webnovel

Chapter 34 - Family Day

(Third Person Point of View)

Pasimpleng umuwi si Cloud Girl sa kanila, dumaan siya sa bintana at derecho higa ito. Pero wala pang isang minuto ay agad kumatok sa pinto ang mommy nya,

"Claudine?"

Dinedma nya ito at nag-inarteng tulog sya pero sa totoo ay nanghihina ito.

"Claudine?"

Pero di nya kaya tanggihan ang mommy nya at pinagbuksan nya ito ng pinto, pero di nya sinuot yung jacket nya at ginulo nya ng onte buhok nya.

"Mommy?"

Agad siyang niyakap ng mommy nya na ipinagtaka nya,

"Hindi na kita nakakamusta kaya niyakap kita, sorry Claudine"

"Okay lang ako mommy, saka… ansakit ng puson ko" palusot nya.

"Don't worry ha, tomorrow… after ng school nyo, mag dinner tayong apat sa labas 😊 isama mo friends mo if you want"

"Weh?! Really?!"

"I'm serious oh bat parang nabuhayan ka?!"

"Gusto ko ng shawarma myyy"

"Basta bukas ha... sige na magpahinga ka na"

Agad naman siyang bumalik sa kwarto nya, at sinubukan pa nitong i-chat si Rouser pero offline ito. Ibinalita nya lang na nahuli na ng mga pulis si Badman at nailigtas nya na ang mga hostage.

"Akala ko pupunta din siya pero, bat parang hindi naman siya tumuloy?"

Sinubukan nya pa maghintay ng onte para sa reply nya pero agad din naman siyang nakatulog.

..

..

..

..

..

Sa Base of Operations ni Senator Xavier Dela Vega,

"Mukang pinakinggan kayo ni Cloud Girl sir?" –Vanguard

"Oo naman, at parang pumanig din sakanya ang kapulisan dahil sa pinakita nyang kabayanihan nya. Ang susunod nito, dapat makausap ko siya ng harapan para kumbinsihin siya na sumapi satin" –Senator Dela Vega

"Pag sumapi siya satin, gagamitin natin sya para mahanap pa yung ibang potential, kung san man sila nagsisitago ngayon. Sa ngayon, kayong apat ang naandito sa NCR… Ikaw, si Cloud Girl, etong si Jethro, at yung isa pang babae… Pag makukumpleto kayo, wala nang makakapigil pa satin" –Senator Dela Vega

"Opo Sir" –Vanguard

"Patatapusin muna natin tong eleksyon sa Mayo… sisimulan na natin ang paghahari dito sa Pinas"

..

..

..

..

..

Sa Isang Abandonadong Warehouse sa Pasig

"Boss, pumalpak yung mga iniwan natin doon sa—" hindi na ito pinatapos pang magsalita ni Raider ang goon na nagbalita

"Alam namin! Putang inang Cloud Girl yan! Pakelamera talaga yang babaeng yan!!"

Tumayo mula sa pagkakaupo si Badman, ang tunay na Badman.

"Sinadya ko ang lahat ng iyon para iwanan yung mga mahihina nating kasapi, kung may nakaligtas man. Babalik sila dito sa lungga natin" –Badman

"Bale ginusto mong makaligtas yung mga mayayaman na iyon?" –Raider

"Hindi, gusto ko silang mamatay talaga. Inakala ko lang na magwawagi tayo at makakapag-uwi sila ng malaking pera. Ngayon napatay at ang iba sa kanila at nahuli pa ng mga pulis, hahayaan na natin sila. Di ko kailangan ng mga mahihina sa grupo ko kaya kayo lang ang pinili ko dito." –Badman

"Boss, uhmmmm… dapat siguro manahimik muna tayo ng mga Ilang linggo?" –Odette

"Tama ka, at medyo mainit pa ang issue ngayon… pero ang pagkakaalam ng lahat ngayon ay nahuli na talaga nila ako. HAHAHAHAHA!!! Maging si Cloud Girl ay naloko natin!" –Badman

"Pero Boss, siya tong sumira sa plano at tinalo nya kaming apat. Kailangan talaga mapatay natin siya kasi… hindi siya yung basta lang feeling hero na tulad ni Rouser. Wala kaming atake na tumama sa kanya" –Raider

"Napaka-lakas ng suntok nya sakin" –Mio

"Ako talaga yung pinag-initan nya ng sobra nun" –Barako

"Hindi lang yun eh, Boss may mga dala rin siyang Drone… pinasabog nya yung mga motor namin" –Wave

"Nakakapanghina lang yung kaya nya tayong puntahan at kontrahin lagi pag gusto nya…" –Raider

"Kung naduduwag kayo sa babaeng yon, dapat pala iniwan na din kayo doon!" –Odette

Nanlaki ang mga mata at napangiti ng onti si Badman nang sabihin iyon ni Odette sa bago nilang mga kasama.

