webnovel

Scratch 31

*-*-*-*-*

Nakumbinsi nila si Charity na tulungan sila, sa isang kondisyon: bubuo sila ng grupo ng mga taong makakatulong sa kanila. Iyon nga lang, dahil ang mga taong kailangan nila ay ang mga tao ring nagawan nila ng atraso, kailangan nilang sabihin ang totoong nangyari at humingi ng tawad sa kanila.

Nicco cleared his throat before he spoke with his deep, and stoic voice. "Okay, first of all, I'm here so that I won't have a debt of gratitude. I still haven't forgot about what happened."

Mailap si Nicco. Ilang araw din siyang hinaharang ni Andy para lang hingin ang kanyang kapatawaran. Nalaman nina Charity at Sigmund na si Nicco pala ang nag-aalaga sa asong palaboy na si Spot. Dahil don, alam na rin nilang may soft spot si Nicco para sa mga aso. Syempre pa, naikwento nilang dalawa ang nalaman sa madaldal na si Charlotte.

Salamat sa payo ni Charlotte, kahit papano ay pinansin siya ng mala-yelo sa lamig nilang kaklase. Pumayag siyang tumulong, pero ang kapalit non ay ang pag-ampon ni Andy kay Spot.

"Alam namin, Nicco."

"Pero salamat pa rin."

Magkahalong galit at gulat ang naramdaman nila nang malaman ang katotohanan. Galit dahil napaglaruan ang buhay nila. Gulat at hindi makapaniwala naman nang malamang meron silang mahikang ginamit.

But to see is to believe. Pinakita sa kanila kung paanong magpalit-anyo si Arwin mula sa pagiging tao papunta sa pagiging papel and vice versa.

"Let's proceed. We have four targets. The admirers, Sharry and Julian. Van and Ria, then Franco."

Lexine raised her voice in an appeal. "Teka. Paano naman ako? Biktima rin naman ako, ah. Dahil sa ginawa ng dalawang tukmol na'to, nalabel akong mang-aagaw at kirida!"

Confused at first pero mas pinili pa rin nilang pumunta dito sa bahay ng kambal at magmeeting. To help them fix the mess. Dahil anong magagawa ng galit nila? Ang kailangan nila ay pagtutulungan para sa ikakaayos ng lahat, pati na ng mga sarili nila.

Well, partly because magaling mangumbinse si Charity at ito namang si Sigmund, magaling humaplos ng mga puso gamit ang pakikinig at ang magic quote mula kay Buddha.

"Alright. Then it is five."

"Okay, kanino tayo mauuna?" Ryan asked.

Sigmund raised his hand. "Palagay ko, dapat magsimula tayo from simple to complex."

"Agreed. We can't be stocked at complex problems. So, we will deal with the easiest. Which is…." Nicco trailed.

"The admirers?" hula ni Charlotte.

"Nope." He finally answered. "They only come second. The easiest one is Franco."

Charlotte disagreed. "Wait. Di ko gets. Paano naging madali ang case niya? Andyan si Bryan."

"Oo nga. Sobra pa sa linta kung makadikit. Nakakatrauma," Andy cringed, which made Arwin laughed. Naalala niya ang panghaharass sa kanya ng bakla at ang pwersang pagchansing sa kanya nito ng halik sa pisngi.

Namulsa muna si Nicco at sumandal sa couch bago sumagot. "The contract is now void. And so is the effect of the item."

"Teka. May naalala ako. Nakasalubong ko si Bryan nung isang araw. Kasama niya yung kaibigan niyang beki din! May hinahabol silang lalaking first year," paglalahad ni Cheena.

Bago ang mapagkasunduan ang pagpupulong na ito, kinausap nina Andy at Charlotte si Cheena nang masinsinan. Humingi ng sorry si Andy sa pagtapon sa mga letters at sinabi niya rin na wala siyang interes kay Cheena.

Masakit, pero tanggap na niya iyon. Isang heartthrob, magkakagusto sa kanya? Alam naman niyang wala siyang pag-asa, eh. Charlotte also apologized. For not telling her the truth. Ibinalik niya na rin ang lahat ng letters ni Cheena na all this time ay itinabi niya.

"So, may bago na pala siyang target?"

"Kung wala na ang tambalang BRICO, edi, problem solved na pala tayo kay Franco?"

"Nope. May atraso ka pa sa kanya Ark. You're the reason why his eyebrows became unbelieveably thick and everybody laughed at him at the class."

Napaamang ang dalawa. Oo nga. Nakalimutan nila. "So, here's what we gonna do…"

Walang sinayang na mga oras at araw ang grupo. Gumalaw ang bawat isa nang nakaayon sa plano. Paminsan-minsan ay nagkakaroon ng mga kapalpakan at aberya. Pero para saan pa nga ba na naging tactician si Nicco? Syempre may Plan B, C, D pa.

Dahil karamihan sa mga admirers ng kambal ay followers nila sa facebook, they revealed through a post what they really did to those letters and gifts, and then made a public apology. Nagserve din sila as a witness sa totoong nangyari noong araw ng competition para maclarify na aksidente lang ang lahat at walang kasalanan si Lexine sa nangyari.

Ryan made the concoction and medicine from their farm to heal Franco's halitosis. His home made medicine was proven effective because with every day usage, there was a gradual change at Franco's breath. And after seven days of continued use, tuluyang nawala ang masangsang na amoy sa kanyang bibig at pati na rin sa kanyang tenga.

