webnovel

Chapter 7

Pagkatapos kong magligpit ng mga gamit ay nagpaalam ako sa mga katrabaho ko na uuwi na ako. Bakas pa rin sa mga mata nila ang kilig para kay Patricia. Masaya na rin akong masaya sila. Siguro ganyan talaga ang pag-ibig. Nakakabaliw, nakakakaba, nakakakilig. Basta ako, hangga't may trabaho ako, ayos na sa akin ang mag-isa. Pero kung tutuusin, 'di naman ako ganoon kalungkot. Andyan pa rin naman sina lola at mga pinsan ko.

Bago ako nag-abang ng taxi ay pumunta muna ako sa isang convenience store para bumili ng mainom at makain. Tumambay muna ako sa loob para makapagmuni-muni.

Huminga ako nang malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili. It's been a long and tiring day for me. Although hindi na bago ang pagod, ngayon ko lang naramdaman na may mali sa akin. At 'yon ay 'di ko alam kung ano.

Pumalumbaba ako at napag-isipang tawagan si Morthena. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

I dialed Morthena's number. Saglit na nag-ring ang kabilang linya bago niya sinagot ang tawag.

"Hi, Luca!" Maligaya niyang bati mula sa kabilang linya. "Napatawag ka yata, insan?"

"Mangangamusta lang." Sagot ko at mahinang tumawa. "Busy ka ba?"

"Ahm... hindi naman. Ikaw ba? Saan ka ngayon?"

"Nasa isang convenience store. Pauwi na ako."

"Great! May pasok ka ba bukas?"

"Hmm," tumunganga ako sa mesa. "Wala naman. Ikaw?"

"Meron pero magha-half day lang siguro ako."

"Okay. May lakad ka ba bukas?"

"Ah... yeah?"

Pilit akong ngumiti. Nakaramdam ako bigla ng lungkot at pagkukulang sa sarili.

"Bebe mo?" Kutya ko.

"Yes,"

"Okay. Ingat kayo. Kina Lola Rita muna ako uuwi ngayon."

"Weh?! Bakit?"

Bakit nga ba, Luca?

"Wala lang. Namiss ko lang 'yong matanda."

"Sabagay. Isang buwan ka nang 'di nagpapakita sa kanila."

"Yeah... oh sige na. Uuwi na ako."

"Okay! Ingat ka pag-uwi mo ha?"

"Sige. Thanks."

Huminga ako nang malalim bago pinatay ang tawag. I looked outside the store and saw a busy street. Parang gusto kong magpinta ngayon pero wala naman ako sa mood. Baka bukas nalang.

Inubos ko muna ang pagkain bago ako tumulak pauwi. Nag-taxi lang ako at kagaya ng nakasanayan, nag-iisang pasahero lang ako.

"Para po." Sabi ko nang dumating kami sa labasan ng bahay ni Lola Rita. "Bayad po, manong."

Inabot ko sa kanya ang pamasahe ko. Sakto na 'yon at walang sukli kaya naman lumabas kaagad ako. And the moment I stepped outside, the cold wind whispered against my ear. It's been a month since the last time I came here. Nakakamiss pala.

Umalis na ang taxi at naiwan ako sa tapat ng bahay ni Lola Rita. May malaking gate na gawa sa bakal. May doorbell sa gilid at pinindot ko iyon. It took few seconds bago bumukas ang maliit na gate.

"Lulu!" Bati sa akin ni Manang Isabela, ang mayordoma ng bahay.

"Hello po." Nakangiti kong bati. Nag-uumapaw sa galak ang aking puso. May kung anong nabuo dito.

"Buti at napadalaw ka!" Nagagalak niyang sabi. "Pasok ka dali."

Pumasok kami sa loob. Dinala niya ang laptop ko at nagpatuloy naman ako sa paglalakad. She locked the gate before she followed me.

"Naku, hija. Isang buwan ka ng 'di dumadalaw dito." Aniya, halatang excited.

"Kaya nga po eh." Tumawa ako nang mahina. "Si Lola Rita po andyan?"

"Ay, oo. Naku matutuwa iyon kapag makita ka. Lagi ka niyang hinahanap dito."

"Talaga po?" I smiled in awe.

Lola Rita's been the best grandmother. Bago ako bumukod sa kanila, siya ang naging pangalawang ina ko. Binibigay niya ang lahat ng pangangailangan ko. At sabi niya, ako ang pinakapaborito niyang apo sa lahat.

