webnovel

Chapter 23

I was wondering if Ximi made fun of me. To think Moffet told me he hadn't talked to him yet.

I decided to go down and find that man. Hindi para makipag-away but to clarify things out. At nang nakalapag ako sa first floor ay nakita ko si Manang Isabela.

"Si Ximi po?" Tanong ko sa kanya na halos katatapos lang magligpit ng pinagkainan namin.

"Nasa kwarto na niya, Lulu. May problema ba?"

"Wala naman po," tipid kong sagot at umalis sa harap niya.

Tinahak ko ang daan papunta sa kwarto ni Ximi. He's probably laughing his ass out dahil baka nabanggit na rin ni Moffet iyon sa kanya.

"Ximi?" Tawag ko sabay katok ng dalawang beses sa pinto. I tried to twist the knob but I failed. Sarado ito sa loob. "Ximi?"

Kalma, Luca. 'Di ka pumunta rito para makipag-away o gumulo ng gabi niya.

"Xim-" bumukas ang pinto kaya 'di ko nabuo ang pangalan niya. Ang namumungay niyang mata ang sumalubong sa akin.

"Why?" Kalmado niyang tanong, staring into my eyes. I stepped back and gulped once.

"W-Wala," I whirled around and was about to walk away nang pinigilan niya kaagad ako. He held my hand and I felt a weak electricity running into my nerves.

Malambot ang kanyang kamay pero may kakaunting gaspang. Dahil na rin siguro iyon sa pagwowork out niya o simply because of the errands.

"Luca," he mentioned. My heart skipped a beat upon hearing my name. His voice was like a lost soul looking for a home.

Napalunok muli ako. 'Di ko alam bakit parang kinakabahan ako. 'Di naman ako tumakbo ng ilang milya pero nanghihina 'yong tuhod ko.

I faced him once again. His eyes were now pleading, screaming for help. I can't help but adore them.

"May problema ba?" He asked softly. Umiling naman ako. "Can't sleep? Wanna go out?"

He slid down his hand to mine and gently squeezed it. Kakaibang sensasyon ang hatid nito sa akin.

"A-Anong oras na, Ximi." I stammered. I looked away dahil 'di ko kayang makipagtitigan sa kanya.

"Luca," his husky voice was heaven. "Look at me." He held my chin and tried to catch my eyes. Tinignan ko siya saglit saka nag-iwas muli.

"A-Ano," kumalas ako, stepping back. "I forgot what's my business here."

Ipagpaliban ko nalang iyong nangyari. Gusto ko nalang matulog o umalis sa harap niya dahil 'di na talaga ako makahinga.

He sighed, parang nahirapan sa sitwasyon.

"You better sleep now, Luca. Pupunta pa tayo ng Bukidnon bukas. Also, pack your things up."

"Why?" Pinagsalubungan ko siya ng kilay. Ganoon din ang ginawa niya. "I didn't get you."

"Prepare everything you needed. We'll stay in Bukidnon for a week. What do you expect?"

"Wait," I pondered. Saan nga ba ulit ang Bukidnon? "'Di ba ang Bukidnon sa Mindanao?"

"Yeah."

Napakurap-kurap ako. I forgot! 'Di na kasi ako nakapunta sa Bukidnon and I rarely thought about that place. I remember malapit lang iyon sa Cagayan de Oro.

"Come on, Luca." Humalakhak siya na parang nakakatawa talaga ako.

I was still bubbled to punch his face. Lilipad kami bukas! Nawala sa isip ko iyon!

"Now, I'm asking you once again. Are you sure of your decision?"

Mataman ko siyang tinignan sa mata. Alam kong nag-aalinlangan siya sa akin. Siyempre 'di ko naman interes ito at pabigla bigla lang kung magdesisyon. Saka siguro dahil na rin sa reaksyon ko ngayon.

I smiled at him. Disido na ako. I wanted to explore. I wanted more. I wanted new challenges, new environment.

"Basta kasama kita, Ximi. Tutulungan mo naman ako, 'di ba?"

"Of course," he chuckled softly. I was caught off guard when he tucked my loose hair behind my ears. "Now, go to sleep, angry bird." He grinned. Sumimangot lang ako sa kanya.

Kagaya ng sabi niya ay umakyat na ako pero 'di para matulog. I packed all my things para sa pag-stay namin sa Bukidnon. Mas lalo akong naexcite to think that Bukidnon was a beautiful place.

Smiling, I took a deep breath. Nalulunod sa alon ng emosyon ang puso ko. I was excited, I was sure of that. 'Di na ako makapaghintay pa. At baka makita ko rin doon si Isha! Namiss ko ang bruhang iyon.

Kinabukasan ay tinanghali na naman akong nagising. I checked my phone and found out I missed some of Moffet's messages. Kagabi pa iyon pero 'di ko nabasa. 'Di ko na kasi inusisa ang phone nang humiga na ako sa kama. Diretso kaagad ang tulog ko. At saka excited ako masyado sa pagbalik sa Bukidnon.

Moffet:

Busy?

Gotta sleep, Luca. Goodnight :)

Good morning :) eat your breakfast.