"Hindi kami duwag!" –Raider

"Huminahon ka dyan Odette hehe, kaya natin mapatay si Cloud Girl. Tao lang din yan na tulad natin, imposibleng walang kahinaan yan" –Badman

"Mahihina lang talaga kayong apat" –Odette

"PUTANGINA MO HA!!!" napamura si Raider at nagtangkang sugurin si Odette pero inawat siya ng mga kasamahan nito.

"Isa pa Odette, tama na yan. Magkakakampi tayo dito… sa ngayon kailangan nating paghandaan ang susunod nating ganap" –Pinagsabihan ni Badman si Odette na tigilan na sina Raider

"Tanginamo gago ka papatayin kita mamaya!" –Raider

"HAHAHAHAHAHA!!!" pinagtawanan lang siya ni Odette.

..

..

..

..

..

Hi 😊

It's me again, Cloud Girl… so yun, napalaban ako ng matindi kagabi. And buti nalang I came on time, para mailigtas sina Mr. Armando De Luna Sr. at ang family nya, at natalo ko na si Badman. Nahuli na sya ng mga police.

Finally, peaceful na muli ang NCR… wala nang threats. Kung meron man, easy to handle nalang. Sana nga yung nagawa ko kahapon, ikawala na sana ng pag-Ban sa mga hero. Sana rin ay maging mabuti ulit ang tingin samin ng madla. Hehehe 😉

"Huyyy maya na kayo umuwi, sabay-sabay na tayo. Kaen daw tayo sa labas nina Mommy hehehe" –Ako (Claudine/Cloud Girl)

"Sure ba yan? Parang nakakahiya naman kay Tita hehehe" –Queenie

"Oo nga, isama ko daw kayong dalawa"

"Okay lang sakin Claudine" –Alex

"Gagi nakakahiya hahaha! Pero sige AHAHAHA!! Libre nanaman tayo, swerte natin rich kid friend natin!" –Queenie

"Well… hehehe, di ko rin alam sa mommy ko eh, basta magsama daw ako. Kayo lang naman kaibigan ko dito 😊"

"Eh yung bata?" –Alex

"Ah si Wendell? Wag, di yon papayagan saka wala naman na ata silang pasok kasi pirmahan nalang ng clearance ngayon… so, papirma muna tayo ng mga pwede malapitan?"

"Tara na muna!" –Queenie at Alex

Syempre, usap-usapan pa din ngayon yung insidenteng naganap kahapon, at etong dalawang to ang pinaka source ko ng reactions sa mga tao sa netizens. Siguro nga, sila ang number #1 and #2 kong fan bilang Cloud Girl.

"Grabe yung ginawa ni Cloud Girl kagabi noh! Sa tingin mo ba nakita nya yung ginawa nating hashtag sa fb at twitter?! Sana talaga nakita nya yun noh!!" –Queenie

"Muka namang nakita nya yun" –Ako, hehehe 😊

"Iba-iba yung footage eh nung lumipad si Cloud Girl, pero meron ako dito nung kuha nung police, yung ano yan nung nahuli na si Badman. Navideohan nya talaga yung paglipad nya eh tapos pati yung pagsabog talaga, anlakas daw. Sinuot talaga ni Cloud Girl yung bomba para sya lang yung masabugan, para di madamay yung mga pulis" –Alex

"Sa tingin nyo, patay na kaya sya?" –Queenie

"Di ko alam, sayang tulog agad ako kagabi nung binabalita yan" –Kunwari wala akong alam HAHAHA!!

"Di yan… sure ako buhay yan!" –Alex

"Ako din!! HAHAHAHA!! Nakipag-talo pako sa comment section don sa isang video kasi sabi nila patay na daw si Cloud Girl… di daw sya makakaligtas. Sabi ko 'Panong mamamatay sya eh dun sa ulap sya inabot nung pagsabog, eh diba kaya nga siya Cloud Girl kasi Cloud ang power source nya? Pano siya mamamatay dun sa lugar na malamang, 100% siyang sure na may powers sya? Diba?!"

Sa totoo lang, tuwang tuwa ako sa sinabing yan ni Queenie about sakin, hahahaha!! 😊

"Sa theory ko, total science majors naman tayo… nagawa nang maitanggal ni Cloud Girl yung bomba bago pa yun sumabog kasi, yun nga eh… nasa clouds sya, I mean sa kaharian nya. Diba?! Sure ako dyan puta makikipag-debate ako talaga nyan sa magsasabing patay na ang superhero ko!!" –Queenie

"Di ako maka-relate… siguro hanapin ko nalang sa FB yang mga iyan"

..

Napa-online din ako at usap-usapan nga talaga ngayon kung patay na daw ba ako o hindi pa. Parang ano eh, di yung pagkaligtas ko kina Armando yung nag-trending, yung kung namatay daw ba ako o hindi, but I'm here. I feel good naman na.

Mga 4pm palang, nagpasundo na kami agad kina Kuya Benjo, then saka namin dinaanan si Mommy sa work. Kasama din si Yaya Atria, bale tatlo kami nina Alex at Queenie sa dulo, sa gitna naman si Mommy at Yaya, and si Kuya Benjo syempre driver.

