webnovel

Chapter 07: Last Cry

Summer's Outlook

"Anong nangyari sa anak ko? Akala ko ba tatapusin niyo si R- man pero bakit nangyari ito sakanya?" Lumuluhang tanong ni tito Leonard sa amin ng makita niya ang kanyang anak na wala ng buhay habang hawak ni Exx. Ang lalaking inutusan ni Walts na bantayan ako.

"Sir! Ginawa namin ang lahat ng makakaya naman pero sobra sobrang dami nila. Hindi namin sila maubos ubos." Panimulang sabi nung Exx habang ay ay tulalang lumuluha habanh pinag mamasdan ang walang buhay na si Walts.

"Si master Walts po. Nakipag laban siya kay R- man." Sagot naman nung Edward na kasama nung Exx.

Hanggang ngayon hindi ko parin sila lubusang kilala. Ito palang ang una naming pagkikita pero parang matagal na silang nag ta trabaho kanila tito at Walts.

"Pa-paanong nangyaring natalo siya? Ano ba talaga ang nangyari? Asan na si R- man? Napuruhan din ba siya ni Walts?" Sunod sunod na tanong ni tito Leonard habang tuloy tuloy padin ang pagdaloy ng luha mula sakanyang mga mata.

Sa mga tanong na iyon. Hindi ko mapigilang balikan ang mga nangyari.

Mga pangyayari na mag sisilbing bangongot sa akin habang buhay.

Sa mga oras na iyon. Parang nag slow motion ang lahat. Nakita ko kung paano unti unting lumapit si R- man kay Walts at tinusok ang kanyang kamay sa puso ni Walts.

Napatakip ako sa aking bibig at napaupo sa sahig.

No! This can't be happening.

Walts!

"WWWAAAALLLLTTTS!" Sigaw ko ng makita kong dahan dahan siyang bumagsak sa sahig at sumuka ng dugo. Pero bago iyon ay tumingin siya sa akin saka ngumiti.

Para bang sinasabi niya na 'ok lang. Kaya ko ito. Magpakayatag ka!'

Pinilit kong tunayo kahit na nanginginig ang aking tulod at dahil nadin sa namamanhid ang aking kamay gawa ng pagkasugat noon.

Pero bago pa man ako makatayo ay muli nanaman akong napa upo ng makita ko si R- man na nakatingin kay Walts at hindi nag tagal may pulang bagay ang lumabas sa mata ni R- man.

Lasers! Red lasers. Alam ko iyon. Dahil ako ang naglagay ng mga iyon kay R- man. Na ginamit naman niya pang patay sa taong mahal ko.

In other word. Ako lang din ang pumatay sa taong mahal ko.

Nakita ko pang tumama ang lasers sa katawan ni Walts na naging dahilan ng tuluyang pagkawala ng kanyang buhay.

Nakita ko pang lumampas ang lasers na iyon sa katawan ni Walts.

Pero hindi pa nakuntinto si R- man. Pinag suauntok padin niya si Walts kahit wala na itong buhay.

"TAMA NAAAA! PLS TIGILAN MO NA ITO!"

"WAAAAALLTTSSSSS!"

"R-MAN PLS!" wala na akong ibang magawa kundi ang sumigaw at umiyak. Hanggang sa biglang napatingin sa akin si R- man.

Sa mga oras na iyon dapat matakot ako. Dapat tumakas na ako dahil baka patayim niya din ako pero hindi.

Namanhid na ang katawan ko kagaya ng aking kamay na sugat sugat na ngayon.

Wala na akong pakialam kung patayin na niya ako ngayon. Handa na ako! Mas masaya nga iyon eh. Para magkasama na kami ni Walts.

Unti unting lumapit sa akin si R- man at nagiging pula ang kanyang mata.

Handa na ako. Handa na akong harapin ang laser niya. Pero bigla nalang siyang natigilan at napaupo.

"Ahhhhh!" Sigaw niya habang hawak ang kanyang ulo.

"Ahhhh! Ano ba?" Sigaw niya saka napa upo.

Ilang sigundo pa ang lumipas at natigil siya sa pag sigaw.

Para siyang hinang hina na hindi ko alam kung bakit. Mabilis na hinahabol ang kanyang pag hinga.

What? Paghinga? Kaylan pa siya natutuong huminga?

"Summer!" Iyon lang ang salitang lumabas sa bibig ni R- man pero kinilabutan ako.

Yung boses na iyon. Yung boses na iyon. Parang, parang si Walts.

Pero imposible, pinatay niya palang ngayon si Walts. Pinatay niya si Walts. Pinatay niya ang taong mahal na mahal ko.

"Summer!" Lalapit sana siya sa akin pero umiling ako. Hindi ko kayang dumikit sa nilalang na kagaya niya.

Napakunot noo naman siya saka napatigil. Tumulo ang luha sa kanyang mukha na akin namang kinagulat.

