webnovel

Chapter 32

"SABI KO DI ba, ihahatid na kita?" Si Kristan sinundan niya ako. "Bilang thank you, dapat pumayag kang ihatid kita sa room n'yo. Nilibre kita, di ba?" Nakangiting sabi niya at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko at palakad niya akong hinila.

Ang mga schoolmate namin, bubuyog mode na naman. Naks! Ako na ang trending lagi. From nobody to somebody's talking about.

Tahimik lang kaming naglakad. Bawat madaanan may bulungan. Pero wala na akong paki dun. Mukhang nasanay na ako. Basta ang nasa isip ko ngayon si Carly. Baka kasi magalit siya sa sa 'kin sa ginagawang 'to ni Kristan.

"Sorry nga pala sa mga ginawa ko sa 'yo." Mahinang sabi niya na sapat lang para marinig ko. Pero di ako sumagot. Patuloy lang ako sa paglakad.

Ba't di niya pa ako binibitawan? Tanong ko sa utak ko. Pa'no ba naman kasi, nandito na kami sa tapat ng classroom ko. Ito na, huh! Sa may pinto na ako. Binabawi ko na ang kamay ko pero lalo niyang hinigpitan ang hawak sa 'kin.

"Di mo pa sinasagot yung tanong ko." Sabi niya.

"Hah?"

"Yung tanong ko. Kung pwede ba kitang ligawan?"

"Sorry." Yun lang nasagot ko. Di niya pa rin talaga binibitawan ang kamay ko.

"Hindi ako tumatanggap ng sorry at hindi." Seryosong sabi niya.

"Nagtanong ka pa!" ngiwi ko.

"So, oo ang ibig sabihin niyan?" nakangiting tanong niya. Huwaaaat? Di naman ganun yun!

Nakakailang na! Tapos paglingon ko sa gawing kanan nanlaki mga mata ko. Waaaaaaahh! Si Nate! Ang sama ng tingin sa 'min! My gums! Caught in the act ako! Bigla kong binawi kamay ko. Pero di pa rin talaga ako binibitawan ni Kristan. Parang may pananadya pa?

Pero bakit ba? Di naman kami. Ang cute niya – kung selos man ang pinapakita niyang yan. Naku! Ang hair ko, baka matapakan! Nate, don't me. Marupok ako!