Bago kami pumunta sa restaurant non ay bumili pa sina Yaya at Mommy ng shawarma naming tatlo kasi yun fave naming magbe-bestfriends then saka kami nagtungo sa restaurant na madalas namin kainan.

"Uyyyyy Alex umayos ka nga, nakakahiya sa Mommy ni Claudine!" –Queenie

"Behave naman ako ah, pero sarap netong shawarma kasi 😉" –Alex

"Pili lang kayo ng gusto nyo dyan ha, wag nang mahiya" –Mommy ko

Feeling ko, deserve ko din ng gantong pag-rerelax after ko matalo si Badman. Parang reward kona to sa sarili ko bilang isang hero.

"Myyyyyy… out of random lang ba to? Bat ka may paganto sakin ngayon?" I asked her

"Kasi gusto ko lang ulit lumabas ng bahay with you, I miss my daughter eh… di mo ba ako namimiss anak?" –Mommy

Bago kami kumain nun ay nag-pray muna si Queenie para ma-blessed yung dinner namin. Sabi din ni Mommy na ihahatid nalang din daw sina Queenie at Alex sa kanila para di na sila mag-commute pa.

"Tapos na tayo mag-pray, pwede na picturan saka selfie muna tayo! 😊 Minsan lang to from Tita!" –Queenie

At saka kami nagsipagkain, like a family. Para ko na ring kapatid neto tong dalawa kong bff, buti pwede akong mag-sama.

"Mommy, thank you ah… di ko rin alam talaga kung bat ko nasabi to pero ang thankful ko lang talaga today kasi kasama kita 😊"

"Ako rin naman, namiss lang din kita anak. At buti safe kang naka-uwi sa bahay kagabi" –Mommy

"Safe naman ako lagi eh"

Kinabahan ako bigla na parang ewan ah… saka bat ganto magtanong si Mommy sakin ngayon?

"Anak kita Claudine, natural lang saking mag-alala ako sayo lalo na pag nasa labas ka. Wala ako dun, maging kami ni Kuya Benjo at Yaya Atria mo wala din" –Mommy

"I'm okay mommy, wag ka mag-alala masyado saka… dalaga nako oh 😊"

"You don't want to keep secrets to me anak"

"I don't have any secrets to hide Ma, look oh. Derecho uwi naman ako lagi after school saka… wala pakong boyfriend?"

"Why so defensive?"

"Mommy naman?" parang may gusto tinutukoy tong Mommy ko na about sakin ah, na gusto nyang aminin ko na sa kanya? Wait?!

"Just kidding hehehe, ikaw Claudine ah… I told you before na pag magbo-boyfriend ka na ulit, gigisahin muna namin nina Yaya at Kuya Benjo hehehe" –Mommy

Tuloy lang ang dinner-bonding namin nun, syempre habang kumakain kami may kwentuhan at asaran kami ganyan.

Pero anong meron, parang may gusto talagang malaman si Mommy ko about sakin eh, ang pinaka-bawal nyang malaman, ako si Cloud Girl. Because if she does, di ko na alam kung anong mangyayari neto.

..

..

..

..

..

Naihatid na namin sa mismong bahay nila sina Queenie at Alex at ngayon naman ay pauwi na kami. Habang nasa sasakyan pa kami ay nakakita ulit ako ng panibagong danger indicator sa kaulapan, pero hindi ko pwedeng mapuntahan ito ngayon dahil magkakasama kami.

"May nararamdaman ka bang kakaiba ngayon anak?" –Mommy

Bat parang may alam talaga si Mommy?

"Wala naman Myyyy, I'm good naman. Di pa naman kumikirot puson ko" –Ako

"Diba mahilig ka sa clouds anak, look oh… hugis arrow yung isa don 😊" –Mommy

MOMMY I CALL IT DANGER INDICATOR!!!! But I can't tell you…

"Oo nga noh? Ngayon ko lang napansin Myyyy" napipilitan ako magsinungaling

"Gawa yan ng Daddy mong nasa ulap na din ngayon…"

"Miss mo na siya noh?"

"Oo naman Claudine, di ko ipagpapalit ang Daddy mo 😊"

"Ako din Ma, kahit na di ko talaga na-experience magkaroon ng tatay"

Pagkauwi namin ay agad akong nagpahinga nalang at saka ko lang nabasa chat nung dalawa sakin na, thank you daw sa treat. Babalik nanaman kami sa school neto bukas dahil di pako kumpleto sa pirmahan.

Ngayong nahuli na si Badman, ano na kaya ang susunod para saakin?

..

..

..

..

..

..

"Yung sasakyan na yun… sa mag-ina ko yun ah? Gustong gusto ko na bumaba mula dito sa itaas pero di ko na magagawa muli iyon. Claudine, anak ko… ang liit mo pa nung huli kitang nakita diyan sa baba, ngayong dalaga ka na, dapat makabawi manlang ako sayo bilang ama mo" –Claudius

次の章へ