Nakatulong din ang ginawa niyang herbal medicine para sa sakit sa puso kung kaya naman, bumuti na ang pakiramdam ni Sharry. Bumisita sina Charlotte at Cheena sa ward ni Sharry. Buti nalang, magaling umarte si Cheena. Kinukwento niya si Julian kay Sharry at epektibo naman ang mga pagdadrama niya para palambutin muli ang puso ni Sharry.

-*-*-*-*-

The team is now down to the last two targets. Malapit na talaga nilang matapos ang misyon. Kapag nagawa nilang pagbatiin sina Van at Ria, isasagwa na nila ang final touch sa kanilang plano para kina Sharry at Julian.

Humanda ang lahat dahil may pag-iibigang muling babalik. Charot! Ika nga ni Charlotte.

"Sorry!" niyakap ni Van si Ria at napahagulgol.

Nagulat si Ria sa bilis ng mga pangyayari. Naramdaman niya ang kumportableng yakap ng kaibigan. "Ako din! Sorry!"

"Namiss kita!"

"Huhu! Ako din! Di na tayo mag-aaway ulit ha?"

-*-*-*-*-

Four down out of five. Last target, locked.

Charlotte led Sharry to the open space under the trees, where yellow leaves fall, and petals of roses were scattered. Everybody stopped and gathered there when Cheena started strumming the guitar. Her beautiful voice began serenading the Julian's princess.

Ohh~ Ohh~

Bawat sandali ng ating buhay

Pagmamahal mo ang aking taglay

San man mapadpad ng hangin

Hindi magbabago aking pagtingin

Pangako natin sa maykapal

Na tayo lamang sa habangbuhay

Maghintay~

Talaga namang nakakaantig ang kanyang malamig na boses. Hindi lang yan, napakagaling rin niyang magdeliver ng kanta. Tagos sa puso ang mensahe ng lyrics. Who would resist music and a live performance?

Kaya naman walang nakapagpigil. Everyone joined at the chorus while waving their hands up the air.

Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig

Maghintay ka lamang

Ako'y darating

Pagka't sa isang taong mahal mo

Nang buong puso, lahat at gagawin

Makita kang muli

Pagkatapos ng kanta, dahan-dahang lumapit si Julian kay Sharry, dala ang isang bouquet ng bulaklak. Pagkatapos, sabay-sabay na iniangat nina Sigmund, Andy, Ark, Lexine, at Ryan ang karatula na nagsasabing:

S O R R Y. I L O V E Y O U, B A B E

Lumuhod si Julian at seryosong pinakatitigan sa mata ang babaeng minamahal niya. "Gagawin ko lahat, lahat-lahat Sharry, mapatawad mo lang ako. Pwede bang tayo nalang ulit?"

"Muling, ibalik ang tamis ng pag-ibig~" kantyaw ng mga kaklase nila na nasa audience.

"Wala nang ibabalik," seryosong sagot ni Sharry. Doon na napayuko at napaluha si Julian. Ang sakit. Pero okay lang. Hindi siya titigil. Hindi siya susuko. Paano niya magagawang sukuan ang buhay niya?Ang dahilan kung bakit siya masaya?

"Uhhhhh. So sad naman," nalulungkot na react ng audience. Pero kaagad ding napatakip ng bibig at nanlaki ang mata nila sa sunod na nangyari. Biglang hinila ni Sharry si Julian at niyakap.

"Dahil hindi naman nawala ang pagmamahal ko para sa'yo," sabi niya nang may ngiti sa kanyang labi habang hindi pa rin bumibitiw sa yakap.

"YON!"

"AYIEEEE!"

Nagtatalon at nagtitili sina Cheena at Charlotte. "UWAH! I'm so proud!"

"Ako rin! Pwede na tayong kupido, Cha! Oh my gashhh!"

"KYAAAH!" sa sobrang kilig ay napayakap si Lexine kay Ryan pero kaagad siyang ipinagtabuyan ng kaibigan. "Ano ba, Lexine!"

Tahimik na napangiti si Niccolo. Napafistbump at apir ang kambal at si Ryan. Pagkatapos non, nilapitan ni Arwin ang nananahimik sa isang tabi na si Charity. Parang malalim ang iniisip. Sinundan niya ang tingin nito na kay Sigmund pala.

Nilapitan siya ni Arwin at nilahad ang isang litrato na siya mismo ang nagprint. "Sa'yo na yan."

Kunot-noong tinignan ni Charity ang litrato. Larawan iyon kung saan magkayakap sila ni Sigmund nang minsang atakihin siya ng kanyang nyctophobia. Dahil don, nakatanggap ng masamang tingin si Arwin.

Walanghiya! Naalala tuloy ni Charity ang nangyari. Hiyang-hiya siya sa sarili. Parang gusto niyang manapak ng isang Dela Vega.

"Souvenir? Haha. Sorry gift ko sa'yo. Tanggapin mo, kung hindi iisipin kong crush mo si Sig."

"Tss. Edi isipin mo. Friends lang kami."

"Talaga ah?" pang-aasar pa lalo ni Arwin. Sisipain na sana siya ni Charity kaso bago mangyari iyon, ay nakaalis na siya kaagad.

*klak klak klak klak klak*

Napahinto siya sa paglalakad. Ganon din si Andy. Ano iyong narinig nila? Parang tunog ng mga pahinang inililipat.

*-*-*-*-*

次の章へ