Guilt bothered me so much. Natulugan ko pala si Moffet kagabi. Ano ba naman 'yan, Luca? Bakit naman pabaya ka?

I replied to his messages. Nakakahiya talaga! Masyado ata akong pa-VIP.

Ako:

Goodmorning! Sorry, I left my phone unattented. I was tired and needed some rest.

Pagkatapos kong isend iyon ay bumaba na ako. Nakaligo na rin naman ako at nakapagbihis ng panlakad. I wore a white v neck top at katerno niyang white denim shorts, long beige cardigan and beige sandals.

Ngayon ang punta namin sa Bukidnom to visit the pineapple plantation owned by Del Monte clans. Aminado akong kinakabahan at excited at the same time. Who wouldn't? It's my very first time to handle a business na malakihan.

"Goodmorning!" Bati ko the moment I arrived in the kitchen. Nandoon ang dalawang matanda at maging si Ximi.

"Kain ka na, apo." Lolo invited. Ngumiti naman ako at tumango.

"Goodmorning, Ximi." Bati ko sa lalaking nakawhite polo lang at itim na jacket. 'Di ko alam kung anong suot niya sa baba but I guessed it's a jeans.

"Goodmorning, Luca." He greeted back while smiling. Mukhang good mood ang kumag. "Getting ready?"

"Yeah," I grinned and settled down on my own seat. "Ganyan lang suot mo?"

"I should be the one to ask you that."

Napatingin ako sa suot ko. Wala naman sigurong masama kung ganito ang suot ko?

"Mainit doon, Luca. Your skin might burn."

"Burn agad?" I joked. Natawa ako sa sinabi niya. "I mean, what should I wear?"

"Atleast presentable, apo." Si Lola Rita ang sumagot kaya bumaling ako sa kanya. "Ximi's right. Mainit doon at baka mamula ka o mangitim."

I pondered a bit. 'Di pa naman sanay sa init ang balat ko. Should I change my clothes?

"Atleast a formal suit, Luca." Ximi suggested and I turned to him again. "I mean, polo and jeans?"

"Hmm," tumango ako. "Okay. Later I'll change my clothes."

"Good." Kaswal niyang sagot at naglihis ng tingin.

Sinimulan ko ng kumain nang wala na akong maisagot pa. Siguro tama lang na magbihis ako ng ibang damit kung para rin lang naman sa akin iyon.

"What are your plans ba, Lo?" Tanong ko sa matanda.

Napag-usapan namin ang tungkol sa plantation. Although hindi talaga pagmamay-ari iyon ni lolo, somehow he's responsible of it. Mahaba na rin ang pinagsamahan nila ni Don Diego at ayaw naman niyang masira iyon. Ayon sa kanya, may parte siya roon kaya kung babagsak iyon, babagsak silang lahat.

"Haven't yet, apo." Simple niyang sagot. "I want to know kung magugustuhan mo iyon so I would lay down my plans."

"Like what?" Agap ko.

"Like you, running the business with the help of Ximi. Ximi's also involved here."

Napabaling ako kay Ximi na tahimik lang nakikinig sa amin. 'Di ko mabasa ang iniisip niya. 'Di ko matantiya ang reaksyon sa mukha. Basta ay parang may kirot iyon sa dibdib.

"Bakit hindi si Ximi ang nagpapatakbo ng negosyo gayong isa siyang Del Monte? I know Ximi is responsible enough. He won't fail us."

'Di sila sumagot, 'di ko alam. Basta may nasesense akong may sinabi akong mali. 'Di ko lang alam kung ano iyon.

"It's still Don Diego's decision, apo." Si Lola Rita na ang sumagot. Mukhang walang balak sumagot ang asawa niya. "Maybe he needs more. At some point, Ximi isn't potentially able."

Tumango ako. Tama si Lola Rita. Baka nga sa ibang banda ay 'di magaling at mapagkakatiwalaan si Ximi.

Pagkatapos naming kumain ay nag-ayos ako ng sarili. I brushed my teeth and went back to my room to change my clothes. Sinuot ko ay plain white shirt, midnight blue jeans at flat shoes. Mas komportable ako sa suot ko ngayon.

I applied sunblock on my skin, particularly on my face. I also put some lip and cheek tint. Afterwards, I fixed my hair and sprayed perfume. Nang ayos na ako ay bumaba na ako. I was quite sure Ximi was waiting already.

Pagdating ko sa sala ay nandoon ang mag-asawa. 'Di ko alam kung nasaan 'yong isa dahil wala naman dito.

"Ximi's waiting for you outside, Luca." Si lola, napansin niya sigurong may hinahanap ako. "Where are your things?"

"Ah, eh." Napakamot ako sa ulo. "'Di ko pa napababa, la."

"Call a help from manong." Lolo said. Tumango naman ako kaagad.

Hinanap ko si manong drayber para magpatulong sa kanya na ibaba ang maleta ko. Kahit ako na ang magpapagulong ng iyon palabas ng bahay.

"Manong," tawag ko sa drayber na ngayo'y nagdidilig ng halaman.

"Yes po?" He turned off the faucet and ran towards me.

