webnovel

Chapter 13

Kinaumagahan ay gumising pa rin ako nang maaga kahit anong oras na ako nakatulog. I was having a friendly talk with Ximi until midnight. Siya ang unang nagyaya na matulog na. Aniya'y maaga rin siyang gigising.

I wore a white long sleeve polo shirt and black pencil cut skirt, paired in beige flat shoes. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Nakaramdam na ako ng gutom.

"Goodmorning!" Bati ko sa matatanda nang nakangiti.

"Goodmorning, apo." Nakangiting bati pabalik ni lola. Si lolo ay tumango lang bilang bati. "Kumain ka na para sabay na kayo ni Ximi umalis."

"Ho?" Nagulat ako sa sinabi niya, nanibago dahil 'di pa nakaalis si Ximi.

Umupo ako sa tabi ni lolo while lola followed me with her eyes. Kumuha ako ng tinapay ay binuksan ang ube jam.

"Naliligo pa si Ximi, probably malapit na 'yon matapos." Dugtong ni lola.

"'Di siya maaga ngayon?"

Baka off niya ngayon or 'di lang talaga maaga since it's just Aubriene's debut. Mamayang six o'clock pa naman mag-uumpisa.

"Nag-off tutal birthday ni Abi."

"Ah," tumango ako. Hawak ko pa rin ang tinapay. "Good for him. Minsan lang naman magbirthday si Aubriene."

Nagpatuloy ako sa pagkain. I was actually waiting for Ximi to show up with his bright smiles. 'Di ko lang pinapahalata na palinga linga ang mata ko sa bawat sulok ng bahay.

Limang minuto ang lumipas at may narinig akong bumukas na pinto. Kaagad akong napatingin sa gawing iyon at nakita ko kaagad si Ximi na nakatingin na rin pala sa akin.

He's so damn sexy in his pastel pink polo shirt na nakabukas ang dalawang butones, black jeans and white shoes. Ang kanyang buhok ay nakahati sa left side.

"Goodmorning, Luca." He greeted between his toothy smiles. Para bang may liwanag sa likod niya nang ngumiti siya.

"Goodmorning, Ximi. Come and join us." I smiled.

"Kumain ka na, apo." Si Lola Rita. "Sabay na kayo ni Luca sa venue."

"Baka may gagawin pa po siyang iba, la." Sabi ko, pero ang totoo ay gusto ko siyang makasabay sa kotse. Makakatipid pa ako sa pamasahe.

"I got nothing to do, Luca." Ximi answered and sat down beside lola. "Nag-off naman ako for Abi."

"Supportive, eh?" I joked and he just grinned.

"Have to," he shrugged.

Tumango lang ako sa sinabi niya at muling pinagpatuloy ang pagkain. Paminsan minsan ay napapatingin ako sa kanya. Minsan nakatingin din siya sa akin pero ngumingiti lang ako saka mag-iwas ng tingin.

It's past six in the morning when we both decided to drive off. Nakapag-ayos na kami pareho at handa na lahat ng kailangang gamit. Isa pa, wala naman akong ibang gagawin doon kung 'di ang tutulong sa paghahanda ng mga pagkain. It was the least thing I could do.

"You look presentable," bigla niyang sabi. Napalingon ako sa kanya na nakatingin lang sa daan habang nagmamaneho.

"Okay ba?" I laughed silently.

"Yup. Mas bagay sa'yo."

"Bolero ka rin, ano?" Umirap ako pero tumawa rin sa huli.

"I ain't. I usually compliment woman who I think looks decent."

"Ah, ganoon?" Ngumiwi ako. "Eh, ilang beses ka na bang napupuri ng mga babae sa suot mo?"

"Hindi ko na mabilang." Kaswal pero may himig ng kayabangan ang boses niya.

"Proud ka pa talaga,"

He glanced at me and smiled before he turned to the road again. His eyes were telling me something I don't understand. It was like a puzzle I needed to assemble.

"Been there. Minsan nakakasawa. Gigising ng gwapo, matutulog ding guwapo." He said then bursted into a laugh.

"Wow talaga," hinampas ko siya sa braso. "Dapat talaga bigyan kang title, eh."

"Eh?" He made a face.

"You're the most arrogant person I've ever met." I commented. "But somehow, may sense naman minsan ang sinasabi mo."

"So you do believe na guwapo talaga ako?" Tumawa siya.

"Oo naman," tumango ako, facing the road. "And honestly, masaya kang kausap. In other words, masarap kang kasama."

He turned silent kaya napabaling ako sa kanya. He looked at me with so many messages in his eyes. Nagtagal ang titigan namin hanggang sa una siyang umiwas ng tingin.

"I don't know you're good in playing lies." Aniya, seryoso. Ang mata'y mariing nakatingin sa kalsada.

"Oh?" Pinagsalubungan ko siya ng kilay. "May sinabi ba akong mali?"

