webnovel

nightmare

Dahil nga sa pkikipag break ko sa kanya, lumala pala sitwasyon nya.Nalulong sya lalo sa droga ang dating marijuana lng ehh lumevel up, nag shashabu na pala si Mark. Simula nung nagkahiwalay kami mga 3 months dn kaming walang contact kasi nag change sim na ako kasi nga gusto ko na sya kalimutan.. Pero di ako nilulubayan ni Mark sa halip ay lagi syang nkaabang sa harap ng gate namin, at kung minsan eh kinakaibigan nya mga classmates ko para mka hingi ng number ko, pero never ko syang pinapansin.

Hanggang isang gabi habang naglalakad ako pauwi ng bahay gawa ng 4 na kanto lng nmn pagitan ng school at bahay namin kaya naglalakad lng ako, kakatapos lng kasi ng klase ko nun mga 7:30pm last subject ko kasi. Di ko alam na sa madilim na part ng kanto pauwi sa amin ehh nka abang pala si Mark at sa bandang likuran ko nmn eh may nka sunod na isang itim na kotse, kala ko kasi stranger lng na nag aabang ng tricycle kaya patuloy lng ako sa paglalakad pero nung mdjo papalapit na ko nagulat ako ng mkita ko sya, iikot na lng sana ako sa kabilang kanto para umiwas kaso biglang may yumapos sa akin at tinakpan bibig ko, lumapit c Mark akala ko tutulungan nya ako yun pala bubuhatin nya mga paa ko papasok sa kotse.

Pinipilit kong manlaban kaso ang higpit ng pagkakahawak nila sakin hanggang sa naipasok nila ako at pag sara ng pinto humarurot na patakbo ang kotse, maya mayay binitawan ako ng lalaking humawak sakin at tinali kamay ko. Si Mark naman abala sa pagtali sa mga paa ko, umiiyak na ako nun, natatakot rin ako sa posibleng gawin sa akin ni Mark. hinaplos ni Mark mukha ko at pinahiran ang mga luha ko sabay sabing

"wag ka mag alala Shine, papaligayahin kita at aalagaan."

nagmakaawa ako sa kanya.

"Mark parang awa mo na iuwi mo na ako, d na nkakatuwa to. please... tama na."

Nginitian lng ako ni Mark at hinalikan sa pisngi sabay senyas sa kasama nya, 4 sila na nag abduct sa akin si Mark at ang 3 kasama nya na di ko kilala, pagkatapos sumenyas ni Mark piniringan ako ng kasama nya at napasigaw ako sa takot ko baka ano mangyari sa akin, tantya ko may 40 mins. dn kaming bumyahe.

Nang huminto na ang sasakyan tinaggal nila ang tali sa paa ko at naglakad kami ng mga kulang2x 100 meters pag dating namin sa isang bahay saka na nila tinanggal piring ko at tinutulak-tulak nila ako papasok sa bahay. walang masyadong gamit ang bahay tanging ref., tv, kutson, mesa at upuan tapos may 3 kabinet lng wala itong kwarto. Sa tingin ko matagal na itong plano ni Mark, humarap ako kay Mark at nagmakaawang pauwiin nako, ng bigla nya akong hinawakan sa bewang at batok sabay sabing

"Eto na magiging tahanan natin"

tumayo mga balahibo ko sa sinabi ni Mark at napahagulhol ako sa iyak.

次の章へ