webnovel

Chapter Twenty Five

             Iyak ako ng iyak sa kwarto ko. Hindi ko matanggap lahat ng nalaman ko. Ang sakit sakit. Sa dami ng sekreto ko sa kanila, hindi ko akalaing nahigitan pa nila ako.

             I heard a knocking on my door. Hindi ko iyun pinansin. Kung matalino siya, dapat alam niyang ayaw kong magpa-istorbo ngayon.

             "Ken."

             I rolled my eyes. "Get the hell out. I don't need you."

             "I am here to ask you if you're okey."

             I looked at her. "Isn't it a little too late to act like a good sister?"

             Naglakad siya palapit sa akin na parang hindi narinig ang mga sinabi ko. She sat on my bed, facing me. "I know you're sad and mad. That's what I felt when I found out about dad."

             Nanliit ang mga mata ko. "Kailan mo pa ba ito alam? Bakit di mo sinabi sa akin? Ginawa niyo akong tanga."

             She laughed. "Do you think it's easy? Do you expect me to be like, Uy sis, nakita ko ang butihin nating ama na nakikipaglaplapan sa ibang babae. Ang saya noh?" she said sarcastically. "Do you expect me to talk to you about what I saw like that? It was hard for me. I did what you did a while ago. I told mom what I saw pero mukhang wala lang sa kanya. Sabi niya baka mali lang yung nakita ko kahit na may pruweba ako."

             Pinahid ko ang luha ko. "When did you saw him with another woman?"

             "Five years ago? You're still young that time. You're like 13? Kakasimula mo pa lang sa highschool. You're a smart kid. Mom asked me not to tell you. Ayaw niyang masira ang pag-aaral mo."

             Mahina akong natawa. Five years ago... Nagawa nilang itago yun sa akin ng ganun katagal. Dad acted like he's the most perfect person in the world. Lagi niyang sinasaway yung ibang tao for their mistakes. He used to compare me to them... Tapos ngayon malalaman kong mas wala pa pala siyang kwenta kesa sa mga taong yun?

             "Kaya ka ba laging umaalis gabi-gabi? Nagrerebelde ka?"

             She nodded. "I just don't see the reason why I need to obey them kung sila mismo hindi magawang respetuhin ang isa't isa."

             "I can't believe them."

             "Anyway, where did you saw dad? And why are you still out sa ganitong oras?"

             Yumuko ako. I don't see the reason para magtago pa ako. If they can, so will I. "I was in a bar with my friends. That's where I saw him."

             "Bar???"

             Nagkibit-balikat ako. "5 years ago... Was that the last time you saw him with another woman?"

             Tumawa siya. "No. One time, nag-uwi siya ng babae rito. Yun na yung pinaka nakakainsultong bagay na naramdaman ko buong buhay ko. Hindi mo alam kung gaano ako nandiri nung nakitang tinutulungan pa ni mommy si daddy at yung babae na makapasok. They were both drunk."

             Hindi ako makapaniwala. "Nasaan ako nun?"

             "Sa dorm. That happened recently."

             Napapikit ako. Hindi ko malunok lahat ng naririnig ko. Ang kapal ng mukha ni dad para gawin yun. Hindi ko alam kung matatawag ko pa ba siyang dad after this. Parang nawala na yung respeto ko sa kanya. Napakadumi niya. I don't want to see his face... Never again.

             "I know this is hard for you, Ken... But just bear it. Patunayan mo ang sarili mo sa kanila. Kailangan mong makapagtapos, para kung maghiwalay man sila, may naabot ka na."

             Umiling ako. "Can you leave me? I need to rest. May pasok pa ako bukas. Masakit ang ulo ko."

             Hinawakan niya ang kamay ko. "You're still my baby sister. If you need anything or if you want someone to talk to, lumapit ka lang sa akin."

             Halos hindi ako makatulog buong magdamag. I decided to stay away from here. I packed my things. All my things. Tinawagan ko na si April. Magpapasundo ako sa kanya. Sa condo na muna ako titira. Ayaw kong makita si mommy o si daddy. They disgust me so much. Buong gabi kong pinag-isipan to and for me, this is the right thing to do.

             "Are you already outside?" tanong ko kay April.

             Dala-dala ko na ang mga gamit ko habang tahimik akong naglalakad palabas ng kwarto. Wala pang ilaw sa labas. That means, hindi pa gising ang mga katulong. It's still 3 in the morning.

             "Yeah. Ang aga mong ginulo ang tulog ko. Sarap na sana ng panaginip ko. Hahalikan na sana ako ni Tristan."

             I rolled my eyes. "Palabas na ako. Start the car already."

             Nasa harap na ako ng gate. Dahan-dahan kong binuksan iyun para hindi marinig ng guard. Tss. I still don't know kung para saan ang guard na nagbabantay sa gate namin kung natutulog lang din naman ito sa oras ng trabaho. What a waste of money.

             Nang mabuksan na ang maliit na pinto ng gate, Agad kong nakita ang sasakyan ni April sa harapan. Binuksan niya ang bintana.

             "Ang tagal mo." aniya.

             I shushed her. "Baka magising mo." wika ko sabay turo sa gwardiya.

             She zipped her mouth. Sinara ko ang pinto saka mabilis na pumasok sa loob ng kotse ni April. Nang paandarin na niya iyun, saka lang ako nakahinga.

             "You didn't solve it with your mom? Seeing na naglalayas ka."

             Umiling ako. "I don't want to see them for now. Magpapakita lang ako sa kanila kung naghiwalay na talaga sila. Kung maglayas man ako ngayon, hindi rin naman nila mapapansin."

             "Ikaw lang yung anak na gustong maghiwalay ang magulang." di makapaniwala niyang wika.

             "Kung naggagaguhan na lang din naman ang dalawang tao, mas tama na yung maghiwalay na sila kesa may masaktan pa."

             "Sa bagay. Pero... Don't get me wrong... Hindi ako makapaniwala na nagawa yun ni Tito. I knew him, bata pa lang ako. I used to idolize him."

             "You know what I realize? Kahit ilang taon mo ng kilala ang isang tao, hindi mo pa rin talaga sila lubusang kilala. If everyone's their deepest secret, does everyone really know anyone?"

             Natahimik kaming dalawa. Tila wala ng gustong magsalita. We remained silent kahit hanggang dumating kami sa condo. Noong nasa elevator kami, saka lang nagsalita si April. She told me na ililipat na lang daw niya ang pangalan ng condo sa pangalan ko. She'll ask daw muna kung may requirements ba.

             "Salamat sa pagtulong, April. Tatanawin kong utang na loob lahat ng toh."

             "No worries, Ken... But since it's still too early, can I sleep here for awhile? Dalawa naman ang kwarto dito eh."

             I nodded. "Sure. This is still yours."

             Ngumiti siya.

             Pinasok ko sa isang kwarto ang lahat ng gamit ko. Pumasok na sa kabila si April para matulog. Maaga pa naman. Mukhang hindi na muna ako papasok ngayon. Feeling ko kasi pagod na pagod na ako. Saka sigurado akong makikita ko lang si mommy mamaya sa school. Ayaw kong doon pa kami mag-komprontahan. Kukunin ko na lang siguro ang ibang gamit ko sa dorm kung may oras ako.

             I closed my eyes ng nasa kama na ako. God, let me sleep kahit isang oras lang. Pagod na pagod na ang mga mata ko kagabi, kakaiyak. Feeling ko, mahuhulog na ang mga mata ko. I sighed. Starting today, I will show everyone who Kenneth Casandra Angeles really is. But for now, I should rest.

次の章へ