Kasama ni Nate tropa niya. Si Cristy, pansin ko yung ibang ngiti. Hmm?

~~~

> NATE'S POV <

KANINA PA ANG dalawang 'to, hah! Haist! Parang nananadya naman kasi ang Kristan na 'to. Pansin ko na di gusto ni Chelsa ang ginagawa ni Kristan. Pero nagseselos pa rin ako. Pero di naman kami! Well, hindi pa. Pero bakit parang nagpapaligaw siya? Sinabi ko na sa kanyang liligawan ko siya, hah!

Muling binawai ni Chelsa ang kamay niya at nabitawan na siya ni Kristan. Napatingin pa siya sa 'kin bago siya pumasok sa room. Napangiti ako, alam ko ang mga tingin na yun. Sini-secure niya ako na walang ibig sabihin yun.

Yung ugok naman, nakangiting aso. Na parang sinasabing, That's my girl!. Haist! Maghanap ka na lang ng That's my tomboy mo at magbugbugan kayo! Pagdaan pa niya sa tapat ko nakangisi pa siya. Hindi ko mapigilang mapaisip kung ano bang binabalak ng taong 'to?

Pagpasok namin sa classroom, hinawakan na naman ni Cristy yung kamay ko. Wala na akong nagawa. Hanggang maupo kami magkahawak kamay kami. Ayaw ko siyang mapahiya kaya hinahayaan ko siya. Pero…haist! Pasaway din 'to, eh!

Ilang minuto pagka-start ng klase. "Ma'am!" taas kamay ko habang seryoso sa lecture niya ang teacher namin sa History habang nagsusulat sa board.

"Yes, Mr. Hernandez?" si ma'am nang napalingon siya sa 'kin.

"Ma'am, mag-iingay po ako. Kaya mauupo po ako sa hulihan." Sagot ko.

"Pardon?"

"Sa dulo po ako, ma'am, mauupo. Kasi po maingay po ako."

"Okay? Ang honest mo. I admire you for that." Sagot ni ma'am, tapos balik na siya sa pagsusulat sa board. Parang gusto niyang mapakamot ng ulo. Iniisip niya siguro, bingi na ba ako at ba't parang wala akong narinig na ingay?

Agad akong tumayo. Alam ko kasing may bakanteng upuan sa tabi ni Chelsa. Pagdating ko dun, naupo ako agad. Pero sa harap lang ang tingin ko. Di ko siya pinapansin.

Isang pang rason ba't naupo ako rito ay yung narinig kong pagsagot niya kanina sa akin. Narinig ko talagang nagsalita siya sa utak ko. Dahil dun, di ako maka-focus sa lesson. Haist! Di first time yun. Guni-guni lang ba? Baka masyado ko na siyang gusto? What? Really? Ugh! Dapat siya ang may mas more love sa 'kin! Kaysa sa love ko sa kanya!

She mouthed, ano. Napatikhim lang ako. Nakatitig na pala ako sa kanya. Iwas tingin ako. Pero di ko mapigilan lingunin siya.

HOY!

CHELSA!

YOU CAN HEAR ME, RIGHT?

SAGOT!

"Haist!"

Napatingin lahat sa 'kin. Napalakas pala boses ko. Tinatawag ko kasi si Chelsa sa isip ko, pero para akong tangang naghihintay ng sagot. Literal akong parang bumubulong sa hangin. Haist! Siguro dahil sa gusto kong yun ang maging sagot niya, kaya narinig ko yun sa utak ko kanina? Nababaliw na ako para isiping may taong pwedeng mag-usap sa pamamagitan ng isip. Ano siya, mutant?

Pero parang nagpipigil siya ng tawa. Pinagtatawanan niya ba ako? Mga ngiti ng babaeng 'to parang lalong nahuhulog tuloy puso ko. Nakaka-in love, hah! Nakakabading man sabihin, pero kinikilig ako! Napapangiti na rin ako. Ewan, pero parang wala akong pakialam sa buong klase. Iba talaga epekto niya sa 'kin. Iba ang tama.

Di kaya, ginayuma ako ng babaeng 'to? Natanong ko sa isip ko habang pasimple ko siyang tinitingnan sa gilid ng mga mata ko at di pa rin talaga maalis ang ngiti sa labi ko. At parang gusto kong hawakan ang kamay niya.

Ooohh, yeah! Pagtinamaan ka nga naman ng lintik na pag-ibig.

Few minutes later…

"Emeyged! Hoy! Sina Nate at Chelsa magka-holding hands!" out of nowhere biglang sigaw ng isang babaeng classmate namin. Mala-hysterical pa at itinuturo kami.

Ano raw? Holding hands kami ni Chelsa?

"Oh, shit!" mahinang nasabi ko. Hinawakan ko pala talaga ang kamay niya?

Haist! Tinginan yung lahat sa 'min. Pero nabitawan ko na kamay ni Chelsa kaya di na nila nakita. Tinaas ko ang kamay ko na parang sinasabing, anong pinagsasabi mo? with a weird-mo-look.

"Ms. Khalila! Uwi!" si ma'am. Nagulat siguro sa biglang sigaw nito.

"Ma'am, uwi agad? Nakita ko talaga, magka-holding kands sila!" pangangatwiran pa nito.

"So? Mas pangit kong paa nila magkahawak." Natawa ang buong klase. "Labas! Kakagulat ka."

Yung Khalila simangot na lumabas na lang. Haist! Buti naman. Ganda na ng eksena namin ni Chelsa, umekstra pa kasi. Mahinang natawa na lang ako. Nakita ko rin ang pagpigil ng tawa ni Chelsa. Tapos napatitig na naman ako sa kanya. She mouthed, what? Nakangiting umiling lang ako.

Natapos ang araw na yun na di na ako umalis sa tabi ni Chelsa. Parang gusto ko nang ipagsigawan kung gaano ko na siya kagusto.