"Hay," bulalas niya at umiling. Tantiya ko'y dismayado. "You're so innocent, Luca."

I gulped once. 'Di ko na maintindihan ang sinasabi niya. May sinabi ba akong mali? 'Di naman niya ako sinagot.

'Di na siya nagsalita pagkatapos noon. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya. I wanted to ask him anything that kept on bothering me pero minabuti ko nalang na tumahimik. Mukha naman siyang 'di interesado.

He suddenly parked the car outside of a store. He unbuckled his seatbelt then turned to me.

"Aren't you hungry?" He asked. Napakurap kurap ako dahil doon. Bumaling ako sa labas at napagtantong nasa convenience store kami.

Nilingon ko ulit siya. "I'm not. Bakit, ikaw ba?"

"I am."

Kung sabagay, tinapay lang naman ang kinain niya kanina. Saka umaga ngayon, dapat talaga maraming kinakain para handa sa trabaho.

"What do you want to eat?" I asked and turned outside the car.

"You." Agap niya.

"Me?" Gulat akong bumaling sa kanya. Bigla akong dinalaw ng kaba. 'Di ko alam kung para saan iyon.

"What about you?" He casually asked.

"Ahh," tumango ako. Akala ko ano na. Para bang nabunutan ako ng tinik. "I'm  not hungry but you can buy me donuts. What do you think?"

"Okay," he nodded and smiled. "I'll have donuts, too. What flavor do you like?"

"Caramel, please."

"Same,"

Siningkitan ko siya ng mata. He was dry and cold. 'Di ko alam bakit nag-iba timpla ng boses niya.

Lumabas siya at nanatili naman ako sa loob ng kotse. I was watching him walking away when my phone rang. I fumbled it inside my pocket and checked it if who was calling. Si Herana pala.

"Hey!" Bati ko sa kabilang linya nang sinagot ko ang tawag niya.

"You won't believe what I saw today!" Excited niyang bungad. Para bang nanalo sa lotto.

"Eh? What?"

I checked outside the car kung nasaan na si Ximi. Good thing nasa loob pa siya, currently looking for caramel flavor donuts.

"Moffet's here!" Anunsyo niya. Lumawak kaagad ang mata ko sa surpresa.

"You're kidding, aren't you?"

My heart palpitated. I was running out of words to say.

"Duh! Tatawag ba ako just to feed you lies, Luca?"

I can imagine her rolling her eyes. Sa tinagal tagal ng pagkakaibigan namin, kabisado ko na facial expressions niya while talking.

"Seryoso! Kung gusto mo, mag-hi siya sa'yo?"

"Hoy, baliw!" Agap ko. Mas lalo akong kinabahan. Para akong natutulog na mantika na nilagay sa mainit na kawali. "'Wag na. Istorbo ka pa."

"Baliw ka rin! Simpleng bati lang naman gagawin niya."

"Please, don't." Mariin akong pumikit. 'Di ko na alam bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. "Nakakahiya, Herana. Alam mo naman kung gaano ako nahuhumaling sa kanya dati, 'di ba?"

"Fine," suko niya. "Saan ka ba ngayon?"

"'Di ko alam," I glanced outside at nakita si Ximi na naglalakad na palabas ng tindahan.

"What 'di mo alam? Ikaw, Luca, ha?"

"Relax, kasama ko si Ximi ngayon."

"Naku sinasabi ko sa'yo, Luca!" Agap niya. "May gusto 'yan sa'yo pero 'di niya lang pinapahalata."

"That's too impossible, Herana." I insisted. "May nililigawan 'yong tao."

"Bakit? Porket ba may nililigawan siya ngayon, 'di na puwedeng magkagusto sa iba?"

I remained silent. Ang hirap makipagbangayan sa mga taong maraming alam pagdating sa pag-ibig. From all the heartbreaks she's been through, maybe she has learned so many things about love. 'Di ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay sumusugal pa rin siya kahit alam niyang talo pa rin siya sa huli. Isn't it a waste of life to love someone who can't love you back? Or maybe she's used to the pain and became dependent on it?

"Luca, boys are boys. Sabi ko nga sa'yo, they won't chase you for nothing. Para 'yan silang namimingwit ng isda sa dagat. Kung bakit pa kasi 'di nalang naging mangingisda kung ganoon lang din ang sistema?"

I laughed softly. I don't know if it was a joke or she was really serious.

"Look, Luca." She added. Sakto namang bumukas ang pinto ng drayber. "Mas mabuti pang lubayan mo na 'yan. Wala ka pa namang alam pagdating sa ganyan. Baka iyak ka sa huli."

I glanced at Ximi na ngayo'y kuryosong nakatingin sa akin.

"Why?" He asked saka umupo sa kanyang upuan.

"Siya na ba 'yan?" Narinig ko si Herana.

