Unti-unting pumatak ang mga luha ni Master James... at di ko din napigilan ang sarili ko... Hindi lang ako... kaming lahat na naglilingkod sa pamilya nila... ay nalungkot sa paglisan ni Miss Mitchelle... napakabait nito.
Pagkatapos noon namalayan ko na lang tinutuon masyado ni Master James ang sarili sa trabaho. At kunting oras lamang kung ituon niya ang pansin kay Master Zhio na lumalaki ng tahimik ..
Kaya naman isang araw naglakas loob akong kausapin si Master James para na rin kay Master Zhio.
"Master James."
"Sya... tuloy ka. Kamusta si Zhi0?'
"Masyos naman."
"Mabuti naman. Sabihin mo na lang sa secretarya ko kung may kailangan si Zhio".
Saka sana siya tatayo.. ngunit.
"Master James, kayo ang kailangan ni Master Zhio bilang isang ama. Yun ang pinakailangan niya.... kayo bilang nag-iisang pamilya niya."
"Matalino si Zhio ... para maunawaan niya ako."
"Pero Master James... Hindi kasalanan ni Master Zhio kung bakit..."
"Sya!.."
Nagulat ako...
"Pagod na ako at kailangan ko muna magpahinga."
Sa natatandaan ko... Isang araw lamang nagka-usap ang mag-ama na malaki na sigurong ipapasalamat ko.
"Mayordoma , may mensaheng pinaparating si Atty. Wenziel."
"Ano daw iyon?"
"Dito i-uuwi ang labi ni Master James."
"Inaasahan na iyon ni Master Zhio".