"Dito ka na ba matutulog? Ihahanda ko ang kwarto mo."

"Opo, manang. Dito na muna ako."

"Muna? Magtatagal ka rito?"

Huminto ako sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng pinto. Kanina ko pa pinag-isipan kung dito muna ako kina Lola Rita o hanggang bukas lang. Sa huli, napagdesisyunan kong dumito muna. Gusto kong alagaan si lola.

"Opo. Pero 'di ko alam hanggang kailan."

"Ayos 'yan, hija!" Masaya niyang deklara. "Malungkot ang bahay kapag wala ka."

Ngumiti lang ako sa kanya. 'Di nagtagal ay pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Madame, nandito po si Luca." Anunsyo ni manang na nasa taas ngayon.

"Where? Where?" Halatang nagpanic si lola. Tumawa naman ako nang mahina.

"Lola!" Masaya kong bati. Tumakbo ako pataas para salubungin siya ng yakap.

"Apo!" Masaya niya ring tawag sakin. Niyakap ko siya nang mahigpit. Namiss ko si lola. "Is this really you, apo?"

Natawa ako sa tanong na iyon. Kumalas ako mula sa kanya at hinagkan siya sa pisngi.

"Of course, lola! I'm your pinakapaboritong apo." I grinned at her. Pinagmasdan naman niya ako mula ulo hanggang paa.

"You changed a bit." Komento niya. "Teka, kumain ka na ba?"

"Yes, la. Kumain ako ng tinapay."

"Tinapay lang? Let's eat later kapag dadating na ang lolo mo."

"Ay oo nga pala, la. Nasaan ba si lolo?"

"May lakad. May inasikaso lang na papeles. Parating na rin iyon."

"Okay, la. Magbibihis muna ako, okay?"

"Sige lang, apo." Lola smiled at me. Namiss ko iyon.

I took a quick shower at nagbihis ng damit pantulog. Binalutan ko ng tuwalya ang buhok ko habang naglolotion. Pagkatapos ay tinanggal ko rin ito para magsuklay.

I stared at my own reflection. I have a hooded light brown eyes, high cheek bones and heart-shaped lips. Maraming nagsasabi na kamukhang kamukha ko ang tatay ko. Sabi rin nila na mana sa papa ang mga panganay na anak na babae. Eh nag-iisang anak lang naman ako.

Huminga ako nang malalim. Namimiss ko na sina mama at papa. Siguro hindi ganito ang mararamdaman ko ngayon kung nandito lang sila sa tabi ko. Would I be happy if ever buhay sila?

May kumatok sa pinto ko kaya nabasag ang pagmumuni ko. Mabagal akong lumingon sa pinto at binalik muli ang atensyon sa sarili.

"Andito na ang lolo mo, Luca." Rinig kong sabi ni manang. Somehow gumaan ang pakiramdam ko. Matutuwa si lolo kapag makita ako.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba. Kaagad akong pumunta sa kusina kung saan nandoon sila kumakain.

"Lolo!" Masigla kong bati kay lolo. Napawi ang siglang iyon nang natamaan ng tingin ko ang isang pamilyar na mukha. Kinunutan ko siya nang noo na ngayo'y nakangisi sa akin.

"Good evening, Luca!" Bati niya. Alam kong may bahid ng pang-iinis iyon.

"What the hell are you doing here, Ximi?" Kunot noo kong tanong.

"Aren't you happy, apo?" Tanong ni lolo. Bumaling ako sa kanya na ngayo'y nakangiti sa akin.

"But, lo..." naglakad ako papunta sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "I didn't know we have a guest here?"

"He's been here for months, apo." Ani lola kaya naagaw niya ang atensyon ko. Umupo ako sa gilid ni lolo na nakaupo sa kabisera. Si lola naman ay sa tapat ko na katabi si Ximi.

"What do you mean by that, la?" Tanong ko. "What is his business here?"

"You ask too much, Luca. Hinay hinay lang, okay?" Si Ximi. Nagpapabida na naman ang kumag.

"May inaasikaso kaming mga papeles." Si lolo ang sumagot. "We're planning to extend our land property for the pineapple plantation."

"Pineapple plantation? What is it all about?"

"You don't know him, apo?" Tanong pabalik ni Lola Rita.