"I have to go na. See you later." Sabi ko at dali daling pinatay ang tawag. Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

"A friend of yours?" He casually asked habang binubuhay ang sasakyan.

"Herana," I simply said.

"Here," inabot niya sa akin ang supot ng donut. It was DD, my favorite.

"Thank you!" Kinuha ko ang supot. Nagutom ako bigla. "Marami 'to, ah?"

"I told you I'm hungry."

Ngumuso ako. Dry na naman niyang sumagot.

Umandar na ang sasakyan niya. He looked back tapos sa harap muli.

"Ano bang gagawin mo ngayon?" Tanong niya bigla.

"Aside from work, wala na." Kibit-balikat ko.

"You sure? I'll take you home, then?"

"No need," umiling ako. "Baka anong oras na ako makakauwi. I don't want you to wait."

"Lolo told me to fetch you. So no need to worry."

"Atleast rest, Ximi." Tutol ko. Hindi ba nakakahiya iyon dahil nakakaabala ako? Saka, bakit ba mapilit ang taong 'to?

"Luca," mariin niyang tawag sa akin. Bumuntong hininga naman ako.

"Okay," suko ko. "I can't win against you."

"Sounds good," he said in his baritone voice.

Tumulak na kami papunta sa venue, sa Tagaytay. Iyon ang napagkasunduan na puntahan namin. Two hours ang biyahe, depende sa daloy ng trapik.

"Did you invite all your friends?" Tanong ko sa kanya.

Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe, almost in EDSA.

"Yes, since they know Abi."

"Ah," I nodded. "Who are they?"

He glanced at me then turned to the road again.

"Mostly boys. I don't know if they'll bring their girls."

"Puwede naman siguro iyon."

"That's why I want to change the draft of your invitation cards."

"Ohh," was the only line I can say. Ngayon ko lang nalaman iyon. Kung sana ay sinabi niya sa akin ang dahilan, baka 'di ako naging marahas sa kanya.

"If that's the case, why did you have to be harsh on me?"

Can't he be gentle? O sadyang ganoon na siya?

"I wasn't," he reprimanded. "You just don't know how to handle a client."

"I've met different clients, sir. 'Yong iyo, 'di naman makatarungan!"

Kahit ano pa ang sasabihin niya, mali pa rin 'yong naging trato niya sa akin! He was insulting me! Almost staining my reputation!

"Then I guess you should know by now that not all people are good to you, Luca. Sometimes, when they are, they just want benefits from you. They will make you as their friend so they'll get to their real intention."

"Why are you saying this to me?"

Hindi ko nasubaybayan kung paano kami napunta sa ganitong usapan. I just asked him if he invited his friends at napunta sa invitation card then to this.

"Just in case you didn't know, Luca. You're too naive and easy to get."

"Look who's talking here?" I snapped. "You sound insulting me again!"

Humalukipkip ako at sumandal sa upuan. Naiinis na naman ako sa lalaking ito!

"I was just asking you kung sino sino ang inimbitahan mo, kung ano ano na pinagsasabi mo diyan!" I whined.

He breathed in. "Moffet's gonna be there, so as Ethan. Do you know them?"

I bit my lower lip. Nanghina ata ako sa sinabi niya. Hindi nga nagsisinungaling sa akin si Herana. Dadalo nga talaga si Moffet!

"O-Of course," garalgal kong sagot. Sa gilid ng mata ko'y nakita ko ang paglingon niya sa akin. "Who wouldn't know them?" I turned to him.

"'Di ba naging schoolmate mo silang dalawa?"

"Yes," I nodded.

"But I don't know if they know you."

"Ethan was my classmate. Probably kilala niya ako."

"Really?" He turned to me. "Hindi naman niya nababanggit na may kilala siyang Luca."

"Maybe because he doesn't know me at all." I joked, but it didn't sound like it was supposed to. "Sino ba naman ang magkakainteres sa akin? Sometimes I don't even like myself."

Hindi siya sumagot, 'di ko rin naman hinihingi ang panig niya. At mabuti na rin na hindi na siya nagsalita pa.

We took the route to SLEX, palabas papuntang Calamba. May kalayuan pa kami sa venue pero kaya pa naman sa oras. Hapon naman magsisimula ang selebrasyon.

"'Di ka ba nagugutom?" Bigla niyang tanong. Napalingon ako sa kanya nang wala sa oras.

"Nagugutom ka na naman ba?" Tumawa ako. Si Ximi ba talaga 'tong kasama ko ngayon?

"Oo," he grinned. Bumungisngis naman ako.

"My baby's hungry." I laughed. "Saan mo ba gustong kumain?"

"We can stop by to the nearest restaurant." He suggested.

"Sige, if that's what you want."

"Sounds better," he said and turned left. Baka roon ang tinutukoy niyang pinakamalapit na restaurant.

次の章へ