webnovel

CHAPTER 7: WILD, WILD, WILD

NAGPAKALUNOD si Misha sa alak at hindi rin nagpaawat sa dance floor. Hanggat hindi tumitigil ang kasama ng dati niyang asawa sa pagpapasikat, ay wala rin siyang balak na tumigil. Hindi siya papatalo.

Mayamaya'y kinabig niya palapit ang lalaking kasayaw—na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan. Niyakap niya ito't lalo pang sumayaw ng daring. Ginaya niya ang walling dance ng babae sa katawan ng kasayaw. Gumigiling siya pababa at pataas. Bagay na gustong-gusto naman ng lalaki.

"Hooo! Yeah!" anas niya habang isinasabay sa tugtugin ang kanyang pag-indak.

Maya't maya rin niyang sinusulyapan si Loven para makita ang reaksyon nito. Madalas niya itong mahuling nakatingin sa gawi nila. Ngunit, hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito. Bukod sa may kadiliman sa paligid dahil tanging disco lights lamang ang nagbibigay liwanag sa dance floor, ay parang ginagawa rin nito ang lahat maitago lang ang totoo nitong nararamdaman.

Kaya naman, lalo pa niya itong tinukso. Sa kanilang pagsasayaw ay halos gahasain na niya ang lalaking kasama. Nagawa rin niyang ipahipo sa lalaki ang kanyang dibdib habang gumigiling at nakakunyapit sa balikat nito. Nilunok niya ang lahat ng kanyang hiya at ginawa ang lahat upang mag-init ang mga mata ng dating asawa. Ngunit, ganoon na lang ang sakit na naramdaman niya nang yayain na nito ang babaeng lisanin ang dance floor.

'Baka naman… nag-iilusyon lang ako? As if namang may feelings pa siya sa'kin! Dahil kung mayro'n man, hindi niya ako dapat na hinahayaang hipu-hipuan ng kahit na sinong lalaki habang nagpapakalasing.' Napa-ismid siya sa isiping iyon. Masakit pa rin talaga ang makita itong wala ng pakialam sa kanya.

Nang mga sandaling iyon ay hindi na niya nagawang kumilos sa kinatatayuan. Bigla siyang nawalan ng ganang sumayaw. Nagbabadya na rin ang kanyang mga luha. Ngunit, pilit pa rin niya iyong pinipigilan. Nangako siya sa sariling hinding-hindi siya magpapakita ng kahinaan sa harapan ni Loven. Pero, ang hirap diktahan ng damdamin. Mas sutil pa ito kaysa sa kanyang pride.

At bago pa man niya tuluyang hindi mapigilan ang sarili'y siya namang pagdating ni Harris. Marahas ang ginawa nitong paghila sa kanyang braso palayo sa lalaking kasayaw niya.

"What are you doing?!" mariin ngunit mahinang kompronta nito sa kanya.

"Hey, Pare! Puwede bang ibalik mo sa'kin ang ka-date ko?" iritang turan ng lalaking kasayaw ni Misha. Sumunod ito sa kanila't halatang hindi nagustuhan ang biglaang paghila ni Harris sa kanya.

"At sino naman ang nagsabing date mo siya, ha?" Galit na hinarap ito ni Harris.

"I said it!" tipid nitong sagot at nakipagtagisan ng titigan kay Harris. Hinawakan din nito ang kabilang braso ni Misha't bahagyang hinila palapit sa kanya.

"Let her go!" Puno ng pagbabanta ang mga titig na ipinupukol ni Harris sa lalaki.

"No."

"I said, let her go!"

"Aray ko! S-sandali nga!" Pinilit ni Misha na kumawala sa dalawa. Ngunit, hindi iyon pinahintulutan ng mga ito. "Masakit na ha!"

Nasasaktan na siya sa higpit nang pagkakahawak ng mga ito sa braso niya. Isa pa, nakita niya ang hitsura ni Harris na parang isang bomba na segundo na lang ang hinihintay at sasabog na sa galit. Doon siya tila nahimasmasan at bumalik sa katinuan. Nawala na pala sa isip niya ang dahilan ng kanilang pagdalo sa party na ito. Masyado siyang nagpadala sa nararamdaman para sa dating asawa.

"I… I'm sorry… Siya ang kasama ko dito sa party," pag-amin niya sa lalaki—dahilan para ito na mismo ang bumitaw sa kanyang braso.

"I thought you're alone?" tanging natanong ng lalaki. Halatang napahiya ito.

"I'm really sorry…" Wala na siyang ibang maapuhap na sasabihin kundi ang humingi ng tawad.

"You thought… and assumed!" Sarkastikong ngumiti si Harris at bahagya pang umiling-iling. Tila gusto nitong lalo pang inisin ang lalaki.

Nang hindi na sumagot ang lalaki'y mabilis na siyang hinila ni Harris paalis ng dance floor.

"This is the reason why I told you to behave!" singhal na baling sa kanya ni Harris nang dalhin siya nito sa bahagi ng venue na walang tao. At saka pa lang siya nito binitawan.

Agad niyang nasapo ang braso. Namumula iyon sa higpit nang pagkakahawak doon ni Harris. Bahagya rin siyang nawala sa balanse at nagpasuray-suray dahil sa kalasingan. Mabuti na lang at may wall cabinet sa gilid nila kung saan nakapatong ang mamahaling vase. At doon siya humawak upang hindi tuluyang bumagsak sa sahig.

"W-what did I do? May n-nasira ba akong plano mo? I… I just enjoyed the party while you're in the m-middle of nowhere… and doing the m-mission ALONE!" May halong tampo sa boses niya at nagkakandautal-utal pa sa kalasingan.

