webnovel

Ana

Somehow that call relaxed her a bit. That he never forgot her. She gripped the phone and heaved a deep sigh. Natigilan siya kay Gretta na malayo ang tingin.

"Paulite is pressured," sabi nito. Sinulyapan siya saglit. "He had two companies on his hand. The Cristobal Airline and the Jones Sand and Gravel. Both are in their vast progression if the head would be out of focus what do you think will happen with the two company? I heard about your issue. I am sorry to say this but your family is in the critical hazard. I hope it won't affect his performance. His priority. And his goal. Siya nga pala, aalis ako kaya makakasama mo si Martin bukas. Kahit huwag ka muna pumunta sa office, off ang laborers. Magpahinga ka muna, Hija."

Tahimik siyang sumunod dito hanggang sa makasakay sa sasakyan at makaalis. Iniisip niya ang mga sinabi nito. Nakalimot siya sa pansariling mundo ni Paulite. Na hindi umiikot sa kanya ang atensyon nito. He is a business man, a higher person with less time for love. But she came to his life and took all his time. And now, she is surfacing a major storm on her life. Isinama niya pa ang binata. Halos iasa niya na rito ang pagresolba.

Nasapo niya ang kanyang dibdib. Naalala ang unang sinabi ni Gretta na nagpupunta si Paulite sa isla na iyon kapag stress ito. He is stress because of me. What I have done? Tinakpan niya ng unan ang kanyang mukha. Ako dapat ang humaharap sa problema ko at hindi siya. Ang dami niya nang problema tapos dinagdagan ko pa. Kaya pala mukha siyang pagod kanina. Ang selfish ko!

Napaupo siya. Naisipang tumayo para magtimpla ng tea. Hindi siya makatulog.

She stayed on the Kitchen. She imagined Paulite is in the table, busy on cutting the vegetables for their dessert. He has been polite, concern, and generous with her, but she always turned him down even if she really loved him. She always gave him a problem instead of care and comfort.

I am selfish!

Nilagay niya ang tasa ng tsaa sa lababo. Nawalan siya ng gana. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. May gusto siya pero hindi niya malaman kung ano iyon.

Why is this happening to me? Why Ana would blame me for my dad's death even if she knew I wouldn't do it. Why my sister doesn't like me? There are many people in this world, but why me? Why do I have to be alone? Why do I have to face this all? Can I live normal? Can I have a simple family?

Tears escaped on her eyes. She is frustrated. Frustrated with her faith.

Am I cursed to be lonely? A living thirsty soul?

She slept late last night. Her eyes were sore the morning when she waked up. She doesn't have a plan but she got up and changed jogging clothes. She will work out until her body limp. Biking. Boxing. Swimming in the afternoon even if her complexion is already tan.

Doon siya sa dalampasigan nag-jog ng isang oras. Hindi pa ganoong masakit ang sinag ng araw kaya't ganado niyang tinakbo ang kahabaan sa gawi na iyon. Tagaktak ang pawis. Hinihingal siyang huminto nang mapansin ang paggalaw ng mga puno. Pagtingala niya ay may helicopter na pa-landing sa dulo.

The wind is howling. The water is swirling the same on the sand.

Marahang lumapag iyon. Unti-unting bumagal ang pag-ikot ng elisi kagaya nang pagkalma ng hangin, tubig at buhangin. May bumabang babae mula roon. Sa likod nito ay apat na naglalakihang lalaki na pinagtutulungang buhatin ang dalawang kahon.

"Siya na ba 'yung tinutukoy ni Lite?" Kinabahan siya nang lumingon sa kanya ang babae.

May inutos ito sa mga lalaki bago nagtungo kung saan siya naroroon. Slowly, she can visually describe the woman as sophisticated and beautiful. She had that strong appeal that saying she's not a normal woman.

"Jessica Jones-Smith?" said the woman.

Kabado man ay hindi niya ipinakita. "Yes, I am. How may I help you?"

"I and those four gentlemen will guard you staring today onwards."

Mula rito ay umalpas ang kanyang atensyon sa apat na lalaki na ngayon ay pabalik na sa dalampasigan. Huminga siya nang malalim. "I hope they will hide somewhere. I am not comfortable being watched by bodyguards."