Wala na kaming teacher. Nagsitayuan na rin ang lahat, pero kami ni Chelsa nakaupo pa rin. Parang naghihintayan ng gagawin ng isa't isa. Nakatingin lang ako sa harap at naghihintay ng excuse me niya kung dadaan na siya. Kaso…

"Bro, tayo na!" tawag sa 'kin ni Jasper.

Nagulat pa ako sa tawag niya. Akala ko di na ako papansinin nito maghapon? Pero kami na lang pala ang nasa loob ng classroom.

Tumayo ako. "Wait lang, guys! May sasabihin lang ako!" medyo may kalakasan yung boses ko.

Lahat sila nakatingin sa 'kin at kita sa mukha nila na hinihintay ang sasabihin ko. Napa-crossed arms pa sila.

Nilingon ko si Chelsa na nakatayo na. Tapos pagbalik ko ng tingin sa mga tropa ko sa harapan, nagulat na lang ako. Puno na yung classroom – yung mga classmate namin nasa loob na ulit at nakaupo sa mga upuan nila. What? Sobrang lakas ng mga radar nito, hah! Ugh! Pero mas okay na yun. Para alam na rin nila ang real situation ngayon.

"Ano bang sasabihin mo, bro?" si Edward.

"I…" tingin muna ako sa lahat. Okay. Hingang malalim. "I officially announce, that I'm courting her." At itinuro ko si Chelsa. Grabe ang reaksyon ng klase. Ang harsh at ang violent.

"See?! Sabi ko na, di ba, tama ako?!" yung Khalila. Di pa pala umuwi ang babaeng 'to? Eekstra pa?

Ewan ko kung ano ang reaksyon ni Chelsa ngayon. Basta nakatitig lang siya sa 'kin. At inalok ko sa kanya ang kamay ko. Binalewala ko na lang talaga ang reaksyon ng mga classmate namin at ng tropa ko.

Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya habang nakatitig kami sa isa't isa. Gumuhit ang ngiti sa labi namin nang maglapat ang aming mga palad. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Napaka-magical ng moment na yun. Parang happy ending na ng isang fairytale.

Kaso yung mga classmate namin mga epal rin talaga! "BOOOOO!" Sigawan nila. Haist!

"Anong kalokohan 'to, Nate?" dismayadong tanong ni Jasper.

Di ako agad sumagot. Hinila ko si Chelsa para lapitan ang tropa ko. Nung una, tumanggi siya. Pero nag-smile lang ako sa kanya at tumango ako bilang pagpahayag sa kanya na, ayos lang at wag siyangg mag-alala dahil hawak ko ang kamay niya. Naglakad kami palapit sa tropa na may mga boo kaming naririnig.

"Hindi 'to kalokohan, bro. Alam n'yo naman siguro na…" tiningnan ko si Cristy. "wala na kami ni Cristy." Pagpapatuloy ko. Ayun, nag-hystirical with violent reaction na naman ang mga classmate namin. "I love her." At tiningnan ko si Chelsa.

"NOOOOOOOO!" Sigawan ng mga classmate namin. Haist! Mga 'to! Ayun, pati sa labas ang dami na tuloy taong nakikiisyuso!

Nakita ko ang luha sa mga mata ni Cristy. Tumalikod siya at patakbong lumabas ng room – ni di niya nadala ang bag niya.

"This is crazy!" si Lhyn at tiningnan kami ng masama. Sinundan niya si Cristy bitbit ang mga gamit nito.

Umiling lang si Jasper na kita ang disappointment, tinalikuran niya narin kami at lumabas siya ng room. Sina Kyle, Karl at Zab, di ko mabasa kung tanggap ba nila o hindi – basta sumunod na lang sila sa labas. Si Edward, nag-smile sa 'kin at tinapik ako sa balikat bilang pag-suporta. Nag-smile din siya kay Chelsa bago sinundan yung iba.

Alam kong disappointed ang ibang tropa ko. Pero masaya ako ngayon. Hinarap ko si Chelsa at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"Nagawa ko. So, talagang liligawan na kita. Sana naman wag mo akong pahirapan." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Nate?" mahinang sabi niya. Na parang sinasabing, ayos lang ba talaga ang lahat? May luhang pumatak sa mga mata niya.

I smiled. "Hey, don't cry." Pinunas ko ang luha niya sa magkabilang pisngi ng mga palad ko.

"BOOOO!" Sigawan na naman ng mga classmate namin at mga tao sa labas.

"Haist!" sigaw ko sa kanila nang harapin ko sila. Ayun, simangot silang nagpulasan paalis.

~~~

NAGLALAKAD NA KAMI ngayon palabas ng school ni Chelsa. HHWW kami, parang nasa park lang. Kaso ang paligid parang palengke – ang ingay at ang daming bulungan. Pero nakangiti pa rin kaming naglakad.

Bigla siyang huminto sa paglalakad nang may nakita siyang paruparong lumilipad sa taas namin, na medyo kakaiba. Malungkot niya 'tong tiningnan. Lumapit ang paruparo sa kanya at dumapo ito sa nakaliyad niyang palad. Biglang huminto sa pagkilos ang paruparo at parang nag-iiba ito ng kulay – naging kulay abo? Di ko alam kung totoo ba yun? Biglaan kasi at bigla niyang sinara ang kamay niya hawak ang paruparo. Pinatay niya ba yung paruparo?

May luha sa mga mata niya nang lumingon siya sa 'kin. Nabigla ako nang makita ko ang mukha niya. Nagulat ako at kinabahan dahil nagdudugo ang ilong niya. At bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Buti na lang nasalo ko siya. Rumagasa ang kaba sa dibdib ko.

次の章へ