Samuel's POV
Kahapon.
Nakita ko.
Isang ghost.
Batang ghost.
Batang multo.
Multo.
Kahapon babae.
Tulay.
Kanina ko pa paulit ulit ang mga salitang iyan. Nag-tagpo ang mga mata namin kahapon kaya alam na siguro ng child ghost na iyon na nakikita ko siya. Buti nalang hindi na niya ako nasundan. Tumakbo ako ng mabilis habang nagdadasal. Sana hindi na kami ulit magkikita.
Sana panaginip lang yun lahat.
Papunta na ako sa school. Dumaan ako sa kabilang ruta para maiwasan ang tulay kung saan merong child ghost. Mas malayo man ito at pinapahirapan ko lang ang sarili ko nito pero kakayanin.