webnovel

Chapter 5 Her Misfortune

< Claire >

Nakahiligan ko nang dumaan sa lumang kapilya galing sa trabaho ko bilang Cashier sa isang fast food chain.

I did it para magdasal, bisitahin si Sister Ema at ang paglagay ko ng bulaklak sa isang flolera.

Bago ako dumiretso sa kapilya dinadaanan ko muna yung isang matanda na nagbebenta ng ilang bulaklak.

"Kauwi mo lang Iha?."

"Opo... pabili po ako ng tatlong tangkay ng puting rosas".

"Sige pili ka."

Kumuha ako ng tatlo... binayaran at nagpaalam.

Papasok na sana ako ng kapilya ng mapansin ko ang sang sasakyan... na parang ngayon lang naligaw sa lugar namin.

Bumukas yung bintana...

Isang lalaking nakasandal ang ulo sa manibela ang nakita ko.

Problemado yata...

naalala ko tuloy iyong nangyari sa akin... at nangyayari pa ngayon sa akin.

Napadpad ako sa harapan ng kapilyang ito.

Umiiyak ako dahil parang wala na akong maaninag na pag-asa sa buhay ko...

Maulan noon.

Mismo sa may sidewalk ako naupo na parang baliw kaharap ang simbahan.

Ang dami kong problema..at sa awa ni God nabibilang ko pa.

Paralizado ang aking ama.

Tatlo kaming magkakapatid...ay apat na pala.

Si ate nadine... anak ng stepmom ko...

Oo may stepmom ako...

Siya yung pinakamatanda sa amin na may anak na isa si Lilibeth.. iniwan ng asawa at humawak sa saya ng ina niya para mabuhay which is kargo pa ng aking ama noong di pa parilizado ang aking ama.

Si Kuya Dexter..tunay kong kapatid sa ama at ina... kaya lang isang tambay...at dinig ko sa sabi-sabi isang rugby Gang.

Si Amy ..ang anak ni tatay kay Stepmother. Ayon pinag-aaral iba naman ang inaatupag...barkada at kung umuwi malalim na ang gabi.

Si tatay lang ang nagtatrabaho non bilang Porman sa isang construction agency.

Nag-aaral pa nga ako eh.

kaya nga lang...nang maparalitiko... nanlumo ako ng husto... kailangan ko tumigil sa pag-aaral ko.

Kaya heto ako ngayon... basang -basa sa ulan. Di ko alam kung anong kinabukasan ang naghihintay sa pamilya namin.

Hangang sa di ko na maramdaman yung patak ng ulan.

Nang inangat ko ang aking paningin...

Isang madre na nakangiti...at pinapayungan ako.

" Iha. Hindi makakatulong ang ginagawa mo... magkakasakit ka niyan. Kung may problema ka ...halika sa loob nang mapag-usapan natin yan."

Yun si Sister Ema. Napakapositibo niyang Madre.... at malaki ang naitulong ng paalala niya sa akin... lalo na kung bakit hangang ngayon nakakayanan ko pa ang mga palalang problema sa loob ng aking pamilya.

At ngayon... napangiti ako.

Oras ko na rin siguro magpalakas ng loob ng iba... para ipagpatuloy niya ang kanyang buhay. Unti-unti akong lumapit...nang...

bigla ako madulas..

"Aray"

aww...sakit sa puwit...

Meet Claire Masadra. ???

International_Pencreators' thoughts
次の章へ