"Noted."

Tumalikod siya rito upang muling ipagpatuloy ang kanyang routine. She made two more laps before she settled on the sun lounger with a prepared Coconut juice. Nagtataka niyang tiningnan ang babaeng nakatayo lamang sa gilid at nakatanaw sa malayo.

"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" tanong niya.

"Actually I am dripping wet inside my suit."

Napangiti siya sa pagiging blunt nito. Dinampot niya ang buko juice at tinitigan iyon.

"Ako ang gumawa niyan. Don't eat anything that I don't advice you to eat or drink. Ako muna ang titikim," utos nito.

Gusto niya sanang magreklamo, pero naalala niyang hindi siya naparito para magbakasyon. She is here because she is hiding like a real criminal. She needed to be cautious. And this woman will protect her their life. "Thank you... uh! What is your name? Remove your coat, I want you and those four men comfortable here."

"Ana." Maliksi nitong tinanggal ang suot na itim na coat. Ang puti nitong button-down shirt ay halatang basa sa pawis. Hapit sa katawan nito ang kasuotan kaya bakas ang balingkinitang katawan.

She looked away. "Kapangalan mo 'yung nagturo sa akin na mastermind sa pagpatay sa ama ko."

Ana placed her coat on the sand and sat there. "I know. I read your profile. I know everything about you and that bitch, Ana."

Nakuha nito ang buong atensyon niya. Minasdan niya ito habang pinupunasan ang pawis sa leeg at noo niya. Nahihiwagaan siya. Hindi pa siya nakakakita ng bodyguard na babae. Alam niyang may mga babaeng body guard pero ang isa ito ay kakaiba. Pakiramdam niya ay hindi ito normal kumpara sa ibang lady bodyguard.

"Mabait si Ana. Alam kong tinakot lang siya para ituro sa akin ang lahat."

"Alam kong 'yan ang sasabihin mo. Paano kung mali ka? Paano kung totoo ngang iniipit ka ni Ana?"

Napalunok siya. Natigilan. Mukha itong hindi sanay makipagbiruan. Seryoso sa lahat ng bagay.

"Hindi ko alam kung ano ang posibleng dahilan niya kung bakit." She was taken aback when the woman glared at her.

"Stop thinking about her. Think of yourself. Ikaw ang naiipit sa kasalanang hindi mo naman ginawa. Malaki ang pinatong nila sa ulo. Actually puwede kitang dalhin sa malapit na presinto at hindi na magtrabahong bodyguard mo."

Fear enveloped her chest. Sa isang iglap napagtanto niyang hindi niya puwedeng pagkatiwalaan ang mga tao sa paligid. Na ang buko juice ay may pampatulog at puwede siyang ipahamak nito.

"Natatakot ka na ba ngayon sa akin?"

Huminga siya nang malalim. "Kung gusto mo akong dalhin sa police, dapat kanina mo pa ginawa." Nilingon niya ito. "Kahit hindi ako matalino. Kahit normal lang akong babae at walang kakayahang iligtas ang sarili sa gulo, alam ko ang kahulugan ng prinsipyo. Hindi ko ibababa iyon para lang sa pera. Bahala ka. Dalhin mo ako, sana hindi ka gambalain ng kunsensiya mo." Tumayo siya at umalis doon. Hindi pa man siya nakakalayo ay naulinigan niya ang malakas na tawa nito.

"Mali ka. Matalino kang tao. Ang totoo gusto kita."

Muli siyang nagpatuloy ngunit may nakapagkit ng ngiti sa mga labi. Ngayon alam niya nang sinusubukan lamang siya nito. Mula sa gilid ng kanyang mata ay natatanaw niyang sinasabayan na siya nito sa paglalakad hanggang sa mauna na ito. Nang marating nila ang pinto ng bahay ay arogante siya nitong nginisihan.

"I want to tell you a secret."

Pinagkrus niya ang kanyang mga braso. Hindi papatalo sa matapang na titig nito. "Okay."

"I am an Agent," Ana confessed.

The wind blew her hair. And for a fleeting moment, she felt that Ana had lots of secrets. She twisted the doorknob and pushed it open for her.

She saw the two big box.

"Pinadala sa amin 'yan ni Mr. Cristobal. Kakailanganin mo raw iyan."