"And why would I, la?" Tinignan ko si Ximi sa matang nandidiri. "He's just an arrogant and annoying bastard."

"Watch your mouth, Luca." Maawtoridad na sabi ni lolo. Sinamaan ko naman ng tingin si Ximi na ngayo'y 'di na nakangiti. May bahid ng lungkot ang kanyang mukha.

Did I say something wrong here?

"He's a Del Monte, apo." Sabi ni lola, dahilan para lingunin ko siya.

"Del Monte?" Pag-uulit ko. "How is he related to Isha?"

"Ahm," si lola. Tinignan ko si lolo na ngayo'y 'di makatingin sa akin.

Ano ba ang nangyayari?

"Let's eat, Luca, apo." Si lola, halatang ayaw niyang pag-usapan namin ang bagay na ito. Hindi na rin ako umimik pa. Sumulyap ako kay Ximi na ngayo'y nakatingin lang sa plato niya. Umirap nalang ako.

While eating, nakikinig lang ako sa plano nila lolo at Ximi about sa pagbili ng lupa na malapit sa pineapple plantation. That plantation is owned by Del Monte clan. Ekta-ektaryang lupain iyon na matatagpuan sa Bukidnon.

"Have you found a seller, lo?" Tanong ko kaya huminto sila sa pag-uusap.

"Yes, apo. Kaya inaayos na namin ang titulo."

"Oh," tumango-tango ako. I glanced at Ximi na ngayo'y nakatingin na rin pala sa akin. Nangungusap ang mga mata at halatang may dinaramdam. "That's good to hear, lo. I'm just wondering why Ximi is involved in this matter gayong 'di naman siguro niya hilig ito?"

Tahimik na naman ang tatlo. Mukhang walang balak sumagot. Inisa-isa ko silang tignan. Bakas sa mukha na nag-aalinlangang sumagot.

"Nevermind," sabi ko nalang. "I think I missed every single detail."

Tahimik na naman kaming apat. Habang ganoon, pinaglaruan ko ang pagkain ko. Nawalan ako ng ganang kumain.

"Maybe tomorrow we can finally settle down this thing." Biglang sabi ni lolo.

"Sana nga po, lo." Sagot ni Ximi.

Nakiki-lolo?

"May lakad ulit kayo, lo?" Tanong ko. 'Di ko mapigilan ang sarili kong magtanong. Ang daming bagay ang naglalaro sa isip ko.

"Yes, apo. Pirmahan nalang ng mga titulo bukas."

"But I heard Ximi has a date tomorrow. Right, Maximilian?" Tinaasan ko siya ng kilay. "You're going out with Patricia Ablay?"

"Yes, Luca." Ngumisi siya sa akin. Bumalik na ang dating siya.

"You're courting him, apo?" Tanong ni Lola Rita.

"Getting to know each other, lola." Nakangiting sagot ni Ximi. Kita sa mata ang kakaibang kinang.

"That's good to hear, apo. I'm happy for you. I always believe you deserved to be happy."

"Thank, la. But you know I don't rush things."

"Oo naman, apo. I have known you since you were just a kid."

Napatitig ako kay lola at sa kanyang katabi. Nalilito ako sa pinagsasabi ng matanda. Tama ba ang narinig ko? Kilala na niya si Ximi simula noong bata pa siya?

Natapos na ang hapunan namin. Nagpaalam muna akong tatambay sa pool. Habang tumatagal, mas lalong dumarami ang tanong sa isip ko.

Sino ba si Maximilian Abenajo? Bakit isa siyang Del Monte? Kaano-ano niya si Isha na second cousin ko? Kapatid? Pinsan?

Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang palad. Nakakalito. Sino ba ang lalaking iyon? Kung kilala na ni lola si Ximi mula nang bata pa kami, bakit ngayon ko lang siya nakilala? Ni minsan ba 'di siya pumunta rito sa bahay to visit my grandparents?

Tumingala ako sa langit. Ang crescent moon ay matingkad ang ilaw. Marami ring mga bituing animo'y nang-aakit ng mata. I also found the rosary-shape constellation, so as the Orion. Ang pagkakaalam ko'y nasa baba lang nito ang Taurus.

Bumuntong hininga ako. Ang nakabibinging katahimikan ang nagsilbing kumot sa natutulog kong kaluluwa. I found a silent sanctuary under the moon and stars. I wished it won't end. Sana ganito nalang lagi. Payak at payapa.

