webnovel

Chapter Forty

             Nakakandong ako kay Tyler habang may kausap siya sa telepono. Bigla na lang niya akong hinila kanina. Tsk. Hindi nga ako makaalis dahil pinipigilan niya ako.

             "Yes, Mr. Ramirez.... We will.... Thank you." aniya sa kausap saka binaba na ang telepono at hinarap ako.

             "I can stay like this forever." aniya sabay halik sa labi ko. "Kung lagi ka lang andito, tiyak gaganahan akong magtrabaho lagi."

             I rolled my eyes. "Ewan ko sayo. Ihatid mo na ako sa University at kailangan ko na pumasok."

             Ngumuso siya. "Ang bilis ng ikot ng oras."

             "Ganun talaga. Kailangan ko na pumunta. Ang dami ko ng absent. Hindi na ako pwede umabsent."

             "I know."

             Tumayo na ako mula sa pagkakakandong sa kanya. Inayos ko ang sarili ko at kinuha ang bag ko na nasa couch.

             He hold my hand. "Let's go?"

             Tumango lang ako saka naglakad na kami na dalawa palabas. Papasok na sana kami ng elevator ng mag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko iyun thinking it's Stephanie. Sinabi ko kasi sa kanya na tawagan na lang ako pag may mangyari o pag may kailangan siya but I was so disappointed when I saw the name in the screen.

             "Sino ang tunatawag?" tanong ni Tyler.

             Nagkibit-balikat ako. Ibabalik ko na sana ang phone sa bag ko at hindi na lang iyun papansinin when she texted. I read it.

             "Where are you? You didn't attend your classes again. Come to the house. We have something important to discuss... It's about our family."

             Napakunot ang noo ko. Ano na naman ba ito? Is it about their annulment? God. Kung maghihiwalay na sila, eh di maghiwalay sila. Akala ko ba wala kaming pakialam sa relasyon nila?

             "Who texted you?" seryosong tanong ni Tyler.

             "Mom." tipid kong sagot.

             Hinarap niya ako. "May problema ba?"

             "Idk. She wants me to come home. May importante daw na pag-uusapan. Hindi ko alam... Maybe about their annulment." I said bitterly.

             He cupped my face. "Then go. You should at least hear them out."

             "I already heard everything. Ano pa bang kailangan kong malaman? Na nakabuntis ng GRO ang tatay ko kaya ngayon ay kailangan niya yung panagutan? Kasi sa totoo lang, sa nangyayari ngayon, hindi na ako magtataka pa."

             "That's the reason why you should go. Hindi mo alam kung anong sasabihin nila. Paano kung importante?"

             "Hindi ko alam, Tyler. Pinalayas niya kaninang umaga lang si Stephanie and now she wants me to come home and talk to her."

             "What if it's about your sister? She's still your mother, Ken. Face her."

             Natahimik ako. Bakit ba nawawalan ako ng masasabi pag siya na yung nagsasalita? Dahil ba mas matanda siya sa akin and unconsciouly, alam ko na mas alam niya ang mga bagay bagay? Nakakainis kaya.

             I sighed. "Okey. I will go. Siguro nga kailangan na namin mag-usap ng maayos."

             He smiled and kiss me on the lips. "You're doing the right thing. Kung may problema, sabihin mo sa akin. From now on, wala ng sekreto. I want to know everything na nangyayari sayo. Okey?"

             "Opo."

             "So sa inyo na kita ihahatid?"

             I nodded. Bumukas ang elevator at agad kaming pumasok doon. Panay ang pagsasalita ni Tyler pero ni isa wala namang pumasok sa isip ko. I was so deep in my thoughts. Wala akong ibang iniisip kundi kung ano ang nais sabihin ni mommy sa akin para pauwiin ako. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

             There's something in me na nagsasabing may problema. There's something in me na nagsasabing hindi maganda ang kahihinatnan ng lahat. But maybe feeling ko rin lang ito?

             Pagdating namin sa harap ng bahay namin, hindi ako agad nakababa. Tyler hold my hand. Pinalakas niya ang loob ko.

             "Call me after." aniya. "Susunduin kita mamaya."

             Tumango ako. "See you later."