Nauna siya sa pagpasok upang buksan ang isa. Woman stuff like; make-up set, a pair of dazzling shoes, fancy clothes, and expensive sets of jewelry. Habang sinusuri ang kumikinang na kuwintas ay tumingin siya kay Ana. "Does he think I need this here?"

Ana just shrugged her shoulder.

Pagak siyang natawa. "Give me your phone."

"I don't have any."

Napatayo siya. "Seriously?"

"Oo nga, akala mo binibiro ka."

"Paano ka tatawagan ni Paulite?" She stepped forward and claimed Ana's private space. She is tall but her height doesn't intimidate the woman, instead, Ana gave her an intense glare too.

"Sino may sabi sa'yong kailangan kong mag-report sa kanya? Ang trabaho ko ay protektahan ka. Iyon lang."

"Hindi kita kailangan. I am safe here."

"Mukhang hindi ka aware na sikat ka, Jessica. Marami ang nabigla nang lumabas ang balita. Hindi mo alam ang posibleng tumatakbo sa utak ng isang tao. Ang kaibigan kayang tumalikod sa'yo. Hindi kasi lahat ng tao may prinsipyo. May iba sadyang gagawin ang lahat para sa pamilya o tawag ng pangangailangan. Kung minsan nga nasa loob ng pamilya ang kalaban tinitira ka na nang harapharapan. Kaya kahit anong sabihin mo, kailangan mo ako."

Siya ang unang umiwas nang tingin.

"Jessica?"

Sabay silang lumingon sa pumasok sa pinto na si Gretta. Noong una ay umabante si Ana at minata ang ginang. "Sino ka?"

"Sino ka rin?" balik tanong ni Gretta, tumingin sa kanya.

"Kaibigan siya ng ina ni Paulite. Worker ni Paulite sa Jones Sand and Gravel." Siya na ang sumagot. "Mrs. Gretta, siya si Ana. Body guard ko po. Akala ko po ay may lakad kayo ngayon?"

"Bukas nalang daw sabi ni Pao. Bakit hindi ako kilala niyan?" Dumiretso ang ginang sa kusina at sinalin ang dalang pagkain para sa hapunan. "Magluluto ako ng ginataang labong bukas. Mahilig ka sa gulay, hindi ba?"

Sumunod siya sa kusina. Ganoon din si Ana.

"Opo," sagot niya. Pinapanood si Ana na nauna sa pagtikim sa dalang pagkain ni Gretta. Ang Ginang naman ay tumaas ang kilay sa ginawa ng body guard niya.

"Tatawag mamaya si Pao kaya sasabayan na kita sa hapunan. Akala ko kasi wala kang kasama. Mukha ba akong maglalagay ng lason sa pagkain mo?" Gretta said.

She could almost taste the bitterness on her voice. And the deadly glare she threw with Ana. Alanganin siyang ngumiti. Habang naglalagay ng plato ay naikuwento ni Gretta ang tungkol sa dami ng order sa kanila ng VIP client nila.

"Ana sumabay ka na sa amin," anyaya niya.

Hindi umimik si Ana. Hinila lang nito ang upuan at casual na naupo. Gretta threw a make face when she passed through behind Ana. Napabuntong hininga nalang siya.

"Ano po ba ang pangalan ng company?" tanong niya.

"Confidential, Hija." Matalim na pinukulan nang tingin ni Gretta ang tahimik na kumakain na si Ana.

"Ay ganoon po ba. Oo nga pala, hindi po ba ay kaibigan niyo ang mama ni Paulite. Posible po kayang kilala niyo si Jessica Imperial?"

Nasamid si Ana sa kinakain nito. Si Gretta naman ay napaayos ng suot na salamin. Metikolosang tinapunan nang tingin si Ana bago inusog ang basong may laman na tubig.

"Thank you," saad ni Ana.

"Okay ka lang?"

Habang umiinom ay nag-thumbs up ito sa kanya. Nilingon niya si Mrs. Gretta upang hintayin ang sagot nito sa katanungan niya.

"Hindi ko kilala, Jessica. Bakit mo naitanong?"

"Wala po." Tahimik siyang kumain, ngumiti sa nakatitig sa kanyang si Ana.

次の章へ