"Tahimik natin, ah?" Isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan ko. Para bang ibong nagambala ng masamang pangitain.

"What are you doing here, Ximi?" Tanong ko. Naramdaman ko ang pag-upo niya 'di kalayuan mula sa akin.

"Looking for a silent sanctuary?" He replied. Nilingon ko siya na ngayo'y nakatingala sa langit. "Ang ganda ng langit. Feeling ko tuloy hinulog ka nila rito."

I stared at him, confused. Ano ba sinasabi ng lalaking ito?

"What do you mean?" I asked and he chuckled under his breath.

"Wala," natatawa niyang sabi. "'Di ko alam kung manhid ka ba o inosente lang."

"I do have feelings. 'Di ako manhid." Agap ko.

"Hmm," he slowly nodded while pouting. "Not bad."

Naglihis nalang ako ng tingin. Masyadong tahimik para makipag-away sa lalaking ito.

Pareho kaming tahimik. Pareho ring nakababad ang mga paa namin sa pool. Ang crystales na tubig ay nang-uudyok na magtampisaw ako.

"You might wondering why I'm a Del Monte." Bigla niyang sabi, seryoso ang boses kaya naman napalingon ako sa kanya. "My mom's a Del Monte."

"And how are you related to Isha?" Tanong ko.

"I can't tell."

Siningkitan ko siya ng mata. He can't tell? Paano nangyari iyon?

"How come you didn't know? Isha is my second cousin."

Isha's mother is my mom's cousin. May lahing Del Monte pa rin naman kami. And to think this man is also a Del Monte, kaano-ano namin siya?

"I know." Simple niyang sabi at hinarap ako. "Life is too complicated, Luca. Minsan, mas mabuti nang wala kang alam."

Natahimik ako roon at itinuon nalang ang atensyon sa aking paa. I don't know what to say. Siya naman ay bumaling sa harap, halatang ayaw ng mag-usap. May sinabi kaya akong mali?

I looked at him again. Sumasayaw ang kanyang buhok sa hangin. The light coming from the torch struck his face, making him look like a fallen angel.

He has his own shade. I can tell. May lihim siyang ayaw niyang malaman ng nakararami. Kung ano man iyon, I don't think I have the guts to discover it. Baka pagsisisihan ko lang sa huli.

I cleared my own throat at bumaling muli sa kanya. May naalala ako bigla.

"Are you courting Patricia?" Tanong ko. Marahan naman niya akong nilingon.

"Why?" He asked back, holding my eyes.

"W-Wala lang." Nautal ako nang bahagya. "I mean, siya ba 'yong tinutukoy mong babaeng gusto mo?"

He looked down, chuckling. Para bang namangha siya sa tanong ko. 'Di nagtagal ay dumiretso ang kanyang tingin sa harap at sa akin.

"Kind of." Simple niyang sagot at bumaling muli sa harap. "You think she likes me back?"

Bumagsak ang paningin ko sa paa ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Siguro." Sabi ko nalang at sumulyap sa kanya. "Kind of."

Baka gusto rin siya ni Patricia. Baka may pag-asa siya sa dalaga kasi kung paano kiligin si Pat kanina ay puwedeng maging pruweba.

"So you'll be dating with her tomorrow?" Pagkaklaro ko. Although no need to mention na iyon.

"Sort of." Simple niyang sabi sabay mahinang tumawa. Sa inis ko'y tinulak ko siya kaya nalaglag sa pool. Natalsikan din ako. I was about to run away nang nahawakan niya kaagad ang paa ko. I screamed habang siya ay humalakhak. He pulled me down kaya nahulog din ako sa pool.

We both laughed at our own silliness. Tinalsikan ko siya ng tubig kaya lumayo siya sa akin. Saglit lang iyon when he swam towards me. Napalunok ako nang ilang inches nalang ang agwat namin sa isa't isa. The awkward ambiance made me want to sink beneath the water.

We stared at each other. Ang ilaw na nagmumula sa poste ang nagbibigay depina sa maaliwalas niyang mukha. He's not bad at all. Maganda ang kanyang lahi.

"You know you look good when you smile." Mangha niyang sabi. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Tinulak ko siya at nagmadaling umahon. I heard him chuckled. Nanginig bigla ang kalamnan ko.

What was that feeling?

次の章へ