webnovel

Is it a Truce?

Lola's POV :

Nakapagpalit na siya at inilatag si Angel sa higaan nito. Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nagulat siya ng makitang madaming pagkain sa hapag kainan. Bakit andami naman nito?

Biglang kumalam ang sikmira niya. Napahimas siya sa tiyan niya. Hindi pa pala ako nakakakain kanina pa.

Tiningnan niya ang nakahain at pagkakataon yata't lahat iyon ay paborito niya. Teka, birthday kaya niya?

"Kaya siguro may sumpong. Hmmm."

"Go on & eat it", biglang may nagsalita.

Napatalon na naman siya sa gulat.

"Bakit ka ba laging nanggugulat?!"

"Do I need to ask permission to go here?" Sagot ni Brad. Dumiretso ito sa ref at kumuha ng tubig.

Inirapan niya ito at nagkunwaring inaayos ang mga pinggan. Lumapit ito at inilagay sa lababo ang ginamit nitong baso. Bahagyang nagkdikit ang mga braso nila. Sa di niya maipaliwanag na pakiramdam, bumilis ang tibok ng dibdib niya sa pagkakalapit nilang iyon. Maglubay ka nga Lolita!

"Aren't you going to eat it?"

Hindi siya sumagot.

"I bought it for you."

Napaawang ang mga labi niya at tumingin dito. Tama ba yung narinig ko?

Lumapit siya at inabot ang noo nito. Nilagay niya ang isang kamay niya sa noo naman niya. "May sakit ka ba? Pero okay naman ang temperature mo."

Inis na inalis nito ang kamay niya. "If you're not gonna eat it then I'll just throw this outside."

"Hep hep! Bawal magsayang ng pagkain. Madaming batang nagugutom", sagot agad niya at dali daling umupo at hinarap ang pagkain. Wohooo! Party party na naman mga sikmura ko sa tiyan.

Sinimulan niyang kainin ang pagkain. Umupo ito sa tabi niya. "Sobrang sarap ng mga ito. Ano bang sine'celebrate natin? Birthday mo?"

Tumawa ito ng bahagya. Ang gwapo talaga ng mokong na 'to. Wag nga lang magsasalita.

"It's not my birthday. I just want to apologize for acting jerk on you."

Nasamid siya sa narinig. Bumara yata ang kinakain niya sa dibdib. Dali dali namang kumuha ng tubig si Brad at pinainom ito sa kanya. Matagal bago siya nahimasmasan. Narealize niya na na hinahaplos ni Brad ang likod niya habang inuubo siya.

"O-Okay na ko. S-Salamat", medyo lumayo siya ng kaunti. Parang may boltahe ng kuryenteng iniwan ang kamay ng binata sa likuran niya.

"Are you sure you're okay?"

Tumango siya ng sunod sunod. "Sorry. Nagulat lang ako sa sinabi mo."

Natawa ito. "I must really be that bad that you can't believe I can apologize."

"Oo", prangkang sagot niya.

Tumimgin ito ng diretso sa kanya. Halos matunaw naman siya sa pagkakatingin nito. "Im sorry. I don't know why I acted that way with you."

Napalunok siya. Hindi niya alam kung bakit tibok lang ng dibdib niya naririnig. Napabaling siya sa pitsel ng tubig at uminom direkta sa lalagyan.

Brad's face looks amused habang nakitingin ito sa pag ubos niya ng laman ng pitsel. "Sure ka okay ka na?"

Nag thumbs up lang siya dito at itinuloy ang pagkain. Nahulog sa malalim na pag iisip ang diwa niya.

Juice colored! Ano ba itong nangyayari sakin? Sa tuwing kaharap ko ang lalaking ito nagiging abnormal ang pag-palpitate ng puso ko! Oh hindiiiiiii!

次の章へ