"Maganda ba ko?" Tinanong ko sarili ko sa salamin,pero buti hindi naman sya sumagot kasi baka basagin ko yung salamin. Hindi joke lang. =)
Pero kidding aside, pano kung yung mga salamin natin ay high-tech narin? Yun bang may sensor tapos biglang yung salamin natin nag emit ng blue light tapos bigla ring may lalabas na sound effects at smoke effect, and then nakita mo sa salamin may laser light na linya na unti unting lumalabas sa gilid, tinuturo ang bawat parte ng katawan natin na merong imperfection.
Kunwari yung muka mo etong letter O. Tapos may nakaturo na linya na ganito < --
O <-- ang laki ng noo mo. (yung linya nakaturo sa noo)
Ang sabi ng salamin with male husky voice "ang laki ng noo mo!"
O kaya naman..
oo <-- ang liit ng boobs mo
( ) <-- ang laki ng tiyan mo
( ) ( ) <-- ang taba ng hita mo
Panu kung ganun, magsasalamin ka pa ba?
Panu kung hindi lang sa salamin ng bahay mo, panu kung nakita mo repleksyon mo sa tinted window ng sasakyan. Tapos yung crush mo yung nasa loob ng sasakyan, tapos may laser light na linya na biglang lumabas sa kilikili mo and then nag emit din ng red light ang window ng sasakyan at may babaeng nagsalita at sinabi na "Warning! My putok yan, hindi pa nagshave. Wag tularan! Wag ligawan!"
Nagring na ang alarm ko. Hudyat na para magising sa katotohanan: Monday na! may pasok ka pa!
Natapos na akong maligo at pinahiran ko ng napakaraming deodorant and kili-kili ko, just in case.
"Ate tissue!" sabi ng nakababata kong kapatid na mas matangkad pa sakin.
Dagdag pa nya "Ang dameng deodorant naman na nilagay mo Ate, signature scent mo ba yan?"
"Alam mo? Wala kang masabing maganda e noh?" inis na sinabi ko.
Bago pa magdilim ang paningin ko, kinuha ko na ang cellphone ko at binuksan ang instagram page ng isang artista at comedyante na si Alex Gonzaga. Pampagood vibes talaga ang video ni Alex. Kapatid nya ang sikat ding artista at comedyante na si Toni.
Kagaya ko, may kapatid pero ako lang mukhang artista. Hindi joke lang. =)
Sumakay na kami ng jeep ng kapatid ko papuntang school.
"Ate tigilan mo nga muna yang kakacellphone mo sa jeep, mamaya mahablot nanaman yang phone mo!"
Biyaheng Divisoria ang daan namin papunta sa school. Malungkot man isipin pero talamak sa nakawan ng cellphone ang lugar na iyon.
Makikita mo sa bawat kanto o kaya naman sa Divisoria ang tindahan ng mga nakaw na cellphone. Kung nakita nyo yung cellphone ko na basag with gold case, pakibili at pakibalik nalang sakin please, andun pa kasi yung picture ko nung payat pa ko. Wala na kasing naniniwala ngayon na payat ako dati.
Tinago ko na ang cellphone ko at napatingin sa pilik mata ng kapatid ko.
Anu nanamang nilagay mo sa mata mo?
"Fake eyelashes!"
Napatingin ako sa mata nya na may contact lens..
"may grado naba mata mo?"
"Wala. Ewan ko. Bakit ba ang dame mong tanong?"
Naisip ko na in fairness ang cute pero mas gusto kong sabihing ..
"pag naubos yang pilik mata mo at baka lumabo lalo mata mo niyan, mas maganda parin natural 'day. Teka, may makeup ka ba? "
Tinatawag ko syang 'day inshort for Inday Garutay!
"Ate Shangcee"
Short for Losyangcee Supsup naman ang tawag nya sakin.
"..may cosplay ako mamaya after school. Tinetest ko lang kung okay in natural light!"
Naisip ko ang galing ni Day hindi halata ang make up.
Sabay tingin ni Day sa dala dala nyang maliit na mirror.
Naalala ko tuloy bigla ang napanaginipan ko kanina.
Kung may maliit na high-tech mirror ako, magflash dun palagi ang lahat ng skin imperfection ko: pimples, blackheads, whitehead, facial hair, big nose, big teeth, big face. Ay hindi pala kasya sa little mirror yung big face ko. Anyway.
On the brighter side, kung may ganun ka at may tinetest ka na facial wash dun mo malalaman kung effective diba. Kung ilang percent yung naubos sa mukha mo. O ilang percent nalang yung wala ng mapaglagyan sa mukha mo.
Habang pababa sa jeep at paakyat naman papunta sa LRT Recto Station going to LRT Gilmore Station, bigla akong tinamaan ng topak, magkakaron na ata ako.
"So yung babae na yun nagcosplay din?"
"Yung isa na may tingting yung buhok, nagcosplay din?"
Tanong ko sa kapatid ko
"Wag mo nga ituro ate. Nakakahiya ka"
Napatingin ako sa mga babae na nakamakeup habang naglalakad kami patungo sa bilihan ng LRT Beep Card.
"Bakit kelangan pa nila maglipstick e maganda na sila?"
"Bakit kelangan pa nila ng foundation e makinis na sila?"
"Aray!"
Nakuryente ako ng slight.
Merong nagmamadali na lalaki nakakulay itim na tshirt, itim na pantalon,at itim na cap. Teka si Song Joong Ki ba ito?
Ang mas importanteng tanong, bakit nangbabangga lang sya bigla!
At naground o nakuryente pa ko ng konti a.
Ang sabi daw pag ang dalawang tao ay hindi nakatulog ng mabuti at nagkabanggaan bigla, "ang lakas ng ground" naramdaman nyo na ba yun?
Napakamot ako sa mata ko dahil biglang umihip ang maalikabok na hangin ng Maynila.
"Ate, okay ka lang"
"Oo, okay lang..."
Nakita ko ang mga linya na nakita ko sa panaginip ko. May linya na gumuguhit sa kapatid ko
sa utak
--->Bagsak sa Defense
sa palad
--->may Utang na 10k
At ang nakakagulat sa lahat.
sa puso
--->Ampon
Napatingin ako sa paligid. May mga linya na gumuguhit sa bawat parte ng katawan ng tao.
*Nakikita ko ang mga problema nila
*Bakit?
End of Chapter 1