"I contacted you multiple times pero hindi mo inu-on ang receiver! Palibhasa kasi masyado kang nagi-enjoy sa pakikipaglandian at pagpapaselos mo sa dati mong asawa! Kaya sa tingin mo ba, makakapagtrabaho tayong magkasama?"

"S-sorry na…" Naisip niyang maling-mali ang ginawa niya. Kahit saang angulo niya tingnan, mali talaga siya. "Pero, m-may isa naman akong nagawang tama," bawi niya.

"Isang tama? It's useless! Hindi tayo magsasayang ng malaking pera para lang sa one out one hundred mong tamang nagawa!"

Napayuko na lang siya. Ayaw na niyang salubungin pa ang galit ng partner niya dahil hindi naman siya mananalo. Ngunit, sa pagyuko niyang iyon ay aksidenteng nahagip ng kanyang mga mata ang isang dulo ng itim na sapatos na nagkukubli sa may 'di kalayuang pader ng pasilyo. Agad naman iyong naitago ng sinumang nagtatago roon.

Kinutuban siyang may nakikinig sa pinag-uusapan nilang dalawa. At para malihis ang paghihinala ng sinumang pangahas na iyon ay mabilis niyang kinabig ang ulo ni Harris at mariin itong hinalikan sa mga labi. Sa una'y pumapalag pa ang lalaki dahil sa pagkabigla at pilit na kumakawala mula sa pagkakayakap niya.

"J-just kiss me! May n-nakamatyag sa atin…" paliwanag niya sa pagitan nang paghalik. Matapos iyon ay kusa na ring sumabay si Harris.

Lalo pang lumalim ang mga halik na iyon. Sa una'y si Harris ang nakasandal sa pader while she's ruling the act. Ngunit, nang magtagal ay si Harris na mismo ang kumilos at pinagpalit na nito ang kanilang puwesto. Those kisses makes her tremble. At hindi niya mapigilan ang mga impit na ungol na pilit kumakawala sa kanya. Sobrang init sa pakiramdam ng mga halik na iyon na para siyang dinadarang sa apoy.

Lalo pa niyang isiniksik ang sarili sa mga bisig ng lalaki. Mahigpit ang kanyang pagkakayakap dito. Pakiramdam kasi niya'y babagsak siya sa sahig dahil sa labis na panginginig ng kanyang mga tuhod. Unti-unti na siyang nawawalan ng lakas.

'He is a damn good kisser! Shit!' Pakiramdam niya'y naghahangad pa ang kanyang katawan ng higit pa sa mga halik lang. Ngunit, magaling magdala si Harris. Alam niyang sobra rin itong nagpipigil ng sarili.

SA KABILANG BANDA'Y mariing naikuyom ni Loven ang kanyang mga kamay sa nasasaksihan.

Kanina lang ay may ibang kalandian ang kanyang dating asawa sa dance floor. At ngayon ay mainit na nakikipaghalikan naman sa ibang lalaki.

"Damn!" anas niya. Hindi akalain ni Loven na ganito ang kanyang masasaksihan nang sundan niya ang mga ito.

Kanina lang ay nag-aaway ang dalawa at muntik pang gumawa ng eskandalo sa dance floor. Kaya nga niya agad na sinundan ang mga ito upang matiyak na walang gagawing masama ang lalaki sa dati niyang asawa.

"Loven, what are you doing there?"

Agad siyang napalingon sa kanyang likuran nang marinig ang boses ni Tricia—ang babaeng date niya sa gabing ito.

"Bigla ka na lang nawala."

"Nagpunta lang ako sa restroom. Let's go back?" Mabilis na niyang hinila ang babae palayo sa lugar na iyon. Hindi siya dapat na makita rito ni Misha.

HANGGANG sa makauwi ng Viper Institute ay walang nangahas na magbukas ng usapan sa pagitan nina Misha at Harris dahil sa namagitang iyon sa kanila.

Susuray-suray man ay diretsong tinungo ni Misha ang kanyang silid. Pilit siyang nagpapatiuna kay Harris simula pa lang sa pagbaba ng sasakyan. Halos suyurin niya ang mga pader sa pasilyo para lang makapaglakad ng maayos.

Si Harris naman ay kunot-noo lang na nakasunod sa kanya habang bibit ang pares ng sapatos ni Misha. Ilang beses na kasi siyang natapilok pauwi kaya hinubad na niya ang mga iyon sa sasakyan pa lang. Mas masarap sa pakiramdam ang naka-paa lang.

Ilang beses man siyang kamuntikan ng lumagapak sa sahig ay hinahayaan lang siya ni Harris. Pinapanood lang siya nito at tama na iyong ihatid lang siya ng tingin hanggang sa makapasok na ng silid.

"Hoy, sandali!" malakas na tawag nito sa kanya nang akmang isasara na niya ang pinto.

"Bakit?" Nakasimangot niyang muling niluwagan ang pagkakabukas ng kanyang pinto.

Ngunit, sa halip na magsalita ay inihagis nito ang pares ng kanyang sapatos sa loob ng kanyang silid. Pagkatapos ay tahimik na itong umalis.

"Tsk! Yabang… Ang yabang talaga! Walang modo! Haist!" Nagngingit-ngit sa inis na isinara niya ng malakas ang pinto.

At nagmamartsang tinungo ang kama. Wala na rin siyang lakas na magpalit pa ng damit dahil tila hinihila na siya ng higaan.

"P-pareho lang sila ni Loven... na ang sarap i-ibaon sa kailaliman ng lupa!" she mumbled while smiling bitterly. "Papatayin kita, Loven! P-papatayin kita! Pinapangako ko 'yan…"

Paulit-ulit niyang binibigkas ang mga huling salitang iyon hanggang sa makatulugan na niya.

...to be continued

次の章へ