Kaylan pa siya natutulong umiyak? Kaylan siya nagkaroon ng emosiyon?

"Walts!" Nabaling naman ang aking atensiyon sa mga taong papasok.

Sila Exx at Edward kasama ang ibang military robot ang iba pamg hindi ko kilala.

"Summer!" Tumingin sila sa akin at kay Walts. Ng makita nilaang nangyari kay Walts ay pare pareho silang nagulat.

Inilabas nila ang kanin kanilang mga baril saka sabay sabay na pinaputok iyon kay R- man.

Napapa atras lang si R- man pero mukha siyang hindi naman nasasaktan. Tinatamaan siya pero walang bahid ng sakit sa kanyang mukha pero alam kong nahihirapan siya dahil sa dami ng bala na tumatama sakanya.

Tumingin muna siya sa akin bago lumipad. Sinira niya ang bubung ng palasyo saka lumakas.

"Summer ok kalang?" Tanong sa akin ni Exx pero hindi ako sumagot. Tumingin lang ako kay Walts na wala ng buhay ngayon.

"Exx. Wala nang buhay si master Walts!" Napatahimik ang lahat ng sabihin iyon ni Edward.

Walang nagsasalita kahit na sino pati ako. Parang nawalan na ako ng emosiyon at naging manhid ang aking katawan.

Narinig kong nag buntong hininga si Exx saka nakita kong tumango.

"Kayo!" Tinuro niya yung ibang kasamahan niya.

"Gamutin niyo si Summer. At ikaw naman Edward! Tulungan mo akong buhatin si master. Kailangan na nating bumalik sa palasyo!" Seryosong utos ni Exx.

Napalingon naman ako dito.

"Paano yung mga kalaban niyo kanina? Yung mga nakaitim na halimaw?" Walang emosiyon kong tanong sakanya.

"Wala na sila. Bigla silang nagsitakasan. Hindi ko alam kung bakit!" Tumango nalang ako bilang tugon.

Pinunasan ko ang aking luha sa aking pisnge.

Sa mga nangyayari ngayon alam kong hindi na normal ang lahat. May dapat akong alamin na kasagutan sa maraming tanong sa aking isipan.

At itaga niyo sa bato. Mag hihiganti ako. Gagawin ko ang lahat mapag bayad kalang R- man. Buhay sa buhay. At wala na akong pake alam sa kung ano man ang mangyari sa akin sa hinaharap. Papatayin kita kagaya ng pag patay mo sa taong mahal ko.

"Summer ok ka lang?" Narinig kong tanong nang kung sino sa aking likuran.

"Kamusta ang kamay mo? Ang sabi ng doctor mo ay durog durog nadaw ang buto niyan. At hindi na magagamot pa. Kailangan na daw iyang putulin Summer!"

"Kailangan mong pumunta sa doctor Summer. Tingnan mo ang sarili mo. Sugatan ka pa. Kailangan mo munang magpagamot!"

Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino ang nag tanong. Kilalang kilala ko na siya.

Si tito Leonard.

Hindi ako sumagot bagkos ay pinag masdan ko lamang ang letrato ni Walts na nakalagay sa gilid ng kanyang libingan.

"Alam ko ang nararamdaman mo. Nawalan din ako. Pero gusto ko lang sabihin sayo na nandito lang ako para sayo. Anak nadin ang turing ko sayo eh. At ngayong wala na si Walts tayong dalawa nalang ang magkasama. Tayong dalawa nalang ang mag tutulungan.

Kaya magpaka tatag ka sana. Gawin ko ang tama pero wag kang mag papadala masyado sa itong emosiyon. Baka dalhin ka niyan sa kung saan!" Hindi ako nag salita. Para na akong pake.

Wala na akong pinapakinggan. Isa nalang ang alam kong dapat kong gawin. At iyon ay ang mag higanti.

Niyakap lang ako ni tito saka siya umalis.

Tumulo ang huling luha sa aking mata. Mabilis ko naman iyong pinunasan saka pinangako sa aking sarili na ito na ang huling beses na magiging magina ako.

Patay na ang dating Summer. Kasabay ng pagkamatay ni Walts ang pagka matay din ng dating Summer.

Hindi na ako magiging mahina. Hinding hindi na.

Paalis na sana ako noon ng makaramdam ako ng dalawang pares ng mata ang nakatingin sa akin.

Hindi ako nagpahalata. Pero pinilit kong tingnan kung sino ang naka titig.

Napahigpit ang hawak ko sa aking kamay at nag pantig ang aking panga sa nakita.

Si R- man. Matang nakatingin sa akin at sa di kalayuan ay si Lucas. Ang bestfriend ko na pinatay ni R- man.

So totoo nga. Hindi ako namamalikmata ng araw na makita ko sila ni R- man. Totoong buhay siya. Or should I say isa na siyang halimaw? Kagaya ni R- man?

Itutuloy.....

次の章へ