             Nagsalo kami ng mainit na halik bago ako lumabas ng sasakyan niya. Hinintay niyang makapasok ako sa loob ng gate bago siya umalis. Mula sa labas ng pinto, kita ko sina Mommy at Daddy na nakaupo sa sala. Nagulat ako ng makita si Stephanie. She's here too. So tinawagan din nila siya.

             Malayo pa man ay rinig ko na ang tila pagsasalitan ng mga ito ng masasakit na salita. They're arguing. Stephanie's just there... Sitting... Nakatunganga lang ito na para bang wala na siyang pakialam sa nangyayari. She looked empty.

             Agad akong lumapit sa kanila. For pete's sake, my sister's pregnant at nag-aaway sila sa harap niya.

             "Casandra's here. Bakit hindi na lang natin kunin ang pahayag niya? She's old enough to decide." ani daddy ng makita ako.

             Napakunot-noo ako. What does he mean? Old enough to decide? For what?

             "Whether she likes it or not, sasama siya sa akin habang isasama mo naman yang bastarda mo. Hindi ko hahayaang mabuhay ang anak kong kasama ang katulad mong walang kwenta!" singhal ni mommy kay daddy.

             Napapikit ako. Parang sumakit bigla ang ulo ko. Wala akong naiintindihan.

             "I am his father. I am more capable na buhayin siya kesa sayo."

             "And you think I'm not capable?? Kaya ko ibigay sa kanya ang mga bagay na maibibigay mo... But you... Hindi mo kakayaning ibigay sa kanya ang meron ako."

             Malakas akong sumigaw para patigilin sila sa pag-aaway. I was so lost and talagang kailangan ko na bg kasagutan sa mga katanungang umiikot sa isip ko. Tumahimik silang dalawa.

             "What the hell are you talking about? Stephanie's pregnant and you're arguing in front of her? Anong klase kayong mga magulang?" tanong ko.

             "We were talking about the custody. Sasama ka sa akin. Aalis na tayo sa bahay na toh." matigas na wika ni mommy.

             "She's coming with me." wika naman ni daddy.

             "At ano?? Ititira mo siya kasama ang mga babae mo??"

             "Teka lang--"

             "Pwede bang manahimik muna kayong dalawa?" putol ko sa kanila. "Custody? Hindi na ako bata para pag-awayan niyo kung saan ako sasama. I can take care of myself. Kung maghihiwalay kayo, then go. I have my own plans too. Hindi niyo na dapat kami pinatawag dito in the first place."

             "You're still a teenager. You're still studying. Sino ang magtutustos ng pang-aral mo? You're a med student. Hindi mo kakayaning bayaran ang tuition mo sa isang taon." ani mommy.

             "Hindi niyo na kailangang mag-alala sa bagay na yun. Kaya kong maghanap ng paraan para sa sarili ko. Stephanie... She's pregnant. Take carw of her for god's sake. She's your daughter!!"

             "No, she's not! She's your father's bastard."

             Parang tuluyan na akong nahulog sa mundo ng kalituhan. What did she say? Hindi ko maintindihan. Paanong hindi siya--... No.... Stephanie... We grew up together. Though, she's pasaway, nakita ko naman na minahal siya ni mommy.

             "Stephanie?" ang tanging lumabas sa bibig ko.

             Yumuko siya... And for the first time since dumating ako, pumatak ang mga luha sa mga mata niya. No way... Is it true?

             "She's coming with her father and you're coming with me."

             Umiling ako. "How can you abandon her like that? You raised her." hindi makapaniwala kong tanong.

             "That's because she's not my daughter in the first place. I just tried to be nice to her to make this relationship work.... But now it's over."

             Hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas mula sa bibig ni mommy. Tumayo mula sa kinauupuan niya si Stephanie saka nagmamadali itong tumakbo palayo. Susundan ko sana siya ng maramdaman kong may mahigpit na humawak sa kamay ko.

             "Pack your things... Aalis na tayo rito."

             "I don't need to come with you. I have my own place."

             "You're coming with me in Canada. Ate Tyra's family is staying here for good kaya doon na muna tayo sa bahay nila. We will start a new life in Canada."

             "W-what? No!!! Hindi ako aalis rito! Ma, naman.... I have my life here. Hindi ako aalis!"

             "Sa ayaw mo at sa gusto, sasama ka sa akin. Inayos ko na ang mga papeles mo. Aalis na tayo bukas."

次の章へ