webnovel

Chapter 40

40

"ANO Krisel, nagandahan ba siya sa ayos mo? Anong sabi?"

Binalingan ko ng tingin ang sabik na sabik na si Andeng na humahangos pa dahil sa ginawang pagtakbo. Nang makita nito ang hitsura ko ay biglang nawaglit ang ngiti nito sa labi.

"Hindi niya nagustuhan?" nag-aalalang tanong niya.

"N-ni hindi niya napansin."

Kinulong ako ni Andeng sa yakap at doon sa balikat niya ibinuhos ko lahat ng sakit na umaapaw sa aking dibdib.

Ang sakit... hindi naman mahigpit ang baby bra ko pero ang sikip sa dibdib.

Busy siya Krisel... busy lang siya. Iyon na lang ang pinanghahawakan ko ngayon dahil isang kalabit na lang iisipin ko nang iniiwasan niya nga talaga ako.

"Iniiwasan ka nun. 'Sus! Ang mga ganoong kagagandang lalaki Krisel, hindi nakukuntento sa isa. Nage-guilty 'yun kaya iniiwasan ka nun." Sinamaan ko ng tingin si Andeng na prenteng nakaupo sa may kalakihan nilang sofa sa sala.

Kaibigan ko ba talaga 'to? Imbes na palakasin ang loob ko ay lalo lang pinapahina, e.

"Hindi naman siguro, Andeng. Mabait naman si Sir Rod," apila kong mahina niyang ikinatawa.

"Iba ang mabait sa loyal, Krisel. Baka nakakalimutan mong magkaibang bagay 'yun."

Bumuntong-hininga ako saka nangalumbaba. Marami lang talagang ginagawa si Sir Rod ngayon. Iyon lang iyon. Saka isa pa, wala naman siyang dahilan para iwasan ako. Hindi naman kami nag-away. Maayos naman ang performance ko noong huling session namin. Oo nga pala, ni hindi pa namin natatapos ang librong 3 Ways to Heaven kaya malabo talagang iniiwasan niya ako.

"Oh Krisel, shot pa! Putanginang mga lalaking 'yan! Dapat sa kanila pinuputulan ng ari!" Kinuha ko ang basong inaabot sa akin ni Andeng saka pinanood siyang mabilis na nilagok ang laman ng kanya.

"Wag mo namang idamay si Sir Rod, Andeng... hindi ko pa nakikita ang ano niya."

"Ay takte! Sige, 'yung kay Jerome lang, tutal nakita, nahawakan, napisil, nalapirot, nasubo at natikman ko na 'yun!" Tawa nang tawa si Andeng tapos maya-maya ay iiyak na naman siya.

Ako dapat itong nagkakaganyan, e. Ako 'yung lugmok kanina pero biglang nabaliktad ang sitwasyon nang tawagan niya ang kanyang nobyong si Jerome tapos boses ng babae ang bumungad sa kanya. Hindi ko alam ang eksaktong pinag-usapan nila ngunit halos bumagyo ng murahan sa magkabilang linya. Mabuti na lang talaga at abala si Aling Petring sa kanilang tindahan kaya hindi nito narinig ang namumuyos na si Andeng.

Kaya ito at nagpapakalunod ito sa alak sa loob ng kanyang kwarto. Sinubukan ko siyang pigilan ngunit ayaw niyang magpaawat. Tiyak mapapagalitan siya nito ni Aling Petring.

"Mga walanghiya sila! Lalo na 'yang Jerome na 'yan, pagkatapos kong ibigay lahat. Punyeta siya! Naghanap pa ng iba! Ilang tahong ba ang kailangan niyang hinayupak siya!"

"Andeng, tama na 'yan..."

"Hindi, Krisel. Pati yang si Sir Rod mo, ganun din 'yan. Sa maniwala ka o hindi, pare-pareho lang silang mga hayop sila! Kaya hangga't maaga pa, hiwalayan mo na 'yang nobyo mo."

Medyo nainis ako sa sinabi niya ngunit pinilit ko siyang intindihin. Nasasaktan siya kaya nasasabi niya ang mga bagay na iyan. "Iba-iba ang tao, Andeng. Iba si Jerome, iba si Sir Rod," kalmadong wika ko.

"Hindi, Krisel! Pare-pareho lang sila! Sa una lang sila magagaling pero kapag nakuha na nila ang gusto nila sayo, putangina daig pa ang bulang bigla na lang nawawala."

Pumikit ako para ikalma ang aking sarili.

Hindi... hindi ganoon si Sir Rod. Maaaring ganoon si Jerome pero hindi ganoon si Sir Rod.

次の章へ