"Pakibaba nalang po ng maleta ko, manong. Nasa kwarto ko pa. Ang bigat kasi."

Malaking maleta ang dinala ko just in case. Isang linggo umano kami roon. 'Di ko alam kung plano iyon ni Ximi o ni lolo. Nevertheless, mas mahalaga sa akin ay makakabisita ulit ako sa Bukidnon.

"Sige, ma'am." Magalang niyang tugon. Tinanguan ko naman siya.

Pumasok ulit kami sa loob. Si manong ay umakyat samantalang ako ay pinuntahan ang dalawang matanda.

"Be careful doon, Luca." Lola Rita said and stood up. Tumayo na rin si lolo.

"Yes, la. Saka, kasama ko naman si Ximi kaya walang problema."

"Ximi will tour you to the whole plantation, apo." Si lolo kaya bumaling ako sa kanya. "If you need something, you can just ask him."

"Opo. But I will also do my own research, lo. Baka kasi mainis siya sa akin kung tanong ako ng tanong."

"Don't worry about that, apo." Si lola nang nakangiti. "Ximi has a long temperance."

Okay. Ako kasi maiksi lang pasensya ko kaya siguro lagi akong nakikipag-away sa lalaking iyon.

"Basta, don't forget to call us kapag nakarating na kayo roon." Si lolo.

"Opo." I nodded. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang hinawakan ni lola ang braso ko. I got confused.

"Take care, apo. And I assure you, you will love that place."

I smiled at them. "Okay, la. Bye po... Bye, lo." I kissed their cheeks and left.

It was a bitter-sweet feeling while walking away. Naalala ko 'yong panahong I decided to move to my own place. Ngayon ay naramdaman ko na naman iyon.

Pagkalabas ko ng bahay ay siyang pagpasok ni manong drayber. 'Di ko napansin ang pagdaan niya kanina para ilabas ang maleta ko.

"Ingat kayo roon, ma'am." Sabi niya. May halong pait ang ngiti sa mukha. "Mukha namang mapagkakatiwalaan si Sir Ximi kaya naniniwala akong 'di ka niya pababayaan."

"Salamat po, manong. Actually mabait naman talaga siya."

May side siyang mabuti. Nasaksihan ko 'yon one time. Hindi lang pala ang pagiging arogante ang alam niya sa buhay.

"Oo naman." Manong strongly agreed. "Mabait 'yan si sir."

"Sige po. Alis na po kami." I waved at him and he waved back.

Habang binabaybay ko ang daan palabas ng gate ay 'di ko maiwasang mag-isip.

Speaking of Ximi, okay na naman kami ng lalaking iyon. Siguro may oras lang talaga na nakakainis siya at okay siyang kasama. At kagaya nga ng sabi ko, mabait siya kahit papaano.

From here, I saw Ximi leaning on the car's face. He was typing something on his phone, probably texting Patricia. Kailan ba ang huli nilang pagkikita? Kahapon kaya while I was gone? Pero bakit pag-uwi ko ay nandoon siya at kasama pa si lola?

I locked the gate the moment I stepped outside from my comfort zone. This is it. Totoo na talaga 'to.

"Hi!" He greeted when he noticed my presence. Ipinasok niya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bulsa.

He scanned my whole body, probably searching for something to comment on. Nang wala siyang nahanap na butas ay ngumiti siya.

"It looks good on you." He complimented and I felt a warm sensation in my cheeks. "You look comfortable, don't you?"

"Yeah," tipid akong ngumiti. There I was again, I found myself fluttered. "Tara na?"

"Alright," tumayo siya nang maayos at umikot. Akala ko saan siya pupunta, sa pinto ko pala para buksan iyon.

"Thanks." I said.

"Nasa likod na ang mga gamit natin. Wala ka na bang naiwan?"

"Hmm," nag-isip ako kung may naiwan ba akong gamit. Nang wala ay umiling ako. "Good."

He locked my door and turned around. He opened his and slid down and locked it again.

"You're in a good mood." Komento ko. Kanina ko pa napapansin ang ngiti sa labi niya. "Okay na talaga kayo ni Patricia?"

"We're good." He nodded frequently. "It was just a misunderstanding."

"'Di naman siguro bago iyon." Komento ko. "'Di puwedeng mawawala ang away sa isang relasyon."

Herana told me na minsan maganda ang away sa isang relasyon dahil mas tumitibay ang pundasyon ninyong dalawa. Unless isa lang ang lumalaban, isa lang ang gustong ayusin ang away. Ibang usapan na iyon.

"Yeah... but you know what? It seemed like you know everything about love."

"I don't." Umiling ako. "'Di ko pa nga nararanasan iyan, eh. Si Herana kasi ang hilig mamigay ng words of wisdom niya."

"Ah," he chuckled. Ngayon ko lang napansin na 'di pa niya pinapaandar ang kotse. "You must be lucky to have Herana."

"Sinabi mo pa." I smirked. "She's a good friend... and like a sister to me."

"I see... maganda naman ang impluwensya niya sa'yo. You have a friend, a sister and a mother." He grinned.

"True," I nodded.

次の章へ