webnovel

BITTER

(One shot story)

"I deserve someone better."

Ito ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko nang maghiwalay kami ni Jenny. She cheated on me. Nagulat na lang ako na may iba na pala siya at isang araw, bigla na lang siyang nakipaghiwalay sa akin.

I was so mad at her. Kasi alam ko na ibinigay ko ang lahat sa relasyon namin, ang dami kong sacrifices just to work things out between the two of us. I gave her everything, my life, my heart, my time and my love. I made her my world. But still, hindi siya nakuntento. Noon, sinasabi ko sa sarili ko na wala sa akin ang problema, na hindi dahil sa hindi ako sapat kaya siya naghanap ng iba, lagi kong sinasabi sa lahat na hindi lang talaga siya marunong makuntento.

Oo, mahal ko pa kahit na sobra akong nasaktan sa ginawa niya sa akin. Mahal ko pa at kung babalik siya, handa ko siyang tanggapin. Pero hindi na siya bumalik.

Lagi kong iniistalk ang FB profile niya pati na ang Instagram account niya. She was so proud of her new relationship, lagi silang magkasama, masaya, samantala ako, mag-isa pa din at malungkot.

At first I thought hindi sila magtatagal kasi malayo sa standards ni Jenny ang Butch na ipinalit niya sa akin. Hinintay kong dumating 'yung time na ma realize niya na ako pa din pala talaga ang mahal niya at bagay sa kanya.

Maganda si Jenny. Edukada. Career woman. Disente. Sabi noon ng mga kaibigan namin, bagay na bagay kaming dalawa. Pareho kami ng status sa buhay, pareho kaming stable at may maayos na family background. I'm a fucking good catch, alam ko sa sarili ko 'yun, kaya ang sakit sakit sa pride ko na makitang wala man lang sa kalahati ko ang ipinalit niya sa akin.

Then lumipas ang isang taon, walang Jenny na bumalik. Dalawang taon, tatlong taon...

Sa loob ng tatlong taon na wala na kami, hindi ako napapagod na i-stalk ang lahat ng social media accounts niya. Sila pa din dalawa. Masaya pa din sila.

Doon unti unting lumiwanag sa akin ang lahat. Kitang kita ko sa mukha ni Jenny ang saya sa lahat ng pictures nila. Kita ko ang malaking pagbabago sa kanya. Sa pananamit niya, sa mga hobbies niya, sa mga gusto niya sa buhay.

And it hit me like a nuclear bomb. It fucking hit me!

Ibinigay ko ang lahat sa relasyon namin without asking her kung iyon ba ang gusto niya. Kung ang lahat ba na iyon ay ang kailangan niya. Ibinigay ko ang lahat pero hindi siya nakuntento, you know why? Dahil hindi 'yun ang gusto niya.

I realized that I was a toxic partner to her. Ang daming bawal, bawal magsuot ng ganito, bawal lumabas kasama ang mga kaibigan niya, bawal umalis ng hindi ako kasama, nilagyan ko ng curfew ang buhay niya, gumawa ako ng rules and regulations, napakaraming restrictions, Our relationship became a prison to her. Nilimitahan ko siya, I prevented her from being the best version of herself, hindi ko siya hinayaang mag explore sa sarili niyang mundo, ikinulong ko siya sa apat na sulok ng relasyon namin.

Four months pa lang kami, inaya ko na siyang mag live in. Lahat ng gawin niya involve ako. Minsan na naming pinag-awayan 'yun, sabi niya nasasakal na siya sa akin nang minsan na hindi ko siya payagang umalis kasama ang mga college friends niya, ang katwiran ko, naroroon ang ex niya at ayokong magkaroon ulit sila ng kahit ano mang klaseng connection. Pero narealized ko ngayon na nagpakain ako sa fears ko, sa doubts ko, sa insecurities ko, takot ako na maagaw siya sa akin kaya kumapit ako sa kanya ng ganoon kahigpit, hanggang sa ang kapit ay nauwi sa sakal. At kumawala siya sa akin.

Ngayon, nakikita ko siya na ang dami niyang social activities. Umaakyat na siya ng bundok, nag ta-travel, kasama mga kaibigan niya, kasama ang family niya, hindi sila laging magkasama ng bago niya pero makikita mo na masaya ang relasyon nilang dalawa.

May pagkakataon na naisip ko na hindi naman lahat ni re-reveal ng social media, baka mamaya sa mga post lang sila okay pero in reality, hindi pala. But I was dead wrong.

Aksidente na nagkita kami ni Jenny, sa birthday party ng isang common friend namin. Ibang iba ang glow sa mukha niya, mas maganda siya, mas masaya, mas successful.

We talked like good old friend. Bago kami maghiwalay noong gabing iyon I asked her for the last time kung anong mayroon ang bago niya na wala ako and guess what she told me?

"Hindi ko hinanap sa kanya kung anong meron ka na wala siya. It's not important. But with her, she taught me to love myself even more."

When she said goodbye at tuluyang tumalikod sa akin, doon na ako naiyak.

Oo, hindi tama na nag cheat siya sa akin. Dapat hiniwalayan niya na muna ako bago siya nagkaroon ng iba, Oo mali 'yun. kahit saang anggulo mo tignan walang ano mang klaseng paliwanag ang makakapag justify sa cheating, but I understand. Naiintindihan ko na ngayon na minsan, isa sa mga factor ng cheating ay mismong ang relasyon ninyo, kailangan lang nating naging open minded at mature para tanggapin na may kasalanan din tayo. Hindi naman kasi purkit ibinigay mo ang lahat ay wala ka ng pagkukulang.

Binalikan ko ang nagdaang relasyon namin ni Jenny. I will still give her the credit for being a good girlfriend. Nakita ko naman na she tried to do everything na gusto ko, sinusunod niya ang mga sinasabi ko, kapag sinusubukan niyang kausapin ako at humingi ng pagbabago sa relasyon namin, lagi ko siyang ine-emotional blackmail na kaya ako ganoon dahil mahal na mahal ko siya.

Minsan kasi hindi lang pala sapat na mahal na mahal mo siya, dapat matuto ka ding hayaan siya na mag explore at lumaya, gawin ang mga bagay na gusto niya, hanapin ang sarili niya.

Ang babae kasi, hindi naman sila basta basta sumusuko without putting up a good fight. Siguro, napagod na siya, siguro, nagsawa na siya, kaya kumawala siya sa pananakal ko.

After nang pag-uusap namin ni Jenny, I saw the strong, independent woman na hindi ko nakita noong kami pa, kasi gusto ko sa akin lang siya nakasandal at nakadepende. That night, I saw in her eyes the kind of happiness and contentment na hindi ko naibigay sa kanya.

I failed her. I was the one who failed our relationship.

She doesn't deserve someone bitter than me, she deserve and always deserve someone way way better than me.

Always better than me.

.

.

.

-FIN-

次の章へ